Demand sa Ekonomiks (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng konsepto ng demand sa ekonomiks, kabilang ang mga salik na nakakaapekto dito, tulad ng panlasa, kita, at presyo ng mga kaugnay na produkto. Tinatalakay din ang ibat ibang paraan ng pagpapakita ng demand, tulad ng demand schedule at demand curve.
Full Transcript
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto na DEMAND handa at kayang bilhin ng mamimili sa ibat-ibang halaga o presyo Batas ng Demand 1.Mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito. 2.Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas...
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto na DEMAND handa at kayang bilhin ng mamimili sa ibat-ibang halaga o presyo Batas ng Demand 1.Mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito. 2.Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo 5 Salik nakakapagbago sa Demand 1.Panlasa 2. Kita 3.Presyo ng kahalili o kaugnayan na produkto 4. Bilang ng mamimili 5. Inaasahan ng mga mamimili 1. Panlasa Karaniwang naayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naayon sa panlasa, maaring tumaas ang demand para dito. 2. Kita Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. 3. Presyo na kahalili o kaugnay na produkto Ang presyo ng kahalili o substitute good o komplementaryo o complementary good na produkto ay may epekto sa demand ng mamimili. Ang kahaliling produkto sa isang produkto na maaaring gamitin kapalit ng ibang produkto. 4. Bilang ng mamimili Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay ang pag dami din ng pangangailangan ng tao. Kapag malaki ang populasyon mas marami ang mamimili. 5.Inaasahan ng mamimili Kung inaasahan ng mamimili na taas ang presyo ng isang particular na produkto sa susunod na araw at lingo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito. Market - ito ang pinagsama-samang Demand dami ng demand sa isang produkto. Tatlong(3) pamamaraan sa pagpapakita ng Demand 1.Demand Schedule 2. Demand Curve 3. Demand Function 1. Demand Schedule Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gusting bilhin ng mga mamimili sa ibat’ibang presyo. 2. Demand curve Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demand 3. Demand function Matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Halimbawa: Ang demand function mula sa kendi: Qd=60-10P kapag ang P=1 Qd? Qd=60-10P =60-10(1) =60-10 =50 piraso