AP Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by LuminousRhyme
Tags
Summary
This document discusses the reasons behind the Spanish colonization of the Philippines, focusing on the economic motivations, religious goals, and political objectives. It details the concept of mercantilism and the spread of Christianity by Spanish conquistadors, ultimately highlighting the establishment of the Spanish colonial government.
Full Transcript
Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol Kayamanan (Gold): Sukatan ng Kapangyarihan Ninais ng mga bansa sa Europa na madagdagan ang kanilang kayaman at kabuhayan dahil ito ang isang batayan ng pagiging mayaman o makapangyarihang bansa noon. Ang paniniwalang ito ang tinatawag ng merkantilismo...
Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol Kayamanan (Gold): Sukatan ng Kapangyarihan Ninais ng mga bansa sa Europa na madagdagan ang kanilang kayaman at kabuhayan dahil ito ang isang batayan ng pagiging mayaman o makapangyarihang bansa noon. Ang paniniwalang ito ang tinatawag ng merkantilismo. Lumaganap ang konseptong merkantilismo sa paniniwalang ang mga bansa ay mas lalakas at mas magiging makapangyarihan kung magkakaroon ito ng maraming nalikom na kayaman sa anyo ng mamahaling metal tulad ng ginto at pilak. Nais ng mga Espanyol na palawakin ang kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng panggagalugad ng mga bansa. Dahil sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas na malapit sa islang tinatawag na Spice Islands o Moluccas na hinahanap ng mga Europeo para kumuha ng mga rekado o pampalasa, ito ay nagbigay-daan sa pagkadiskubre at pagdating ng mga Espanyol sa bansa. Ang mga rekado o mga sangkap na nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta, luya, sili, bawang ,oregano, cinnamon, at nutmeg ay mahalaga sa mga taga-Europa.Sa paglipas ng panahon, lumaki ang pangangailangan ng taga-Europa sa mga pampalasa ng pagkain, mga sangkap sa pag-iimbak ng pagkain, at sangkap sa panggagamot. Ang Pilipinas ang naging sentro ng pamamahagi ng iba't ibang produkto mula sa Timog-Silangang Asya dahil daanan ito ng mga sasakyang pandagat buhat sa maraming panig ng mundo. Bunga nito, umunlad din ang ekonomiya ng bansa pati na rin ang kultura nito. Kristiyanismo (God): Sandalan ng Paniniwala Isa sa mga layunin o misyon ng mga Espanyol sa kanilang pananakop ay ang pagpalaganap ng Kristiyanismo. Nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pagdating ng ekspedisyon na pinamunuan ni Ferdinand Magellan noong 1521. Kasama niya si Padre Valderrama na nagsagawa ng unang misa sa Limasawa at bininyagan niya ang mga katutubo. Ito ay nasundan nang tumuloy sina Magellan sa Cebu. Pagkatapos ng misang naganap, nagtayo ng krus si Magellan at sinundan ito ng pagbibinyag sa mga katutubo na pinamunuan ni Raha Humabon at ng kanyang asawa. Sila ay binigyan ng pangalang Carlos at Juana. Isang imahen ng Sto. Nino ang ibinigay kay Juana. Nang tumuloy sila sa Mactan ay sinalubong sila ng mga kawal ng Lapu-Lapu, ang pinuno ng Mactan at naganap ang labanan na ikinasawi ni Magellan at mga kawal nito sa labanan sa Mactan. Ang ikalawang ekspedisyon ay pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi at kasama niya si Padre Andres de Urdaneta. Nagtuloy sila sa Bohol at bininyagan ni Padre Andres ang mga katutubo na pinamunuan nina Raja Sikatuna at Raja Sigala. Tumuloy sina Legazpi sa Cebu at nang masakop nila ito ay itinatag ang kauna- unahang panirahan ng mga Espanyol sa Pilipinas.Sa bawat lupain na sinakop ng mga Espanyol, nagtulungan ang mga pinuno ng pamahalaan at mga prayle o pari. Pinalaganap ng mga prayle ang relihiyong Romano Katoliko sa pamamagitan ng kanilang mabisang pananalita at makukulay na seremonya at ang mga pinuno ay nagpairal ng mga batas sa pamahalaan na umayon sa mga alituntunin ng relihiyon. Ipinakilala ng mga Espanyol ang pananampalatayang Kristiyanismo na naniniwala sa nasa Roma at siya ay tinatawag na Pope o Papa. Ang mga batas sa pamahalaan ay umayon sa mga alituntunin ng Relihiyong Romano Katoliko tulad ng mga sumusunod: Karangalan (Glory): Susi ng Kapangyarihan Bilang nangungunang bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain, ninais ng mga Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan nito para simulan ang pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang lahat ng mga bansa o lupaing nasakop nila ay tuwirang kinontrol, pinamahalaan, at nilinang. Ang pamamahalang ito ay tinatawag na kolonyalismo. Muling nagpadala ang Espanya ng iba pang ekspedisyon upang balikan ang Pilipinas ngunit nabigo ang mga ito.Noong Abril 27, 1565, pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi ang panibagong ekspedisyon at narating nila ang Pilipinas. Sa Cebu ay nagsimulang magtatag ng pamayanang Espanyol si Lepazpi. Itinakda ni Legazpi ang Cebu bilang kauna-unahang pamayanan Espanyol sa Pilipinas at pinangalanan niya itong La Villa del Santisimo Nombre de Jesus. Ang Kalye Colon sa Cebu ay itinuring bilang pinakamatandang kalye sa Pilipinas. Noong 1569 ay nagtayo ng mga pamayanan si Legazpi sa Panay at sinundan ito sa pagtatag sa pamayan sa Masbate, Ticao, Burias, Mindoro, Mamburao, at Albay. Nakapagtatag din ng pamayanan ang mga Espanyol noong Hunyo 24, 1571 na kinilala ang Manila bilang isang bagong Lungsod ng Espanya. Dito nagsimulang matupad ang hangaring pampolitika ng bansang Espanya. Itinatag ang Pamahalaang Espanyol sa bansa na kung saan ang mga Pilipino ay napasailalim nito. Isa sa nakikitang dahilan kung bakit madaling nasakop ng mga Espanyol ang halos buong bansa ay dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino noon.Ngunit may mga lugar sa Pilipinas tulad ng ilang lugar sa Mindanao ang hindi napasailalim sa pamamahala ng mga Espanyol bagkus nagpatuloy ang kanilang sistema ng pamahalaan na tinatawag na Sultanato. Kaugnayan ng mga Layunin ng Espanyol sa Paraan ng Pananakop sa Katutubong Populasyon Kung naalala mo pa ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay may tatlong pangunahing layunin – bilang pagkukunan ng rekado o pampalasa; pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at pagpapalawak ng kanilang imperyo. Upang mapalaganap ang Kristiyanismo, hinikayat nila ang mga Pilipino na tumira sa mga cabecera at visita. Ang paglipat sa cabecera ay pagtira sa “bajo de la campana” o ilalim ng kampana. Ibig sabihin, dinig nila ang panawagan ng kampana na magtipon sa simbahan. Ang paglipat ng tirahan sa mga cabecera at sa nakapligid nitong mga visita ay tinatawag na reduccion. Pangunahing layunin nito ay upang mas madaling makontrol ang mga katutubo kung hindi sila watak-watak at upang mas mapadali ang pagbabayad ng mga buwis. Maraming Pilipino ang tumutol sa reduccion. Nangangahulugan kasi itong higit na pagsa-ilalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Para naman sa ibang Pilipino, hindi madaling lisanin ang dating tirahan lalo pa’t maraming salinlahi na ang nanirahan dito. Upang mahikayat na lumipat sa cabecera at pueblo, nagsagawa ang mga prayle ng mga makulay na pagdiriwang tulad ng pista. Hindi lamang naging okasyon ito upang palaganapin ang Kristiyanismo, naging pahinga rin ito ng mga Pilipino sa araw-araw na gawain. Nagustuhan nila ang mga kaakibat nitong prusisyon, sayaw, musika at mga pagtatanghal. Binigyna halaga din ang doctrina sa pagtatag ng mga bagong pamayanan kung saan tinuturo ng mga itinalagang misyonero ang katesismong Katoliko sa mga mamamayan. May mga hindi sumang-ayon sa reduccion kaya minabuti nilang manirahan sa kabundukan upang doon mamuhay ng malaya hindi nagbabayad ng buwis at hindi sumusunod sa patakarang Espanyol at tinatawag silang mga taong labas. Hindi pabor ang mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino. Para sa kanila, hindi ito nagpapakita ng sibilisasyon at mas madali nilang makontrol ang mga katutubo pag hindi watak watak ang kanilang pamayanan. Hiwa- hiwalay ang mga pamayanang nasakop ng mga Espanyol. May ibang katutubo ang hindi sumang-ayon sa kagustuhan ng Espanyol. Sa pagpapatupad ng Reduccion, maraming Pilipino ang naalis sa lugar na dati nilang tinitirhan. Binigyang halaga ang doctrina o pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga mamamayan. Ito rin ang naghanda sa kanila sa pamumuhay ng parokya. Hindi rin madaling napasunod ang mga Pilipino sa nais mangyari ng ma Espanyol. Ngunit dahil sa lakas ng kanilang mga sandata at sigasig ng mga misyonero, nagtagumpay ang pagbabagong-bihis ng mga mamamayan. Gayumpaman, may ilang bumalik sa dati nilang panahanan tulad sa kabundukan dahil na rin sa pang-aabuso ng kapangyarihan. ANG KONSEPTO NG PATRONATO REAL AT ANG IMPLIKASYON NITO SA PANANAKOP NG MGA ESPANYOL Ang Patronato Real Ang simbahan at estado ay nagkakaisa sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ang mga prayle sa panahong ito ay may mahalagang papel na ginagampanan tulad ng pagpapatatag ng kolonyalismo kung kaya sila ay kinikilala, suportado at protektado ng pamahalaan. Binanggit ng isang historyador na si Renato Constantino ang isang laganap na paniniwalang, “Para sa bawat prayle sa Pilipinas, ang hari ay may nakalaang isang kapitan heneral at isang hukbo”. Ito’y isang patunay na makapangyarihan ang mga prayle na naatasan sa mga gawaing panrelihiyon at pansibiko. Dahil dito, nagkaroon ng tinatawag na “praylokrasya” na ang ibig sabihin ay lubos na makapangyarihan ang simbahan sa mga usaping panrelihiyon, pampolitika at panlipunan. Ang unyon o ang pagkakaisa ng simbahan at estado ay isa lamang sa mga katangian ng kolonyalismong Espanyol sa ating bansa. Ang bawat isa ay may awtonomiya ngunit dahil sa matinding pagdepende nila sa isat-isa, halos naging iisa na lamang ang dalawang institusyong ito. Ang hari ng Spain ay binigyan ng kapangyarihan ng Santo Papa na pangasiwaan ang pondo ng simbahan at papgpili ng mga paring opisyal kaya nagsikap ang pamahalaan na mapalaganap ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng matinding suporta ng pamahalaan sa simbahan sa aspetong pinansyal at militar. Ang patronato real o royal patronage ay ugnayan ng simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay may mahalagang papel sa pangangasiwa at pagsuporta sa simbahan. Sa ilalim ng patronato real, ang hari ang may kapangyarihang pangasiwaan ang pondo ng simbahan at pumili ng mga paring opisyal. Kaya tungkulin ng isang haring tiyakin ang suportang militar at pinansyal sa mga prayle. Bilang kapalit nito, ginagawa ng mga prayle ang pagmimisyon upang matiyak ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa kolonya. Ito’y paraan ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas na naging dahilan ng pagtatagumpay ng kolonyalismo. REAKSYON NG MGA PILIPINO SA KRISTIYANISMO Balikan natin ang nangyari sa Cebu noong 1921 nang dumating si Ferdinand Magellan. Sina Raha Humabon at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag sa Katolisismo kay Padre Valderama. Maraming katutubo ang nagpabinyag at maluwag na tinanggap ang mga aral at paniniwala ng Katolisismo. Nang dumting sina Miguel Lopez de Legazpi at Padre Andres de Urdaneta,isang Agustino, noong 1565, naging mabilis ang paglaganap ng Katolisismo at kasabay nito ang pagtatag naman ng pamahalaan hanggang sa lumawak ang mga lupaing nasasakupan ng mga Espanyol. Nang lumaon, may mga Pilipino Kristiyano na namuno sa pag-aalsang panrelihiyon. Iba-iba ang dahilan ng kanilang pag-aalsa. Noong 1621, hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng Bohol na manumbalik sa dati nilang paniniwala. Ang mga taga Cordillera ay tumutol sa Kritiyanismo noong 1601. Noong 1622, Sina Bankaw, Datu ng Limasawa at Pagali, isang babaylan, ay tumalikod sa Kristiyanonismo upang manumbalik sa dati nilang paniniwala. Noong 1625, hinikayat naman nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao ang mga Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpatuloy ang kanilang kinagisnang pananampalataya. Sinunog nila ang mga simbahan at kinuha ang mga bagay na maaari pang mapakinabangan. Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1663 ang pakikipaglaban. Nais ni Tapar na magtatag ng bagong relihiyon batay sa Kristiyano ngunit tinululan ito ng mga prayle. Pinamunuan naman ni Francisco Dagohoy, na isang cabeza de barangay ang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayleng Heswita na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na namatay sa duwelo. Nagsimula ang pag-aalsa noong 1744 at nagtapos noong 1829. Sa lalawigan ng Quezon, noong 1840, itinatag ni Apolinario de la Cruz na kilala sa tawag na Hermano Pule ang Cofradia de San Jose. Bilang isang debotong Katoliko, nais ni Hermano Pule na maging pari ngunit siya ay tinanggihan dahil sa siya’y isang indio. Dahil dito, itinatag niya ang nasabing samahan at maraming nahikayat na sumapi dito. May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala. Ang mga Muslim at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko. Matatag ang mga Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay nagpakalayu-layo upang hindi marating ng mga pari. Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay hindi narating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan. Apat ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo sa Pilipinas: (1) Sumampalataya nang lubos, (2) Nag-alsa, (3) Tahimik na bumalik sa dating pananampalataya, at (4) Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari. Ang mga Pilipinong Nagpahayag ng DiPagsang-ayon sa Mapang-aping Polisiya ng mga Espanyol Hindi naging madali ang pagsakop ng mga Espanyol sa katutubong Pilipino dahil umani ito ng iba’t ibang reaksiyon at nagkakaroon ng pag aalsa laban sa mga mananakop. Ang pamamaraan ng kristiyanismo, reduccion, encomienda, at sapilitang paggawa sa paglalaganap ng kolonyalismo ay hindi naging mabisang paraan. Humantong ito sa mga pag-aalsa. Ang kagustuhan ng mga katutubo ay maipaglaban ang kanilang mga karapatan at makapamuhay nang malaya. Bagama’t nabigo ang mga pag-aalsa, hindi nila taos-pusong tinanggap ang pang-aabuso sa kanila ng mga Espanyol. Kumilos sila at nagkaisa upang matigil ang pang-aabuso. Dahil sa pagmamalabis ng pamamaraan ng mga Espanyol ay maraming pag-aalsa ang isinagawa ng mga Pilipino upang wakasan ito. Dumanas ng matinding hirap ang mga katutubo at napilitang gumawa ng iba’t ibang mabibigat na bagay. Naging mapagmalabis ang ginawa ng mga Espanyol sa mga katutubo hanggang humantong ito sa pag-aalsa at pagkakaroon ng kalayaan ang mga katutubo. PWERSANG MILITAR (DIVIDE AND RULE) Ang pagdating ng mga Espanyol sa bansa ang naging hudyat sa iba’t ibang mga pagbabago sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Ito ang naging daan upang sila’y mapasailalim sa kapangyarihan ng mga dayuhang Espanyol. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan upang mapasailalim ang mga Pilipino sa kapangyarihan ng mga Espanyol: ❖ Ang mga Pilipino ay kulang sa mga armas at sandata sa pakikipaglaban kaya sinamantala ng mga Espanyol ang pananakop sa mga lalawigan. Itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang pamayanan sa Cebu matapos nabigong ipaglaban ng mga katutubo ang kanilang lugar. ❖ Isinuko ni Humabon ang kanilang lugar at tinanggap ang mga Kastila. ❖ Sumunod ang iba pang ekspedisyon na naglalayon ding sakupin ang bansa sa paraang pwersa militar, kapag hindi ito makukuha sa kasunduan. ❖ Nilusob ni Legaspi ang Kamaynilaan at napasailalim ito sa mga Espanyol. ❖ Nagpatuloy ang kanilang pananakop sa mga lalawigan sa timog at hilagang Luzon sa pamumuno ni Juan de Salcedo. ❖ Ang kawalan ng pagkakaisa ng mga katutubo ang naging daan upang pahinain ang mga pag-aalsang ginawa ng mga Pilipino. Kung hindi noon mahihimok ang mga katutubo sa pamamagitan ng diplomasya, lakas-militar ang ginamit nila. ❖ Sinisimbolo ng espada ang kapangyarihan at lakas ng mga Espanyol sa kanilang pananakop. ❖ Ang paraang Divide and Rule na ginamit ng mga Espanyol ay lalong nagdudulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-aaway sila sa kapwa Pilipino sa ibang pangkat. Mararahas na parusa ang matatanggap ng mga lumaban sa Espanyol at sa kasamaang-palad ay pinapatay ng kapwa Pilipino ang kanilang mga kasama. KRISTIYANISASYON NG MGA KATUTUBO Ginamit ang simbahan ng mga Espanyol para mapalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo sa bansa. Ito rin ang ginamit nila para maipatupad ang Kolonyalismo. Ginawa nila ito upang mapalitan ang dating paniniwala ng mga katutubo sa mga diyos sa kalikasan o ang paniniwalang Paganismo. Ipinadala dito sa bansa ang mga prayle o misyonero para magturo sa relihiyon. Sila ang namamahala sa mga simbahang itinatag ng mga Espanyol. Maraming mga pagbabago sa mga paniniwala sa mga katutubo ang ipinatupad ng mga prayle. Kabilang dito ay ang pagsamba sa iisang Diyos, pamumuno ng mga pari sa gawaing pangrelihiyon tulad ng misa at binyag, mga ritwal na ginagawa sa mga banal na pook, at seremonyang isinasagawa sa mga santo. Maraming ginawa ang mga prayle para maakit ang mga katutubo tulad ng pagbibinyag at pagbibigay ng biyaya. Nagtayo din sila ng malalaking Krus sa mga lugar na kanilang napasok at nasakop. Nagpatupad ng Reduccion o sapilitang paglilipat ng mga katutubo sa pueblo o sentro ng populasyon upang madali silang matawag sa pagtitipon gaya ng misa at iba pang gawaing panrelihiyon. Ang sinumang hindi lumipat ay hindi mabibinyagan at mapaparusahan ang mga lumaban. Nagkaroon ng konsepto ang mga katutubong Pilipino na ang kanilang paniniwala sa relihiyon at Kristiyanismo ay mahalaga sa pagpapatibay ng ugnayan sa pamilya dahil sila ay nagsasama-sama sa pagdarasal. Ang Kristiyanisasyon ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol upang maging matagumpay ang Kolonisasyon sa bansa.