Ang Tekstong Impormatibo PDF
Document Details
Uploaded by SeamlessEmerald9532
STI
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng impormasyon patungkol sa mga elemento at uri ng tekstong impormatibo sa Tagalog. Binibigyang-diin ang layunin, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, at mga estilo ng pagsulat. Saklaw rin nito ang iba't ibang uri ng tekstong impormatibo tulad ng paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan.
Full Transcript
ASSH2003 Ang Tekstong Impormatibo Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pag...
ASSH2003 Ang Tekstong Impormatibo Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa. Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya'y nagsagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga maga in, textbook, sa mge reference book tulad ng encyclopedia, gayundin sa mga iba't ibang website sa Internet. Dahil sa mga katangiang ito ng tekstong impormatibo, laging may nadadagdag na bagongkaalaman o kaya'y napagyayaman ang datingkaalaman ng taong nagbabasa nito. Bagama'thindi ito anguri ng tekstong madalas ipinababasa sa mga mag-aaral sa silid-aralan, nakatutulong ito sa pagkakaroon nang mas malawak na pag-unawa ang mga karaniwang paraang pagsulat na ginagamit ng manunulat tulad ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi, pagbibigay-diin sa mahahalagang talasalitaan,paglalagayng larawang may paliwanag o caption, at paggamitng dayagram. Elemento ng Tekstong Impormatibo Kung ang tekstong naratibo ay may elementong kinabibilangan ng tauhan, tagpuan, suliraninn, at mahahalagang pangyayaring tulad ng simula, kasukdulan, kakalasan, at wakas, ang tekstong imormatibo ay mayroon ding mga elemento. Ang mga ito’y sumusunod. o Layunin ng may-akda – Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto; at iba pa. Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon. o Pangunahing Ideya – Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayarii upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi – tinatawag din itong organization markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. o Pantulong na Kaisipan – Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. o Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang- diin – Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod: 03 Handout 1 *Property of STI [email protected] Page 1 of 3 ASSH2003 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon – makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto – nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin. Pagsulat ng mga talasanggunian – karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito. Mga Uri ng Tekstong Impormatibo Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay makapaghahatid ng impormasyong hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda. Makikita ang layuning ito sa ilang uri ng tekstong impormatibo tulad ng sumusunod: 1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan – Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan, pinatunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o historical account. Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon. Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung “sino,” “ano,” “saan,” “kailan,” at “paano” nangyari ang inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan, at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon. 2. Pag-uulat Pang-impormasyon – Sa uring ito nakalalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit ng maubos, impormasyon kaugnay ng mga halaman, at iba pa. Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat sang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat. 3. Pagpapaliwanag – Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flow chart na may kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa. 03 Handout 1 *Property of STI [email protected] Page 2 of 3 ASSH2003 Sanggunian: Dayag, A. & Del Rosario, M. (2016). Pinagyamang pluma: Pagbasa at pagsususri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House 03 Handout 1 *Property of STI [email protected] Page 3 of 3