Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by TrendyGenre5370
Tags
Related
- Portaria Nº 2.836 - Política Nacional de Saúde Integral LGBT - Brasil 2011 PDF
- Sociological Study: Attitudes Towards LGBT Population in Norway (2011 PDF)
- Executive Order Establishing Mayor's LGBTQ+ Advisory Committee - Omaha, 2017 PDF
- LGBT in Disadvantaged Populations PDF
- Mga Hakbang sa Paglaban sa Karahasan sa Kababaihan, LGBT at Lalaki (PDF)
- Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas PDF
Summary
This document provides an overview of the history of the LGBT movement in the Philippines, tracing its development through different periods and highlighting significant events. It examines the role of the babaylan in early Filipino society as well as the impact of colonial rule. Keywords: LGBT history, Philippine LGBTQ, social history.
Full Transcript
## Paano nagsimula ang kasaysayan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender) sa Pilipinas? ### Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas #### Babaylan - Ika-16 hanggang ika-17 siglo. - Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. - Ang...
## Paano nagsimula ang kasaysayan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender) sa Pilipinas? ### Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas #### Babaylan - Ika-16 hanggang ika-17 siglo. - Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. - Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking babaylan - halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo - na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo rin babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu. - Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang "tila-babae." Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal. - Habang sila ay tinatanggap at iginagalang sa lipunang pre-kolonyal, para sa mga Espanyol, ang mga babaylan ay hindi lamang nakalilito, sila rin ay kinatatakutan dahil sa kanilang makapangyarihang posisyon. #### Panahon ng kastila - Ilan sa mga babaylang ito ay nagiba ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. - Mula noon, ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa kombensiyunal na oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. #### Dekada 60 - Ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. - Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. - Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores. #### Dekada 80 - Ang konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. - Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90, maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT. - Maibibigay na halimbawa nito ang paglabas ng *Ladlad*, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993. - Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na *A Different Love: Being Gay in the Philippines* noong 1994 - Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women's Day noong Marso 1992. - Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas. #### Dekada 90 - Pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. - Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993 - Ang Metropolitan Community Church noong 1992, - At ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992. - Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90 gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) - At Lesbian Advocates Philippines (LeAP). - Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community: Akbayan Citizen's Action Party. - Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group - ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB - noong 1999. - Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang political na partido na *Ang Ladlad*. - Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. - Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinayagan ng Kataas- taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. - Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March. - Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.