Kabanata 2 - BSTM & PSYCH PDF

Summary

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga elemento ng komunikasyon, mga uri ng mensahe, daluyan, tumatanggap at ang mga sagabal na maaaring dumating sa komunikasyon. Mayroon din itong bahagi tungkol sa kultura at komunikasyon, at iba't-ibang uri ng kultura ayon sa mga sosyolohista at antropologo.

Full Transcript

Kabanata 2: MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO 2. Elemento ng Komunikasyon Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon; A. Sender (Nagpadala/Tagahatid) Itinuturing na ulo o simula ng proseso ng komunikasyon. Sa tagahatid nanggaling ang mensahe na ipad...

Kabanata 2: MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO 2. Elemento ng Komunikasyon Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon; A. Sender (Nagpadala/Tagahatid) Itinuturing na ulo o simula ng proseso ng komunikasyon. Sa tagahatid nanggaling ang mensahe na ipadadala sa tagatanggap. B. Mensahe Naglalaman ng damdamin, opinyon at kaisipan ng tagahatid. 2 Uri ng Mensahe Mensaheng Pangnilalaman / Panglingguistika - kahulugan sa mensaheng pinadala. Mensaheng Panrelasyonal / Di-Berbal - binibigyang tugon dito ang relasyon o pagitan sa dalawang nag uusap. C. Daluyan / Midium / Tsanel - ito ang nagsisilbing daan sa paghahatid ng mga mensahe mula sa mula sa sender patungo sa tagatanggap. Daluyang Sensori - tuwirang paggamit ng paningin,pandinig,pangamoy ,panlasa at pandama. Daluyang institusyonal - pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama, email, at cellular phone. D. Reciever (Tagatanggap) - tumutukoy ito sa pinagdalhan ng mensanhe. - ito ang nagbibigay ng kahulugan o pagunawa sa mensaheng natanggap. E. Sagabal - nakakahadlang sa pagkakaroon ng mabisa at matagumpaybna komunikasyon. 1. Semantikong sagabal - uri ng sagabal na nakaugat sa wika 1.Maaari itong magkaibang kahulugan ng isang salita na may parehas na baybay; 2. Hindi maayos na estruktura ng pangungusap; Maling pagbabantas; 3. Hindi akmang gamit ng salita; at 4. Maling ispeling. 2. Pisyolohikal na sagabal -may kaugnayan sa kondisyon ng pangangatawan o pisyolohiya ng isang indibidwal. 1. Masakit ang ulo 2. Nilalagnat 3. Mahina ang pandinig 3. Pisikal na sagabal - ito ay bunsod ng ingay sa paligid gaya ng tunog ng sasakyan, garalgal ng bentilador, at sigawan.Mauuri rin ang temperatura. 4. Teknolohikal na sagabal -uri ng sagabal na nakaugat sa problemang teknolohikal. 1 Halimbawa: Mahina o walang signal na internet at network ng telepono. 5. Kultural na sagabal - Sagabal na nakaugat sa: 1. Magkaibang kultura 2. Tradisyon 3. Paniniwala 4. Relihiyon 6. Sikolohikal na sagabal - sagabal itong nakaugat sa pag-iisip ng mga partisipant ng proseso ng komunikasyon tulad ng biases at prejudices. F. Tugon - Naglalaman ng damdamin, opinyon at kaisipan ng tagahatid. - Sukatan o batayan ng kabisaan ng tagahatid. G. Epekto - ang resulta, pagbabago, o kinalabasan na naidudulot ng isang aksyon, pangyayari, o sanhi. H. Konteksto/Sitwasyon - Ito ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon. 3. Antas ng Komunikasyon a. Intrapersonal na komunikasyon b. Interpersonal na komunikasyon c. Pangkatang komunikasyon d. Pampublikong komunikasyon e. Pangmadlang komunikasyon C. ANG KULTURA AT KOMUNIKASYON KULTURA – tumutukoy sa sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang masalimuot na kabuuang binubuo ng karunungan, mga paniniwala, sining, batas, moral mga kaugalian at iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang miyembro ng lipunan. Dalawang Kategorya ng Kultura Batay sa Pagpapadala ng Mensahe ( Edward Hall, 1959) 1. Low-context culture – ginagamit ng direkta ang wika upang ihayag ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura. 2. High-context-culture – ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng mga di-berbal na palatandaan (clues), pamantayan, kasaysayan ng relasyon, /ugnayan at ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap at mapanatili ang relasyon sa kapwa.. URI NG KULTURA AYON SA MGA IBANG SOSYOLOHISTA AT ANTROPOLOHISTA 1. Indibidwalistikong Kultura -Amerika, Australia, Canada – maituturing na indibidwalistikong mga bansa 2. Kolektibong Kultura - Latin Amerika, Asya, Gran Britanya – kolektibismo ang namamayani 2 Ayon kay Kendra Cherry (2018) - Itinuturing na mahusay ang isang indibidwal na malakas, self-reliant, mapaggiit at independent sa isang lipunang indibidwalistiko. - Taliwas ito sa isang kulturang kolektibo na namamayani ang pagsasakripisyo, pagiging matulungin at mapagbigay at pagkakaroon ng isip na mahalagang unahin ang kapwa kaysa sarili. D. ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO Panimula Bukod sa komunikasyong berbal, ang mga Pilipino ay may iba’t ibang paraan din ng pagpapahayag ng damdamin gamit ang komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi: (ang pagbibigay-halimbawa dito ay ayon sa naoobserbahang gawi ng mga Pilipino) 1. Kinesika (Kinesics) - mensaheng nagagawa sa pagkilos ng katawan, kumpas ng kamay, at iba pa nanagpapahiwatig ng nais iparating. 2. Proksemika (Proxemics) - tumutukoy sa espasyo at distansiya sa pakikipag-usap 3. Paralinggwistika (Paralanguage) - tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita. 4. Kronemika (Chronemics) - Ito ay may kaugnayan sa oras, ang paggamit ng oras ay may kaakibat ang mensahe. 5. Pandama o Paghawak (Haptics) - Itunuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan. 6. Bokaliks (Vocalics) - Paggamit ng tinig o tunog liban sa pasalitang tunog. 7. Mukha (Pictics) - Pag-oobserba sa ekspresyo ng mukha ng isang tao upang maunawaan ang mensahe na nais ipahatid. 8. Olfatorics - Binibigyang kahulugan ang amoy bilang isa sa mga di-berbal na mensahe. 9. Kulay (Colorics) - ang mga kulay ay nagpapakita rin ng komunikasyong di-berbal. 10. Aykoniks (Iconics) - mga simbolo na nakikita sa paligid 11. Galaw ng mata (Oculesics) - Tumutukoy ito sa paggamit ng mata, mahusay at mabisa tayong nakapaglalahad ng ating emosyon 12. Bagay (Objectics) - Tumutukoy ito sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod: a.. Pagtatampo (tampo) – ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o kaibigan.. b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng pagsaswalng-kibo. Ito ay bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan. c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe. 3 d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang Pilipino na ang pinakamalaking element ay paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng taong nagdadabog. E. GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO 1. TSISMISAN - batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang kastila na “chismes” na tumutukoy sa kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. - Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College, nilinaw niya na ang tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang hindi talaga maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na bahagi ng buhay ng tao. 2. UMPUKAN - isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon. - nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa mga buhay- buhay magmula sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan, kalusugan, pangyayari sa barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano ng mga bagay-bagay. Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang SALAMYAAN sa Lungsod ng Marikina - Ayon sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010), ipinaliwanag nito ang kasaysayan ng salamyaan bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag ang bisa nito bilang talastasang bayan. - Ayon sa pag-aaral ni Petras (2010), ang salamyaan ay isang silungan kung saan ang mga Marikenyo , partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalo-salo at namamahinga. 3. TALAKAYAN - tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o higit pang katao. - kalimitang tinatalakay ang mgaproblema na layuning bigyan-solusyon o kaya ay mga patakarang nais ipatupad. Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan a. PANEL DISCUSSION - isang pormat na ginagamit sa isang pulong , o kumbersasyon. - maaari itong birtwal o personal na talakayan tungkol sa isang paksang pinagkasunduan 4 b. SIMPOSYUM - isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang larangan. c. LECTURE-FORUM - isang anyo ng forum na isinasagawa upang magbigay ng lecture sa isang espisipikong paksa. 4. PAGBABAHAY-BAHAY - Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo. 5. PULONG-BAYAN - isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan - SA KULTURANG Pilipino, ang pulong-bayan ay isang pangkomunikasyong Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad. - ito ay isang pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag- usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung maaari ang mga isyu, problema, kabahalaan, programa at iba pang usaping pangpamayan na madalas isinasagawa kapag may mga programang nais isakatuparan o problemang nais lutasin (San Juan, et al., 2019) 6. MGA EKSPRESYONG LOKAL Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan, et al. (2018) - ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika. Mga halimbawa: Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka! Ina ko po! Bahala na. Hay naku! 5 a. Mga paliwanag sa mga ekspresyong lokal batay sa kontekstong Pilipino (San Juan, et al., 2019) “Susmaryosep!” – (pinaikling Hesus, Maria at Hosep) - Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa mga nakatatanda (lola, nanay, tiyahin) na kanilang nasasambit kapag sila ay nagulat o nag-aalala. - Sa kasaysayan, may kaugnayan ito saKatolisismong dala ng mga Espanyol sa Pilipinas - Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga Pilipino ay humihingi ng tulong sa Diyos (Hesus) gayundin sa Kanyang mga magulang (Maria at Hosep) “Bahala na ( mula sa Bathala na) - Nagpapahiwatig ng katapangan sa panig ng nagsasalita. - May pagka-negatibo ngunti mararamdaman ang positibong kung susuriin ang lalim nito dahil hindi ito sasabihin ng isang Pilipino kung wala itong paano o kahandaan. - Sa ekpresyong ito, mararamdaman din na ipinapaubaya sa Diyos kung anuman ang magiging resulta ng pangyayari. - Nangangahulugan din ito ng pagtanggap sa limitasyon ng tao sa bawat bagay at binubuksan ang ideyang sa buhay ang Diyos lang ang tunay nakakaalam. b. Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa Pilipinas (San Juan, et al. 2018) Timog Katagalugan “Ewan ko!” (Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas magsabi ng salitang maaaring makapanakit) “Tanga!” ( depende sa pagkakasabi na maaaring pag-uyam o pagbibiro) Kabikulan “Diyos mabalos!” (Diyos na ang bahalang magbabalik sa iyong kabutihang loob) “Inda ko saimo!” ( nagpapahayag ng pagkadismaya) “Alla!” (pagkagulat, pagkamangha) Bisaya “Ay ambot!” ( ewan ko sa ‘yo) “Samok ka!” (naguguluhan sa isang tao) “Ay tsada!” ( pagkalugod sa isang bagay) Batanes (pagbati ng mga Ivatan) “Capian ka pa nu Dios!” ( pagpalain ka ng Diyos) “ Dios mamajes!” (Diyos na ang magbabalik sa ‘yo) “Dios maapu!” (katumbas ng D’yos ko!) 6 Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan, nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga ito bunga ng pagiging dinamiko at malikhain ng wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko day at Juice ko Lord na mula sa D’yos ko po! ay ilan sa mga patunay nito. Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa mga kabataan lalo na sa mga milenyal ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod: Charot; echos; charing; E di wow!; Ikaw na!; na kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas, gamit at konteksto sa lipunan kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019). c. Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal (local expression) sa Pag-unlad ng mga Pilipino sa Larangan ng Pakikipagkomunikasyon 1) Naging dinamiko ang wikang Filipino. - ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng wikang buhay. At sa patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino. 2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino. - ang mga nabubuong ekspresyon ay nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa pakikipagpahayagan. 3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino. - sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal o kabataang Pilipino. 7

Use Quizgecko on...
Browser
Browser