2nd Quarter Grade 6 A.P Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by SociableTranscendental
Tags
Summary
This document is a reviewer for the second quarter of Grade 6. It organizes topics like the Biak-na-Bato Pact, American colonization in the Philippines, and the path toward Philippine independence. It covers key figures and events in the Philippine history lessons.
Full Transcript
REVIEWER PAGBABALIK-ARAL PARA SA IKALAWANG MARKAHAN MGA PAKSA: Aralin 3: Kasunduan sa Biak na Bato p.47-48. Aralin 4: Pananakop ng Amerikano sa p.56- 72. Aralin 5: Pamamahalang Amerikano sa Pilipinas sa p.90-103 Aralin 6: Pilipinisasyon Tungo sa Pagsasarili sa p.113- 124 ARALIN 3: KASUNDUAN...
REVIEWER PAGBABALIK-ARAL PARA SA IKALAWANG MARKAHAN MGA PAKSA: Aralin 3: Kasunduan sa Biak na Bato p.47-48. Aralin 4: Pananakop ng Amerikano sa p.56- 72. Aralin 5: Pamamahalang Amerikano sa Pilipinas sa p.90-103 Aralin 6: Pilipinisasyon Tungo sa Pagsasarili sa p.113- 124 ARALIN 3: KASUNDUAN SA BIAK NA BATO Kasunduan sa Biak na Bato ay sa pagitan ng mga Pilipino sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo sa Kasalukuyang Gobernador - Heneral Primo de Rivera noong 1897. Batay sa Kasunduan: Ang nais na Pagbabago ng mga Pilipino: 1. Sekularisasyon sa mga Parokya. (Secularization) 2. Pagtatalaga ng kinatawan sa Pamahalaan. (Representative) 3. Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila. (Equality) 4. Kalayaan sa Pagpapahayag. (Freedom of Speech/Expression) Ang Hinihingi at ibibigay ng mga Espanyol: 1. Pagpapatapon kayla Aguinaldo sa ibang bansa. (Exile) 2. Magbabayad sila ng 1.7milyon para sa pagsusuko nila ng mga armas at bayad pinsala sa mga Pamilya. Nabigo ang Kasunduan dahil: 1.Kawalan ng tiwala, 2. Hindi pagtupad sa napagkasunduang halaga at 3. Pagpapahuli sa mga Rebolusyonaryo ARALIN 4: PANANAKOP NG AMERIKANO Nakabuo ng alyansa sila Aguinaldo at Hen. Dewey sa pag-aakalang walang masamang hangad ang Estados Unidos sa Pilipinas na may parehong layunin na pabagsakin ang mga Kastila. Nagsimula ang hidwaan ng Estados Unidos sa Spain: Noong binomba ng Spain ang barkong USS Maine sa Havana, Cuba noong Peb.1898. Nagtagumpay naman ang Amerika sa mga biglaan nitong Pag-atake sa Maynila at iba pang panig ng Pilipinas. Naging hudyat ito sa mabilis na pagbagsak ng Spain sa Amerika. At noong ika-10 ng Disyembre 1898, lumagda sa Kasunduan ng Paris ang dalawang bansa sa pormal na pagwawakas ng digmaan at pagbibigay ng karapatan na sakupin ang: Guam, Puerto Rico, Pilipinas kapalit ng 20,000,000 dolyar sa mga Espanyol. ARALIN 4: PANANAKOP NG AMERIKANO Pagpapahayag ng Benevolent Assimilation ni William Mckinley p.65. “.. the U.S have “come not as invaders or conquerors but as friends, to protect the natives in their homes” Ito ang pagpapahayag ng kanilang pakikipagkaibigan sa mga Pilipino. Digmaang Pilipino- Amerikano 1899-1902 basahin ang p.67-73. Nakipaglaban ang mga Bayaning- Pilipino sa loob ng mahigit tatlong taon ng digmaan: tulad nila Hen. Luna, Hen.Del Pilar at Sakay. Pormal na nagwakas ang Digmaan ng madakip si Pang. Aguinaldo ng mga Amerikano at pinanumpa ng Katapatan sa Estados Unidos. Mga Pamahalaan sa Panahon ng Estados sa Pilipinas: 1. Pamahalaang Militar -pinamumunuan ng mahihigpit na batas at mga sundalong militar. 2. Pamahalaang Sibil -pinamumunuan ng karaniwang mamamayan na may kakayanang makilahok sa kongreso at nagagawad ng karapatan o kalayaan. 3. Pamahalaang Commonwealth - nagbibigay ng pagsasarili at kalayaan sa Pilipinas matapos ang sampung taon transisyon mula sa Amerika. ARALIN 5: PAMAMAHALA NG AMERIKA Mga Pamahalaan sa Panahon ng Estados sa Pilipinas: 1. Pamahalaang Militar - sinusupil ang damdaming Nasyonalismo ng mga Pilipino upang magbigay takot sa mamamayan na sundin ang Pamahalaan. 2. Mga Gobernador Heneral (M.O.A) Wesley Meritt Stephen Elwell Otis Arthur McArthur. Mga Patakaran sa Pagsupil ng Nasyonalismo: Batas Sedisyon (Sedition Law)- pagbibigay ng parusang kamatayan o pagkakakulong sa mga pilipinong nagsusulong o nangangampanya ng Kalayaan. Batas Brigandilya (Brigandage Act) - pagbabawal sa mga pilipino na bumuo ng Samahan o Pangkat na makabayan para sa pag-aaklas sa Pamahalaan. Batas Bandila (Flag Law) - pagbabawal ng mga sagisag o simbolo ng Kilusan. Batas Rekonsentrasyon (Reconcentration Act) - pwersahang paglilipat ng tirahan sa mga pilipino sa iisang lugar lamang upang lubos na mabantayan ng mga Amerikano ang kanilang kilos. Nagdulot ng tagutom at epidemya. ARALIN 5: PAMAMAHALA NG AMERIKA Mga Pamahalaan sa Panahon ng Estados sa Pilipinas: 2. Pamahalaang Sibil - nagpatupad ng Hinirang ng Pangulong William Mckinley si Hen. William Howard Taft bilang Gobernador Sibil. Mga Pagbabago sa Pamahalaang Sibil: 1. Kagawaran ng Panturuan Pambayan o Department of Public Instructions. Nagpatayo ng mga libreng paaralan at edukasiyon para sa lahat. Thomasites - mga sundalong amerikano na naging guro ng mga Pilipino. Pensionados - pagpapadala ng mga mamamayang Pilipino sa Amerika upang mag-aral ng Libre. 2. Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of Public Health Nagpatayo ng mga Pampublikong ospital at klinika. Nagpakilala rin sila ng mga makabagong gamot at kalinisan sa katawan. 3. Tanggapang Koreo - nagpapadala ng mga sulat, telegrama at salapi sa iba’t- ibang lugar sa bansa. 4. Colonial Mentality - ay isang pag- uugali at pag-iisip ng mga tao na nagtatangkilik ng ibang kultura bukod sa sariling kultura. Kaya rin tinawag ang mga Pilipino na “Little Brown Americans” dahil sa mga nagayang kultura. ARALIN 5: PAMAMAHALA NG AMERIKA MGA BATAS NA NAIPATUPAD: BATAS PAYNE-ALDRICH- Nagtatakda ng malayang kalakalan sa Pilipinas at Estados Unidos. Ngunit hindi nasunod dahil sa pagtatakda ng Taripa(Buwis) at Kota(Dami) sa mga Produkto ng Pilipinas. HOMESTEAD LAW - batas na nagtatadhana ng pagbibigay ng lupain na hindi hihigit sa 25 ektarya sa mga magsasaka. TORRENS TITLE - batas na nabibigay ng titulo o sertipiko sa mga nagmamay-ari ng lupa. JONES LAW - batas na nagsasaad ng Karapatan at Kapangyarihan ng Pilipinas na magkaroon na ng Lehislatura- ahensya sa paggawa ng batas. COOPER ACT- batas na naglilipat ng pamamahala ng mga Amerikano sa Kongreso sa kapangyarihan ng mga Pilipinong Komisyoner. BATAS TYDINGS MCDUFFIE - batas na nagkakaloob sa Pilipinas ng Kasarinlan matapos ang sampung taon ng paghahanda sa pagsasarili. Ito ay nilagdaan ng Pang. Franklin Roosevelt na kalaunan kinilalang Pamahalaang Commonwealth. ARALIN 6: PILIPINISASYON TUNGO SA PAGSASARILI PILIPINISASYON - tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkasarinlan ng Pilipinas sa kanyang sariling lugar o lupain. Mga Elemento ng Estado: 1. Teritoryo - lupang tirahan at nasasakupan nito kung saan kinukuha ang mga likas na yaman na kailangan ng mga mamamayan. 2. Pamahalaan- isang katawan o grupo ng mga taong namamahala ng isang komunidad o estado at nag-oorganisa ng sistema nito Tatlong Sangay: Lehislatura (tagapagbatas), Ehekutibo (tagapagpaganap) at Hudikatura (tagahukom) 3. Mamamayan- mga taong kasaping isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. 4. Soberanya -kapangyarihan o pagiging kataas-taasan sa pamamahala. Ito ang kapangyarihan ng bansa na kontrolin at pamununuan ang kaniyang Pamahalaan sa pamamagitan ng mga pinatibay na batas/patakaran. ARALIN 3-5: MGA BAYANING PILIPINO. 1. Antonio Luna-Dakilang Heneral ng Digmaang Pilipino-Amerikano. 2. Macario Sakay- Presidente ng Republikang Tagalog. 3. Emilio Aguinaldo- Unang Presidente ng Pilipinas. 4. Gregorio Del Pilar- Bayani ng Pasong Tirad. 5. Apolinario Mabini- Utak ng Himagsikan. ARALIN 3-6: MGA AMERIKANONG PINUNO. 1. George Dewey - Admiral na tumulong kayla Aguinaldo. 2. Wesley Meritt - Unang Gobernador Heneral. 3. Arthur McArthur - Huling Gobernador Heneral. 4. William Mckinley- Presidente at nakipagkilalang kaibigan ng Pilipina sa proklamasyon ng Benevolent assimilation 5. Franklin Roosevelt- Presidenteng nagpasa ng batas na nagkakaloob ng kasarinlan matapos ang sampung taon. As you prepare for your quarterly exams, I declare that wisdom reigns in your heart and knowledge fills with joy.