Mga Gawaing Pang-Akademikong Pagsulat PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga gawain o mga aktibidad sa akademikong pagsulat. Binibigyang diin ang mga layunin, proseso, at mga paraan ng pagsulat. Ang layunin ng mga gawain ay matuto ng mga kasanayan sa pagsulat, at ang mga kaugnay na materyales.

Full Transcript

INIHANDA NI: GNG. LAILA D. NACAR INAASAHANG MATAMO ▪ Nakabibigay ng sariling kahulugan tungkol sa pagsulat; ▪ Natutuhan ang wastong pamamaraan sa pagsulat; ▪ Naisa isa ang mga layunin ng akademikong pagsulat ▪ Napahahalagahan ang wastong pamamaraan ng pagsulat. GAWAIN 1 P...

INIHANDA NI: GNG. LAILA D. NACAR INAASAHANG MATAMO ▪ Nakabibigay ng sariling kahulugan tungkol sa pagsulat; ▪ Natutuhan ang wastong pamamaraan sa pagsulat; ▪ Naisa isa ang mga layunin ng akademikong pagsulat ▪ Napahahalagahan ang wastong pamamaraan ng pagsulat. GAWAIN 1 Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. GAWAIN 1 1. Ang mga sumusunod ay mga gamit o pangangailangan sa pagsulat maliban sa __________. A. Berbal B. Wika C. Layunin D. Paksa GAWAIN 1 2. Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang akademikong pagsulat maliban sa ___________. A. Impormal B. Obhetibo C. Pormal D. Sistematik GAWAIN 1 3. Alin ang hindi kabilang sa akademikong pagsulat? A. Lathalain B. Abstrak C. Bionote D. Katitikan ng pulong GAWAIN 1 4. Anong uri ng sulatin ang may halimbawa na tulad ng mga sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pang akdakdang pampanitikan. A. Lathalain B. Ekspresibo C. Pormal D. Sosyal GAWAIN 1 5. Anong gamit ng pagsulat ang nagsasaad ng magiging matagumpay ang pagsulat kung matutugunan ng mga mambabasa ang layuning itinakda sa sulatin? A. Ekspresibo B. Layunin C. Panlipunan D. Wika GAWAIN 2 1. Ano ang akademikong pagsulat ayon sa iyong sariling pagpapakahulugan batay sa iyong karanasan?_______________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________. 2. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang iyong layunin sa pagsulat? Magbigay ng tatlong layunin. ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________. MGA LAYUNIN SA PAGSUSULAT 1.IMPORMATIB NA PAGSULAT/ expository writing- naghahangad na makapagbigay impormasyon. 2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT- Naglalayon na makumbinsi ang mambabasa. Ano-ano ang mga 3.MALIKHAING PAGSULAT- layunin sa pagsulat? pagpapahayag ng kathang-isip, damdamin, ideya o imahinasyon. ANG AKADEMIKONG PAGSUSULAT Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Julian at Lontoc (2016) ANG AKADEMIKONG PAGSUSULAT Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na particular na kumbensyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinagpangatwiran. Alejo, et al., (2005) ANG AKADEMIKONG PAGSUSULAT Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Arrogante, et al., (2007) Narito ang mga dapat isaalang – alang sa pagsulat lalo na sa mga akademikong pagsulat. 1. WIKA 2. PAKSA 3. LAYUNIN 4. PAMARAAN NG PAGSULAT 5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP 6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN SA PAGSULAT Ano-ano ang mga 7. KASANAYAN SA PAGHABI NG gamit sa pagsulat? BAGONG SULATIN WIKA Instrumento ang wika na ginagamit sa pang- araw-araw upang maipahayag ng tao ang nais nyang ipahayag sa pamamagitan ng pasalita o pasulat. Ang paggamit ng wika lalo na sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan ay kinakailangang akma sa mga mambabasa o makikinig dito kaya mahalagang gamitin ito nang malinaw, masining, tiyiak, at sa payak na paraan. PAKSA Mahalaga ang paksa o tema ng isang akda na isusulat dahil ito ang iikutan ng mga ideyang dapat nakapaloob sa akda. Dapat magkaroon ng sapat nakaalaman sa paksa na gagamitin sa pagsulat upang ito ay maging malaman, makabuluhan at wasto ang mga ginagamit na datos. LAYUNIN Ang layunin ay nagsisilbing gabay ng isang manunulat sa kanyang pagsulat kaya mahalagang matiyak ang layunin ng pagsulat. Magiging matagumpay ang pagsulat kung matutugunan ng mga mambabasa ang layuning itinakda sa sulatin. PAMARAAN NG PAGSULAT Mahalagang akma ang pamamraan ng pagsulat sa layunin ng sulatin kaya lubos na makatutulong ang limang pamamaraan ng pagsulat. 1. Pamaraang Impormatibo 2. Pamaraang Ekspresibo 3. Pamaraang Naratibo 4. Pamaraang Deskriptibo 5. Pamaraang Argumentatibo KASANAYANG PAMPAG-IISIP Mahalagang katangian ng manunulat ang kakayahan nitong mag-analisa o magsuri ng mga datos n amahalaga o hindi gaanog mahalaga, maging ang mga impormasyon na dapat isama sa akdang isusulat. Mahalagang maging lohikal ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran, higit sa lahat kinakailangan maging obhetibo sa pagsusuri at pagpapalinawanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa isang sulatin Kalaman sa Wastong Pamamaraan sa Pagsulat Sa pagsulat mahalagang isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika lalo na sa wastong paggamit ng malak at maliit ma titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at higit sa lahat ang masining at obhetibong pagdugtong- dugtong ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin Kasanayan sa Paghabi ng Bagong Sulatin Mas magiging epektibo ang isang sulatin kung ang paghahabbi o pagdugtong-dugtong ng mga ideya nito ay mula sa simula hanggang sa wakas ay maayos, organisado, onhetibo, at masining na pamamaraan. MGA Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat 1. OBHETIBO 2. PORMAL 3. MALIWANAG AT ORGANISADO 4. MAY PANININDIGAN Ano-ano ang mga katangian ng 5. MAY PANANAGUTAN Akademikong Pagsulat? OBHETIBO Nararapat lamang na ang isang sulating pang-akademiko ay obhetibo ang pagsulat na kung saan ang mga kinakailangang datos ay batay sa isinagawang pananaliksik o pag- aaral. Iwasang maging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala, saraliring pananaw, at haka- haka o opinion hinggil sa paksang tinalakay. PORMAL Dapat gumamit ng mga salitang pormal na madaling nauunawaan na kahit sa mga karaniwang tao na mambabasa. Nararapat din na ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal. MALIWANAG AT ORGANISADO Mahalagang mayroong kaisahan ang mga datos na ilalahad sa pagsulat upang ito ay maging maliwanag at organisado. Lahat ng mga salita, parirala at pangungusap ay dapat may kaugnayan sa pangunahing paksa. MAY PANININDIGAN Kailangan mapanindigan ng manunulat ang paksang kanyang napili sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin lamang sa paksang napili o pag-aaralan at hindi siya pabago-bago ng paksa kaya kinakailangan niyang maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat na napiling paksa. MAY PANANAGUTAN Ang manunulat ay mayroong pananagutan sa mga sanguniang kanyang gagamitin sa pagsulat. Dahil sa wastong paggamit ng sangunian naipakita ng manunulat bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang sulatin. AKADEMIKONG PAGSULAT / DI- AKADEMIKONG PAGSULAT AKADEMIKONG PAGSULAT Mula sa salitang latin na academicus noong 1580,academian noong 1590 at academician noong 1746.Tumutukoy at may kauganayan ang mga salitang ito sa edukasyon, iskolar,institusyon o larangan ng pag-aaral. AKADEMIKONG PAGSULAT Ito ay nagbibigay tuon sa makrong kasanayan sa pagbasa, pakikinig, panonood,pagsulat, at pagsasalita. DI- AKADEMIKO AKADEMIKO LAYUNIN: Nagbibigay ng ideya Nagbibigay ng o impormasyon sariling opininyon Paraan o batayan ng Obserbasyon, Nagbibigay ng datos pananaliksik, at sariling opinyon pagbabasa Organisasyon ng Planado ang ideya - Hindi malinaw ang ideya May pagkasunod – estruktura - Hindi sunod ang estruktura kailangang ng mga pahayag - magkaugnay ang Magkakaugnay ang mga ideya DI- AKADEMIKO AKADEMIKO Pananaw o Obhetibo - Hindi - Subhetibo - direktang tumutukoy Sariling opinyon, gamit sa tao at damdamin pamilya, kundi sa mga bagay , ideya at mga komunidad ang makatotohanang pagtukoy - Tao at impormasyon damdamin ang tinutukoy Gamit - Pang Ordinaryo o pang eskwelahan araw-araw Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 1. DESKRIPSIYON NG PAKSA 2. PROBLEMA AT Ano-ano ang mga SOLUSYON estruktura ng tekstong akademiko? 3.FACTUAL REPORT Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 4. SANHI AT BUNGA Ano-ano ang mga estruktura ng 5.PAGKOKOMPARA tekstong akademiko? 6. APLIKASYON Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 1. Deskripsiyon ng Paksa- Karaniwang itong nababasa sa unang bahagi o sa simula ng teksto dahil mababasa dito ang depinisyon, paglilinaw, at pagpapaliwanag sa paksa. Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 2. Problema at Solusyon- Ang paksang pangungusap ang pinakatema ng teksto kung saan umiikot ang mga punto at layunin ng paksa na gustong patunayan, ipaggiitan, isangguni at ilahad sa paraan na madali itong maunawaan. Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 3. Pagkasunod-sunod o sekwensiya ng mga ideya- Ang pagkakaayos nito ay maaaring ilahad sa dalawang pamamaraan. Una, ang kronolohikal kung saan ang pagkasunod-sunod ay ayon sa panahon. Ikalawa, ang hierarkikal kung saan tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga ideya. Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 4. Sanhi at Bunga- – Ito ay ginagamit para pagbatayan ang mga ebidensiya at katuwiran sa teksto. Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 5. Pagkokompara- Ang estruktura na ito ay may kaugnayan sa pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang patibayin ang katuwiran. Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko ayon sa Layunin 6. Aplikasyon- – Ang estruktura na ito ay iniuugnay ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay. 1.PRE-WRITING-bago sumulat 2.DRAFTING- pagsulat ng burador 3.REVISING- pagrerebisa 4.EDITING-pageedit Ano-ano ang mga proseso sa pagsulat? 5.FINAL DOCUMENT- palalathala ESTRUKTURA NG TESIS INTRODUKSIYON Paksang Pangungusap Ang estrakturang ito ay KATAWAN ginagamit sa mga Paksang Talata tekstong nangangatwiran Mga Detalye o may pinatutunayan Argumento Katuwiran Paksang Pangungusap Mga Detalyeng Pangungusap KONGKLUSYON Argumentong Konklusyon ESTRUKTURANG PROBLEMA AT SOLUSYON INTRODUKSIYON Pahayag ng Problema at Solusyon Tinatalakay dito ang mga problema o isyu at KATAWAN posibleng solusyon Mga Detalye Mga Ebidensiya Mga Katuwiran Mga Posibleng Solusyon KONGKLUSYON Argumentong Konklusyon ESTRUKTURANG FACTUAL REPORT INTRODUKSIYON Pangunahing Paksa Walang pinapanigang isyu o katwiran ang KATAWAN estrakturang ito sa Mga Detalye akademikong pagsulat Mga Paliwanag KONGKLUSYON Pangkalahatang Buod Gawain 3 Panuto: Magbigay ng ideya kung ang pahayag ay isang malikhaing pagsulat o akademikong pagsulat at ipaliwanang. Kailangan kung Kailangan gamitin ko ilarawan nang maayos ang tamang ang aking karanasan panuntunan sa sas panahon ng pagsulat lalong-lalo na pandemic. sa gramatika. Paliwanag:_________ Paliwanag:_________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ACTIVITY: Panuto: Gumupit ng isang pangulong-tudling mula sa kinahihiligan mong pahayagan. Idikit ito sa long size na bond paper. Suriin at ipaliwanag ito batay sa hinihingi sa ibaba. ACTIVITY 1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto 2. Organisasyon ng sulatin 3. Katangian ng sulatin at wikang ginamit 4. Layunin ng sulatin 5. Damdamin ng sulatin 6. Mensaheng nakapaloob sa sulatin MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG AT KOOPERASYON!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser