Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (PDF)
Document Details
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral tungkol sa nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Tinalakay ang mga ideolohiyang naging pundasyon sa pagtatag ng mga kilusan para sa kalayaan, kabilang ang komunismo at demokrasya, at ang mga pangyayari sa Vietnam, Pilipinas, Indonesia, at Burma.
Full Transcript
# Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ## Mga ideolohiyang naging pundasyon sa pagtatatag ng kilusan na naging sanhi ng mga kaganapang nagbigat daan sa pagtamo ng kalayaan. - Ideolohiyang Komunismo - Ideolohiyang Demokrasya ## Ideolohiyang Komunismo Ang konsepto ng ko...
# Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ## Mga ideolohiyang naging pundasyon sa pagtatatag ng kilusan na naging sanhi ng mga kaganapang nagbigat daan sa pagtamo ng kalayaan. - Ideolohiyang Komunismo - Ideolohiyang Demokrasya ## Ideolohiyang Komunismo Ang konsepto ng komunismo ay tumutukoy sa paniniwalang ang mga manggagawa ang dapat na may kontrol sa lipunan at hindi ang mga kapitalista, sapagkat ito ang may pinakamalaking populasyon na nagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa. Ang ganitong uri ng pananaw ay nagmula kay Karl Marx, na nagtataguyod ng kaisipang magkaroon ng isang lipunang hindi nahahati sa magkakaibang estado o antas ng pamumuhay na kung saan lahat ay pantay na naghahanapbuhay, at kumikita ng naaayon sa kanilang pangangailangan at abilidad. - Noong 1941, ang Vietnam ay pinangunahan ng partidong Viet Minh, na dulot din ng impluwensya mula sa Ruso. - Ang Viet Minh ay nangangahulugang "Samahan para sa Paglaya ng Vietnam", na pinamumunuan ni Ho Chi Minh. Ang layunin ng organisasyon ay palayain ang Vietnam mula sa pagiging kolonya ng France. - Noong 1943, sa pakikipaglaban sa ikalawang digmaang pandaigdig, naitalaga ng Viet Minh bilang 'Democratic Republic of Vietnam' ang Hilagang Vietnam, matapos tuluyang sumuko ng Japan sa mga puwersa ng Allies. - Sa kabilang banda, nanatili ang Timog ng Vietnam sa ilalim ng demokratikong pamamahala ng Amerika. Hindi nagtagal ay naganap ang tinaguriang Vietnam War, sa pagitan ng Amerika at partido komunista ng Vietnam, sa pagnanais na pagkaisahin ang buong bansa. - Sa pagtatapos ng digmaan noong taong 1975 ay nagpasya ang puwersa ng Amerika na lisanin ang Vietnam. Ito ang naging simula ng tuluyang pag-iisa ng Vietnam bilang isang komunistang bansa. ## Ideolohiyang Demokrasya Ang demokrasya ay nagmula sa salitang griyegong "demos", na ang ibig sabihin ay "kratos", na nangangahulugan ng 'pamamahala'. Ito ay isang sistemang pampulitikal na kung saan ang pinakamataas na kapangyarihan ay nagmumula sa mga mamamayan. Ang kapangyarihang ito ay ginagamit ng mga tao sa pamamagitan ng pakikilahok sa isang malayang halalan na nagluluklok ng mga opisyal ng pamahalaan na magsisilbi upang tugunan ang mga pangangailangan ng lipunan. Ang ideolohiyang ito ay ang ginamit ng ilang mga bansa sa Timog-Silangang Asya tungo sa nasyonalismo at paglaya sa mga Europeo. - Sa bansang Pilipinas, matapos ang 333 taong pananakop ng mga Espanyol ay nagsimulang magrebelde ang taong bayan sa pagnanais na makamit ang demokrasya. - Matapos ang ilang taon ng karahasan at kaguluhan, matagumpay namang nakamit ng Pilipinas ang pambansang kasarinlan mula sa bansang Spain noong Hunyo 12, 1898. - SUBALIT, ang bansang Pilipinas ay sumailalim pa rin sa mga kamay ng Amerikano. - Opisyal lamang na idineklara ang pambansang kasarinlan nito noong 1946 mula sa pamamahal ng Amerika. - Nagising din ang diwang nasyonalismo ng bansang Indonesia, na naging kolonya ng Dutch dahil sa nangyaring kapabayaan sa sistema ng edukasyon. Nagresulta ito ng isang malawakang pag-aalsa sa lungsod ng Java, na pinamunuan ni Diponegoro. - Tulad ng Vietnam, mayroon din ng partido komunista at nasyonalista ang Indonesia na nagsimula noong taong 1919, sa pagnanais na mapaalis ang Dutch. Ngunit ito ay parehong nabigo. - Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay naging matagumpay ang inilunsad na rebolusyon ng mga Indonesians laban sa Dutch, at tuluyang idineklara ang kalayaan nito noong 1945. - Nanaig din ang diwang nasyonalismo sa Burma, na nagsimulang magsagawa ng mga demonstrasyon sa ilalim ng pananakop ng Great Britain. Ito ay dahil hindi nila matanggap na bukod sa pagiging isang kolonya ng Europa, ay naging isang bahagi din lamang sila ng lalawigan ng India. - Nagsimula ang rebelyon noong 1930 hanggang 1932 sa pamumuno ni Saya San, na kalaunan ay nagapi ng mga Briton. - Ngunit sa pagsisimula ng WWII ay nasakop ng mga Hapon ang Burma at napaalis ang mga Briton. - Dahil sa pagnanais na makamit ang kalayaan ng Burma mula sa mga dayuhang mananakop, ay itinatag ang Anti-Fascist People's Freedom League, sa pangunguna ni Aung San. - Ang mga nasyonalistang Burmese ay nakipagtulungan sa puwersa ng Allied. Kaya naman, sa pagtatapos ng WWII ay matagumpay na napaalis ang mga Hapon, at opisyal na idineklara ang kalayaan ng Burma noong 1947.