Pilipino Quiz 2Q PDF
Document Details
Uploaded by InviolableParadox
Tags
Summary
This document contains a sample of a Filipino quiz, covering various topics relating to Philippine literature, arts, and traditions. It includes definitions and explanations related to Filipino poetry and songs.
Full Transcript
**[Kaalamang Pampanitikan]** **Binukot -** taong nagsasalaysay ng katutubong panitikan gaya ng epiko. **Legal na Dokumento** Ito ay mga **nakasulat** o printed na instrumento na nagtatala at ginagawang pormal ang isang kasunduan, obligasyon, o iba pang prosesong legal. Nagsisilbi itong kasangkapa...
**[Kaalamang Pampanitikan]** **Binukot -** taong nagsasalaysay ng katutubong panitikan gaya ng epiko. **Legal na Dokumento** Ito ay mga **nakasulat** o printed na instrumento na nagtatala at ginagawang pormal ang isang kasunduan, obligasyon, o iba pang prosesong legal. Nagsisilbi itong kasangkapan sa komunikasyon sa legal na larangan. Dagdag pa rito, idinisenyo ito upang ipahayag at ipatupad ang mga karapatan, responsabilidad, o pamamaraan sa ilalim ng batas. 1\. Birth certificate 2\. Diploma 3\. Employment contract 4\. Affidavit 5\. Marriage contract 6\. Titulo ng lupa 7\. Last will and testament 8\. Death certificate 9\. Lease/loan/mortgage agreement **Anyo ng Tula** **1. Tradisyonal -** Ito ang uri ng tula na may **sinusunod na sukat at tugma**. Naglalaman ito ng mga talinghaga. *Pilipino ang may-akda* *Hindi galing sa banyaga* *Ito\'y sadyang mahiwaga* *Sa Kastila\'y mas matanda.* **2. Malayang Taludturan** - Ang tula sa uring ito ay isinusulat nang **walang sinusunod na patakaran**. Walang tiyak na sukat at wala ring tugmaan. *Kahit anong sakuna at unos* *Ako ay hindi basta-basta matitibag* *Babangon at dadalhin sa mukha ang ngiti* *Dahil ako ay isang matapang na Pilipino* **3. May Sukat na Walang Tugma** - Ang uri ng tulang ito ay **may partikular na sukat ngunit hindi kakikitaan ng tugmaan**. *Buhay ko man ay kay pait* *Puno man ng dalamhati* *Ako ay hindi titigil* *Pangarap ay aabutin* **4. Walang Sukat na may Tugma** - Ang tula sa uring ito ay **walang sinusunod na sukat ngunit nagtataglay ng tugmaan.** *Sariwa pa ang mga alaala,* *Alaalang pilit binubura,* *Ngunit sa bawat pagtatangka,* *Pagkatao\'y nawawala.* **Iba\'t Ibang Anyo ng Lobo ng Usapan** **1. Caption box** - Ito ay madalas na ginagamit na narrator upang ilarawan ang isang pangyayari sa tauhan. Nagsisilbi itong monologue. **2. Speech Bubble** - Ito ay ginagamit kapag ang mga tauhan ay may pag-uusap o conversation. **3. Broadcast/Radio Bubble**-Ito ay madalas ginagamit kapag may nagbabalita sa tagpo. Nahahawig din ito sa anyo ng scream bubble. **4. Scream Bubble** - Ito ay ginagamit kapag nagulat o sumisigaw ang tauhan sa komiks. **5. Whisper Bubble** - Ito ay ginagamit kapag ang tauhan ay bumubulong. Ang bubble na ito ay hindi buo bagkus ay broken line. **6. Thought Bubble**-Ito ay ginagamit kung ang tauhan ay nagmumuni-muni o nag-iisip. **Awiting-Bayan** - Ito ay kantahing-bayan ng ating mga ninuno o mga tulang inaawit. Karamihan sa mga ito ay tumatalakay sa pang-araw-araw na buhay, karanasan, kaugalian, damdamin, relihiyon, at pamumuhay ng mga tao sa bayan. **a. Dalit** - Awit panrelihiyon o himno ng pagdakila sa Diyos o Mahal na Birhen. Ito ay nagpapakita, nagpaparating, o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba. *Ikaw ang pinakatatangi,* *O Birhen na maawain.* *O Birheng Maria ng kaligtasan,* *Maawa ka sa amin.* **b. Diona** - Awit sa panahon ng pamamanhikan sa pamilya ng napupusuang dalaga o tungkol sa pag-iisang-dibdib. *Umawit tayo at ipagdiwang* *Ang dalawang pusong ngayo\'y ikakasal* *Ang daraanan nilang landas* *Sabugan natin ng bigas.* **C. Dung-aw** - Awit panaghoy o paghagulgol sa taong namatay. *Paalam na, mahal kong anak,* *Kami na\'t lilisan.* *Ang Diyos nawa ikaw\'y kaawaan,* *Biyayaan ng kaligayahan.* **d. Elehiya** - Awit sa paggunita sa pumanaw upang ipahayag ang lungkot o pagmamahal sa yumaong minamahal. *Diyan ka na, anak ko,* *Sa iyong hihigaan* *Na malungkot na tahanan* *Na naghihintay para sa lahat.* **e. Kumintang** - Awit tungkol sa pakikidigma o pagharap sa isang labanan. *Ang nuno nating lahat,* *Sa kulog ay hindi nasisindak,* *Sa labanan, \'di- naaawat,* *Pinuhunan buhay, hirap.* *Upang tayong mga anak* *Mabuhay nang panatag.* **f. Kundiman** - Awit tungkol sa pag-ibig at may banayad na ritmo. *Pagsinta mo sa aki\'y \'di ko tatanggapin* *Pagkat akong ito\'y alangan sa tingin,* *Ako ay mahirap, pangit pa sa tingin* *Bakit naman ngayo\'y iyong iibigin?* **g. Kutang-kutang** - Awit na karaniwang naririnig sa mga lansangan. *Paruparong bukid na lilipad-lipad* *Sa gitna ng daan papagas-pagaspas* *Isang bara ang tapis* *Isang dangkal ang manggas* *Ang sayang de kola* *Isang piyesa ang sayad.* **h. Oda -** Awit papuri para sa isang taong nagsilbing inspirasyon dahil sa kaniyang magandang ginawa. **Iba pang mga Awiting-Bayan** **1. Oyayi o Ayayi** - Awit pampatulog o panghele sa bata na may banayad awiting **2. Pananapatan Awit panghaharana** - sa Tagalog upang magpahayag ng **3. Pastoral -** Awit na may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. **4. Soliranin -Awit** sa paggagaod o paggawa **5. Talindaw** - Awit ng mga bangkero o sa pamamangka. **6. Sambotani** - Awit sa tagumpay sa pakikidigma. **7. Soneto** - Awit na nagtataglay ng aral sa buhay na may labing-apat na taludtod. **[AWITING-BAYAN]** **1. Dayapanin at Balicongcong** - Awit sa inuman sa Batangas. **2. Hibais at Ibayis** - Awit sa paglalakbay sa Negros. **3. Sambotan o Tagulaylay** - Awit sa pagbitay sa kaaway ng mga Bisaya. **4. Balayang -** Awit sa kasal ng mga taga-Batangas. **5. Papuri-Awit** sa paghanga sa Quezon. **6. Onseguep, Bansal, at Pagatin** - Awit sa pamamanhikan sa Pangasinan. **7. Anop-Awit** sa pangangaso ng mga Nabaloi. **Kahalagahan ng Awiting-Bayan** 1\. Ang mga awiting-bayan ay nagsisilbing instrumento ng paglalarawan ng mga ninuno ng kanilang karanasan sa buhay. 2\. Kahit na ito ay sinauna, mababakas dito ang damdamin, panaginip, pag-asa, at saloobin. 3\. Nagbibigay ito ng malalim na silip sa kultura at kasaysayan ng bansa na maaaring magamit sa pagtuturo sa kabataan. 4\. Nagsisilbing sangkap ito sa pagbuo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan. Pinalalakas nito ang ugnayan ng tao at kolektibong pagkakakilanlan. 5\. May kakayahan itong mapanatili at mapagyaman ang mga wika sa bansa at maipapasa pa sa susunod na mga henerasyon. **Katutubong Sayaw ng Pilipinas** **1.Tinikling** - pinangalan sa ibong tikling na katutubo sa Leyte. Iniilagan nagsasayaw ang kawayan na tulad sa ginagawa ng tikling kapag hinuhuli sila. **2. Pandanggo sa llaw** - Ito ay katutubo sa Lubang at Mindoro. Nangangailangang magaling manimbang ang mananayaw dahil may hawak siyang tig-isang ilaw sa mga kamay at ang isa ay nasa ulo niya. **3. Maglalatik** - Ito ay digmang pansayaw na katutubo sa Laguna. Nilalagyan ng bao ang likod, dibdib, balakang, at hita ng mananayaw. Pumapalo sila sa mga bao ng niyog ayon sa tugtog. **4. Sayaw sa Bangko** - Ito ay pang-akit na sayaw at katutubo sa Pangasinan. Sumasayaw ang mga magkapareha sa ibabaw ng mga bangko. Kailangang maging maingat dahil makikitid ang mga ito. **5. Itik-Itik**-Ito ay nagmula sa Surigao Del Norte. Ginagaya nito ang galaw ng pato. **Memoir -** Ito ay kalipunan ng mga pagsasalaysay ng mga kuwento o pinagdaanan sa buhay. Nagmula ang katawagan nito sa Ingles na memoir, sa Pranses na memoire, at sa Latin na **memoria** na nangangahulugang **\"alaala,\" \"memorya,\" \"gunita,\" o \"salamisim.\"** Tinatawag ito sa Filipino na **talang-gunita o talang-alaala**. Mga Uri ng Memoir **1. Transformation Memoir** - Isusulat ito ng manunulat matapos niyang malampasan ang isang malaking hamon sa kaniyang buhay at kung siya ba ay nabigo o nagtagumpay. **2. Confessional Memoir** - Ibabahagi ng manunulat ang sikreto sa kaniyang sarili o maaari ng kaniyang pamilya at kung paanong nakaapekto ito sa kaniyang pagkatao. **3. Professional/Celebrity Memoir** - Sinasaklaw nito ang mahalagang bahagi sa buhay ng manunulat kung paano niya nakamit ang kasikatan at tagumpay. **4. Travel Memoir** - Isinasalaysay rito ng manunulat ang kaniyang mga karanasan at nakita sa mga napuntahang lugar. **Pagbuo ng Borador** Bago tumungo sa anumang pinal na awtput, kinakailangan na magkaroon muna ito ng **borador o draft**. Ito ang sunod na hakbang matapos ang balangkas. Ang borador ay iwawasto pa kaya magkakaroon pa ng pagbabago, pagdaragdag, o pagtatanggal ng mga datos upang mas maging malinaw, maayos, at pinal ang awtput. Ibig sabihin, ang borador ay **pansamantala lamang**. Kaya mainam na may iba pang titingin nito upang lubos na maiwasto ang gawa. **Gabay sa Gawain:** Bilang bahagi ng proseso ng pagsasagawa ng iyong gawaing pagganap, narito ang Kaugnay na Gawain 5 na dapat mong isakatuparan. 1\. Isipin ang nais na maging disenyo ng kabuoang komiks at ang magiging anyo ng pabalat nito. 2\. Isaalang-alang ang kaangkupan ng iguguhit na larawan, kombinasyon ng kulay, espasyo, at uri at laki ng font na gagamitin. 3\. Simulan nang iguhit at kulayan ang mga ito. 4\. Dahil ito ay borador lamang ay susuriin pa ito ng inyong guro para paunlarin pa ninyo ang inyong awtput. **Mga Karunungang-Bayan -** Nagsisilbing tanda ng malikhaing kaisipan ng mga Pilipino ang mga karunungang- bayan. **BUGTONG -** ay panitikang nilulutas bilang palaisipan dahil sa mga nakatago nitong kahulugan. Kalimitan itong pahulaan na naglalarawan ng kaugalian, kaisipan, o karanasan sa pang-araw-araw na buhay. **1. Mga bugtong tungkol sa bagay** *Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap. (unan)* *Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. (damit)* *Tumingin ka sa akin, ang makikita mo\'y ikaw rin. (salamin)* **2. Mga bugtong tungkol sa pagkain:** *May balbas ngunit walang mukha. (mais)* *Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kainin. (saging)* *Nagsaing si Insiong sa ilalim ng gatong. (bibingka)* **3. Mga bugtong tungkol sa hayop:** *Narito na si Katoto, may dala-dalang kubo. (pagong) Nakakapa \'di naman pari, nakakorona \'di naman hari. (manok)* *Kaibigan kong kay daldal, ginagaya lang naman ang inuusal. (loro)* **TANAGA** - ay sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog na may sukat na pitong pantig ang bawat taludtod at may apat na taludtod naman ang bawat saknong. **SALAWIKAIN -** ay patalinhagang pahayag o hindi literal na uunawain ang sinasabi ng pahayag. *1. Kapag may tiyaga, may nilaga.* *2. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.* **KASABIHAN** naman ay anumang salita, parirala, o pangungusap na naglalaman ng isang aral, karunungan, o katotohanan na tinanggap ng madla upang gawing batayan o huwaran sa buhay. *1. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.* *2. Anuman ang gagawin, makapitong isipin.* *3. Ang taong walang tiyaga, walang yamang mapapala.* **Kahalagahan ng mga Karunungang-Bayan** 1\. Napananatili nito ang kaugalian at kultura ng bansa. 2\. Nagiging daan nating mga Pilipino ito sa pag-unawa ng ating pinagmulan. 3\. Nagbibigay ng pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino ang pagpapapasa ng tradisyon at kaalamang ito sa susunod na henerasyon. **Mga Uri ng Dyornal** **[Mga Uri ng Dyornal]** **Bullet Journal** - Ginagamit upang maitala ang mga kinakailangan mong gawin sa araw-araw, linggo-linggo, sa bawat buwan, o taon sa pa-bullet na anyo. **Diary** - Tinatawag ding talaarawan. Isinusulat dito ang pang-araw-araw na karanasan sa buhay o obserbasyon sa paligid. **Reflective Journal** - Nakatutulong itong iproseso ang mga karanasan at nararamdaman. Sa tulong nito maaari mo pang makilalang higit ang iyong sarili. **Food Journal** - Itinatala rito ang karanasan sa mga pagkaing natikman mula sa mga restoran na pinuntahan, sariling pagluluto, o ng niluto ng magulang. Maaari ding isulat ang mga resipe sa pagluluto nito. **Travel Journal** - Magandang paraan ito upang maidokumento ang mga lugar na napuntahan at ang naging karanasan dito sapagkat mula sa mga paglalakbay ay madidiskubre ang mayamang kultura ng lugar.