FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO PDF

Summary

These are notes on Filipino academic writing, focusing on synthesis and summary. The document details the characteristics of summaries and steps for summarizing various texts.

Full Transcript

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO Pagkatapos ng araling ito,inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nalalaman ang kahulugan ng terminong sintesis/synopsis na sulatin. 2. Nakakasusulat ng maikling komposisyon batay sa sintesis/synopsis na sulatin. 3. Nasusunod an...

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO Pagkatapos ng araling ito,inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nalalaman ang kahulugan ng terminong sintesis/synopsis na sulatin. 2. Nakakasusulat ng maikling komposisyon batay sa sintesis/synopsis na sulatin. 3. Nasusunod ang mga hakbang sa pagsulat ng synopsis na paglalagom. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin. AKADEMIKONG SULATIN- SINTESIS/BUOD FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Pangunahing katangian ng pagbubuod: 1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay sa paksa. 2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita. Isa itong “muling pagsulat” ng binasang akda sa maikling salita. 3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Mga hakbang sa pagbubuod: 1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto. 2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita (key words). 3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis. 4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag gumamit ng mga salita o pangungusap mula sa teksto. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO 5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensiya. 6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigaytransisyon sa mga ideya gaya ng gayunpaman, kung gayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang dako, bilang konkulsyon, bilang pangwakas, at iba pa. 7. Huwag magsisingit ng mga opinion. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO 8. Sundin ang dayagram sa ibaba. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta, at iba pa, maaaring gumaa muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Tumutulong ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng analitikal na pag-iisip na isang mahalagang kasanayan sa pag-aaral. Sinusuri dito ang mga impormasyon at pinaghihiwalay ang mahalaga at di mahalagang punto, ang ideya s halimbawa o ebidensiya, at pinagsasama-sama ang mahahalagang ideya upang makabuo ng malinaw at mapagbuod na mga pangungusap na maglalahad ng pangunahing punto ng teksto. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Ilan sa mga halimbawang tekstong maaaring ibuod ang piksyon at di-piksyon (sanaysay, report, artikulo, balita, pelikula, video, pangyayari, pulong, at iba pa) Narito ang halimbawa ng buod: May Huklubang Ama sa May Tumba-Tumba May huklubang ama sa may tumba-tumba At ikaw, binate, ang kaniyang kausap, Dumuduyan-duyan sa bunting-hininga. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Hangad mo ang palad ng kaniyang dalaga Kaya nagtangkang higinang basbas Ng huklubang ama sa may tumba-tumba. Iyong hinintay ang tamang entrada Ngunit dila’yputol, wika’y tumatakas, Dumuduyan-duyan sa FILIPINO SA PILING bunting-hininga. LARANG - AKADEMIKO Kada isang kilos, wari’y minamata At ngayon, parang gusto mong lumayas Ang huklubang ama sa may tumba-tumba. Ang iyong konklusyn inipong pag-asa’y Mistulang kulisap sa lantang bulaklak, dumudduyan-duyan sa buntinghininga. Ngunit kung puso’y ipagpabukas pa, FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Baka magsisi ka at maging katulad ng huklubang ama sa may tumbatumba Dumuduyan-duyan sa bunting-hininga (Vladimier Gonzales, halaw sa tulang Proposals Ni Edwin Thumboo, Ugat, 2003) Buod: Kausap mo ang matansang lalaking magulang ng iyong nililiyag upang makuha ang pahintulot nya na makaisang-dibidb mo ang kanyang anak. Ngunit nauumid ka at hindi makapagsalita habang patuloy itong nagtutumba-tumba. Gusto mo nang sumuko ngunit ayaw mong mapares sa matanda na tumandang nag-iisa sa kaniyang tumba-tumba. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Sintesis Ang sintesis ay mula sa salitang griyego na syntithenai (syn=kasama;magkasama, tithenai = ilagay;sama-samang ilagay) ang salitang sintesis. Sa larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pagsulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba’t ibang pinanggagalingan (tao, libro, pananaliksik, at iba pa.)ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa malinaw na kabuuan o identidad. Mula sa prosesong ito, kung saan tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya, makabubuo ng bagong ideya. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Narito ang ilang hakbang at mungkahi sa maayos na pagbuo ng sintesis (www.ja.ucc.nau.edu). 1. Introduksiyon Simulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa pinapaksa ng teksto. Banggitin din ang mga sumusunod kaugnay sa teksto: Pangalan ng may-akda Pamagat Impormasyon FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO 2. Katawan a) Organisahin ang mga ideya upang masuri kung may nagkakapareho. Gumawa ng isang Sintesis Grid (halaw sa 2000 Learning Center, University of Sydney) upang masigurong maayos at sistematiko ang daloy ng pagkuha ng impormasyon. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Narito ang halimbawa: FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO b) Suriin ang koneksyon sa bawat isa sa paksa at pangunahing ideya. c) Sisimulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata. Naglalahad ang pangungusap o katagangito ng paksa ng talata. d) Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis (tao, libro, at iba pa) o iba-iabang paksa ng talata. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO e) Gumamit ng angkop na mga transisyon (hal. Gayundin, sa kabilang dako, atbp.) at paksang pangungusap. Banggitin din ang pinagkunan (halimbawwa: “na ayon sa Daluyan Jouranak, Vol. VI, 2009”) f) Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ideya, opinyon, paniniwala, reaksyon, at iba pa. g) Huwag maging masalita sa sintesis. Mas maikli, mas mabuti ngunit may laman, lalim, at lawak. h) Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o pinagkunan ng impormasyon. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO 3. Konklusyon Ibuod ang nakitang mga impormasyon at pangkalahatang koneksyon ng iba-ibang pinagsamang ideya. Maaaring magbigay-komento dito o kaya’y magmungkahi (hal.: mas malalim pang pananaliksik, pag-aaral, obserbasyon, diskusyon at iba pa tungkol sa paksa). FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO Isinasagawa ang sintesis para sa mga sumusunod: 1) Introduksyon ng koleksyon ng mga artikulo sa libro o journal. 2) Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, komprerensiya, o panel discussion 3) Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon o ideya ukol sa isang paksang may maraming may-akda sa sinangguni para sa sinusulat na tesis o disertasyon. 4) Report ng isang dokumentaryo ukol sa isang paksa na may iba’t ibang taong kinapanayam. 5) Maikling rebyu ng mga sinusulat ng isang may-akda kaugnay ng isang partikular na paksa. FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKO

Use Quizgecko on...
Browser
Browser