Araling Panlipunan 9 - Unang Markahan - PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tanong sa Araling Panlipunan 9 na may kaugnayan sa kakapusan, kakulangan, at alokasyon, na isang mahalagang konsepto sa ekonomiks. Naglalaman ito ng mga tanong na dapat sagutin sa pamamagitan ng pagpili ng pinakawastong sagot.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin KAKAPUSAN, KAKULANGAN AT 2 ALOKASYON Kasanayan Most Esse...

ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin KAKAPUSAN, KAKULANGAN AT 2 ALOKASYON Kasanayan Most Essential Learning Competencies: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. Code: AP9MKE-IA2 Inaasahan Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay likas na walang hanggan samantalang ang pinagkukunang yaman ay limitado lamang na nagiging dahilan ng kakapusan. Ang alokasyon na siyang matalinong pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman ang siyang kasagutan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang modyul na ito ay naglalayong maipaliwanag ang kaugnayan ng kakapusan, kakulangan at alokasyon sa pag-aaral ng ekonomiks. Pagkatapos basahin ang modyul na ito ay inaasahan na: 1. Natutukoy ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan. 2. Nakabubuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan. 3. Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan. Paunang pagsusulit Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang kwaderno 1. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito? A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao B. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman C. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ipinagbibili sa pamilihan D. Malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng bansa 2. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito? A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito. B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo. C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La Niña. D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ng malaki ang mga negosyante. 1 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN 3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto? A. Itinuturing na pangunahing suliraning panlipunan ang kakapusan. B. Ang kakapusan ay pansamantala lamang sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito. C. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa. D. Alokasyon ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan. 4. Tumutukoy ito sa mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo upang mapunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. A. Alokasyon B. Kakapusan C. Kakulangan D. Presyo 5. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay_______. A. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao. B. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya. C. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao. D. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig. 6. Nakasalalay sa pangangailangan ng tao ang mga produkto at serbisyo na lilikhain. Anong pangunahing katanungang pang-ekonomiya ang sinasagot ng pahayag? A. Ano-ano ang produkto at serbisyong gagawin? B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? D. Gaano karami ang produkto o serbisyo ang gagawin? 7. “Kung sino ang dapat makinabang o ang mas nangangailangan ng mga lilikhaing produkto o serbisyo.” Anong pangunahing katanungang pang-ekonomiya ang sinasagot ng pahayag? A. Ano-ano ang produkto at serbisyong gagawin? B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? D. Gaano karami ang produkto o serbisyo ang gagawin? 8. “There isn’t enough to go around?” ay pahayag mula kay John Watson Howe. Ano ang ibig ipakahulugan nito? A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya't kailangan gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. B. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayun din ang mga pinagkukunang- yaman. C. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan. D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig. 9. Bakit nagkakaroon ng kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman? A. dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang yaman B. dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pingkukunang yaman ng bansa. C. dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. D. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ipinagbibili sa pamilhan. 10. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa suplay ng isang produkto. 2 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN A. Alokasyon B. Kagustuhan C. Kakulangan D. Kakapusan Balik Tanaw Panuto: Suriin ang bawat pahayag kung TAMA o MALI at isulat ang iyong sagot sa kwaderno. _________1. Ang ekonomiks ay sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. _________2. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino at gaano karami ang gagawin. _________3. Tinatawag na opportunity cost ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isang bagay. _________4. Ang incentives ay tumutukoy sa halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa paggawa ng desisyon. _________5. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Pagpapakilala ng Aralin sa Aralin Ang Kakapusan Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ngayon ang ekonomiks. Mahalagang pag-aralan at maunawaan ang kakapusan sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring makaisip ang tao ng mga paraan kung paano ito epektibong mapamamahalaan. Maaari din itong maging daan upang maging responsible ang bawat isa sa pagkuha at paggamit ng limitadong pinagkukunang-yaman. Ang Pagkakaiba ng Kakapusan at Kakulangan KAKAPUSAN KAKULANGAN  Ang kakapusan ay umiiral dahil  Ang kakulangan o shortage ay limitado ang pinagkukunang-yaman nagaganap kung may at walang katapusang pansamantalang pagkukulang sa pangangailangan at kagustuhan ng supply ng isang produkto kagaya ng tao kagaya ng kakapusan sa supply kakulangan ng supply ng bigas sa ng nickel, chromite, natural gas, at pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El iba pang non-renewable resources Niño, at iba pang kalamidad. Upang dahilan sa likas na kalagayan ng mga malunasan ang kakulangan sa bigas, ito. ang pamahalaan ay maaaring  Ang kakapusan ay ang hindi umangkat ng bigas sa ibang bansa kasapatan ng mga pinagkukunang-.Inaasahan na babalik sa normal ang yaman upang tugunan ang mga supply ng bigas sa sandaling kagustuhan ng mga tao. bumuti ang panahon at magkaroon  Dahil sa kakapusan, napipilitan ang ng saganang ani ng palay. lipunan na magpasya kung ano-anong  Tumutukoy sa sitwasyon kung saan produkto at serbisyo ang gagawin, hindi nakasasapat ang supply ng paano gagawin ang mga ito, at para isang produkto sa planong kanino gagawin ito. pagkonsumo ng mga mamimili.  Ang kakapusan ay isang  Isa itong panandaliang kawalan ng pangkalahatang katotohanang balance na maaaring malutas sa ekonomiko. Lahat ng bansa, maging 3 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN mahirap o mayaman, ay nahaharap pamamagitan ng mga pagwawasto sa sa pagiging limitado ng mga pamilihan. pinagkukunang-yaman. Gaano man  Ang kakulangan ay pansamantala kaunlad ang isang bansa ay hindi pa sapagkat may magagawa pa ang tao rin nakasasapat ang produksyon nito upang masolusyunan ito. upang punan ang lahat ng kagustuhan ng mga mamamayan. Palatandaan ng Kakapusan Ang kakapusan ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks. May limitasyon ang pinagkukunang- yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa katotohanang ito, nararanasan ang kakapusan sa mga pinagkukunang yaman. Ang kagubatan, halimbawa ng likas na yaman na maaaring maubos at magdulot ng pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng biodiversity. Bagaman maaaring magsagawa ng reforestation, ang patuloy na paglaki ng populasyon na umaasa sa produkto ng kagubatan ay mabilis ding lumalaki. Samantala, bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang-dagat dahil sa pagkasira ng mga coral reefs. Ang produktong agrikultural na nakukuha mula sa lupa ay maaaring mabawasan dahilan sa pabago-bagong panahon at umiinit na klima. Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay naluluma, maaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha. Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw. Sa loob ng oras na ito, hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na nais mo sapagkat kailangan mong magpahinga, matulog, at kumain. Ang panahong lumipas ay hindi na muling maibabalik. Ang gamit ng pera ay may limitasyon din sapagkat hindi nito mabibili ang lahat ng bagay. Ang nararanasang limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at patuloy na paglaki ng umaasang populasyon ay palatandaan na mayroong umiiral na kakapusan. Kakapusan bilang Suliraning Panlipunan Walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao, samantalang ang mga pinagkukunang-yaman ay kapos o may limitasyon. Dahil sa kalagayang ito, ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Marapat na maunawaan ng bawat isa na sa paglipas ng panahon, maaaring maubos pa ang mga pinagkukunang yaman kasabay ng patuloy na lumalaking populasyong umaasa rito. Magiging dahilan ito ng malawakang kahirapan at pagkakasakit ng mga mamamayan. Maaari din itong magdulot ng sigalot, pag aaway-away, at kompetisyon. Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan ang matalinong pagdedesisyon at pagtutulungan habang isinasakatuparan ang magkakaibang layunin sa ngalan ng katahimikan at kasaganahan sa buhay. Kailangan din ang matalinong pagdedesisyon kung ano, paano, para kanino at gaano karami ang dapat na magawang mga produkto. Kailangan ang kasiguruhan na ang limitadong likas na yaman ay magagamit ng angkop sa kinakailangan ng mamamayan. Paraan upang Mapamahalaan ang Kakapusan Upang mapamahalaan ang kakapusan natukoy na mahalagang suriin kung ano ang produktong lilikhain, paano lilikhain, gaano karami at kung para kanino ang mga lilikhaing produkto. Bunsod nito, inaasahan na ang sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring isagawa upang mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan.  Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon,  Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo,  Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa organisasyon, at mga institusyon (institutional development) na nakatutulong sa pag- unlad ng ekonomiya, at 4 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN  Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksyon sa mga pinagkukunang-yaman. Sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran (environmentalist), binuo nila ang mga programang pangkonserbasyon. Layunin nito na mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran. Ayon kina Balitao, et al (2012) kabilang sa mga isinusulong ng mga programang pangkonserbasyon ang sumusunod: 1. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran; 2. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon; 3. Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance (protected areas program); at 4. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop (endangered species). Para mas lalo mong maintindihan ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan, panoorin ang video sa Youtube gamit ang link na https://www.youtube.com/watch?v=xxvtTaC8Jgw ALOKASYON Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan, pinag- aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang yaman. Sabi nga ni John Watson Howe, “There isn’t enough to go around.” Ito ang kasabihang sumasalamin sa suliranin ng kakapusan. Ito rin ay naglalahad ng katotohanang limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya’t kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito at upang matugunan ang nagtutunggaliang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon. Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan. Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman. Ang mapanagutang paggamit nito ang titiyak na may magagamit pang pinagkukunang-yaman ang susunod na henerasyon. Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri na gusto ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng kakapusan. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao. 2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng produkto at serbisyo ay nakasalalay kung anong input ang gagamitin. Marami ring mga paraan na maaaring gamitin kung papaano isasakatuparan ang produksyon. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output. 3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa pagpapatuloy ng produksyon. Ang makikinabang sa produkto o serbisyo ay kung sino ang 5 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN nangangailangan at may kakayahang makamit ito. Maaaring nasa loob o labas ng bansa ang gagamit ng gagawing produkto at serbisyo. 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo. Ang potensiyal na makabuo ng produkto at serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input. Pamprosesong Tanong: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ilagay ito sa iyong portfolio. 1. Ano ang kahulugan ng kakapusan? 2. Ano-ano ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan? 3.Bakit sinasabing ang kakapusan ay isang suliraning panlipunan? 4.Ano ang kahulugan ng alokasyon? 5.Paano nauugnay ang alokasyon sa kakapusan? Ipaliwanag. Mga Gawain Gawain A: Paghahambing! Panuto: Sa tulong ng Venn Diagram, isulat ang tig tatlong (3) pagkakaiba at pagkakatulad ng kakapusan at kakulangan. Kakapusan Kakulangan Gawain B: POSTER MAKING: Ilagay ito sa iyong portfolio. Gumawa ng poster na nagpapakita ng kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at kakulangan batay sa kasalukuyang nangyayare sa ating bansa dulot ng COVID’19. Gamitin ang rubrik bilang pamantayan ng iyong paggawa na ibibigay ng guro. 6 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at g katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang kakapusan ng pangunahing suliraning panlipunan. akulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang kulang sa supply ng isang produkto sa pamilihan. Ang kakulangan ay mantala lamang sapagkat may magagawa pa ang tao upang usyunan ito. lokasyon ay mekanismong pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, kto, at serbisyo. Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi gamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. pat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? Pag-alam sa mga Natutuhan Natutuhan IPAGPALAGAY MO! Ilagay ang iyong sagot sa portfolio. Ipagpalagay na ikaw ay binigyan ng kapangyarihang bumuo ng sarili mong pangkat na magpapasiya tungkol sa mga suliraning pang-ekonomiko bunga ng COVID-19 na may kaugnayan sa ating bansa. 1. Ano-anong larangan ng buhay-ekonomiko ang iyong pagtutuunan ng pansin? Ipaliwanag mo ang iyong sagot 2. Isa-isahin ang iyong magiging gabay sa pagpapasiya? Panghuling Pagsusulit Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto? A. Itinuturing na pangunahing suliraning panlipunan ang kakapusan. B. Ang kakapusan ay pansamantala lamang sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito. C. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. D. Alokasyon ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan. 2. Ang suliranin ng kakapusan o scarcity ay maaaring masolusyonan sa pamamagitan ng _ A. pagdarasal na manalo sa Lotto B. pagkakaroon ng maraming pera at ari-arian C. wastong paggamit ng limitadong pinagkukunang-yaman D. pag-iimbak o pagtatago ng maraming pagkain sa panahon ng krisis 7 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN 3. Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo. Anong pangunahing katanungang pang-ekonomiya ang sinasagot ng pahayag? A. Ano-ano ang produkto at serbisyong gagawin? B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? D. Gaano karami ang produkto o serbisyo ang gagawin? 4. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring isagawa upang mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan maliban sa isa. Ano ito? A. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon B. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman. C. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa organisasyon, at mga institusyong (institutional development) nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, D. Walang pakundangang paggamit ng tao ng mga pinagkukunang-yaman. 5. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng kakapusan maliban sa: A. Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay naluluma, maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha. B. Bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang dagat dahilan sa pagkasira ng coral reefs. C. Pakaubos ng kagubatan na maaaring magdulot ng pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng biodiversity. D. Kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba pang kalamidad. Pagninilay Gawain: PAGSULAT NG SANAYSAY Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa iyong naging karanasan sa nagdaang mga buwan kung saan ang bansa ay naisailalim sa community quarantine. Ilarawan kung paano nakaranas ang iyong pamilya at komunidad ng kakapusan o kakulangan at kung paano ito nasolusyonan ng alokasyon. 8 AP9-Qrt1-Week 2 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin KAKAPUSAN, KAKULANGAN AT 2 ALOKASYON I. PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. II. BALIK-TANAW 1. 2. 3. 4. 5. III. GAWAIN A. Pagkakatulad 1. 2. 3. B. Pagkakaiba 1. 2. 3. IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. V. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. VI. PAGNINILAY Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. 9 AP9-Qrt1-Week 2

Use Quizgecko on...
Browser
Browser