Araling Panlipunan 9 Q2 Week 2 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document appears to be an economics module for 9th graders. The document contains questions and a description of various concepts related to demand and elasticity in economics.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 1 Pangalan: ____________________________ Pangkat: __________ Guro: ____________ MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA Aralin DEMAND AT 2 ANG ELASTISIDAD NG DEMA...
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 1 Pangalan: ____________________________ Pangkat: __________ Guro: ____________ MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA Aralin DEMAND AT 2 ANG ELASTISIDAD NG DEMAND Most Essential Learning Competency: Natatalakay ang mga konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw-araw na pamumuhay. Code: AP9MKE-lh 20 Ang modyul na ito ay nilikha upang malaman mo na maraming salik ang nakaaapekto sa demand maliban sa presyo. Sa pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon sa pang- araw-araw mong pamumuhay. Matututuhan mo rin ang ilang paraan sa pagsukat ng pagtugon ng mga mamimili sa pagbabago ng presyo. Ito ay tumutukoy sa konsepto ng elastisidad ng demand. May mga gawain din na nakahanda upang sukatin ang iyong mga natutunan sa aralin. Umaasa akong mapagyaman mo ang iyong kaalaman sapagkat ito ay batay sa iyong mga karanasan na nakaaapekto sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng demand bilang isang mahalagang konsepto sa Ekonomiks. Matapos ang araling ito inaasahan na: 1) Natatalakay ang mahahalagang salik na nakaaapekto sa demand maliban sa presyo; 2) Naipaliliwanag ang pagtugon ng mga mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa konsepto ng presyong elastisidad ng demand; at 3) Nasusuri ang kaugnayan ng elastisidad ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod. I. Panuto: Piliin mula sa mga salitang nasa loob ng kahon ang mga hinihinging kasagutan sa mga sumusunod na katanungan at isulat sa patlang. *Bababa *Bandwagon effect *Complementary goods *Elastic *Inelastic *Elastisidad ng Demand *Inferior goods *Normal goods *Tataas *Unitary AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 2 _________ 1. Mga produkto na tumataas ang demand ng mamimili dahil sa pagtaas ng kita. _________ 2. Nagpapataas sa demand ng mamimili kapag marami ang bumibili, nahihikayat na rin na bumili. _________ 3. Tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kasabay ng pagbaba ng kita. _________ 4. Tawag sa mga produkto na sabay ginagamit, ibig sabihin ay hindi magagamit ang isa kapag wala ang complement nito. _________ 5. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo sa susunod na araw, ang demand ay _________________. _________ 6. Kapag inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo sa susunod na araw, ang demand ay _________. _________ 7. Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo. _________ 8. Ang bahagdan ng pagtugon ng mamimili ay mas malaki kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. _________ 9. Mas maliit ang bahagdan ng pagtugon ng mamimili kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. _________10. Pareho ang naging bahagdan ng pagtugon ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagtugon ng mamimili. Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik upang mabuo ang salitang tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang kasagutan. __________ 1. DAMNDE – tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili. ___________2. MANDED CERVU- grapikong paglalarawan sa relasyon ng presyo at quantity demand. __________ 3. ANDMED NUNCIOFT- matematikong paglalarawan sa relasyon ng presyo at quantity demand. __________ 4. REPYSO – tumatayong independent variable. __________ 5. CITRESE SUBARIP – ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. PAKSA 1: ANG MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Ang pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon. 1. Kita - Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago sa demand para sa isang partikular na produkto. Kapag tumaas ang kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahang bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, kapag bumaba ang kita, ang kakayahang bumili ng mga AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 3 produkto ay nababawasan. Tinatawag itong income effect. Kapag tumaas ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods. Samantala, inferior goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay ng pagbaba ng kita. 2. Panlasa - Karaniwang naaayon sa panlasa o naisin ng mga mamimili ang pagpili nila ng produkto o serbisyo. Kapag ang produkto o serbisyo ay naaayon sa panlasa maaaring tumaas ang demand dito. 3. Dami ng Mamimili – Maaari ring magpataas ng demand ng isang mamimili ang tinatawag na bandwagon effect. Nangangahulugan itong kapag marami ang bumibili ng isang produkto, nahihikayat ring bumili ang ibang tao. 4. Presyo ng Magkakaugnay na Produkto – Magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo. Ang mga complementary goods ay mga produktong sabay na ginagamit, nangangahulugan itong hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na ang demand ng komplementaryong produkto nito ay may pagbabago. 5. Inaasahan ng mga Mamimili sa Presyo sa Hinaharap – Kung inaasahan ng mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw, asahan na tataas ang demand sa kasalukuyan ng nasabing produkto dahil bibili sila habang mababa pa ang presyo nito. Kung inaasahan namang ng mga mamimili na bababa ang presyo ng partikular na produkto sa susunod na araw, asahang bababa ang demand nito dahil hindi na muna sila bibili ng marami sa kasalukuyan. Paglipat ng Demand Curve Sanhi ng mga Salik Ang paglipat ng kurba ng demand mula sa kanan papuntang kaliwa ay nagpapakita ng pagbabago ng demand. Magaganap ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Makapagdudulot naman ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagbaba ng demand. Ipinapakita ito ng grap sa ibaba. Paglipat ng Demand Curve sa Paglipat ng Demand Curve sa Kanan Kaliwa Presyo Presyo Quantity demanded Quantity demanded AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 4 A. Gawain 1: I –GRAP MO! Panuto: Ipakita sa grap ang pagbabago ng demand curve batay sa mga sumusunod na sitwasyon. 1.Marami ang nawalan ng trabaho 3.Pagtaas ng presyo ng bigas sa dulot ng Covid19. susunod na araw 2.Pagkakaloob ng dagdag na sweldo sa 4.Pagkasawa ng mga Pilipino sa mga manggagawa. dayuhang produkto PAKSA 2: ANG ELASTISIDAD NG DEMAND Ang demand ng tao ay madaling sabihing nagbabago kapag tumaas o bumaba ang presyo. Ngunit nararapat na masukat ang bahagdan ng pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo. Ang elastisidad ng demand ay paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon ng quantity demanded ng mamimili sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito. Ang magiging pagtugon ng quantity demanded sa bawat bahagdan ng pagbabago ng presyo ay malalaman sa pamamagitan ng pagkuha ng price elasticity of demand. Kaugnay dito, ang pagtugon ng mgamamimili sa bawat pagbabago ng presyo ay mailalarawan sa iba’t ibang uri ng elastisidad ng demand. MGA URI NG PRICE ELASTICITY OF DEMAND 1. Elastic ((E) >1) – kapag ang bahagdan ng pagbabago ng presyo ay mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Ang nakuhang sagot sa kompyutasyon ay mahigit sa 1. Kahit na maliit ang bahagdan ng pagbabago ng presyo, nagiging sensitibo ang mga mamimili sa pagbili. Ibig sabihin, ang produktong ito ay hindi gaanong kailangan o kaya ay maraming puwedeng ipamalit. Maaari na hindi na muna ito bilhin. 2. Inelastic ((E) < 1) – kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Mas mataas pa sa isa ang nakuhang value sa kompyutasyon. Ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili. Nangangahulugan itong ang produkto ay mahalaga o pangunahing pangangailangan, maaaring halos limitado ang mga pamalit kaya malamang ay bibilhin pa rin ng mga mamimili kahit tumaas ang presyo. 3. Unitary o Unit Elastic ((E)=1 – ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded ay magkapareho. Ito ay nangangahulugan na sa bawat isang bahagdan ng pagbabago ng presyo ay kayang tumbasan rin ng isang bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded ng mga mamimili. 4. Perfectly elastic ((E)=∞) – sa anumang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na ang quantity demanded ay hindi matanto o mabilang sa iisa presyo. AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 5 5. Perfectly Inelastic ((E)=0) – ito ay nangangahulugang ang quantity demanded ay hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo. Sobrang mahalaga ang produktong ito na kahit anong presyo ay bibilhin pa rin ng mamimili ang kaparehong dami. KOMPYUTASYON NG ELASTICITY OF DEMAND Ang pagkompyut ng price elasticity of demand ay laging absolute value ang kinokonsidera, na hindi pinahahalagahan ang negatibong tanda (-). Ang pormula sa pagkompyut ng price elasticity ay: Ed=% Qd = bahagdan ng pagbabago ng Qd % P = bahagdan ng pagbabagong presyo Gamit ang mid-point formula ang % P = P2-P1 x100 P1+P2 Ed=% Qd = Q2-Q1 x 2 100 Q1+Q2 P1=60, P2=50 2 % P Q1=100, Q2=200 =50-60 X100 60+50 =% Qd 2 =200-100 X100 100+200 =-10 X100 2 =110 2 =100 x100 =-10 x100 300 55 2 =18.18% =100 X100 150 =66.67 % Ed=% Qd = 66.67 % P =-18.18 =3.67% Elastic AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 6 A. Gawain 1: I-BASKET MO Panuto: Sa kasalukuyang ang bansa ay dumaranas ng pandemya, kung ilalagay mo sa basket ang iyong pagtugon sa pagbabago o pagtaas ng presyo, anong mga produkto ang ilalagay mo sa magkabilang basket? Ipaliwanag ang iyong ginawang pagpili ng mga produkto. Isulat ang paliwanag sa iyong sagutang papel. A. BASKET B. BASKET ELASTIC INELASTIC Mga Produkto: bigas facemask cellphone gamot gulay damit pulbos cologne telebisyon vitamins Maliban sa presyo, may mga salik na nakaaapekto sa pagbabago ng demand ng mamimili na kung saan ang pagbabago ng demand ay makikita sa paglipat ng kurba ng demand mula sa kanan patungong kaliwa o vice versa. Ang paglipat ng kurba sa kanan ay nagpapakita ng pagtaas ng demand. Ang paglipat naman ng kurba ng demand sa kaliwa ay nagpapakita ng pagbaba ng demand. Ang pagtugon ng mga mamimili sa bawat bahagdan ng pagtaas ng presyo ay hindi pare-pareho. Ang elastisidad ang sumusukat sa bahagdan ng pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo. Binabati kita sa mga natutunan mo sa ating aralin hinggil sa mga salik na nakaaapekto sa demand at elastisidad. Bilang pagwawakas, maaari mo bang isulat ang iyong natutunan sa loob ng matrix. AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 7 KINTAL - ISIP Panuto: Ibigay mo ang iyong kritikal na pagsusuri sa mga sumusunod na sitwasyon na may kaugnayan sa aralin. Pumili lamang ng isa, A. Sa panahong lumalaganap sa buong mundo ang Covid 19, nakararanas ang lahat ng tao, mayaman man o mahirap ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na ginagamit sa araw-araw. Ikaw bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang iyong natutunan sa mga salik na nakaaapekto sa demand at elastisidad kaugnay sa suliraning ito sayong pang-araw-araw na pamumuhay? B. Sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa na may pandemya, sa paanong paraan ka makapagbibigay ng tulong sa iyong komunidad na dumaranas ng kahirapan at kawalang pag-asa lalo na yaong mga nawalan ng hanap-buhay na naging dahilan ng pagbaba ng kanilang demand sa mga kanilang mga pangunahing pangangailangan na kailangan nilang matugunan. I.Panuto: Isulat sa patlang ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap. ______ 1. Tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita. ______ 2. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang kita, tumataas din ang kakayahang bumili ng mas maraming produkto. ______ 3. Mga produkto na tumataas ang demand ng mamimili dahil sa pagtaas ng kita. ______ 4. Nagpapataas sa demand ng mamimili kapag marami ang bumibili, nahihikayat na din na bumili. ______ 5. Tawag sa mga produkto na sabay ginagamit, ibig sabihin ay hindi magagamit ang isa kapag wala ang complement nito. ______ 6. Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo. ______ 7. Ang bahagdan ng pagtugon ng mamimili ay mas malaki kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. ______ 8. Mas maliit ang bahagdan ng pagtugon ng mamimili kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. ______ 9. Sa anumang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. _____ 10. Pareho ang naging bahagdan ng pagtugon ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagtugon ng mamimili. Sa suliraning nararanasan ng ating bansa dulot ng pandemya ay may mga negosyante na nagsasamantala sa pamamagitan ng labis na pagpapataw ng malaking tubo at may mga nagtatago (hoarding) pa ng mga produktong kailangan ng tao sa panahong ito. Ito ang isa sa nagiging dahilan ng pagkakaroon ng pansamantalang kakulangan, na nagdudulot ng pagtaas ng presyo, kaya maraming tao ang nahihirapan AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 8 lalo na yaong may maliliit na kita upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ano ang iyong pananaw tungkol dito? Sagutan mo ang sumusunod na pamprosesong tanong. Pumili lamang ng isa. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa mga pananamantala ng mga negosyante sa panahong may pandemya? Isulat ang iyong damadamin sa iyong kuwaderno na hindi bababa sa limang pangungusap. (Communication) 2. Lumikha ng isang slogan na nagsasaad ng isang positibong pananaw na makatutulong sa mga tao upang tumaas ang kanilang moral at pag-asa sa panahong ito na may pandemya. (Creativity) 3. Sa mga nangyayari sa ating mundo, marami ang natatakot sa kung ano na ang magiging takbo ng kabuhayan ng bawat tao, makakaya pa ba nating matugunan ang ating mga demand sa mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw? Ikaw, bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang bigyan ng positibong pananaw ang karamihan sa kasalukuyang kalagayan ng ating pamumuhay? (Critical Thinking ) 4. Bilang bahagi ng iyong komunidad, paano mo magagamit ang iyong natutunan sa pag-aaral ng salik na nakaaapekto sa demand at elastisidad upang makatulong sa hindi magandang resulta ng mga maling gawaing ito ng mga negosyante? (Collaboration) 5. Ang pangyayaring ito sa ating daigdig tungkol sa pandemya ay maaaring maitala sa ating kasaysayan na taglay ang aral sa buhay, maaaring lima o sampung taon mula ngayon. Anong aral ang iyong natutunan sa panahong ito na nais mong ibahagi sa mga susunod na henerasyon upang maiwasan nila ang paglaganap ng anumang darating pang salot sa mundo? (Character) AP9-Qrt2 - Week2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 9 SAGUTANG PAPEL - Week 2 Pangalan:________________________Pangkat:________Guro :_________________ PAUNANG PAGSUSULIT I. 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5 10. BALIK-TANAW 1. 4. 2. 5. 3. PAKSA 1- MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND GAWAIN 1-Picture Analysis: Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno GAWAIN 2 1.Marami ang nawalan ng trabaho 3.Pagtaas ng presyo ng bigas sa dulot ng Covid19. susunod na araw 2.Pagkakaloob ng dagdag na sweldo sa 4.Pagkasawa ng mga Pilipino sa mga manggagawa. dayuhang produkto PAKSA 2- ELASTISIDAD NG DEMAND GAWAIN 1: Ilagay ang sagot sa portfolio GAWAIN 2- Magkompyut Tayo! Ilagay sa iyong kwaderno PAG-ALAM SA NATUTUHAN PANGHULING PAGSUSULIT I.1. 6 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. PAGNINILAY: Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno AP9-Qrt2 - Week2