ANG KONSEPTO NG DEMAND PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa konsepto ng demand sa ekonomiks. Ipinapaliwanag ang mga salik na nakaaapekto sa demand at ang kanilang ugnayan sa presyo. May mga halimbawa at grapiko para mas mabuting pagkaunawa.
Full Transcript
ANG KONSEPTO NG DEMAND Ang DEMAND ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Batas ng DEMAND Batas ng DEMAND Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity d...
ANG KONSEPTO NG DEMAND Ang DEMAND ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Batas ng DEMAND Batas ng DEMAND Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Batas ng DEMAND Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Batas ng DEMAND Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin. May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand. 1. Substitution Effect 2. Income Effect Konsepto na nagpapaliwanag sa Inverse 1. Substitution Effect- kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa gayon,mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura. Halimbawa, kung mahal ang ballpen maaring bumili ng lapis na mas mura. Konsepto na nagpapaliwanag sa Inverse 2. Income Effect- Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya mababawasan ang dami ng mabibiling produkto. Demand Schedule Demand Schedule Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand schedule. Ang DEMAND SCHEDULE ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Demand Schedule para sa Kendi Presyo bawat piraso Quantity Demanded PHP 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 0 60 Demand Schedule Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sa presyong dalawang piso (Php2.00) bawat piraso, apatnapung (40) piraso naman ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php5.00) ang bawat piraso, magiging sampu (10) na lamang ang magiging demand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi para sa mamimili. Demand Curve Demand Curve Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag na DEMAND CURVE- ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded. Demand Curve 6 A PRESYO NG KENDI SA PISO 5 B 4 C 3 D 2 E 1 F 0 0 10 20 30 40 50 60 70 Quantity DEMANDED Demand Curve Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay limang piso (Php5), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B na ang presyo ay apat na piso (Php4), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili. Demand Curve Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Demand Curve Halimbawa, ang paggalaw ng kurba mula punto A papuntang punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso (Php5) pababa ng apat na piso (Php4), ang demand sa kendi ay tataas ng sampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso. Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve) Demand Curve 6 A PRESYO NG KENDI SA PISO 5 B 4 C 3 D 2 E 1 F 0 0 10 20 Quantity 30 DEMANDED 40 50 60 70 Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve) Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari ang paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto. Kung ang presyo ng kendi ay bumaba mula Php5 sa Php4, makikita sa graph na lilipat ang punto mula A patungong B. Kung tataas naman ang presyo mula Php2 patungong Php3, lilipat ang punto mula C patungong D. Demand Function Demand Function Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba: Qd = f (P) Demand Function Qd = f (P) Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili. Demand Function Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na: Qd = a – bP Kung saan: Qd = quantity demanded P = presyo a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0) b = slope= ∆Qd ∆P Demand Function Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo. Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba. Demand Function Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10P Kapag ang P=1 Qd=? Qd= 60-10P Qd= 60-10 (1) Qd= 60-10 Qd= 50 piraso Demand Function Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10P Kapag ang P=5 Qd=? Qd= 60-10P Qd= 60-10 (5) Qd= 60-50 Qd= 10 piraso Demand Function Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at i- multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php5 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10. Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo 1. Kita Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan. 1. Kita Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods. Sa kabilang banda, inferior goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita. 1. Kita Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal good para kay Alena. Sa pagtaas ng kita ni Alena ay tataas din ang kaniyang demand sa karneng baka. Kapag bumaba naman ang kita ni Alena, bababa rin ang demand niya para dito.Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior good para kay Alena. Sa pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand para sa sardinas. Sa pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para dito. 2. Panlasa Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang- almusal, mas marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada. 3. Dami ng mamimili Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso kaya marami ang demand nito. 4. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. 4. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal. Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa sa demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong komplementaryo (complementary). 4. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas naman ang demand para sa juice. 4. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at tsa, keso, at margarine. 5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito. 5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap Halimbawa, ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang mga mamimili ay bibili na ng marami habang wala pa ang bagyo at mababa pa ang presyo. 5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap Sa kabilang banda, kung inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo ng isang produkto, hindi na muna bibili ng marami ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami. Ang Paglipat ng Demand Curve (o Shifting of the Demand Curve) Paglipat ng Demand Curve Paglipat ng Paglipat ng Demand Curve sa Demand Curve sa Kanan Kaliwa PRESYO NG KENDI SA PISO PRESYO NG KENDI SA PISO 6 A 6 A B B 4 C 4 C D D 2 E 2 E F F 0 0 0 10 20 30 40 50 60 70 0 10 20 30 40 50 60 70 Quantity DEMANDED Quantity DEMANDED Paglipat ng Demand Curve Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng demand. Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand Batay sa ating talakayan, mayroon pang ibang mga salik na maaaring makapagpabago sa demand maliban sa presyo. Papaano kaya tayo matalinong makatutugon sa pagbabagong dulot ng mga salik na ito? Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand 1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilihin. Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand 2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t ibang pamilihan. Ang anumang pagbabago sa mga nasabing salik ay may kaakibat na epekto sa mga mamimili. Ang matalinong pagtugon ng mga mamimili sa mga nagbabagong salik ay napakahalaga.