Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF

Summary

This document appears to be a lesson plan or study guide on reading and evaluating different types of texts for research purposes. It covers topics like the meaning of reading, skills needed for analyzing texts, and different types of reading styles. The lesson plan is likely for secondary school.

Full Transcript

**Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **I. NILALAMAN** | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Pets...

**Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **I. NILALAMAN** | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Petsa:** | Disyembre 02-06, 2024 | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Linggo:** | Unang Linggo | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Semestre:** | Ikalawang Semestre | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Kwarter:** | Unang Kwarter | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Aralin:** | Mapanuring Pagbasa | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Kaugnay na aralin:** | Kahulugan ng Pagbabasa | | | | | | Mga Kakayahan o Kasanayan na | | | Kailangan ng Mambabasa | | | | | | Mga Dahilan Kung Bakit | | | Nagbabasa | | | | | | Mga Teorya ng Pagbasa | | | | | | Mga Estilo ng Pagbasa | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **II. MGA LAYUNIN** | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Pamantayang Pangnilalaman:** | Nasusuri ang iba't ibang uri ng | | | binasang teksto ayon sa kaugnayan | | | nito sa sarili, pamilya, | | | komunidad, bansa at daigdig | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Pamantayan sa Pagganap:** | Nakasusulat ng isang panimulang | | | pananaliksik sa mga penomenang | | | kultural at panlipunan sa bansa. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Mahahalagang Kasanayang | Ang mga mag-aaral ay inaasahang: | | Pampagkatuto (CG Code):** | | | | - Natutukoy ang paksang | | | tinalakay sa iba't ibang | | | tekstong binasa. | | | | | | | | | | | | - Naipaliliwanag ang mga | | | kaisipang nakapaloob sa | | | tekstong binasa. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **III. MGA KAGAMITANG | | | PAMPAGKATUTO** | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **A. Mga Sanggunian** | - Magpile, Christine Marie.,et. | | | al. (2016) : Lirip- Pagbasa | | | at Pagsusuri ng Iba't ibang | | | Teksto Tungo sa Pananaliksik, | | | pahina 1-5 The Inteligente | | | Publishing, Inc. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **B. Mga Kagamitang Panturo | - *Youtube.https:* | | (*Online*)** | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ ![](media/image3.jpeg) ![](media/image5.png) KAHULUGAN NG PAGBABASA Ang pagbabasa ay isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na simbulo at nauunawaan ang kahulugan nito. Ang mga simbulong ito ay mga titik na bumubuo ng iba't ibang salita. Ang pagbabasa ay isang proseso dahil kailangan munang makilala ng mambabasa kung ano ang kinakatawan ng mga simbulo o salitang nakita. Matapos na matukoy kung ano ang mga salitang ito, aalamin ng mambabasa kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang nakikita niya. Sa bahaging ito, siya ay nagpapamalas ng pag-unawa. Sa kalaunan,magiging bihasa na ang mambabasa sa pagbabasa ng mahahalagang teksto. Kaakibat ng kakayahan na maisulat at mabigkas ang mga salita nang wasto ang pagiging mahusay sa pagbabasa ng isang teksto. Sa pagbabasa, maituturing na isang simbulong nakasulat ang mga titik at salita. Ginagamit natin ang ating mga mata sa pagproseso ng mga nakasulat na simbulo tulad ng mga bantas at mga salita. Sa tulong ng ating utak, naipoproseso natin ang mga salita, pangungusap, at talata upang maunawaan natin ang ibig sabihin ng teksto at ang kahulugan nito. KAHULUGAN NG KRITIKAL NA PAGBABASA Ating natunghayan na ang pagbabasa ay tumutukoy sa proseso ng pagkilala ng mga nakasulat na simbulo at ang pagbibigay nito ng makabuluhang kahulugan. Sa pagkakataong ito, atin namang alamin at unawain ang ibig sabihin ng kritikal na pagbasa. Katulad ng pagbabasa, isa ring proseso ang kritikal na pagbasa dahil mabuting inuunawa ng mambabasa ang nakasulat na akda. Ngunit bukod sa pagkilala ng mga salita at pag-unawa sa ibig sabihin ng binasang teksto, matutunghayan sa kritikal na pagbasa ang malalim na pagsusuri ng mambabasa tungkol sa mensaheng nais ipahiwatig ng akdang binasa. Kasama rin sa kritikal na pagbasa ang pagsusuri sa kahalagahan ng impormasyong nakuha ng mambabasa sa akda at kung paano o saan ito mailalapat. ![](media/image7.gif) MGA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA KAILANGAN NG MAMBABASA 1\. Nakakikilala ng mga salita. *(Word perception/recognition)*. Bukod sa natutukso ng mambabasa ang bawat titik na bumubuo ng salita, nabubuo at natutukoy rin niya ang kahulugan kapag pinagsama ang mga titik upang ito ay maging isang makabuluhang salita. Dagdag pa rito, nababatid din niya na bahagi ang mga salitang ito ng isang buong pangungusap o teksto. Ngunit hindi ibig sabihin na dahil nakikilala ng mambabasa ang salita ay nakababasa na siya. Kailangang alam ng mambabasa ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog upang masabing tunay niyang nakikilala ang mga ito. 2\. Nakakaunawa sa tekstong binasa. *(Comprehension).* Sa kakayahang ito, nangangahulugan na nababasa at nauunawaan ng mambabasa ang mga nakalimbag na tekstong binabasa kahit mahirap itong basahin. Kabilang ang malawak na talasalitaan o bukabularyo sa kasanayan na dapat angkin ng mambabasa upang maunawaan ang tekstong binasa. 3\. Nakakaunawa sa bawat salita ng teksto at may katatasan dito. *(Fluency).* Sa kakayahang ito, kakikitaang bihasa na ang mambabasa dahil bukod sa lubos niyang nakikilala ang mga salita, mayroon na rin siyang ganap na pang-unawa sa bawat salita ng teksto. Nakatutulong ang palagiang pagbabasa upang maging bihasa sa pagtukoy at pag-unawa sa mga tekstong nababasa. 4\. Nabibigkas nang wasto ang mga titik na bumubo sa salita. *(Decoding).* Sa kakayahang ito, naipakikita ng mambabasa ang kaalaman sa tamang bigkas ng mga titik. Sa pamamagitan nito, natutukoy niya kung paano bibigkasin ang salita na magbibigay sa kanya ng ideya kung ano ang ibig iparating ng mga salitang binasa at ang ibig sabihin nito. 5\. Nababatid ang kahulugan at gamit ng salita sa pangungusap o may kakayahang bokabularyo. *(Vocabulary).* Sa kakayahang ito, nakikilala ng mambabasa ang salita at natutukoy ito kung paano bibigkasin. Nababatid din niya ang kahulugan at gamit ng bawat salita sa pangungusap. Ang pagbabasa ang ikatlo sa apat na kakayahang pangwika *(language skills).* Napauunlad ng pagbabasa ang kakayahang pangwika ng mambabasa dahil lumalawak ang kanyang bokabularyo at nadaragdagan ang mga salitang natututuhan. Bukod sa pagbasa, kasama ang pakikinig, pagsasalita, at pagsulat ng kakayahang pangwika. Sa pamamagitan nito, mas nagiging bihasa ang bawat isa sa kakayahang pangwika. 6\. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panitikan. *(Literary appreciation)*. Sa kakayahang ito, naipamamalas ng mambabasa ang pag-unawa, pagkagiliw, at pagpapahalaga sa mga tradisyunal o makabagong babasahin na maiuugnay sa mga napapanahong isyu. BAKIT TAYO NAGBABASA ? Sa paaralan, madalas tayong sinasabihan ng ating na basahin ang ating aklat o teksbuk. Kapag tayo ay nagbabasa ng teksbuk na ginagamit natin sa klase, nakakakuha tayo ng bagong impormasyon mula sa araling natutunghayan sa aklat. Sa pamamagitan din ng pagbabasa, matatamo ng isang indibidwal ang iba't ibang kaalaman na maaaring gamitin bilang gabay sa tunay na buhay. Bukod sa mga nabanggit, may iba pang dahilan kung bakit kailangan nating magbasa. Ating alamin kung bakit tayo nagbabasa. 1\. UPANG MADAGDAGAN ANG KAALAMAN. Masasabi natin na ang isang tao ay edukado o *literate* kapag marunong siyang bumasa at sumulat - ang dalawang kakayahang kadalasang unang natututuhan sa paaralan. Ang taong marunong sumulat at bumasa ay nakakakilala ng impormasyon at nakakaunawa ng kahulugan nito. Sa pagbabasa, lumalawak ang kaalaman ng isang indibidwal dahil nakakakuha siya ng bagong impormasyon. Kapag tayo ay nagbabasa halimbawa ng teksbuk, natututo tayo sa mga araling tinatalakay rito. Ngayong ika-21 siglo, napakahalagang marunong tayong bumasa dahil maraming kapakinabangan ang naidudulot ng malawak na kaalaman. Halimbawa, hindi madaling malinlang ang isang tao kung siya ay maalam sa batas at nagbabasa ng mga akda tungkol dito. Isa pang halimbawa, maaaring matukoy natin kung ano ang posibleng sira ng kompyuter kung may mga nabasa na tayong paraan ng pagkumpuni o pag-*troubleshoot* nito. 2\. UPANG MAGING MATAGUMPAY SA ISINASAGAWANG PANANALIKSIK. Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakakakuha tayo ng impormasyon. Samakatuwid, mahalaga ang pagbabasa dahil ito ang paraan upang maging matagumpay ang isinasagawang pagsasaliksik. Kapag magsasaliksik kailangang magbasa ng mga akdang galing sa iba't ibang sanggunian upang makakuha ng malawak na impormasyon. Sa pananaliksik, makakakalap ng mas higit na makabuluhang impormasyon kung mas maraming sanggunian ang babasahin o gagamitin. 3\. UPANG MAPUKAW ANG ATING INTERES. Isang makabuluhang libangan ang pagbabasa sapagkat bukod sa lumalawak an gating kaalaman, nahahasa rin nito ang ating pagkamalikhain. Halimbawa, kung mahilig ang mambabasa sa mga kwentong pantasya tulad ng *Harry Potter* ni *J.K. Rowling* o *Janus Silang* ni *Edgar Samar*, maaaring makita ng mambabasa ang sarili sa katayuan ng mga tauhan habang gumagawa ng salamangka o *magic*. Sa pagbabasa niya ng kuwento, para na ring nakapaglakbay sa iba't ibang lugar ang mambabasa dahil dinadala siya ng kanyang imahinasyon sa mundo ng kanyang binabasa. 4\. UPANG MAKAKUHA NG INSPIRASYON. May mga aklat na nakapagbibigay ng inspirasyon kapag nabasa na natin dahil nagbabahagi ang may-akda ng mga personal na karanasan o kwento na kapupulutan ng aral. Sa *Purpose Driven Life* ni Rick Warren o *Seven Habits of a Highly Effective Teen* ni Stephen Covey, matutunghayan ang mga interesanteng kuwento at mga pagninilay na siyang gagabay sa mambabasa sa wastong direksyon ng buhay. MGA TEORYA NG PAGBASA 1\. TEORYANG BOTTOM-UP Sina *Rudolf Flesch* (1955), *Philip B. Gough* (1985), *David La Berge*, at *S.J. Samuels* (1985) ang nagpakilala sa teoryang ito. Sa teoryang *bottom-up,* nagaganap ang proseso ng pagbabasa kapag sinusubukan ng mambabasa na maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng pagtingin ng kahulugan ng salita o uri ng balarila sa isang payak na yunit ng teksto. Isang halimbawa ng gamit ng teoryang ito ay kapag humiling ang guro sa klaseng tinuturuan niya na basahin nang malakas ang isang yunit ng teksto upang makilala nila ang mga salitang bumubuo dito. Ayon sa ilang guro, hindi gaanong mabisa ang teoryang ito sa pag-unawa nang buong teksto dahil may ilang estudyante ng malawak ang bokabularyo o mahina sa gamit ng wika. Sa isang banda, maganda din ang dulot ng teoryang ito dahil natutukoy ng mambabasa ang kahulugan ng mga salita ng isang teksto. Sa teoryang *bottom-up* matututuhan din ng mambabasa kung paano nabuo at binibigkas ang mga salita. Sa kalaunan, unting-unting mahahasa ang mag-aaral na bumasa ng mahabang teksto. Maaaring mabagal ang paraang ito sa umpisa dahil hindi pamilyar ang mag-aaral kung paano  ipoproseso ang salita, ngunit mabilis at natural na niyang mababasa ang buong teksto kapag may ganap na siya ng kasanayan. 2\. TEORYANG TOP-DOWN Nagmula ang teoryang ito kina *Kenneth Goodman (*1985) at *Frank Smith* (1994). Sa teoryang top-down, nahihinuha na mababasa ang susunod na pangyayari gamit ang kaligirang impormasyong alam na niya. Ibinabatay ng mambabasa ang pag proseso ng pang-unawa sa kung ano ang kanilang naririnig ko nakita sa teksto. Tinatawag ding *data-driven model o part to whole model* ang teoryang ito dahil nakatuon ang mambabasa sa pagkuha ng impormasyon mula sa tekstong binasa. Isang halimbawa ng teoryang ito ay kapag nakita ng estudyante ang ulo ng balita, o *headline*. Kahit hindi pa nababasa ng estudyante ang lahat ng detalye ng balita, makapaghihinuha na siya kung ano ang nilalaman ng teksto batay sa ulo ng balita. Maaari ring mabatid ng mambabasa ang kwento batay sa pamagat ng aklat.  Sa klase ng panitikan, isang halimbawa naman ng *top-down* na proseso ang paggamit ng *context clues *habang binabasa ang buong teksto. Sa pamamagitan ng *context clues,* nababatid ng mambabasa ang kahulugan ng malalim na salita gamit ang iba pang mga salita na nasa loob ng pangungusap. Nakatuon ang proseso ng *top-down* sa paghahanap ng mambabasa sa pangunahing ideya ng teksto upang lubos na maunawaan ang binabasa.    **3. TEORYANG INTERAKTIBO** Nabuo ang teoryang interaktibo dahil sa pagbatikos sa naunang dalawang teorya. Ayon sa teoryang ito, mas mainam na pagsamahin ang mga teoryang bottom-up at top-down upang lubusang mauunawaan ang isang akda. Kinikilala rin dito na ang teoryang top-down ay maaaring akma lamang sa mga binabasa ng bumasa at hindi sa mga nagsisimula pa lamang bumasa. isang magandang halimbawa ng top-down ay kapag tatalakayin muna ng guro ang tema ng kuwento upang magkaroon ng ideya ang mga estudyante kung tungkol saan ang akda. Matapos nito, ang pagsusuri naman ng ilang salita sa teksto sa paraang *bottom-up* ay makatutulong sa estudyante upang higit na maunawaan ang babasahing kuwento.  Sa teoryang interaktibo, nagkakaroon ng labis na pag-unawa sa teksto dahil nagagamit ng mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura o anyo ng wika at sa bokabularyo habang nagagamit ang dati nang kaalaman o impormasyon ng natutuhan. Ipinakilala nina *David E. Rumelhart* (1985), *Rebecca Barr*, *Marilyn Sadow*, at *Camille Blachowicz* (1990), *Robert Ruddell*, at *Robert Speaker* (1995) ang teoryang interaktibo. **4. TEORYANG ISKEMA ** Sa teoryang ito, sinasabing nakaayos ang ating kaalaman sa maliliit na yunit. Tinatawag na *schemata* ang mga nakaimbak na impormasyon ito na nagtataglay ng ating mga natutunang ideya. Nagmula kay *Jean Piaget* ang konsepto ng iskema kung saan maaaring pag-ugnayin ang isang bago o komplikadong konsepto base sa dati nang kaalaman o *prior knowledge.*  Paano nagagamit ang iskema sa pagbabasa? Halimbawa, inilarawan sa kwento na ang pinuntahan ng tauhan ay may bubong, bintana, at pinto. Maaaring nabuo sa isip ng mambabasa na pumunta sa isang bahay ang tauhan dahilang impormasyong nabuo sa isip niya ay ganoon ang itsura ng karaniwang bahay. Sa pagbabasa, maaring madagdagan ang kaalaman ng mambabasa at makakuha siya ng bagong impormasyon na kanyang magagamit sa pag-unawa ng mga susunod niyang babasahin. Mainam na alamin ng guro kung wasto ba ang impormasyong batid ng estudyante upang maging mabisa ang paggamit ng teoryang ito sa pagbabasa. Maaaring maging mali ang pang-unawa at interpretasyon ng estudyante sa akdang binabasa kung mali ang naunang impormasyong natutuhan niya.  MGA ESTILO NG PAGBASA 1\. MASAKLAW NA PAGBASA (Skimming) Ito ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng pagbabasa dahil nakatuon ang mambabasa sa pamagat o *heading* ng talata at simula lamang ng pangungusap upang makuha ang pangunahing ideya ng teksto at ang pangkalahatang layunin nito. Nakapokus ang pagbabasang ito sa kabuuang nilalaman ng teksto. Magagamit ang ganitong estilo ng pagbasa kung ang mambabasa ay naghahanap ng interesanteng librong mababasa sa silid-aklatan. 2\. MASUSING PAGBASA (Scanning) Ito ay isang masusing pagtingin sa babasahing materyal. Ginagamit ang pamamaraang ito kung may tiyak na impormasyon na nais hanapin ang mambabasa, tulad ng pagtingin ng salita o diksyonaryo o paghahanap ng minatamis o *dessert* sa isang menu. Layunin ng mambabasa na makuha ang mahahalagang detalye o kaisipang ipinahahayag sa teksto. Inaasahang magiging lohikal at mapanuri ang mambabasa sa tekstong binabasa. 3\. PAGALUGAD NA PAGBASA (Exploratory Reading) Ginagawa ito kung ibig ng mambabasa na malaman kung ano ang kabuuan ng isang babasahin. Angkop ito sa pagbasa ng isang artikulo sa magasin o maikling kwento kung saan tinitingnan ng mambabasa ang kabuuang anyo ng teksto. 4\. MAPANURING PAGBASA (Analytical Reading) Kapag nasa Filipino o Ingles ang isang babasahin, sinusuring mabuti ng mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at talata upang mahanap ang kabuluhan ng ipinahihiwatig na mensahe. Sa agham o sipnayan , ginagamit ang mapanuring pagbasa sa relasyon ng mga ekwasyon at pormulang gagamitin upang matukoy ang tumpak na sagot. Nahahasa nito ang kahusayan ng estudyante sa pamamagitan ng kaniyang mapanuring pag-iisip. 5\. KRITIKAL NA PAGBASA (Critical Reading) Sa kritikal na pagbasa, masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at saloobin ng teksto. Pinag-iisipan niyang mabuti kung wasto ng aba ang impormasyon. Angkop ang ganitong uri ng pagbabasa kapag ang tekstong binabasa y mga editoryal o *blog*, kung saan kinakailangan ng higit na pagsusuri kung tama o makatwiran ang sinasabi ng may-akda. Sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa, masusuri ng mambabasa ang mga kalakasan at kahinaan ng mga paksa at ang kaugnayan nito sa estilo ng pagsusulat ng may-akda. 6\. MALAWAK NA PAGBASA (Extensive Reading) Nagbabasa ng iba't ibang akda ang mambabasa bilang libangan at pampalipas oras. Pinipili niya ang mga aklat na interesante tulad ng magasin, komiks, o anumang akda na nakatatawa o magaang basahin. 7\. MALALIM NA PAGBASA (Intensive Reading) Kailangan ng masinsinan at malalim na pagbabasa kapag nag-aaral o nagsasaliksik bilang paghahanda sa pag-uulat o pagbuo ng pamanahong papel upang makakalap ng sapat at makabuluhang impormasyon. 8\. MAUNLAD NA PAGBASA (Developmental Reading) Sumasailalim ang mambabasa sa iba't ibang antas ng pagbabasa upang kaniyang mahubog at mahasa ang mahahalagang kasanayan sa pagbasa. Ginagabayan ng guro ang estudyante upang matiyak na mapaunlad ang kaniyang antas ng pagbasa at matutong maging mapanuri at mapagsiyasat kapag nagbabasa. 9\. TAHIMIK NA PAGBASA (Silent Reading) Ginagamit ng mambabasa ang kanyang mga mata sa pagbabasa. Habang nagbabasa, makikita na ang mambabasa ay nakatutok sa tekstong binabasa upang ganap itong maunawaan. 10\. MALAKAS NA PAGBASA (Oral Reading) Sa pagbabasang ito, binibigkas ang teksto o kwentong binabasa sa paraang masining at may daamdamin. Dapat na malinaw at malakas ang boses ng nagbabasa. Kailangang wasto rin ang kanyang pagbigkas at gumagamit ng angkop na tono habang nagbabasa upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig. Sa ganoong paraan ay magiging maganda ang pagtanggap sa presentasyon ng mambabasa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser