Araling Panlipunan - Ikalawang Markahan - Modyul 1: Anyo ng Globalisasyon PDF
Document Details
2020
Tags
Related
- Araling Panlipunan Grade 10 Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan 10 - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan Q2 Modyul 1 PDF
- Araling Panlipunan - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
- Araling Panlipunan 2nd Quarter Reviewer - Globalisasyon PDF
Summary
This document is a module on globalization for secondary school students in the Philippines with various topics on globalization. It includes learning activities, questions, and summaries. This module focuses on providing a comprehensive look at globalization in different perspectives.
Full Transcript
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Anyo ng Globalisasyon Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Alternative Delivery Mode Quarter 2, - Module 1: Anyo ng Globalisasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng ka...
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Anyo ng Globalisasyon Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Alternative Delivery Mode Quarter 2, - Module 1: Anyo ng Globalisasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Basilides A. Pacheco, Editor: Maria Rowena R. Lee Ella Rosario Sencio, Wella E. Pidere Tagasuri: Wendell C. Catam-isan, PhD Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III Rehiyunal na Director Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V Pangalawang Rehiyunaln na Director Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Tagapamanihalang Pansangay Shambaeh A. Usman, PhD Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay Mala Epra B. Magnaong, Chief, CLMD Neil A. Improgo, EPS-LRMS Bienvenido U. Tagolimot Jr., EPS-ADM Mga Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD, Chief, CID Wendell C. Catam-isan, PhD, EPS in Araling Panlipunan Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS Manager Jeny B. Timbal, PDO II Shella O. Bolasco, Division Librarian II i 10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Anyo ng Globalisasyon KAHON NG kATUGUNAN Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukator sa mga publikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas TALAAN NG NILALAMAN TALAAN NG NILALAMAN PAHINA Aralin 1: Pangkalahatang Ideya 1 Panimulang Pagtatasa 1 Dating Kaalaman 3 Paglalahad 4 Pagbuo ng Konsepto 4 Gawain 5 Pagtatasa 6 Paglalapat 6 Paglalahat 7 Panapos na Gawain 7 Aralin 2: Pangkalahatang Ideya 10 Panimulang Pagtatasa 10 Dating Kaalaman 12 Paglalahad 12 Pagbuo ng Konsepto 12 Gawain 13 Pagtatasa 13 Paglalapat 14 Paglalahat 14 Panapos na Gawain 15 Aralin 3: Pangkalahatang Ideya 17 Panimulang Pagtatasa 17 Dating Kaalaman 19 Paglalahad 19 Pagbuo ng Konsepto 21 Gawain 21 Pagtatasa 22 Paglalapat 22 Paglalahat 22 Panapos na Gawain 23 Susi sa Pagwawasto 25 Sanggunian 26 Aralin 1 Konsepto ng Globalisasyon Pangkalahatang Ideya Ang modyul na ito ay denisinyo at isinulat bilang pangkaisipan. Ito ay tumutulong na masuri ng mga mag-aaral ang anyo ng globalisasyon. Ang saklaw ng modyul na ito ay upang masuri ang mga implikasyon at anyo ng globalisasyon sa lipunan. Pagkatapos ng modyul na ito. Inaasahang ang mga mag-aaral ay: 1. Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan. Panimulang Pagtatasa Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang. ______ 1. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon? A. Malaya at malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong daigdig B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo. C. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sa sistema ng pamumuhay ng mga mammayan sa buong mundo. D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng digdig. ______2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Ekonomiya B. Migrasyon C. Globalisasyon D. Paggawa ______3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito maliban sa isa. A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal 1 _______4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na naging dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon? A. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, tranksaksiyon sa pananalapi at pagpapalaganap ng kalakalan na transnational Corporation, transportasyon at komunikasyon, makabagong teknolohiya, ideya at foreign direct investments. B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo at pagbaba ng sahod ng mga manggagawa. C. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng mga materyales na ginagamit dito. D. Sinikap mapabuti ng mga lokal na kompanya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya o mga multinasyunal. ______ 5. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa, ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangan ng local? A. Del Monte Corporation B. Multinational Companies C. Rebisco Corppration D. Transnational Corporation ______ 6. Ano ang isa sa mga pangyayari na makapagbabago sa buhay ng tao mula sa paggising, pagpasok sa paaralan at maging sa hapag kainan? A. Globalisasyon B. Lakas Paggawa C. Migrasyon D. Pagkamamamayan ______ 7. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan? A. Globalisasyon B. Lakas Paggawa C. Migrasyon D. Terorismo ______ 8. Alin sa mga sumusunod na institusyon na itinuturing na perennial institusyon? A. Tindahan, opisina, tanggulan B. Limbagan, paggawaan, koreo C. pamilya, simbahan, paaralan D. Sandatahan, Kagawaran, musuleo ______ 9. Ayon sa may akda ng ‘The world is Flat’ na si Thomas Friedman, ang globalisasyon sa kasalukuyan ay__? A. Mahirap at masalimoot B. Mabilis, malawak, mura at malalim C. Katulad sa mga nagdaang panahon 2 D. Maraming lumalabag at may kumpetisyon ______ 10. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan ito? A. Cuevas (2005) B. Nayan Chanda (200 C.Ritzer (2011) D. Therbon (2005) Dating Kaalaman Sa puntong ito ay inaasahan na mayroon ka nang malalim na pag-unawa sa mga iba’t ibang yugto ng isang DRRM plan. Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga mahalagang partisipasyon ng mga mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng DRRM Plan. 1. Dapat bang iasa ang mga gawaing pang-rehabilitasyon sa pamahalaan? Bakit? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Paano ang mabisang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran? Magbigay ng suhestiyon. ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 3 Paglalahad Subukin mong tukuyin ang mga produkto o serbisyo gamit ang sumusunod na logo. Humandang sagutin ang mga tanong. 1. Anong kumpanya ang kinakatawan ng logo? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________. 2. Bakit kilala ang kumpanyang ito? Ipaliwanag kung anong produkto o serbisyo ang binibigay nito. __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________. 3. Paano ito nagkaroon ng kaugnayan sa paksang globalisasyon? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________. Pagbuo ng Konsepto Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,2011) Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang 4 pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at perennial institusyon na matagal nang naitatag. Perennial institutions ang mga pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong nananantili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito. Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural. May mga salik at pangyayari na naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sa ating mundo. Ang ilan sa mga ito ay; pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan, paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi, pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigan transportasyon at komunikasyon, paglawak ng kalakalan ng transnational corporations, pagdami ng foreign direct investments sa iba’t ibang bansa, at pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya. Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang maiugnay mo sa iyong natutunan. Gawain `Itinuturing ito bilang proseso ng interaksiyon sa pagitan ng mga tao, kumpanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya. Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim’. Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Gamit ang kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong magbigay ng karagdagang mga tanong na makatutulong sa atin upang higit na maunawaan ito. Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw? Electronic gadgets, makina o produktong agrikultural? Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng skilled workers at propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse o caregiver? Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita, scientific findings and breakthroughs, entertainment o opinyon? Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, media o iba pang paraan? Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito? Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States, China, Germany, 5 Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas? Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Bakit? Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasiyon o pagsanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig. Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang isang halimbawa. Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyo-kultural. Nariyan ang iba’t ibang paalala. Pagtatasa Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa isyung may kinalaman sa globalisasyon, ano ang inyong saloobin tungkol sa konsepto ng globalisasyon? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ _____________________________________________________________. Paglalapat Lumikha ng isang poster na may nakapupukaw na islogan na naglalahad kung paano tayo makaagapay sa globalisasyon. Lubos na Mahusa-husay Hindi gaanong Kailangan pa Pamantayan mahusay (3) mahusay ng ibayong (4) (2) pagsasanay (1) Makatotohanan Hindi gaanong May mga Hindi Makatotohanan ang pahayag makatotohanan bahagi na hindi kapanipaniwala ang pahayag makatotohanan ang pahayag sa pahayag Makabuluhan Makabuluhan Hindi gaanong Hindi Makabuluhan ang mensahe ang karamihan makabuluhan makabuluhan sa mensahe ang mensahe ang mensahe 6 Lubhang Malinaw at Hindi gaanong Malabo at hindi Malinaw malinaw at nauunawaan malinaw at nauunawaan nauunawaan ang nauunawaan ang ang paglalahad pagkakalahadang pagkakalahad ng gawain ng gawain pagkakalahad ng gawain ng gawain Wasto ang Wasto ang mga May ilang mali Malabo ang Mali ang datos datos sa mga datos mga ibinigay ginawang na mga datos datos Malikhain Malikhain at May May Malaki ang masining ang pagkamalikhain kakulangan sa kakulangan sa paglalahad at masining pagiging pagiging ang paglalahad malikhain at malikhain at masining ang masining ang paglalahad paglalahad Paglalahat Sa dalawa o tatlong pangungusap ipahayag ang iyong pinakamahalagang natutuhan sa modyul na ito. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ______________________________________________________________ Panapos na Gawain Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na inilaan. ______ 1. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon? A. Malaya at malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong daigdig B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo. C. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sa sistema ng pamumuhay ng mga mammayan sa buong mundo. D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng digdig. ______2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa 7 kasalukuyan? A. Ekonomiya B. Migrasyon C. Globalisasyon D. Paggawa ______3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito maliban sa isa. A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal _______4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na naging dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon? A. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, tranksaksiyon sa pananalapi at pagpapalaganap ng kalakalan na transnational Corporation, transportasyon at komunikasyon, makabagong teknolohiya, ideya at foreign direct investments. B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo at pagbaba ng sahod ng mga manggagawa. C. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng mga materyales na ginagamit dito. D. Sinikap mapabuti ng mga lokal na kompanya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya o mga multinasyunal. ______ 5. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa, ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangan ng local? A. Del Monte Corporation B. Multinational Companies C. Rebisco Corppration D. Transnational Corporation ______ 6. Ano ang isa sa mga pangyayari na makapagbabago sa buhay ng tao mula sa paggising, pagpasok sa paaralan at maging sa hapag kainan? A. Globalisasyon B. Lakas Paggawa C. Migrasyon D. Pagkamamamayan ______ 7. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan? A. Globalisasyon B. Lakas Paggawa C. Migrasyon D. Terorismo 8 ______ 8. Alin sa mga sumusunod na institusyon na itinuturing na perennial institusyon? A. Tindahan, opisina, tanggulan B. Limbagan, paggawaan, koreo C. pamilya, simbahan, paaralan D. Sandatahan, Kagawaran, musuleo ______ 9. Ayon sa may akda ng ‘The world is Flat’ na si Thomas Friedman, ang globalisasyon sa kasalukuyan ay__? A. Mahirap at masalimoot B. Mabilis, malawak, mura at malalim C. Katulad sa mga nagdaang panahon D. Maraming lumalabag at may kumpetisyon ______ 10. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan ito? A. Cuevas (2005) B. Nayan Chanda (200 C.Ritzer (2011) D. Therbon (2005) 9 Aralin 2 Dimensyon ng Globalisasyon Pangkalahatang Ideya Halina’t suriin at unawain ang mga dimensyon ng globalisasyon. Makatutulong sa iyo ang mga gawain upang lubusang maunawaan ang mga mahalagang kaisipan tungkol sa globalisasyon at ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa dimensyon ng globalisasyon at kung paano nabago ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan Panimulang Pagtatasa Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot mula mga pagpipilian. ______1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa _______2. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito maliban sa isa. A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal 10 _______ 3. Ano ang ginagamit upang mapadali ang transaksyon lalung-lalo na sa paghahatid ng mensahe? A. Radio B. Cellphone C. Telegrama D. Sulat _______ 4. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho ang nabuo. Anong trabaho ang naging uso dulot ng online process based? A. Benta B. Gaming C. call center Agents D. Networking _______5. Anong tawag sa kasunduan ang naisulat na nagpapaluwag sa takbo ng kalakalan? A. Free Trade Agreement B. Online Agreement C. Tariff Agreement D. Trade Agreement ______ 6. Lahat ng mga sakit na kumalat sa buong daigdig ay dulot ng paglalakbay ng mga tao. Alin dito sa nabanggit ang hindi kasali? A. 2019 N- Corona Virus B. H1N1 Flu C. Ebola D. Malaria ______ 7. Saang dimensyon ng globalisasyon ang nagsaad na mas madaling magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga bansang kasapi sa organisasyon upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailangan? A. Kultura B. Politika C. Ekonomiko D. teknolohiya _______ 8. Alin sa mga sumusunod na dahilan bakit ang mga Pilipino ay nahuhumaling sa K drama? A. Dahil Hi - Tech ito B. Dahil naintindihan nila C. Dahil maganda ang estorya at napupulutan ng aral D. Dahil maraming magandang lugar at artista na makikita _______ 9. Ang N- Corona Virus ay isa sa pinaka tatakutan na sakit sa kasalukuyan, kailan ito nagsimula? A. 2017 B. 2019 11 C. 2018 D. 2020 _______10. Ano ang kasabay ng K Pop na mabilis na lumaganap ang pag-unlad sa buong daigdig? A. Pagtaas ng kita sa negosyo B. Pagtaas ng sahod ng manggagawa C. Pagtaas ng porsyento sa buwis D. Pagtaas ng bilang ng nangingibang bansa Dating Kaalaman Sa puntong ito ay inaasahan na mayroon ka nang malalim nap ag-unawa sa mga konsepto ng globalisasyon. Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga mahalagang kaisipan na nagpapahayag ng konsepto ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan. Ipaliwanag: 1. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng tao? 2. Kailan at paano nagsimula ang pandaigdigang penomenong ito? Paglalahad Bunsod ng globalisasyon, lumawak ang pandaigdigang ugnayan. Makikita natin ang iba’t ibang aspekto ng ating pamumuhay at kultura na mabilis na binago dahil sa globalisasyon. Panuto: Isulat ang mga bagay na ginagamit upang mapabilis ang mga gawain ng tao sa kasalukuyan sa larangan ng: komunikasyon, paghatid ng balita, trabaho, paglalakbay, kultura, ekonomiya at politika. Larangan Mga Produkto (Magsulat ng tatlong produkto) komunikasyon balita trabaho paglalakbay kultura ekonomiya politika 12 Pagbuo ng Konsepto Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang manipestasyong ito. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang. Kung paano binago ng globalisasyon ang sistema ng komunikasyon, paglalakbay, ekonomiya, kultura at politika sa ating bansa? Anu-ano ang mga impluwensiya nito sa pamumuhay ng tao? Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang globalisasyon bilang isyung panlipunan. Nilalayon din na matapos ang aralin ay iyong maipapaliwanag kung paano nito binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Tulad nalang sa komunikasyon, lahat ng tao ay gumagamit na ng cellphone, upang mapadali nito ang transaksyon. Gumagamit ito ng Internet. Sa balita naman mayroon na tayong telebisyon, radio at iba pa para maparating ang balita. May mga news network din na naghahatid ng mga balitang pandaigdig tulad ng CNN, BCC at iba pa. Sila din ang nakatulong sa globalisasyon dahil naiparating at naipalabas nila ang mga balita sa iba’t ibang dako sa mundo. Sa Larangan ng teknolohiya, dahil sa globalisasyon, nagkakaroon din ng pagkakataon makagawa ng ilang trabahong online – based, kaya dumami ang call center agents, maging ang home based online at ang pinaka uso ngayon ang proseso ng barter ay sa pamamagitan ng Facebook. Sa paglalakbay milyon-milyong mga tao pumunta sa ibang panig ng mundo, upang magbakasyon, mag-aral, mamasyal o magtrabaho. Dahil sa higit na malayang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, madaling kumalat ang iba’t ibang sakit tulad ng AIDS, SARS, H1N1 FLU, Ebola at MERS-COV at sa kasalukuyan ang kinatatakutan ang 2019 N- Corona Virus.Ang pag-unlad ng telekomunikasyon at information technology tulad ng kompyuter,Internet at cellular phone ay lalong nagpabilis sa takbo ng kalakalan.Mas maraming free trade agreements ang naisulat na nagpapaluwag ng kalakalan.Sa politika mas madaling magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga bansang kasapi sa organisasyon upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailanagan.Sa larangan ng kultura ,ang daming popular na kultura ang napapansin sa buong daigdig tulad ng pakikinig ng mga musika ng Koreano kahit hindi maintindihan,marami pa rin ang tumatangkilik.Dahil sa globalisasyon, ang panonood ng K drama o soap opera ay kinahihiligan na rin ng mga Pilipino at iba pang bansa.Maging sa estilo ng pananamit halo-halo na rin.Halimbawa ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo kadalsan nang nagsuot ng maong na pantalon o jeans,t-shirt, sapatos na goma,sandals at iba pa. kasama rin dito ang pagdadala ng mga negosyong nagtitinda ng mga damit. Dahil dito, tumataas ang kita ng mga negosyo kasama ang pagpapalaganap ng pop culture. Gawain Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag ang inyong sagot. 1. Komunikasyon 2. Paglalakbay 13 3. Popular na kultura 4. Ekonomiya 5. Politika Pagtatasa 1. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba dito? Gumawa ng sanaysay ukol sa iyong paniniwala, Bumuo ng 50 na salita ukol dito. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Paglalapat Pumunta sa isang sari-sari store o grocery store, canteen at mga kauri nito. Maglista ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Pumili ng lima sa mga produkto o serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o ipinagbibili rin sa ibang bansa. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba. Produkto/Serbisyo Kompanya Bansang Pinagmulan 1. 2. 3. 4. Sagutan ang Tanong. 1. Ano-anong produkto at serbisyo ang iyong natuklasan na ipinagbibili hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa iba pang bansa? 2. Sa anong mga bansa nagmula ang mga produkto o serbisyong nabanggit? 3. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng daigdig. 4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin? Pangatuwiranan. Paglalahat 14 Sa dalawa o tatlong pangungusap ipahayag ang iyong pinakamahalagang natutuhan sa modyul na ito. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ __. Panapos na Gawain Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot mula mga pagpipilian. ______1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa _______2. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito maliban sa isa. A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal _______ 3. Ano ang ginagamit upang mapadali ang transaksyon lalung-lalo na sa paghahatid ng mensahe? A. Radio B. Cellphone C. Telegrama D. Sulat _______ 4. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho ang nabuo. Anong trabaho ang naging uso dulot ng online process based? A. Benta B. Gaming C. call center Agents D. Networking 15 _______5. Anong tawag sa kasunduan ang naisulat na nagpapaluwag sa takbo ng kalakalan? A. Free Trade Agreement B. Online Agreement C. Tariff Agreement D. Trade Agreement ______ 6. Lahat ng mga sakit na kumalat sa buong daigdig ay dulot ng paglalakbay ng mga tao. Alin dito sa nabanggit ang hindi kasali? A. 2019 N- Corona Virus B. H1N1 Flu C. Ebola D. Malaria ______ 7. Saang dimensyon ng globalisasyon ang nagsaad na mas madaling magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga bansang kasapi sa organisasyon upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailangan? A. Kultura B. Politika C. Ekonomiko D. teknolohiya _______ 8. Alin sa mga sumusunod na dahilan bakit ang mga Pilipino ay nahuhumaling sa K drama? E. Dahil Hi - Tech ito F. Dahil naintindihan nila G. Dahil maganda ang estorya at napupulutan ng aral H. Dahil maraming magandang lugar at artista na makikita _______ 9. Ang N- Corona Virus ay isa sa pinaka tatakutan na sakit sa kasalukuyan, kailan ito nagsimula? A. 2017 B. 2019 C. 2018 D. 2020 _______10. Ano ang kasabay ng K Pop na mabilis na lumaganap ang pag-unlad sa buong daigdig? E. Pagtaas ng kita sa negosyo F. Pagtaas ng sahod ng manggagawa G. Pagtaas ng porsyento sa buwis H. Pagtaas ng bilang ng nangingibang bansa 16 Aralin Perspektibo at Pananaw ng 3 Globalisasyon Pangkalahatang Ideya Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para sa pangkaisipan. Ito ay tumutulong na masuri ng mga mag-aaral ang anyo ng globalisasyon. Ang saklaw ng modyul na ito ay upang masuri ang mga implikasyon at anyo ng globalisasyon sa lipunan. Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naiuugnay ang ibat’ ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang suliraning panlipunan Panimulang Pagtatasa Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang. 17 ______ 1. Sino ang nagsasabi na ang manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma, manakop at maging adbenturero o manlalakbay? A. Agoncillo B. Chanda C. Scholte D. Therborn ______2. Pang-ilang pananaw ang nagsasaad na globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbababgo? A. 4 B. 3 C. 2 D. 1 _______3. Kaninong pananaw ito na maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap? A. Agoncillo B. Chanda C. Scholte D. Therborn _______4. Sino ang naniniwala na ang globalisasyon ay may anim na ‘wave’ o epoch o panahon? A. Agoncillo B. Chanda C. Scholte D. Therborn ______ 5. Anong siglo na Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)? A. Ika-4 na siglo hangang ika-5 siglo B. Ika-7na siglo hanggang ika-8 C. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 D. Huling bahagi ng ika-15 siglo ______ 6. Sa gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918, anong pangyayaring naganap dito? A. Pananakop ng mga Europeo B. Rurok ng Imperyalismong Kanluran C. Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya D. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo 18 ______ 7. Pang –ilang Pananaw o perspektibo na ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 ______ 8. Kailan nagsimula ang pagbabago sa mga siyudad-estado sa Italya? A. Ika-14 na siglo B. Ika-11 na siglo C.Ika-12 na siglo D. Ika-16 na siglo ______ 9. Ayon sa kasaysayan kailan unang ginamit ang telepono? A. 1956 B. 1967 C. 1964 D.1945 ______10. Kailan inilabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satelite? A. 1976 B. 1975 C.1966 D. 1968 Dating Kaalaman Sagutan ang mga tanong upang malalaman kung mayroon kang natutuhan sa nakalipas na aralin. 1. Paano naaapektuhan ng globalisasyon ang inyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang mga-aaral? 2. May kaugnayan ba ang pag-unlad sa globalisasyon? 3. Nakatutulong ba o nakasasama ang globalisasyon sa kalagayan ng mga ekonomiya ng bansa? Paglalahad Upang higit na maunawaan ang globalisayon bilang isang kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito.May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na 19 pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito. Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon at ito’y makikita sa talahanayan na nasa kasunod na pahina. Panahon Katangian Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century) Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo) Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo (late 15th century) Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang Digmaan sa pagitan ng mga bansa unang sa bahagi ng ika-19 na siglo Europa na nagbigay-daan sa (late 18th-early 19th century) Globalisasyon Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo Rurok ng Imperyalismong Kanluran hanggang 1918 Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng mga Produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United States. Mula sa talahanayan, itinampok ni Therborn na ang globalisasyon ay hindi isang bagong penomenon o pangyayari at hindi rin siklo. Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod: Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998) o Pag- usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman o Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo o Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America o Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon o Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo nang unang ginamit ang telepono noong 1956 o nang lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang London. Maaari rin namang nagsimula ito nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite ng taong 1966. Mayroon ding nagsasabi na ang globalisayon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang ‘global’ na daigdig. 20 Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang: Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakasmilitar nang talunin ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naungusan ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sakupin ang mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (taong 1960-70). Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs) Bagama’t ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang bansa partikular sa mga developing nations. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ford at General Motors. Dati’y mamimili ng sariling bansa ang pokus ng mga kompanyang ito subalit sa kasalukuya’y malaking bahagdan o porsyento ng kanilang kita ay nanggagaling sa mga bansa sa Asya at Latin America. (Tatalakayin ang isyung ito sa mga susunod na bahagi.) Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. Matapos ang pangyayaring ito’y mabilis na nabura ang markang naghahati at naghihiwalay sa mga bansang komunista at kapitalista. Pumasok ang mga multinational companies (MNCs) sa mga bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia. Nagbukas ang mga bansang ito sa migrasyon, media, turismo at ugnayang panlabas. Mula sa mga pangyayaring binanggit, sa iyong palagay ano ang naging dahilan ng pagsisimula ng globalisasyon? Pangatuwiranan. Punan ang graphic organizer na Balangkas- Kaalaman batay sa iyong naunawaan sa binasang teksto. Isulat sa unang kolum ang pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman ang mahahalagang kaisipan kaugnay nito. Isulat sa ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na kaisipan sa bawat pananaw. BALANGKAS KAALAMAN Perspektibo/Pananaw Mahalagang kaisipan Esensyal na kaisipan Pagbuo ng Konsepto 21 Batay sa limang perspektibo at pananaw ukol sa Globalisasyon na inyong binasa, sagutin ang pamprosesong tanong at punan ang radical cycle. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangkalahatang tema ng binasa ninyo? 2. Isa-isahin ang mga inilahad na pananaw at perspektibo kung bakit umiiral ang globalisasyon. Isulat ang inyong kasagutan sa radical na cycle na nasa ibaba. ? ? Mga Perspektibo at pananaw ukol sa ? Globalisasyon ? ? Gawain Punan at buuin ng mahalagang datos na hinihingi sa timeline na nasa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1.Paano nagsimula at lumaganap ang globalisasyon? 2.Bakit kailangang malaman ang bawat panahon at mga pangyayari nito? Katangian Panahon Pagtatasa 1. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba dito? Ipaliwanag ang iyong sagot. 22 2. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay katanggap-tanggap? Pangatuwiranan. 3. Nakatutulong ba ng globalisasyon sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas? Paglalapat Gumawa ng repleksyon batay sa inyong saloobin ukol limang perspektibo at pananaw ng globalisayon. Ano ang simula ng mga pagbabago? at paano ito lumaganap batay sa paliwanag sa paksa? Paano din ito iuugnay sa kasalukuyan? Paglalahat Gumawa ng poster na nagpapakita ng globalisasyon noon at sa ngayon. Panapos na Gawain Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang. ______ 1. Sino ang nagsasabi na ang manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma, manakop at maging adbenturero o manlalakbay? A. Agoncillo B. Chanda C. Scholte D. Therborn ______2. Pang-ilang pananaw ang nagsasaad na globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbababgo? A. 4 23 B. 3 C. 2 D. 1 _______3. Kaninong pananaw ito na maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap? A. Agoncillo B. Chanda C. Scholte D. Therborn _______4. Sino ang naniniwala na ang globalisasyon ay may anim na ‘wave’ o epoch o panahon? A. Agoncillo B. Chanda C. Scholte D. Therborn ______ 5. Anong siglo na Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)? A.Ika-4 na siglo hangang ika-5 siglo B.Ika-7na siglo hanggang ika-8 C.Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 D. Huling bahagi ng ika-15 siglo ______ 6. Sa gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918, anong pangyayaring naganap dito? A.Pananakop ng mga Europeo B. Rurok ng Imperyalismong Kanluran C. Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya D. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo ______ 7. Pang –ilang Pananaw o perspektibo na ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 ______ 8. Kailan nagsimula ang pagbabago sa mga siyudad-estado sa Italya? A. Ika-14 na siglo B. Ika-11 na siglo C.Ika-12 na siglo D. Ika-16 na siglo 24 ______ 9. Ayon sa kasaysayan kailan unang ginamit ang telepono? A. 1956 B. 1967 C. 1964 D.1945 ______10. Kailan inilabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satelite? A. 1976 B. 1975 C.1966 D. 1968 MAHUSAY! Natapos mo na ang iyong mga gawain Susi sa Pagwawasto Aralin 1: Konsepto ng Globalisasyon Aralin 2: Dimensyon ng Globalisasyon 25 Aralin 3: Perspektibo at Pananaw ng globalisasyon Sanggunian Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson Maria Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga Kontemporaryong isyu, Binagong Edition Learners Manual, Mga Kotemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10 http//.google.com https://www.slideshare.net/ Aileen Enriquez/ap10-modyul 2-mga isyung pangekonomiya aralin 1- and 2?from_action=save 26