Modyul 1: Kabuluhan at Halaga ng Kasaysayan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Cavite State University
Tags
Summary
This document is a module on Philippine history, likely for an undergraduate course at Cavite State University. It covers topics such as the value of history, the difference between primary and secondary sources, internal and external criticism, and historical methodologies.
Full Transcript
Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788...
Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] GNED 04: BABASAHIN HINGGIL SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS MODYUL 1: KABULUHAN AT HALAGA NG KASAYSAYAN MGA PAKSA 1. Kabuluhan at Halaga ng Kasaysayan 2. Pagkakaiba ng Primarya at Sekondaryang Batis 3. Panloob at Panlabas na Kritisismo 4. Mga repositoryo ng mga Primaryang Batis, 5. Iba’t-ibang uri ng Primaryang Batis INAASAHANG MATUTUTUNAN Sa pagtatapos ng Modyul, inaasahang matututo ang mga mag-aaral na magkaroon ng ebalwasyon sa kredibilidad, awtensidad, at pinanggalingan ng primaryang batis. METODOLOHIYA 1. Lektura/Talakayan Onsite Discussion 2. Pagbisita sa mga aklatan, Museo at sinupan (maaring virtual na pagbisita) 3. Komparatibong pagsusuri ng mga primarya at sekondaryang batis 4. Maaring magpakilala ng iba pang paraan ng pagtuturo at batis ng sanggunian ang guro maliban sa nabanggit sa itaas/ibaba. Tandaan lamang na hindi dapat mabago ang “Inaasahang Matututuhan”. 5. Pagsusuri sa Pinanood na Pelikula (Ang Pamilyang Austronesyano) Note: Linked will be provided PANIMULA/PANUKALANG GAWAIN A. Primarya at Sekondaryang Batis 1. Hatiin ang klase sa maliliit na grupo na hindi bababa sa limang kasapi (depende na rin sa laki ng klase) 2. Bawat grupo ay tatalagahan ng tig-iisang babasahin (primarya o sekondarya) 3. Ang ibang babasahin ay babasahin sa kabuuan samantalang ang iba ay halaw lamang 4. Ang mga buod ng ulat ay ibabahagi sa buong klase sa pamamagitan ng presentasyong power point Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] 6. Bawat grupo ay magpapasa ng nakasulat na ulat sa pagtatapos ng presentasyon sa Klase PAGTATASA (PARA SA MGA GURO) Makalikha ang mga mag-aaral ng mga primarya at kaugnay na sekondaryang batis na hanggo sa mga ito. I. KABULUHAN AT HALAGA NG KASAYSAYAN Ano nga ba ang Kasaysayan? Etimolohiyang Depenisyon (Etymological Definition) Ang salitang kasaysayan o history sa salitang ingles ay nagsimula sa salitang Greek na historia na nangangahulugang “impormasyon mula sa pagsasaliksik.” Sinasabing ginamit ito ni Herodotus, isang Griyegona sumulat ng kasaysayan ng isa sa mahabang digmnaan na naganap sa isang daigdig. Tinagurian siyang “ama ng kasaysayan” dahil sa kanyang pagtala sa kasaysayan ng digmaan na naganap noon sa Greece. Kasaysayan galing sa salitang HISTORIA na mula sa wikang Griyego. Ibig sabihin ay pananaliksik o impormasyon mula sa pagsasaliksik Ulat o buod ng resulta ng pananaliksik Agham na naglalarawan at sumusuri sa makabuluhang pangyayari na naganap Salaysay – na ang kahulugan ay “paglalahad, pahayag, o kuwento.” “Isang salaysay na may saysay o kabuluhan sa kapwa nagsasalaysay at sinasalaysayan.” Sa pag-aaral ng ating nakaraan ay kinakailangan nating gumamit ng mga batayan, kasanayan, at pamantayan upang masuri ang mga kaganapan at masiguro na ang nabubuong kuwento ay wasto. ESENSYAL NA PAKAHULUGAN (Essential Definition) KASAYSAYAN Ang Kasaysayan (History) ay ginagamit bilang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan. Kapag naman Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] ginagamit bilang pangalan ng isang pinag-aaralan larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao at gamit. Ang pag-aaral sa mga nakalipas na panahon maaring pag-aaral sa nakalipas na pangyayari lugar at tao. Samakatuwid ang kasaysayan ay: Ang kasaysayan ay isang kuwentong ipinahahayag sa pamamagitan ng isang sanaysay. Ang kasaysayan ay bunga ng kagustuhan ng tao na matuto tungkol sa kanilang nakaraan. Ang kasaysayan ang nagbibigay buhay sa nakaraan. Kinikilala ng kasaysayan ang pagbabago sa paglipas ng panahon. KAHALAGAHAN NG KASAYSAYAN Sa pag-aaral ng kasaysayan, makikita at mauunawaan natin ang mga kontribusyon ng ating mga ninuno sa pundasyon ng ating pagkatao, sa ating pinaggagalingan at minanang kalinangan at kultura. Mauunawaan natin ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, ang mga pangyayari sa nakaraan ay karugtong ng ating kasalukuyan at hinaharap. Ang pag-aaral sa kasasysayan ang magbibigay kahulugan sa ibat-ibang bagay at pangyayari sa ating kapaligiran. Nasasanay at nagiging bihasa tayo sa pagsusuri at pagtataya sa mga bagay bagay sa ating kapaligiran at lipunan. Natutuhan nating pahalagahan ang ating kultura, at mahalin at igalang ang ating kapwa at iba pang tao sa mundo. Sa pag-aral ng kasaysayan, nagkakaroon tayo ng mas malawak na pang unawa sa nakaraan mga pangyayari at nakatutuklas tayo ng makabagong pamamaraan ng pagaaral at palutas ng ga suliranin sa kasalukuyan at sa hinaharap. Pinalalawak ng kasaysayan ang ating kaalaman tungkol sa ibat ibang lahi ng mga tao, kultura, lugar at panahon. Nagbibigay ng mahahalagang aral sa atin ang mga kuwento nang nakaraan tungkol sa mga tao at bagy sa mundo na ating ginagalawan. Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Sa pag-aaral ng kasasysayan, natutunan natin ang mga pamamaraan ng pag-aaral sa pag sasalik ng mga agham panlipunan. Ito ay nakatutulong upang matutunan natin ang mga paraan ng pag tuklas ng kaalaman. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nakakatulong upang maliwanagan at mamulat ang ating isipan. Pumupukaw ito sa ating damdamin makabayan, makatao, makakalikasan, at makasandaigdigan. Nagkakaroon tayo ng mas malawak na pang-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa, sa pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa at sa buong daigdig. MGA SANGAY NG AGHAM NA MAY KAUGNAYAN SA KASAYSAYAN 1. Arkeolohiya (Archeology) - ay ang pag-aaral ng mga labi o naiwang artifacts ng mgasinaunang tao. 2. Antropolohiya (Anthropology) - nakatoun sa kultura, kaugalian, at pang-araw araw na gawainng tao 3. Paleontolohiya (Paleontology) - ay ang pag-aaral ng sinaunang buhay sa paghahanap ng impormasyon o kabatiran hinggil sa ilang mga aspeto ng mga nakalipas na mga organismo 4. Heograpiya (Geography) - pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig. Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] METODONG PANGKASAYSAYAN Mula sa Lektura ni Ma. Florina Orillos-Juan, Ph.D. ,Departamento ng Kasaysayan De la Salle University Manila Kasaysayan Bilang Rekonstruksyon Ang historyador ay walang dudang napakalayo na mula sa kaganapang kanyang isinasalaysay (the historian is many times removed from the events under investigation) Umaasa ang historyador sa mga naiwang tala (historians rely on surviving records) Ayon kay Louis Gottschalk, mula sa kanyang panulat na Understanding History “Only a part of what was observed in the past was remembered by those who observed it; only a part of what was remembered was recorded; only a part of what was recorded has survived; only a part of what has survived has come to the historian’s attention.” “Only a part of what is credible has been grasped, and only a part of what has been grasped can be expounded or narrated by the historian.” Karakter Ng Isang Historyador Ang HIstoriador ay: Tao na posibleng makagawa ng pagkakamali May pagkiling o bias – personal, pulitikal, relihiyon, idiosyncracy Bawat historyador ay may sariling frame of reference -- halagahin, katapatan sa isang tao, hinuha, interes at prinsipyo Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Halimbawa ng larawan ito: Iba’t ibang Interpretasyon Mula sa kalaban sa pulitika: “I wonder if he’s as good as he is in Malacañang” Mula sa Liberal Party: “Good for him, he deserves a break from his everyday work” Mula sa isang relihiyoso: “As a role model for all Filipinos, he shouldn’t be photographed doing that” Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Isa pang larawan: Orihinal na Kapsyon: “Greece's new Finance Minister Yanis Varoufakis (R) greets the outgoing finance minister Gikas Hardouvelis after a handover ceremony in Athens on January 28, 2015.” Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] (https://ph.news.yahoo.com/photos/greeces-finance-minister-yanis-varoufakis-r-g reets-outgoing-photo-074446293.html Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] ANO ANG METODONG PANG KASAYSAYAN? Ang Kasaysayan ay Hindi Bunga ng Likhang-isip Ang mga salaysay pangkasasayan ay nararapat na nakabatay sa mga kaugnay at nariyan-pa na mga ebidensya. (Historical accounts must be based on all available relevant evidence) Ang bersyon ng isang nakaraan na hindi sinusuportahan ng ebidensya ay walang katuturan. (A version of the past that can’t be supported by evidence is worthless) Mga panuntunan na nagsisilbing gabay sa pananaliksik at pagsusulat ng akademikong pananaliksik o propesyunal na kasaysayan (Agreed ground rules for researching and writing academic research or professional history) Mga protokol na ginagamit ng historyador sa pagsusuri ng mga batis (Core protocols historians use for handling sources) Kailangan ibatay ng mga historyador ang kanilang salaysay sa mga batis pangkasaysayan. Kailangan masumpungan ng historyador ang mga kaugnay na batis na siyang magiging batayan ng kanyang salaysay. Kailangan matiyak ng historyador ang sumusunod na impormasyon hinggil sa kanyang mga nakalap na batis – petsa kung kailan ito isinulat o nilikha, pinagmulan nito at ang orihinal na intensyon kung bakit ito naisulat o nilikha. Samaktwid, Ang Metodong pangkasaysayan ay… Ang masalimuot na proseso ng kritikal na pagsusuri at pagtatasa ng mga tala at iba pang mga gamit at/o materyales na nagmula sa nakaraang panahon. (Louis Gottschalk, Understanding History) Mga Batis Pangkasaysayan Batis (Source) Isang gamit mula sa nakaraan o testimonya na may kinalaman sa nakalipas kung saan ibinabatay ng historyador ang kanyang sariling pagtatampok ng nakaraan (Howell and Prevenier, From Reliable Sources an Introduction to Historical Method) Mga nakikita o nahahawakang labi mula sa nakaraan. (Anthony Brundage, Going to Sources) Mga nakikita o nahahawakang labi mula sa nakaraan Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] 1. Mga materyales na Limbag Libro, magasin, jornal Travelogue Transkripsyon ng isang talumpati 2. Manuskrito (nakasulat-kamay o naka-type subalit hindi pa nailimbag) Mga Batis na Nakasulat Mga dokumento mula sa artsibo o sinupan Memoirs, Talaarawan Mga Batis na ‘Di-Nakasulat Kasaysayang Pasalita Artifact Labi (Relik) Fossil Gawang-sining Videorecording Audio recording Uri ng Batis 1. Primarya Batis 2. Sekondaryang Batis Pagkakaiba ng Primarya at Sekondaryang Batis PRIMARYANG BATIS Ano ang Primaryang Batis? Testimonya ng isang taong naka-saksi ng kaganapan. “A primary source must have been produced by a contemporary of the event it narrates” (Louis Gottschalk, Understanding History) “A primary source is a document or physical object which was written or created during the time under study.” (http://www.princeton.edu/~refdesk/primary2.h) Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] “These sources were present during an experience or time period and offer an inside view of a particular event.” (http://www.princeton.edu/~refdesk/primary2.h) “Primary sources provide first-hand testimony or direct evidence concerning a topic under investigation. They are created by witnesses or recorders who experienced the events or conditions being documented.” (http://www.yale.edu/collections_collaborative/primarysources/primarysources.h tml) “These sources are created at the time when the events or conditions are occurring, it can also include autobiographies, memoirs, and oral histories recorded later.” (http://www.yale.edu/collections_collaborative/primarysources/primarysources.h tml) “Primary sources are characterized by their content, regardless of whether they are available in original format, in microfilm/microfiche, in digital format, or in published format.” (http://www.yale.edu/collections_collaborative/primarysources/primarysources.h tml) Apat na Kategorya ng Primaryang Batis 1. Mga Batis na Nakasulat 2. Imahen o Larawan 3. Artifact 4. Testimonya (Oral/Pasalita na) Halimbawa ng sanaysay ng Kasaysayan PAKSA: Ketong at ang Isla ng Culion (PALAWAN) Ang Culion ay kilala bilang lugar na pinaninirahan ng mga may ketong at minsan na ding nataguriang Island of the Living Dead. Bagama’t ang mga pasyenteng may ketong ay dinadala sa Culion upang ihiwalay sa lipunan, hindi nangangahulugan na sila ay pinabayaan na lamang mamatay. Karagdagan kaalaman, maaring matunngo sa link ito: https://www.thepoortraveler.net/2013/03/culion-town-historical-walking-tour-palawan-phil ippines/ Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Mga Halimbawang Primaryang Batis A. Primaryang Batis: Nakasulat B. Primaryang Batis: Mga Larawan/ Image Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] C. Primaryang Batis: Artifacts Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] D. Primaryang Batis: Testimonya/Salaysay na Oral “My first day was a scary one. There was a patient whose earlobes were so long…he had no nose, only two holes on his face, and no fingers, only the palm of his hands…the other patients were in different stages of deformity.” - (Testimony of Sr. Maria Luisa Montenegro, SPC 1940) SEKONDARYANG BATIS Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Ano ang mga Sekundaryang Batis? “A secondary source interprets and analyzes primary sources. These sources are one or more steps removed from the event.” “Secondary sources may have pictures, quotes or graphics of primary sources in them.” (http://www.princeton.edu/~refdesk/primary2.html) Mga Halimbawa: Teksbuk sa kasaysayan Mga nakalimbag na materyales (Serial, periodical na nagi-interpreta ng pananaliksik na natapos na). Praktikal na Halimbawa / Pagsagot ng Worksheet Paksa: Kumbensyon sa Tejeros Primaryang Batis: salaysay ni Santiago Alavarez ekondaryang Batis: Teodoro Agoncillo, Revolt of the Masses Sample of Activity Direction: Read the Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General by Santiago Alvarez and The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan by Teodoro Agoncillo and examine their respective claims about the Tejeros Convention through the matrix below. A credit of up to 10 points shall be allotted for each item in each box, hence a total of 200 points for all. Organize the ideas (your answers) in paragraphs. Primary Source Origin of the Date of the SOURCE OF Brief Description The Event/Information Event/Information HISTORY of the Source Author/Eyewitness Narrated and Milieu Katipunan and the What is the book all Ang may-akda ng Si Santiago V. Sa account na Revolution: about? Where is it libro ay si Santiago Alvarez ay ang isinulat ni Santiago Memoirs of a published? Is there Virata Alvarez na nakasaksi mismo ng Alvarez, ang General any struggle in its kilala rin bilang mga pangyayaring pagpupulong sa publication? Kidlat ng Apoy o naganap. Tejeros ay Arethere any General Apoy, ay Isinalaysay niya ang ginanap noong circumstances ipinanganak sa kanyang Marso 25, 1897. through which the Imus, Cavite noong mgapersonal na book was compelled Hulyo 25, 1872. karanasan at to be written? What Siya ay isa sa mga obserbasyon bilang Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] additional sundalo ng isang heneral sa information can be rebolusyonaryo at panahon ng said about the militar ng kalayaan Rebolusyong book? ng Pilipinas at Pilipino na kung miyembrodin ng saan nanalo Lihim na lipunan ng nangbuong lakas Katipunan at nanatili ang Katipunan at sa paksyon ng anggobyerno. Dahil Magdiwang kasama siya ay bahagi si Andres Bonifacio. mismo ng Matapos ang kombensiyon, ang rebolusyon, impormasyong nagpasya siyang maaaring makuha mag-aral sa mula sa kanyang Unibersidad ng pananaw sa SantoTomas at nasabing nag-aral din sa kaganapan ay Colegio de San marahil ang pinaka Juan de Letran tumpak. kung saan siya kumuha ng Bachelor of Arts pagkatapos ay kumuha siya ng batas sa Liceo de Manila. Siya ay isang guro at abugado Secondary Source Date of the Origin of the SOURCE OF Brief Description The Event/Information Event/Information HISTORY of the Source Author/Eyewitness and Milieu Narrated Revolt of the What is the book all Teodoro Andal Teodoro A. Sa aklat na Masses about? Where is it Agoncillo Agoncillo was a nalimbag ni Teodoro published? Is there (November 9, 1912 famous Filipino Agoncillo’s. The any struggle in its – January 14, 1985) Historian who is an Revolt of the publication? Are was a prominent essayist and a poet. Masses. published there any 20th-century Filipino He was named in 1956 is examined circumstances historian. He and National Scientist of to understand the through which the his contemporary the Philippines in author’s explanation book was compelled Renato Constantino 1985 for his of what made “the to be written? What were among the first distinguished masses” additional Filipino historians contributions in the revolutionary. The information can be renowned for field of history. study finds a said about the promoting a Agoncillo was also profound book? distinctly nationalist among the few incoherence: point of view of academics who held Agoncillo posited Filipino history the rank of literacy and political (nationalist University historiography). Professor, an academic rank given to outstanding Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] faculty members with specialization in more than one of the traditional academic domains, at the University of the Philippines Diliman. Panloob at Panlabas na Kritisismo (Internal and External Criticism) Ano ang Kritikang Pangkasaysayan? Upang magkaroon ng matibay na sandigan at magamit ito bilang ebidensya sa kasaysayan, ilang mga bagay ang kailangan na itakda, sa anyo at nilalaman 1. Kritikang Panlabas 2. Kritikang Panloob Ano ang Kritikang Panlabas? Pagtatakda ng katotohanan Upang matukoy kung alin ang peke, huwad at gawa-gawa lamang Pagsusuri kung awtentiko ang dokumento ayon kay Louis Gottschalk, Understanding History 1. Tiyakin ang petsa kung kailan nalikha ang dokumento upang malaman kung ito ay anachronistic hal. Hindi pa ginagamit ang lapis bago ang dantaon 16 2. Tiyakin kung sino ang nagsulat ng dokumento hal. Sulat-kamay, lagda at selyo. 3. Estilong anachronistic Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] hal. idioma, ortograpiya, bantas. 4. Anachronistic na pagpapatungkol sa kaganapan hal. masyadong maaga o huli. 5. Pinagmulan o galing kanino ang dokumento hal. Upang itakda ang katotohanan ng dokumento. 6. Semantics – pagtukoy sa kahulugan ng mga salita 7. Hermeneutics – pagtukoy sa tiyak na pagpapakahulugan ng salita Ano ang Kritikang Panloob? Pagtatakda ng Kapaniwalaan Mahahalagang bahagi ng dokumento – kapani-paniwala ba ang mga ito? “Verisimilar – as close as what really happened from a critical examination of best available sources.” - Louis Gottschalk, Understanding History Pagsusuri ng Kapaniwalaan ayon kay Louis Gottschalk, Understanding History 1. Pagtukoy at pagkilala sa awtor hal. upang matanto kung kapani-paniwala ang kanyang sinasabi, ano ang takbo ng isip, ano ang mga personal na aktitud 2. Pagtaya ng petsa kung kailan isinulat/nilikha ang dokumento hal. Upang matanto kung naayon sa mga salaysay sa dokumento 3. Kakayahan na magpahayag ng katotohanan hal. gaano siya kalapit sa kaganapan? gaano ang atensyon na kanyang ibinibigay sa ga detalye ng pangyayari 4. Kagustuhan na magpahayag ng katotohanan e.g. upang masuri kung “sinasadya” ng awtor na magpahayag ng katotohanan o kamalian. 5. Koroborasyon Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] i.e. ang katotohanan sa kasaysayan (historical facts) ay nakasandig sa Independiyenteng testimonya ng dalawa o higit pang mga saksi sa kaganapan Tatlong Mahahalagang Elemento ng Mabisang Kamalayan at Kaisipang Historikal 1. Pagsasaalang-alang sa iba’t ibang sanhi ng mga kaganapan 2. Pag-unawa sa konteksto ng pangkasaysayan 3. Kamalayan hinggil sa tema ng “pagpapatuloy at pagbabago” sa kasaysayan Iba’t ibang sanhi ng mga kaganapan May iba’t ibang sanhi o salik na dapat isaaalang-alang na nagbunsod sa mga kaganapan, ito man ay sa loob ng maikli o mahabang panahon Pag-usisa sa lahat ng bagay o sirkumstansya na nagbigay-daan sa kaganapan o pangyayari Pag-unawa sa Kontekstong Pangkasaysayan Kamalayan kung paano naiiba ang mga panahon sa daloy ng kasaysayan Pagtutulay sa cultural at temporal gap historical mindedness – paggamit ng mga halagahin, kategorya na umiral sa panahong pinag-aaralan Pagpapatuloy at Pagbabago mas mainam, pagpapatuloy sa gitna ng pagbabago Magkakaroon lamang ng “kasaysayan” kung may makikitang mga pagbabago Mga Repositoryo ng mga Primaryang Batis Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] NATIONAL ARCHIVES OF THE PHILIPPINES (Pambansang Arsibo / Sinupan ng Pilipinas) The National Archives of the Philippines is the home of about 60 million documents from the centuries of Spanish rule in the Philippines, the American and Japanese occupations, as well as the years of the Republic. It is also the final repository for the voluminous notarized documents of the country Address:Velco Centre, Roberto Oca St, Port Area, Maynila, Kalakhang Maynila. THE NATIONAL LIBRARY OF THE PHILIPPINES (NLP) (Pambansang Aklatan ng Pilipinas) The NLP is the official national library of the Philippines. The complex is located in Ermita on a portion of Rizal Park facing T.M. Kalaw Avenue, neighboring culturally significant buildings such as the Museum of Philippine Political History and the National Historical Commission. Like its neighbors, it is under the jurisdiction of the National Commission for Culture and the Arts(NCCA). Address:1000 Kalaw Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] THE NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES (NHCP) (Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas) The NHCP is a government agency of the Philippines. Its mission is "the promotion of Philippine history and cultural heritage through research, dissemination, conservation, sites management and heraldry work. Address: Cawit, Cavite THE NATIONAL MUSEUM OF THE PHILIPPINES (Pambansang Museo ng Pilipinas) The National Museum of The Philippines is a government institution in the Philippines and serves as an educational, scientific and cultural institution in preserving the various permanent national collections featuring the ethnographic, anthropological, archaeological and visual artistry of the Philippines. Since 1998, the National Museum has been the regulatory and enforcement agency of the National Government Address: Padre Burgos Drive, City of Manila, Metro Manila Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Metropolitan Museum of the Philippines (MET) The 'Met' is a world-class gallery tracing the evolution of Filipino art from the early 20th century to the present. Virtually all great Filipino painters from the last century are represented, while the selection of contemporary and experimental art is second to none in the Philippines. The ground floor has rotating exhibitions, while the wide-ranging permanent collection is on the 2nd floor. Guided tours (P500) can be booked ahead. There's also an incredible collection of precolonial gold ornaments and pottery in the basement, although it is currently closed indefinitely. A few of the gold armlets and necklaces weigh several kilos. The Central Bank purchased the gold at the height of the Marcos era in the '70s and '80s. Address: Roxas Blvd, Bangko Sentral ng Pilipinas, Central Bank, Pasay IBA’T-IBANG URI NG PRIMARYANG BATIS Mula sa Modyul ni Prof. Gil Ramos. Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Pangunang pahina ng aklat na Blair and Robertson, isa sa itinuturing na mahalagang primaryang batis tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. “A Must Book” para sa mga mag-aaral, guro at manunulat ng Kasaysayan Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Tabon Cave. Mga Larawan hango sa lektura ni Dr. Rene Escalante. Pagsasanay ng mga Guro sa Pagtuturo ng Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas-Unang Henerasyon. Pamantasang De La Salle, Maynila. Pamantasang De La Salle, Maynila. Ika-10-28 ng Oktubre, 2016 Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Bahagi ng lektura ni Dr. Vicente Villan na pinamagatang Kabihasnang Pilipino sa Ika-16 na Siglo. Ika- 11 ng Pambansang BAKAS Seminar Workshop. San Antonio de Padua College, Pila, Laguna. Abril 3-6, 2013. Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] MGA SANGGUNIAN 1. Howel and Prevenier, From Reliable Sources, (pp. 17-68) [Panimulang Babasahin] 2. Louis Gottschalk, Understanding History, (pp. 41-61; 117-170) [Panimulang Babasahin] 3. Robert Fox, The Tabon Caves, pp. 40-44; 109-119), [mga labi ng tao at mga artifak] 4. Santiago Alvarez, Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General, (pp. 184-187) 5. Teodoro Agoncillo, Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan. Quezon City: University of the Philippines Press. Pp. 201-217. 6. William Henry Scott, Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History, (pp. 90-135) 7. Gil D. Ramos, Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng PILIPINAS, (pp 11-18) [Modyul ] 8. Ma. Florina Orillos-Juan, Lecture on METODONG PANGKASAYSAYAN, (PowerPoint) 1. Pamilyang Austronesyano (Pelikula) 2. At iba pa. Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Activity 1 Sumulat ng sanaysay ukol sa nasabing larawan 1. mula sa iyong personal na pananaw: 2. Relihiyosong pananaw: 3. Politikal na pananaw: Direksyon: Gumamit ng dilaw na papel (yellow pad paper) Limitahan ang pag sulat ng sanaysay na hindi hihigit sa anim (6) na pangungusap. Takdang araw ng pasahan ay sa Onsite meeting natin sa next meeting. Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected] Activity 2 Sumulat ng sanaysay ukol sa nasabing larawan 1. mula sa iyong personal na pananaw: 2. Relihiyosong pananaw: 3. Politikal na pananaw: Direksyon: Gumamit ng dilaw na papel (yellow pad paper) Limitahan ang pag sulat ng sanaysay na hindi hihigit sa anim (6) na pangungusap. Takdang araw ng pasahan ay sa Onsite meeting natin sa next meeting. Activity 3 Please see attached Tak Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY Dasmarinas Learning Center Congressional Road, Burol, Dasmariñas City, Cavite, Philippines 4114 (046) 4239788 [email protected]