Gawain 1: Basahin PDF
Document Details
Uploaded by HardyKnowledge
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon ukol sa kasaysayan at heograpiya ng Lungsod ng Tuguegarao, Pilipinas. Nagtatanong din naman ito ng mga bagay na dapat malaman at sagutin. Ito ay partikular na tungkol sa mga unang naninirahan nito, at ang pinagmulan ng pangalan.
Full Transcript
## Gawain 1: Basahin Ang Lungsod Tuguegarao ay nag-iisang lungsod sa lalawigan ng Cagayan. Ang Tuguegarao ang kabisera ng Cagayan at ng Rehiyon II, at matatagpuan dito ang Ilog Cagayan. Ang wikang ginagamit sa rito ay Ytawes, Ybanag, at Ilokano. May iba't ibang bersiyon ang sinasabing pinagmulan n...
## Gawain 1: Basahin Ang Lungsod Tuguegarao ay nag-iisang lungsod sa lalawigan ng Cagayan. Ang Tuguegarao ang kabisera ng Cagayan at ng Rehiyon II, at matatagpuan dito ang Ilog Cagayan. Ang wikang ginagamit sa rito ay Ytawes, Ybanag, at Ilokano. May iba't ibang bersiyon ang sinasabing pinagmulan ng pangalang Tuguegarao. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng maraming bilang ng puno ng tarao sa lugar. Sinasabi ring nanggaling ito sa katagang garrao na nangangahulugan ng mabilis na pag-agos dahil sa Ilog Pinacanauan na matatagpuan dito. Mayroon din namang nagsasabing hinango ito sa salitang tuggi na nangangahulugan ng apoy. Ayon sa mga naitalang kwento, ang bayan ay dating tinawag na Twerao ng mga mamamayan sa ibang bayan ng Cagayan. Ang pinakatanggap na pinagmulan naman ng pangalan ay ang Tuggui gari yaw, na nangangahulugang Tinupok ito ng apoy, dahil sa mga pook kung saan ginagawa ang pagkakaingin noong panahon ng mga Kastila. Malaki ang sukat ng Tuguegarao ngunit kaunti lamang ang mga naninirahan dito hanggang noong 1850. Itinuring itong isang barangay bago binigyan ng estadong mission-pueblo noong ika-9 ng Mayo 1604 ng mga Kastila na naging dahilan upang maging isa ito sa mga politikal na yunit sa lalawigan ng Cagayan. ## Ang mga orihinal na naninirahan sa Tuguegarao ay ang mga Itawes, isang grupo ng mga Mala na dumating sa isla noong mga panahon mula ika-200 siglo hanggang 300 siglo. Ang mga ito ang naging dahilan ng paglipat ng mga Atta sa mga kabundukan. Nang maglaon ay tinuruan ang mga Itawes ng salitang Ibanag upang gamitin sa pakikipagkalakalan. Ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga ito ay pangingisda, pangangaso, pagsasaka at pag-aalaga ng mga baboy at manok. Noong taong 1983 ay ipinagdiwang ang ikaapat na daang taon ng pagkakatatag ng gobyerno ng lalawigan ng Cagayan. Lumaki ang populasyon ng Cagayan at patuloy ang pag-unlad ng lungsod. Naging kabisera ng lalawigan ng Cagayan ang Tuguegarao at naging sentro ng kalakalan ng buong rehiyon II. Ilan sa mga maipagmamalaking atraksyon para sa turismo ng Tuguegarao ang Saints Peter at Paul Cathedral, Basilica of Our Lady of Piat, San Jacinto Ermita Church, Iguig Calvary Hills, St. Paul University at Buntun Bridge. ## Sagutin: 1. Anong komunidad ang inilarawan sa kwento? 2. Anu-anong mga bersyon ang sinasabing pinagmulan ng pangalan ng Tuguegarao? 3. Sino ang mga unang nanirahan sa Tuguegarao? 4. Anu-ano ang mga pangunahing pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga unang tao na nanirahan dito? 5. Sa kasalukuyan, anu-ano ang mga maipagmamalaking atraksyon ng nasabing lugar?