Araling Panlipunan - Modyul 8 (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
DepED
Tags
Summary
This document is an educational module on the political systems implemented during the colonial period by Spain in the Philippines. It details different types of local government structures, roles of officials, and effects of colonial rule on the Filipinos.
Full Transcript
5 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 8: Patakarang Pampolitika sa Pamahalaang Kolonyal (Pamahalaang Lokal) Illustrated by: Josenito Cero Alamin Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Ito ay makatutulong sa iyo sa paghas...
5 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 8: Patakarang Pampolitika sa Pamahalaang Kolonyal (Pamahalaang Lokal) Illustrated by: Josenito Cero Alamin Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Ito ay makatutulong sa iyo sa paghasa tungkol sa pamamahala sa ilalim ng Pamahalaang Kolonyal. Napapaloob sa modyul na ito kung paano naitatag ang pamahalaang lokal at ang mga uri nito, ang pinuno ng bawat uri at ang kani-kanilang tungkulin at karapatan at ang naging pagbabago sa pamamahala sa Pilipinas sa panahong kolonyal. Mahalagang pag-aralan mo ang mga ito upang malaman mo ang mga epekto ng pamahalaang ipinatupad ng mga Espanyol noong panahon ng kolonyalismo. Sa pag-aaral mo sa modyul na ito: Nasusuri ang mga epekto ng Patakarang Pampolitika (Pamahalaang Lokal) na ipinatupad ng Espanya sa bansa. Sa pagsagot sa Gawain, gamitin ang sagutang papel na inilaan ng guro para sayo at doon isulat ang iyong sagot ukol dito. ii Aralin 8 Ang Pamahalaang Lokal Pinanatili ang mga dating pamayanang barangay bilang pinakamaliit na bahagi ng pamahalaang lokal. Ang mga dating barangay ay pinagsama- sama upang mabuo ang bayan o pueblo. Ang magkakalapit na pueblo ay pinagsama-sama upang mabuo ang lalawigan o alcaldia. Ang mga sentro ng komersyo o negosyo tulad ng Maynila, Cebu, at iba pa pang lungsod ay naging ayuntamiento. Tuklasin Basahing mabuti ang diyalogo ng mag-ina sa ibaba. 1 Paano kaya nagbago ang pamamahala sa Pilipinas sa panahong kolonyal? Anu-ano ang mga epekto ng pamahalaang kolonyal sa mga katutubong mamamayan? Suriin PAMAHALAANG LOKAL Ang pamahalaang lokal ay nahahati sa panlalawigan o corregidor, panlunsod, pambayan at pambarangay. Organisasyon ng Pamahalaang Lokal sa Panahon ng Kastila Lalawigan o Alcaldia Corregimiento (Alcalde Mayor) (Corregidores o Gobernadores) Lungsod o Ayuntamiento Pueblo o Bayan (Alcaldes Ordinario) (Gobernadorcillo) 6-12 Regidores o Konsehal Mga tinyente: 1 kalihim Tinyente de justicia 1 Alguacil Mayor o Punong Tinyente de policia Konstable Tinyente de agricultura Barangay (Cabeza de Barangay) Ang Alcaldia Ang alcaldia o lalawigan ay pinamumunuan ng isang Espanyol na alcalde mayor. Pangunahing tungkulin ng alcalde mayor ang mga sumusunod: ✓ Ipatupad ang mga utos at patakaran mula sa gobernador-heneral. 2 ✓ Namamahala sa mga pagawaing-bayan sa lalawigan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay, simbahan, paaralan, at munisipyo ✓ Pangangasiwa sa mga gawaing pangkalusugan, agrikultura, industriya, kawanggawa, at iba pa. Upang matustusan ang mga ito, ibinibigay sa 1 alcalde mayor ang tatlong bahagi (3) ng buwis na nakolekta sa lalawigan. ✓ Tinitiyak niyang may sapat na pagkaing panustos sa lalawigan. ✓ Siya rin ang pinunong militar ng lalawigan ✓ Tagapamahala ng mga gawaing panrelihiyon at mga halalang lokal ✓ Tagabigay ng permiso para sa pagtotroso at iba pang gawain sa lalawigan ✓ Siya rin ang huwes na humahatol sa mga kaso ng paglabag sa batas. Ibinigay sa kanya ang pribilehiyong indulto de comercio o ang karapatang magnegosyo at sumali sa kalakalang galyon. Dahil dito, nakontrol niya ang presyo ng mga bilihin. Sa kanyang malawak na kapangyarihan, nagawa niyang pilitin ang mga tao na ipagbili sa kanya ang kanilang produkto sa murang halaga. Pagkatapos, ito ay ipinagbili niya sa mataas na presyo. Sa ganitong paraan, lumaganap ang katiwalian at pang- aabuso. Ngunit dahil siya ang pinakamataas na pinuno sa lalawigan, walang nagawa ang mga tao kundi ang sumunod sa kanya. Ang Corregimiento Ang mga corregidores ay mga lalawigang may pag-aalsa pa laban sa mga Kastila tulad ng Mariveles, Mindoro at Panay. Maraming Pilipino ang namatay dahil sa paglaban sa mga Kastila. Itinalaga dito ang corregidor na military. Siya ang nangasiwa sa pagpapasuko sa mga katutubong mamamayan na ayaw mapasailalim sa Espanya. Ang Ayuntamiento Ang ayuntamiento o lungsod ay pinamumunuan ng mga Espanyol. Kabilang dito ang 2 alcalde ordinario, 6 - 12 regidores (konsehal), isang escribano (kalihim), at isang alguacil mayor (pinuno ng pulisya). Sila ang nangangasiwa sa pamamahala sa lungsod, nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan, at nagpapatupad ng mga kautusan mula sa gobernador- 3 heneral. Nagiging lungsod ang isang lugar kung ito ay mayroong malaking populasyon at aktibo sa pulitika at kalakalan. Ang Pueblo Ang pueblo o bayan ay pinamumunuan ng isang gobernadorcillo. Sila ang dating datu, rajah, at iba pang Maharlika na binigyan ng karapatang mamahala sa mga pueblo. Tumira ang gobernadorcillo at ang kanyang pamilya sa poblacion o sentro ng pueblo. Ito ang pinakamataas na posisyon na maaaring makamtan ng isang Pilipino ngunit kadalasang ito ay nasa kamay ng mga Kastila. Makapangyarihan ang gobernadorcillo sapagkat siya ang namamahala sa pamahalaang pambayan. Siya rin ang naghahanda ng listahan ng dapat magbayad ng buwis, nagtatalaga ng mga Pilipinong puwersahang nagsisilbi bilang trabahador o polo y serbisyo, sundalo at kartero. Hukom din siya sa mga kasong kinasasangkutan ng hindi tataas sa P44.00. Ang gobernadorcillo ay tinutulungan ng mga teniente: teniente de justicia na mamamahala sa mga kaso; teniente de policia na namamahala sa kapayapaan ng bayan; at teniente de agricultura na namamahala sa mga pananim at hayop. Ang gobernadorcillo ay walang karapatang gumawa ng sariling desisyon para sa kanyang komunidad. Ang tanging gawain niya ay sumunod at ipatupad ang mga utos ng alcalde mayor. Gawain ng gobernadorcillo ang mangolekta ng tributo o buwis mula sa mga cabeza de barangay. Mayroon siyang padron o listahan ng mga mamamayan sa bawat barangay na dapat kolektahan ng buwis. Ang maliit na bahagi ng buwis ay napupunta sa kanya. Samantala, ang mas malaking bahagi ng nakolektang buwis ay ibinigay sa alcalde mayor ng lalawigan. Ang Barangay Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng cabeza de barangay. Siya ay isang pinunong katutubo katulad ng gobernadorcillo. Pangunahing tungkulin niya ang pangongolekta ng buwis mula sa mga mamamayan ng 4 barangay. Ang nakolekta ay ibinibigay sa gobernadorcillo. Ang padron o listahan ng mga mamamayan ang batayan ng gobernadorcillo kapag ibinibigay ng cabeza de barangay ang nakolekta. Kapag may taong hindi nakabayad, ang cabeza de barangay kung minsan ang nagpupuno sa kakulangan. Siya rin ang naging tagapagpatupad ng mga patakaran ng pamahalaang kolonyal sa kanyang barangay. Ang gobernadorcillo at ang cabeza de barangay ang nagsisilbing tagapamagitan ng pamahalaang Espanyol at ng mga katutubong mamamayan. Sila ay itinuring na bahagi ng principalia o mga katutubong mamamayan na may mas mataas na kapangyarihan kaysa sa karaniwang mamamayan. Bago nasakop ang kapuluan, sila ang tinitingala sa lipunan. Sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan, mayroon nang mas mataas na pinunong nag-aatas sa kanila. Mga Epekto ng Pagbabagong Politikal sa Pilipinas Nagdulot ng malaking pagbabago sa larangan ng politika ang pagiging kolonya ng Pilipinas sa Espanya. Ilan sa mga epekto ay ang sumusunod: 1. Tuluyang napag-isa ang ang dating watak-watak na pamahalaan ng mga datu sa kani-kanilang barangay. 2. Inalis sa mga datu ang kapangyarihang mamuno sa isang pamayanan. 3. Napasailalim ang datu sa kapangyarihan ng mga dayuhang Espanyol. 4. Pinanatili man ng Espanya ang posisyon ng mga datu naglaho naman ang kaniyang ganap na pamamahala dahil pangunahing tungkulin niya ang maningil ng buwis at mapanatili ng kaayusan sa nasasakupan. 5. Naging mahirap ang pagsunod sa batas at mga patakarang ipinatutupad ng mga dayuhan. 6. Naging mapang-abuso ang mga opisyal na Espanyol at hindi naging pantay-pantay ang pagtrato sa mga katutubo. 7. Ang mga Pilipino ay naging tagasunod lamang sa sariling lupain na pinamumunuan ng mga Espanyol. 5 Pagyamanin Gawain A: Pamahalaan Ko, Buuin Mo! Panuto: Punan ng tamang titik ang mga kahon upang mabuo ang hinihinging salita. Gawing gabay ang mga parirala sa ibaba. C R A I L PABABA PAHALANG 1. lalawigan ng pinamumunuan ng 3. pinamumunuan ng cabeza de alcade mayor barangay 2. mga lalawigang may pag-aalsa 4. lungsod na pinamumunuan ng mga laban sa mga Kastila alcaldes ordinario 5. bayan na pinamumunuan ng gobernadorcillo 6 Gawain B. Tama o Mali? Suriin kung Tama o Mali ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Naging tagasunod lamang ang mga Pilipinong namamahala sa mga Espanyol. 2. Napag-isa ang dating watak-watak na pamahalaan ng mga datu. 3. Naging madali ang pagsunod sa batas at patakarang ipinatupad. 4. Naging mapang-abuso ang mga pinunong Espanyol. 5. Hindi pinanatili ng Espanya ang posisyon ng mga datu at pinagtrabaho sila sa sapilitang paggawa. Isaisip Tandaan natin na: Ang pamahalaang Pilipinas sa panahon ng Kastila ay may dalawang sangay: ang pamahalaang sentral at pamahalaang lokal. Ang pamahalaang lokal ay binubuo ng mga lalawigan. Ang isang lalawigan ay binubuo ng isang lungsod at ang lungsod ay binubuo ng mga barangay. Ang mga lalawigan ay pinamunuan ng mga alcaldes mayores at ang mga lungsod ay pinamunuan ng mga alcaldes ordinario. Ang mga munisipyo o bayan ay pinamumunuan ng gobernadorcillo. Inalis sa mga datu ang kapangyarihang mamuno sa isang pamayanan. 7 Isagawa Panuto: Ang kasalukuyang pamahalaan ng Pilipinas ay may pagkakatulad noong panahon ng mga Espanyol. Isulat ang pangalang katumbas ng mga pinuno. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Noon Ngayon 1. Gobernador ng Lalawigan Gobernadorcillo 2. 3. Mayor ng isang lungsod Cabeza de Barangay 4. 5. Konsehal Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. _____1. Sino-sino ang namuno sa mga lalawigang hindi pa nasakop? a. Alcaldes Mayores b. Cabeza de Barangay c. Corregidores d. Gobernadorcillo _____2. Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng gobernadorcillo? a. magsabi ng misa b. magpagawa ng daan c. magpagawa ng tulay d. mangolekta ng buwis 8 _____3. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang bayan para maging lungsod? Ito ay aktibo sa __________. a. pulitika at kalakalan b. kalinangan c. digmaan d. isports _____4. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng cabeza de barangay maliban sa isa. Alin dito ang hindi tungkulin ng cebeza de barangay? a. pangongolekta ng buwis b. nagpupuno ng kakulangan ng mga taong di nakabayad c. nagsisilbing tagapamagitan sa pamahalaang Espayol at katutubo d. gumagawa ng mga batas ______5. Upang matustusan ang mga proyekto ng lalawigan, ilang bahagi ng buwis na nakolekta ang ibinibigay sa alcalde mayor? 1 1 1 1 a. b. c. d. 2 3 4 8 ______6. Aling dito ang pinakamaliit na bahagi ng pamahalaang local? a. pueblo b. ayuntamiento c. barangay d. alcaldia ______7. Ang sumusunod ay mga epekto ng pagbabagong politika ng Pilipinas. Alin ang isang positibong epekto sa mga sumusunod? a. Naging tagasunod ang mga Pilipino sa mga Espanyol b. Napag-isa ang mga dating watak-watak na pamahalaan c. Inalis sa mga datu ang kapangyarihang mamuno sa pamayanan d. Napasailalim ang datu sa kapangyarihan ng Espanyol ______8. Saan tumira ang gobernadorcillo at ang kanyang pamilya? a. barangay b. población c. alcaldia d. munisipyo ______9. Alin sa sumusunod na nabanggit ang hindi kasama sa nangangasiwa sa pamamahala sa ayuntamiento? a. regidores b. escribano c. corregidor d. alguacil mayor ______10. Ilang regidores o konsehal ang kasamang nangangasiwa ng lungsod? a. 6-12 b. 6-8 c. 9-12 d. 4-6 9 Karagdagang Gawain A. Sa kasalukuyan, ang ating pamahalaang lokal ay pinamumunuan ng mga opisyal na inihalal ng mga mamamayang maaaring bumoto. Isulat ang pangalan ng mga nanunungkulan sa kasalukuyan sa inyong pamahalaang lokal. Sumangguni sa mga pahayagan o magtanong sa mga kakilala. 1. Sino ang Punong Barangay ng iyong barangay? _______________________________ 2. Sino ang Vice-Mayor ng iyong bayan o lungsod? ______________________________ 3. Sino ang Mayor ng iyong bayan o lungsod? __________________________________ 4. Sino ang Congressman ng iyong distrito? ___________________________________ 5. Sino ang Gobernador ng iyong probinsya? ___________________________________ 10 11 Pagyamanin A 1. alcaldia 2. corregimiento 3. barangay 4. ayuntamiento 5. pueblo Pagyamanin B Isaisip Tayahin 1. Tama 1. lokal 1. c 2. Tama 2. pueblo 2. a 3. Mali 3. ordinario 3. a 4. Tama 4. d 4. gobernadorcillo 5. Mali 5. b 5. datu 6. c Isagawa 7. b 8. b 1. Alcalde Mayor 9. c 2. Mayor ng Bayan 10. a 3. Alcalde Ordinario 4. Barangay Kapitan Regidores Susi sa Pagwawasto Sanggunian Antonio, Eleanor D., Banlaygas, Emilia L., Dallo, Evangeline M. 2015. Kayamanan Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon City: Rex Printing Company, Inc. Baisa-Julian, Ailene G., Lontoc, Nestor S.,. 2019. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., Jose, Mary Dorothy dL. 2016. Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group, Inc. Gonzales, Noli. 2011. Makabayan sa Puso at Diwa. Manila: FutureBuilder Publications Inc. Molave, Aurelia T., Diokno, Harold A. 2016. Lunday ng Kalinangang Pilipino. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc. Misosa Modules Crossword Maker on TheTeachersCorner.net https://www.storyboardthat.com/storyboard-creator Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected] 12