Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon AFRICA AT PULO SA PACIFIC (October 21-22, 2024) PDF
Document Details
Uploaded by EyeCatchingForesight2638
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga imperyong Ghana, Mali at Songhai sa kontinente ng Africa, pati na rin sa mga pulo sa Pacific Ocean. Binabanggit nito ang heograpiya, klima at mga impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnan sa rehiyon.
Full Transcript
**aOctober 21-22, 2024** **Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon AFRICA AT PULO SA PACIFIC** **Heograpiya ng Africa** Pumapangalawa ang Africa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig. Dito matatagpuan ang pinakamahabang ilog sa daigdig na tinatawag na Ilog Nile. Sa Africa din matatag...
**aOctober 21-22, 2024** **Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon AFRICA AT PULO SA PACIFIC** **Heograpiya ng Africa** Pumapangalawa ang Africa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig. Dito matatagpuan ang pinakamahabang ilog sa daigdig na tinatawag na Ilog Nile. Sa Africa din matatagpuan ang iba't -- ibang uri ng hayop na naninirahan sa malawak na grassland o damuhan na kung tawagin ay Savanna. Ang Klima ng Africa sa gitnang bahagi ng ekwador ay mayroong maulan at mainit na bahagi. Isa sa pinakamainit na lugar sa Africa ay ang Sahara na isang malawak na disyerto na halos mas malaki pa sa Europe. Ginagamit ng mga grupo ng mga mangangalakal o caravan ang Sahara upang makikipagkalakalan sa iba't --ibang bahagi ng Africa. Isa sa naging mahalagang network ng pangangalakal ang Sahara na naging malaking hi-way o daan ng pakikipagkalakan na tinatawag na Trans- Sahara. Isa rin sa mahalagang anyong tubig na matatagpuan sa Sahara ay ang oasis na mayroong matabang lupa at tubig. Ito ang naging tirahan ng ilang mamamayan sa Africa. Imperyong Africa ANG AXUM BILANG SENTRO NG KALAKALAN Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng tela, salamin, tanso, bakal at iba pa. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 CE. Ang Imperyong Ghana ay isa sa mahalagang Imperyo na nabuo sa kabihasnang Africa na binubuo ng mga maliit na lungsod-estado. Isa itong imperyong agrikulural na nakasalalay ang pamumuhay sa pagtatanim dulot ng matabang lupain. Isa rin sa mga dahilan ng paglago ng kanilang imperyo ay sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa Trans-Sahara. Kaya ang imperyong Ghana ay kinikilala ng mga mangangalakal bilang "Lupain ng Ginto". Nagtapos ang paghahari ng imperyong Ghana noong ika-12 siglo na kung saan ang ilan sa mga dahilan ay pagbabago ng klima na nakaapekto sa mga pananim at pakikipagdigmaan sa karatig lugar. **Mahalagang Salik sa Paglakas ng Ghana** - Naging maunlad dahil naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa. - Bumili ng mga kabayo at mga kagamitang pandigma na yari sa bakal. - Ginamit ang mga sandatang gawa sa bakal upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga pangkat na mahina ang mga sandata. Ang mga kabayo ay nagbibigay ng ligtas at mabils na paraan ng transportasyon para sa mga mandirigma nito. **Imperyong Mali** Ang Mali ay tagapagmana ng Imperyong Ghana. Nagsimula ang kanilang estado sa Kangaba. Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay umunlad din sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Isa sa mga malalaking lungsod na nakipagkalakalan ay ang lungsod ng Timbuktu, na kung saan sa pamumuno ni Sundiata ang lahat ng mga caravan o pangkat ng taong mangangalakal ay magbabayad ng buwis. Isa sa pinakabantog na pinuno ng imperyong Mali ay kapatid ni Abu Bakari II na si Mansa Munsa na nagpatayo ng mga templo at mosque. Sa panahon ng kanyang pamumuno ang relihiyong Islam ang naging sentro ng pananampalataya ng mga Mali. Subalit hindi rin nagtagal ay humina din ang imperyo sa kadahilanang di pagkakasundo ng mga namamahala nito. **Imperyong Songhai** Sa pagsimula ng ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na dumarating sa ruta ng kalakalan sa Niger River. Dala ng mga Berber ang kanilang pananampalatayang Islam at ito ay unang tinanggap ng hari ng Songhai na si Dia Kossoi. Noong 1325, habang patuloy na humihina ang imperyong Mali, lumalakas naman ang Imperyong Songhai sa pamumuno ni Haring Sunni Ali na kung saan nasakop nito ang Timbuktu at naging bantog ito sa mga iskolar bilang sentro ng kultura at pag-aaral ng Muslim. Subalit hindi rin nagtagal ang Imperyong Songhai at sinakop ito ng mga Moroccan. **Mga Pulo sa Pasipiko** Ang mga pulo sa Pacific ay nahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ang Polynesia ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Pasipiko na nagmula sa griyegong salita na ang ibig sabihin ay binubuo "maraming pulo". Ang kanilang hanapbuhay ay pangingisda at paghahalaman. Ang mga Polynesian ay bihasa sa paggawa ng mga bangka. Ang polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvaly, Wallis at Futuna, Tonga, Samoa, Niue, Cook Islands at French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Ilan sa mga patunay ng paninirahan sa Micronesia ay ang mga gawa sa kahoy na iskultura sa Nukuoro Atoll, mga maskarang gawa sa kahoy sa Satawan Atoll at ang Kiribati Armor sa Kiribati na mayroong tatlumpung atoll na nakapaligid sa Pacific Ocean. Pagsasaka at pangingisda rin ang hanapbuhay ng mga tao na naninirahan sa mga pulo ng Micronesia. Ang Micronesia ay binubuo ng mga maliliit na pulo tulad ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon Kiribati) at Nauru. Sa hilaga at silangang bahagi ng baybay-dagat ng Australia matatagpuan ang Melanesia. Ito ay binubuo ng maliit na komunidad na may hindi gaanong malakas na sistema ng pamumuno sa kadahilan ang mga tao dito ay parang isang pamilya. Sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng paghahayupan at pangingisda. Ilan sa mga pulo na bumubuo sa Melanesia ay New Guinea, Bismarck, Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu, New Caledonia at Fiji Islands. **Sibilisasyong Nazca** Namayagpag ang Sibilisasyong Nazca sa timog baybayin ng Peru noong ika-200 BCE hanggang 600 CE. Malaki ang naging impluwensya ng mga naunang naninirahan sa kanila, ang Paracas. Ang Nazca ay nagtayo ng isang sibilisasyon na nagresulta sa kahanga-hangang palayok, tela, at geoglyph na nakaukit sa ibabaw ng lupa na kilala bilang Nazca Lines. Ang mga Nazca ay pinamumunuan ng mga chiefdoms na nakatira sa kapatagan ng baybayin ng Timog Peru. Ang lambak ng Nazca ay matatagpuan sa humigit-kumulang na 400 kilometro timog ng kasalukuyang kabiserang lungsod ng Peru, Lima, at 350 na kilometro timog-kanluran ng lungsod ng Cuzco, dating kabisera ng Emperyo ng Inca. Ang malaking kapatagan na sinakop ng Nazca ay kilala bilang Pampas. Ang rehiyon ay matuyo at nakakatanggap ng kaunting pag-ulan, pinapanatili ang taunang average na temperatura ng 25 degree Celsius (77 degree Fahrenheit). Ang Cahuachi ay kabisera ng rehiyon ng Nazca dahil ito ay tinuturing na sagrado sapagkat ito ay isa sa ilang lokasyon na mayroong suplay ng tubig sa buong taon. Tinatayang mayroong 25, 000 katao ang naninirahan sa maliliit na nayon na karaniwang malapit sa kapatagan. Sa pag-unlad nila, pinalawak ng Nazca ang kanilang impluwensya sa Pisco Valley sa hilaga at sa Acari Valley sa timog. Dahil sa kanilang tuyot na kapaligiran, ang mga tao ng Nazca ay kailangang maging malikhain sa kanilang pag-iimbak ng tubig. Lumikha sila ng mga sistema ng aqueduct na tinatawag na puquois. Nagdala ang puquois ng tubig mula sa mga mapagkukunan sa ilalim ng lupa at iniimbak nila ito sa mga imbakan para gawing pampatubig sa mga pananim. Dahil sa magandang sistemang irigasyon nakapagtanim ng mga mais, beans, patatas, mani, kamote at kalabasa. Ilan din sa mga produkto ng mga taga Nazca ay ang mga textiles at mga wool, at karne ng mga hayop. Subalit pinahina ng isang mahabang henerasyon ng tagtuyot noong ika-5 siglo CE, ang Nazca kalaunan ay nasakop ng Wari at ang mga paninirahan ng Nazca ay hindi tumaas sa katayuan ng panlalawigan. - Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. - Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa dulong timog ng kalakhang Trans-Sahara. - Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. - Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa Berber na taon-taon ay dumarating sa ruta ng kalakalan sa Niger River. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Ang mga Nazca ay pinamumunuan ng mga chiefdoms - Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (Kiribati), at Nauru. - Ang Melanesia ay kasalukuyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides) New Caledonia, at Fiji Islands. - Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Island, Society Islands, Tuamotu, Marquesas at Pitcairn. **A. Panuto*:*** Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong/pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1\. Ito ay tinawag na dark continent dahil hindi pa ito nagalugad. A. Africa B. Maya C. Mesoamerica D. Pasipiko 2\. Relihiyon na namayani sa kabihasnang Africa. A. Hinduismo B. Islam C. Protestante D. Romano Katoliko 3\. Ang imperyong ito ay kinilala ng mga mangangalakal bilang lupain ng mga ginto. A. Ghana B. Mali C. Olmec D. Songhai 4\. Ito ang tagapagmana ng Imperyong Ghana. A. Axum B. Ghana C. Mali D. Songhai 5\. Ang mga ito ay nakipagkalakalan sa mga Berber na dumating sa ruta ng Niger River. A. Axum B. Ghana C. Mali D. Songhai 6\. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at Me lanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia? A. Maraming isla C. Maitim na mga isla B. Maliliit na mga isla D. Maitim ang mga tao sa isla 7\. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga Mali at Songhai sa pag-unlad nito? A. Nagsisilbing natural na proteksyon ang malawak na disyerto. B. Nakakatulong ang lokasyon upang mapanatili ang kanilang kalayaan. C. Napapalibutan ito ng mga anyong --tubig na nagbigay daan sa pag unlad ng pagsasaka D. Nagsisilbi itong tagapamagitan ng kalakalan sa pagitan ng Africa at mga Arab sa Sahara.3 8\. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific? A. Ang sinaunang re lihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Animismo B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan. C. Ang mga sinaunang mamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan. D. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda 9\. Alin sa mga ito ang **HINDI** dahilan ng paglakas ng isang imperyo? A. Maunlad ang bawat lungsod--estado. B. Tapat ang mga nasasakupan ng pinuno. C. Palaging pakikidigma ng mga pinuno sa kaniyang mga nasasakupan. D. Mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto. 10\. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng imperyong Ghana? A. Naging maunlad ito dahil naging sentro ito ng kalakalan sa Africa B. Bumibili sila ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakat at kabayo. C. Pagpapalawak ng kanilang imperyo sa pamamagitan ng pakikipagdigma. D. Lahat ng nabanggit **B. Panuto:** Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa Hanay B at isulat ang letra sa patlang na nasa Hanay A. ------------------------------- -------------------------------------- **Hanay A** **Hanay B** \_\_\_\_\_\_\_\_11. Geolyphs A. lupain ng ginto \_\_\_\_\_\_\_\_12. Oasis B. mga isla ng maiitim na tao \_\_\_\_\_\_\_\_13. Ghana C. may matabang lupa at tubig niwala \_\_\_\_\_\_\_\_14. Melanesia D. mga linyang nakaukit \_\_\_\_\_\_\_ 15. Animism E. isang uri ng paniniwala ------------------------------- --------------------------------------