Ugnayan ng Wika sa Kultura at Lipunan.pptx
Document Details
Uploaded by WieldyMemphis
Tags
Full Transcript
Ugnayan ng Wika sa Kultura at Lipunan WIKA Ayon kay Archibal Hill ang Wika ay pangunahin at detalyadong anyo ng simbolikong pantao. Ayon naman kay Webster ang Wika ay sistema ng komunikasyon sa pagitan ng tao. Katangian ng Wika Masistem...
Ugnayan ng Wika sa Kultura at Lipunan WIKA Ayon kay Archibal Hill ang Wika ay pangunahin at detalyadong anyo ng simbolikong pantao. Ayon naman kay Webster ang Wika ay sistema ng komunikasyon sa pagitan ng tao. Katangian ng Wika Masistemang Balangkas 01 Ponema- pinakamakahulugang tunog ng isang wika. Ponolohiya- pag-aaral ng ponema Morpema- makabuluhang salita o pinakamaliit na yunit. Morpolohiya- pag-aaral ng morpema. Sintaksis- ang pag aaral ng pangungusap. Katangian ng Wika Ang Wika ay sinasalitang tunog 02 kaya nakakapagsalita ang isang tao dahil sa enerhiya o hangin mula sa baga na dumadaan sa pumapalag na bagay o artikulador patungong palatunugan o resonador. Katangian ng Wika Pinipili at Isinasaayos 03 para hindi makapanakit ng damdamin ng tao Ang Wika ay Arbitraryo 04 ang esensya ng wika ay panlipunan o pinagkasunduan ng lipunan. Katangian ng Wika Ang Wika ay Ginagamit 05 para hindi mamatay kailangang gamitin. Ang Wika ay Dinamiko 06 ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago Ang Wika ay nakabatay sa 07 may mga wika na walang katumbas Kultura sa ibang wika. KULTURA Ayon kay Anderson at Taylor (2007) isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. KULTURA Ayon kay Mooney (2011) tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Ayon kay Panopio (2007) ito ay kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao. Mga Elemento ng Kultura Paniniwala o Beliefs 01 Kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Pagpapahalaga o Values 02 ito ay batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Mga Elemento ng Kultura Norms 03 Mga asal,kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Folkways 04 Pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Mga Elemento ng Kultura Mores 05 Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan. Simbolo 06 Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito. Kung susumahin malaki ang ugnayan ng wika at kultura sapagkat hindi mabubuhay ang wika kung walang kultura. Gayundin sa kultural na aspeto hindi maibabahagi ang kultura, tradisyon ng iba’t ibang kultura ng bawat bansa kung wala ang presensya ng wika. LIPUNAN Ayon kay Charles Cooley ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Kultura ng Wika WIKA Noon Ngayon Mga lumang salita Mga salitang na hindi na nauso sa masyadong kasalukuyang ginagamit sa panahon kasalukuyan Kapusod, ga- Kapatid, erpat, higante, aywan, ermat, kilig to the irog, kalatas, bones, tomguts, lol, ksp, gtg, awit! PANAHON BAGO ANG KASARINLAN Panahon ng mga sinaunang Pilipino Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata” o alif-ba-ta sa Arabo. PANAHON BAGO ANG KASARINLAN Binura ng mga Espanyol ang mga paganong pag- uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa sistema ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga ito.Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ABECEDARIO o ang alpabetong Espanyol. PANAHON BAGO ANG KASARINLAN Maraming nasulat ng panitkan sa wikaing Tagalog tula, sanaysay, kwento, atbp mga akdang hitik sa damdaming makabayan. Napatatag ang Katipunan at naisulat ang Kartilya ng Katipunan sa Tagalog. PANAHON BAGO ANG KASARINLAN Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña bilang Pangalawang Pangulo, binigyan-pansin ang isyung “nasyonalismo”. Naniniwala ang mga liderato ng bansa noon na dapat magkaroon ng isang pangkalahatang pambansang wika na siyang mahalaga sa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng pambansang pagmamalaki ng sambayanan. PANAHON BAGO ANG KASARINLAN Pebrero 8, 1935-Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935 ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong wikang mayroon sa ating bansa. PANAHON BAGO ANG KASARINLAN Nang kinilala ang Philippine language based- Tagalog, isinulat ni Lope K.Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na siyang nagpakilala sa Abakada na may 20 letra, na kung saan ang letrang “a” lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog nito. FILIPINO AT MODERNISASYON O Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas mapaglagom pa lalo ang saklaw nito. Ang “internet”, ang nagbigay daan sa global na komunikasyon. Kahit na malayo ang isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa kanilang pakikipagtalastasan. Marami ring salita ang Dulot ng interaksyon na umuso at nakakuha ito sa modernong pansin sa mga tao. Ang kaparaanan, ay henerasyon ngayon maraming salita ang ang may malaking nadagdag, naimbento at ginagampanan sa nabago. pagyaman at pagbabagong ito ng wika. Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at nakaimbento ng mga ito. At sa pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili nitong buhay ang kaluluwa ng ating Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Ayon sa 2001 Rebisyong ng Wikang Filipino at Patnubay sa Ispeling, dala ng mga bagong dagdag na titik/letra C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ang mga ito ay nakatulong nang malaki sa pagsasalin upang magkaroon ng sariling berso ang ating wika. Higit na mas napadali ang paggamit ng wika sa pagbibigay interpretasyon ng iba’t ibang salita mula sa banyaga. Halos lahat ng wika sa mga karatig bansa ay may katumbas na ring berso sa Filipino. Ang ating ekonomiya sa usaping komersyal at industriya ay higit na napaunlad rin dulot ng wika. Nagkaroon ng pagkakaintindihan ang mga tao dala ng komunikasyon gamit ang lingua franca na siyang nagbigay daan sa pagkakaisa. Mas naihatid nang madali at maayos ang mensahe na may kinalaman sa transaksyon kahit nasa magkaibang lugar. KULTURA AT LIPUNAN Ang wika ang sinasabing ugat ng pagkakaunawaan at komunikasyon ng mga tao sa lipunan. At sa isang lipunan, mayroon namang nabubuong mga kultura at pagpapahalaga sa pamamagitan ng wika. Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979) Ayon kina Andersen at Taylor (2007) Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama. Ayon naman kay Panopio (2007) At ayon kay Mooney (2011), “ito ang kabuuang Ang kultura ay konseptong sangkap sa tumutukoy sa pamumuhay ng mga kahulugan at paraan ng tao, ang batayan ng pamumuhay na kilos at gawi, at ang naglalarawan sa isang kabuuang gawain ng lipunan. tao”. LIPUNAN Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga pamahalaan. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Lipunan ayon kay Karl Marx kitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan. hindi pantay ang antas ng tao. Lipunan ayon kay Charles Cooley binubuo ang tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin higit na nakikilala ng tao ang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba. Lipunan ayon kay Emile Durkheim ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang panyayari at gawain patuloy na kumikilos at nagbabago ang lipunan binubuo ng magkakaiba ngunit magkakaugnay na institusyon KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN Maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Batay sa kasaysayan , ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan. Katunayan, ang mga salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino noong unang Panahon. Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de- gulong, bugtong, at palaisipan, at iba pang kaalamang bayan”. 1. Tulang/Awiting Panudyo Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layuin ay manlibak, manukso o mang-uyam. Tinatawag din na Pagbibirong Patula. HALIMBAWA: Ako ay isang lalaking matapang huning tuko ay kinatatakutan. 2. Tugmang de Gulong Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. HALIMBAWA: Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan. 3. Bugtong Ito ay isang pa hulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi lamang. HALIMBAWA: Hindi tao, hindi hayop, pumupulupot sa tiyan mo.