Mga Uri ng Teksto (Tagalog) PDF
Document Details
![PurposefulNeptune](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-19.webp)
Uploaded by PurposefulNeptune
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng iba't ibang uri ng teksto sa Tagalog. Binibigyang-diin ang mga katangian at halimbawa ng mga tekstong impormatibo, deskriptibo, persweysib, naratibo, argumentatibo, at prosidyural.
Full Transcript
PAGBASA AT PAGSUSURI- ARALIN 2 (Midterm) Ibibigay sa bahaging ito ang iba’t ibang uri ng teksto. Ngunit iisa-isahin ang bawat tekstong ito sa susunod na mga aralin. A. Tekstong Impormatibo Kapag ang teksto ay nagpapakita ng mga datos, impormasyon, bagong kaalaman at nagpapabatid ng tiyak n...
PAGBASA AT PAGSUSURI- ARALIN 2 (Midterm) Ibibigay sa bahaging ito ang iba’t ibang uri ng teksto. Ngunit iisa-isahin ang bawat tekstong ito sa susunod na mga aralin. A. Tekstong Impormatibo Kapag ang teksto ay nagpapakita ng mga datos, impormasyon, bagong kaalaman at nagpapabatid ng tiyak na kalagayan ng isang lipunan, pangyayari, pook at maging isang indibidwal, ang teksto ay impormatibo. Sa pagsulat ng tesktong ito, mahalagang malaman na ang pinakamahalaga ay ang awtentikong kabatiran o impormasyon. Sinasabing ang tekstong impormatibo ay kritikal na naglalahad ng mga katotohanan at naglalatag ng mga ebidensya at saliksik. B. Tekstong Deskriptibo Kapag ang isang teksto ay naglalarawan, nagbabanggit ng mga detalye pagdating itsura, hugis, laki, anyo at porma, nagiging halimbawa ito ng isang deksriptibong sulatin. Layunin nitong ipakita ang pigura sa pamamagitan ng salita, masusing pagpapahayag at minsan ay detalyadong paggamit ng mga salita. Madalas itong gamitin sa mga tekstong naglalarawan sa mga tao hinggil sa kultura at pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga saliksik pangkultura tulad ng etnograpiya kung saan inilalarawan ng mananaliksik ang kaniyang paksa sa kaniyang lente ay isa sa mga halimbawa. C. Tesktong Persuweysib Nakaranas ka na bang maengganyo sa isang patalastas dahil pumuti siya sa ginamit na sabon? Ito ang halimbawa ng tekstong persuweysib kung saan ang manunulat o teksto ay nangungumbinsi at naglalahad ng mga kapani-paniwalang bagay upang mahimok ang isang mambabasa. Madalas ang pangungumbinsi sa ay nagaganap tuwing eleksiyon. Ibig sabihin hinihimok ng mga politiko ang isang tao sa paglalahad ng kaniyang plataporma. Ganito din ang nais ihayag ng isang tekstong persuweysib, nang- eengganyo at nagpapalaman ng datos upang maniwala ang mga mambabasa. D. Tekstong Naratibo Isa sa mga pinakaginagamit sa mga uri ng teksto ay ang naratibo. Ito ang pinakamatandang paraan ng paglalahad ng teksto, ang pagsasalaysay o narasyon. Ang tekstong naratibo ay may layuning isalaysay ang mga kawil-kawil na pangyayari. Ibig sabihin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ang mahalaga upang maunawaan ng mambabasa ang kaniyang nais ipahiwatig. E. Tekstong Argumentatibo Kung nakakita ka ng isang pelikulang nasa loob ng court room at nagtatalo marahil hindi na bago sa iyo ang argumentatibo. Madalas sa isang debate nagaganap ang isang argumento. May dalawang panig na inilalahad ang teksto at kani-kaniya ang paglalatag ng ebidensiya at pumupukol ng ilang mga salita upang mahawan ang anumang sigalot. Ang argumento ay batay sa datos na sinasandigan ng maayos na pagtatala ng mga ebidensiya. F. Tekstong Prosidyural Ang pagluluto ng cake, paggawa ng isang compost pit, paglikha ng isang saranggola at paggawa ng isang youtube video hinggil sa pagtatanim ng gulay ay nangangailangan ng mga hakbang. Ang mga hakbang na ito ay prosidyural na ang ibig sabihin ay sunod-sunod na hakbang. Mayroong prosesong sinusunod ang tekstong prosidyural upang makamit ang pinakalayunin nito. Kailangang masunod ang mga hakbang upang makamit ang nais ihatid sa mga mambabasa.