YUNIT 2 - Mga Uri ng Komunikasyon PDF

Document Details

RetractableBarium

Uploaded by RetractableBarium

Batangas State University

Tags

komunikasyon mga uri ng komunikasyon komunikasyong berbal komunikasyong di-berbal

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng komunikasyon, kabilang ang komunikasyong berbal at di-berbal. Tinatalakay din nito ang mga anyo ng komunikasyon, tulad ng intrapersonal, interpersonal, pampubliko, at pangmadla. Sinasaklaw din ang konteksto ng komunikasyon, kasama ang pisikal, sosyal, kultural , sikolohikal at historikal na konteksto.

Full Transcript

YUNIT 2 Mga Uri ng Komunikasyon: 1. Komunikasyong Berbal: Paggamit ng wika, pasalita man o pasulat. Halimbawa: text messages, pakikipagtsismisan, at mga nakalimbag na mensahe. 2. Komunikasyong Di-Berbal: Hindi gumagamit ng wika kundi mga kilo...

YUNIT 2 Mga Uri ng Komunikasyon: 1. Komunikasyong Berbal: Paggamit ng wika, pasalita man o pasulat. Halimbawa: text messages, pakikipagtsismisan, at mga nakalimbag na mensahe. 2. Komunikasyong Di-Berbal: Hindi gumagamit ng wika kundi mga kilos o galaw. Halimbawa: pagtango, pagkindat, at pagkaway. Uri ng Komunikasyong Di-Berbal: Kinesics: Pagsusuri sa kahulugan ng kilos o galaw tulad ng ekspresyon ng mukha. Oculesics: Paggamit ng mata, tulad ng pagkindat o pagtitig. Proxemics: Paggamit ng espasyo, gaya ng distansya sa pagitan ng mga taong nag- uusap. Chronemics: Paggamit ng oras at ang kahulugan nito sa iba't ibang kultura. Haptics: Paggamit ng haplos o pagdampi bilang mensahe, tulad ng tapik sa balikat bilang pagbati o pakikiramay. Paralanguage: Tumutukoy sa intonasyon, bilis o bagal ng pagsasalita, at kalidad ng boses. Mga Anyo ng Komunikasyon: 1. Intrapersonal: Pakikipag-usap ng isang tao sa kanyang sarili, madalas na para sa pagmumuni-muni o pag-iisip. 2. Interpersonal: Pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawang tao, kung saan may palitan ng mensahe at tugon. 3. Pampubliko: Nagaganap sa mga seminar, kumperensya, o miting kung saan ang komunikasyon ay tuwiran at may tagapakinig. 4. Pangmadla: Kahalintulad ng pampubliko, ngunit gumagamit ng midya gaya ng telebisyon, radyo, o internet upang maiparating ang mensahe sa mas malawak na tagapakinig. Konteksto ng Komunikasyon: 1. Pisikal: Tinutukoy ang oras at lugar ng pangyayari, gaya ng lugar ng isang kumperensya. 2. Sosyal: Tumutukoy sa relasyon ng mga kalahok, tulad ng teamwork sa isang laro. 3. Kultural: Nakabatay sa paniniwala at prinsipyo ng mga kalahok mula sa magkaibang kultura. 4. Sikolohikal: Kasama ang mood o emosyon ng mga kasangkot, tulad ng debate na maaaring maging personal. 5. Historikal: Nakabatay sa mga nakaraang pangyayari na nakakaapekto sa kasalukuyang komunikasyon, gaya ng mga nakaraang laro na nagbibigay motibasyon para paghandaan ang susunod. Pangangalap ng Impormasyon: 1. Primaryang Datos: Mga orihinal na dokumento o ebidensya tulad ng talumpati, liham, at transkripsyon. 2. Sekondaryang Datos: Mga dokumentong isinulat batay sa primaryang datos, tulad ng artikulo, ensayklopedya, at rebyu. 3. Tersyaryang Datos: Mga buod o listahan ng primarya at sekondaryang datos, tulad ng indexes at databases. Plagiarismo (Plagiarism): Pagnanakaw ng karunungan ng iba sa pamamagitan ng pagkopya ng impormasyon nang walang tamang pagkilala sa orihinal na may-akda. Maaaring direkta o di-direkta, tulad ng "copy-paste" ng teksto o imahe nang walang rekognisyon. Pagbabasa at Pagproseso ng Impormasyon: Pagbabasa para sa Layunin ng Asignatura: Mahalagang gumamit ng mga lehitimong sanggunian upang matiyak ang kredibilidad ng mga impormasyon. Pagbabasa para sa Iba't Ibang Layunin: Mahalaga na itakda ang layunin bago magbasa upang mabigyan ng direksyon ang pag-aaral o pananaliksik.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser