Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakaláng Panlabas PDF
Document Details
Uploaded by HarmlessMajesty3825
2012
Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J. Nolasco. L., & Rillo, J.
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang bahagi ng isang aklat na may pamagat na "Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon." Nakapaloob dito ang mga konsepto at paliwanag tungkol sa pambansang ekonomiya sa kalakaláng panlabas.
Full Transcript
# Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakaláng Panlabas ## Kita sa pagluluwas(export) - Kita - Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod ## Gastos sa pag-aangkat (import) - Paggasta - Pagbili ng kalakal at paglilingkod ## Panlabas na Sektor - Bahay-Kalakal - Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod ## Pamahal...
# Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakaláng Panlabas ## Kita sa pagluluwas(export) - Kita - Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod ## Gastos sa pag-aangkat (import) - Paggasta - Pagbili ng kalakal at paglilingkod ## Panlabas na Sektor - Bahay-Kalakal - Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod ## Pamahalaan - Buwis - Buwis - Bumibili ng Produktibong Resources - Suweldo, tubo, transfer ## Pamilihan ng Salik ng Produksiyon - Lupa, Paggawa, Kapital - Sueldo, upa, tubo o interes ## Pamilihang Pinansiyal - Kita - Pag-iimpok ### Halaw: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J. Nolasco. L. & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. # Ikaapat na Modelo - "Ang ikaapat na modelo ay tatalakayin sa susunod na pahina. Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring malit at mabagal ang gampanin ng pamahalaan dito Maaari namang malaki nin at aktibo ang pamahalaan dito. " - "Kung ang unang gampanin ang pagbabatayan, ang pamahalaan ay kabilang sa politikal na sektor. Labas ang pamahalaan sa usapin ng pamilihan. Ngunit kung sa ikaapat na modelo ang pagbabatayan, papasok ang pamahalaan bilang ikationg sektor. Ang naunang dalawang sektor ay ang sambahayan at ang bahay-kalakal. " - "Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging karagdagang gawain sa ekonomiya. Tulad din ng pag-iimpok at pamumuhunan, broken lines ang ginamit sa pagbabayad ng buwis. ang pagbabayad ng buwis ay takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan." - "Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. Ang mga pampublikong paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-kalakal." - "Sa ikaapat na modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Maitatakda rin ang pambansang kita sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan." - " Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong pinagbabatayan: una, ang pagtaas ng produksiyon; ikalawa, ang produktibidad ng pamumuhunan; at ikatlo, ang produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan. " - "Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang makalikha ng positibong motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan. Mahalagang maihatid ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis. Hangad ng bawat sektor na makita ang kinahinatnan ng kanilang pagbabayad ng buwis. Sa pagsingil ng buwis, mahalagang hindi mabawasan ang produktibidad ng bawat sektor. Hindi maiiwasan na magtaas sa pagsingil ng buwis. Ngunit mahalaga na hindi makaramdam ng paghihirap ang mga sektor sa pagtataguyod ng mga pangangailangan at kagustuhan. " - "Sa aspekto ng gastusin ng pamahalaan, mahalagang mapag-ibayo ang mga kaalaman at kakayahan ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang mga pampublikong paglilingkod ay dapat maging produktibo. Hindi dapat maging palaasa ang mga tao sa tulong na ibibigay ng pamahalaan. Hindi rin dapat makipagkompetensiya ang pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay-kalakal. Sa oras na maganap ito, marami ang magtatanggal ng puhunan sa bansa. Marami ang mawawalan ng trabaho at kita. Ang buong ekonomiya ay aasa na lamang sa gawain ng pamahalaan." # Simpleng Ekonomiya - "Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba't ibang aktor. Masasabing magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal. Matutunghayan ang kalawang modelo ng pambansang ekonomiya sa pigura sa susunod na pahina. " - "May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito ang pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity. Kilala ito bilang goods market o commodity markets." - "Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay-kalakal. " - "Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito, subalit bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon. At dahil tanging ang sambahayan ang may supply ng mga salik ng produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksiyon. " - "Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes ang bahay-kalakal, halimbawa sa paggamit ng lupa, magbabayad ang bahay-kalakal ng renta o upa at sa paggamit ng paggawa, magbibigay ito ng pasahod. Dahil sa sambahayan din nagmumula ang entreprenyur, may kita itong nakukuha mula sa pagpapatakbo ng negosyo. At ang kita ng entreprenyur ay nabibilang na kita ng sambahayan. " - "Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan. Kumikita ang sambahayan sa interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at pasahod sa paggawa. Sa pananaw naman ng bahay-kalakal, ang interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at mga pasahod sa paggawa ay mga gastusin sa produksiyon." # MGA MODELO NG Pambansang Ekonomiya ## Unang Modelo - "Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal, ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan." - "Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang mabuhay? Maaaring gumawa ka ng paraan upang matugunan ang sarili mong pangangailangan dahil wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ang maghahanap ng pagkain, gagawa ng sariling bahay, at bubuo ng sariling damit. Sa madaling salita, ang sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang." - "Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo." # Ikalimang Modelo - "Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik. " - "Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya." - "May mga sambahayan at bahay-kalakal ang dayuhang ekonomiya. Pareho rin sila na may pinagkukunang-yaman. Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami ng mga ito. Maaaring kailangan nila ang ilan sa mga ito bilang salik ng produksiyon. Ang pangangailangan sa pinagkukunang-yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan. " - "May mga pinagkukunang-yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon na kailangan pang angkatin sa ibang bansa. " - "Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang ekonomiya. Gayundin ang dayuhang ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto. Maaari rin namang magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng produkto sa isa't isa. " - "Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng mga produkto sa panlabas na sektor samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat (import) mula dito." # PAMILIHANG PINANSIYAL: PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS) - "Ang ikationg modelo ay nagpapakita ng dumang pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay kalakal Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghanaharap. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimil. Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto, ang pag-impok at pamumuhunan ay nagiging mahahalagang gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang pinansiyal (financial market)." - "Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa salik ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at para sa mga pinansiyal na kapital" - "Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi ng natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ang inilalagak sa pamilihang pinansiyal. Kabilang sa naturang pamillihan ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market. " - "Samantala sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay-kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo sa iba't ibang panig ng bansa. Maaaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit maaaring patuloy namang gaganda ang negosyo nito kung lalawak ang sakop ng produksiyon." - "Dahil dito, maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang pinansiyal na kapital. Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng produksiyon. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. Ang paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na kabayaran. Babayaran nito ng interes ang hiniram na puhunan. Sinisingil ang bahay-kalakal dahil may kapakinabangan itong matatamo sa paghiram ng puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak na ang negosyo nito. " - "Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran sa sambahayan. Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok. Ito ay dahil nagagamit ang inilagak nitong ipon bilang puhunan ng mga bahay-kalakal. Para sa sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal, ito ay mahalagang gastusin." - "Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga gawaing pang-ekonomiya. Ang mga ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano para sa hinaharap ang mga naturang aktor. Ito ang nagpapaliwanag sa broken lines na ginamit sa dayagram. Kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor, walang pag-limpok at pamumuhunan." - "Sa ikationg modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal Kasama na rito ang gastusin sa pamumuhunan ng bahay-kalakal Ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal. Kabilang dito ang kita ng sambahayan sa pag-ampok" - "Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Mahalagang punto rin sa ikatlong modelo ang mga nabanggit sa ikatawang modelo. Ngunit may mga karagdagang dala ang pagsulpot ng mga gawain na pag-impok at pamumuhunan. Ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay rin sa paglaki ng pamumuhunan." - "Upang maging matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang sambahayan. Kailangan din na may sapat na dami ng bahay-kalakal na handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang produksiyon ng mga kapital na produkto. Inaasahan na darami rin ang mabubuksang trabaho para sa paggawa. Sa ganitong modelo ng ekonomiya, mahalagang balanse ang pag-impok at ang pamumuhunan." # PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS) - "Ang pakikipag-ugnayan ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik. " - "Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya." - "May mga sambahayan at bahay-kalakal ang dayuhang ekonomiya. Pareho rin sila na may pinagkukunang-yaman. Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami ng mga ito. Maaaring kailangan nila ang ilan sa mga ito bilang salik ng produksiyon. Ang pangangailangan sa pinagkukunang-yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan. " - "May mga pinagkukunang-yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon na kailangan pang angkatin sa ibang bansa. " - "Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang ekonomiya. Gayundin ang dayuhang ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto. Maaari rin namang magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng produkto sa isa't isa. " - "Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng mga produkto sa panlabas na sektor samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat (import) mula dito."