Reviewer in Pagsulat 2nd Grading PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- 2024 International Court of Justice Memorandum (PDF)
- Revised Omnibus Rules on Appointments and Personnel Actions (CSC MC No. 40 S. 1998) - 1999 PDF
- Revised Omnibus Rules on Appointments and Other Personnel Actions (CSC MC No. 40 S. 1998) PDF
- Memorandum Of Association PDF
- Memorandum Ispezioni Impianti Termici PDF
- Tagalog Filipino Memorandum PDF
Summary
This document discusses memorandum and agenda, including definitions, purposes, and roles in meetings. It covers various aspects from planning to writing. The document also details how to effectively conduct meetings.
Full Transcript
Reviewer in Pagsulat 2^nd^ grading **Memorandum** -ay nagmula sa latin na salita \'memorandum est\'na ang ibig sabihin sa inglis ay \" it must be remembered (that)\". -Uri ng komunikasyon na sinusulat at ginagamit upang maghatid ng mga mensahe o kalatas sa mga taong kasama ng sumusulat ng tanggap...
Reviewer in Pagsulat 2^nd^ grading **Memorandum** -ay nagmula sa latin na salita \'memorandum est\'na ang ibig sabihin sa inglis ay \" it must be remembered (that)\". -Uri ng komunikasyon na sinusulat at ginagamit upang maghatid ng mga mensahe o kalatas sa mga taong kasama ng sumusulat ng tanggapan. \- Naaayon ito sa internal or panloob at inter-branch. \- Pinakaaktibong anyo ng korespondensya. Ayon kay webster : Ang memorandum ay isang anyong pasulat na maikling note na sinulat para ipaalam o ipaalala ang isang bagay; 1\. isang rekord gaya ng pangyayari upang magamit sa hinaharap. 2\. Isang impormal na komunikasyon gaya ng pang-opisina. 3\. Isang maikling pasulat na pahayag ng pagkakasunduan ng isang kontrata o transaksyon. AYON KAY L. ENGLISH Ang memorandum ay isang inpormal na liham o ulat o isang palibot- sulat. **LAYUNIN NG MEMORANDUM** Mapabilis ang pakikipagtalastasan sa paraang opisyal upang mabigyan pansin aksyon, aksyon, katugunan. **GAMIT NG MEMORANDUM** 1\. Paghingi ng impormasyon 2\. Pagkompirma sa kumberasyon 3\. Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong 4\. Pagbati sa kasamahan sa trabaho **KATAWAN NG MEMORANDUM** **1. PAGSULAT NG PANIMULA** -Ipakilala ang suliranin o isyu -thesis statement \- karaniwang 1½ lamang ng bahagi ng buong memo **2. PAGSULAT NG BUOD** -Pangunahing aksyong nais ipagawa ng nagpapadala sa mambabasa. -Nagtataglay ng mga ebidensya bilang pansuporta sa mga rekomendasyong ibinibigay ng nagpapadala -Sa isang napaikling memo, hindi na kailangan ang buod; isinasama na ito sa pagtalakay na nasa gitnang bahagi nito. **Agenda** -ay isang talaan ng mga paksang tatalakayin sa pagpupulong na kung saan ito'y mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong. Nakasaad dito ang mga aksiyon o rekomandesyong inaasahang pag-usapan sa pulong. Ibinibigay ito sa mga kalahok ilang araw bago ang pagpupulong. **Layunin at anyo** -Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan at organisadong pagpupulong.-Ang paggawa ng agenda ay maaring sinsabi lamang sa bawat miyembro ng grupo o pwede rin namang gumawa ng balangkas.**Gamit** Sulating nagpapabatid ng paksang tatalakayin sa isang organisadong pagpupulong. **Ilang Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Agenda ng Pulong:**1. Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:a. mga paksa na tatalakayin.b. mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa.c. oras na itinakda para sa bawat paksa.2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod na mga paksang tatalakayin at kung gaano latagal pag-usapan ang mga ito.3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.5. Ito ay nakakatulong nang Malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.**Apat na Elemento ng Isang Organisadong Pagpupulong:1.PAGPAPLANO (PLANNING)**Pagbibigay impormasyon,agenda o mga bagay na dapat ipaalam sa mga kasapi.**2.PAGHAHANDA (ARRANGING)**Dito pwede ka mag-aasign kung sino ang pwedeng magdala o mag-organisa ng isang bagay.**3.PAGPOPROSESO ( PROCESSING)**Dito mo ilalahad ang mga steps ng isang bagay kung paano ito gawin.**4.PAGTATALA (RECORDING)**Ito ay napakahalaga na proseso para maging isang organisadong pagpupulong ang gagawin ninyong pagpupulong. Dito dapat itala Ninyo ang mga impormasyon na importante.**Mga may Mahalagang Papel sa Pulong:1,Pinuno(Chairperson)** -Tinatawag na "facilitator" taga-patnubay o meeting leader.-Naninigurado na maayos ang takbo ng pag-uusap at paged-desisyon.-Parang pulis-trapiko na nagpapaandar o nagpapahinto ng usapan sa pulong.**2. Sekretarya( Secreatary/Kalihim)** -Tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala.-Responsibilidad nya ang sistematikong pagtatala ng mga napag-uusapan at desisyon sa pulong.-Tungkulin nya na ipaalala kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at tuloy-tuloy ang pag-uusap.**3. Mga kasapi sa pulong(members of the meeting)** -Sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong.-Responsibilidad nila na ipaalala sa chairperson o secretary ang kanilang mga gawain.-Sila ang babahagi, nagpapaliwanag, nagtatanong, makatuwirang pamumuna at gumagawa ng desisyon. **Mga Dapat Iwasan sa Pulong:1. Malabong layunin sa pulong** -Dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba\'t-ibang paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakakawalang gana sa mga kasapi. **2. Bara-bara na pulong**- Walang sistema ang pulong, ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo.**3. Pagtalakay sa napakaraming bagay**Hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan, pagod na ang isip ng nagpupulong.**4. Pag-atake sa indibidwal**-May mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan kaya\'t dahil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong**5. Pag-iwas sa Problema** -Posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng organisasyon. Sa halip, ang binabanggit nila ay iba\'t-iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang problema.**6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa\'t isa**Walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa\'t-isa.**7. Masamang Kapaligiran ng Pulong** -Masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanonoood, nakikinig, nakikisali, magkakalayo ang mga kinalalagyan ng mga kasamahan dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.**8. Hindi tamang oras ng pagpupulong** -Ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras tulad ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawqa.**KATITIKAN NG PULONG** - Ito\'y isang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon na karaniwang sinusulat ng kalihim. - Nagsisilbing summary o buod ng mahahalagang pinag-usapan sa isang pulong. - Isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. - Sa wikang Ingles, tinatawag itong "***Minutes of meeting***\" **LAYON NG KATITIKAN NG PULONG** 1. Naipababatid sa ibang kasapi ang mga naganap sa pulong lalo na sa mga hindi nakadalo sa nakaraang pulong. 2. Nagsisilbing gabay upang maalala ang lahat ng detalye ng napag-usapan sa nakaraang pulong. 3. Hanguan ng mga impormasyon/detalye para sa mga susunod na pulong. 4. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito. 5. Mahalaga ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli mula sa pagpupulong na naganap na. **KATANGIAN NG KATITIKAN NG PULONG** - Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o pinokus-pokus na mga pahayag. - Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. - Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon - Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist, o reporter sa korte - Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat. - Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat walang paligoy ligoy, walang dagdag-bawas sa dokumento at hindi madrama na parang ginawang nobela. - Nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyon. - Maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian. **GAMIT NG KATITIKAN NG PULONG** 1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong. 2. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong. 3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang gawain na nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang gawain. 4. Nababatid din kung sino sino ang aktibo at hindi aktibong makadadalo sa pulong 5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong **MGA BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG** **1.Headings** - Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita ang petsa, lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong. **2.Pook** -- Ito ay naglalaman ng lugar kung saan magaganap ang pulong. **3. Kalahok** -- Ito ay naglalaman ng mga taong dumalo at di-dumalo sa pagpupulong. **4. Paksa** - Nakatala rito ang mga paksang napag-usapan at mga aksyon na naibigay ng mga dumalo sa pagpupulong. **5. Petsa** -- Ito ay nagtatakda kung kailan magaganap ang pagpupulong. **6. Oras** -- Ito ay naglalaman ng oras ng pagsisimula at pagtatapos ng isang pagpupulong **REPLEKTIBONG SANAYSAY** ‣ Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito'y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda ‣Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay ‣ Ang terminong Repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik tanaw. ‣ Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa ‣ Ang Replektibong Sanaysay ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa ‣Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariing pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari **MAYROON ITONG TATLONG BAHAGI. ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:** - Panimula o Introduksyon - Katawan o Nilalaman - Wakas o Konklusyon **PANIMULA O INTRODUKSYON** - Ang panimula o introduksyon ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil nakasalalay dito kung ipagpapatuloy ng isang mambabasa ang sanaysay o hindi Kaya kadalasang isinusulat dito ang mga nakapupukaw- interes na mga salita upang makuha ang atensyon at ganahan sa pagbasa hanggang sa matapos ito. **KATAWAN O NILaLAMAN** - Ang Katawan o Nilalaman nito ang mga mahahalagang katotohanan ng isang paksa. Sinasagot din dito ang mga ibinangong tanong sa panimula - Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang impormasyon para talakayin ang problemang bumabangon sa paksa **WAKAS O KONKLUSYON** - Ito ang huling bahagi na nagbubuod ng buong paksa. Kung minsan ay nagtatawid din ito ng mga mahalagang rekomendasyon kung kinakailangan. - Ang sanaysay ay magiging isang mas matinding paninindigan kung may konklusyon. **MAAARING ANG NILALAMAN AY ANG MGA SUMUSUNOD:** - Ebidenysang nakalap - Proseso - Lohika o Kronolohiya **KATANGIAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** - Layunin ng replektibong sanaysay na iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik. - Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian. **MGA KONSIDERASYON SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** 1. Naglalahad ng interpretasyon. 2. Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin. 3. Pagandahin ang panimulang bahagi. 4. Nagtatalakay ng ibat-ibang aspeto ng karanasan. 5. Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay. 6. Ang malinaw at direktang punto de vista ay mabisa upang makuha agad ng mambabasa ang kaniyang idea. 7. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon. **MGA HALIMBAWA NG LITERATURANG REPLEKTIBONG SANAYSAY:** - Proposal - Konseptong papel - Editoryal Sanaysay - Talumpati **LARAWANG SANAYSAY** \- ay isang serye ng mga larawan na, kapag pinagtagpi-tagpi, ay nagkukuwento o nagpapahayag ng isang mensahe. Karaniwan itong tumutukoy sa mga totoong sitwasyon, aspeto ng kultura, o mahahalagang kaganapan, kung saan ang mga larawan ay sinasamahan ng maikling teksto upang magbigay ng karagdagang konteksto at mas malalim na kahulugan. **Pangunahing Bahagi ng Larawang Sanaysay** **1. Tema:** -Sentral na paksa o mensahe na gabay sa pagpili ng mga larawan. **2. Mga Larawan:** -Pinakapokus ng sanaysay, nagpapakita ng mahahalagang sandali o emosyon na tumutugma sa tema. **3. Teksto:** -Maikling kapsyon o talata na nagbibigay-konteksto, pero hindi tinatabunan ang larawan. **4. Daloy at Pagkakasunod-sunod:** -Maayos na pagkakaayos ng mga larawan upang makabuo ng malinaw na kuwento. **Mga Hakbang sa Pagbuo ng Larawang Sanaysay:** **1. Pumili ng Paksa:** -Pumili ng makabuluhan at kawili-wiling tema, gaya ng kaganapan sa komunidad, isyung panlipunan, o personal na paglalakbay. **2. Planuhin ang Kuwento:** -Isipin kung paano ikukuwento ng mga larawan ang naratibo. Isaalang-alang ang simula, gitna, at katapusan ng sanaysay, at ang mga damdamin o mensaheng nais iparating. **3. Kunan ang mga Larawan:** -Kumuha ng iba't ibang uri ng mga larawan na magpapakita ng kuwento. Subukang kumuha ng iba't ibang anggulo, malapitan, at malalayong kuha para magbigay ng mas malalim na representasyon sa sanaysay. **4. Ayusin ang mga Larawan:** -Ayusin ang mga larawan sa isang paraan na pinakamahusay na magkuwento. Siguraduhing bawat imahe ay nagbubuo sa naunang larawan at nagtutulak sa susunod upang manatiling interesado ang manonood. **5. Magdagdag ng Teksto:** -Sumulat ng mga kapsyon o maikling paglalarawan para gabayan ang manonood at magbigay ng konteksto para sa bawat larawan. Dapat ang teksto ay maigsi at sumusuporta sa visual na naratibo. **Elemento ng larawang sanaysay** **MGA SALITA** Ang mga salita ay ang pangunahing kasangkapan sa larawang sanaysay **IMAHE** Ang mga imahe ay nagbibigay buhay sa sanaysay **EMOSYON** Mahalaga ang damdamin at emosyon sa larawang sanaysay. Ito\'y nagdadagdag ng kalaliman sa kwento **PAG-AANGKOP** Ang pag- aangkop ng mga salita at imahe ay nagbibigay saysay sa sanaysay. **PAGKAKABUKAS-LOOB** Ang pagiging bukas-loob ng manunulat sa pagpapahayag ng kanyang mga damdamin at karanasan ay nagbibigay- kulay sa larawang sanaysay. **LAKBAY SANAYSAY** ‣Kilala rin sa salitang Ingles na "Travel Essay", ito ay isang sanaysay kung saan ang ideyang ito ay pinanggalingan mula sa mga pinuntahang or"nilakbayang" mga lugar kabilang dito ang kultura ,pamumuhay ,uri ng mga tao atbp. ‣Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat na kung saan ito ay mula sa personal na paningin ng awtor at nagpapakita,pinaguspan at pinag-aaralan ang isang topiko. **Layunin** Ang layunin ng Lakbay sanaysay ay ang mga sumusunod: ‣Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay ‣Gumagawa ng gabay para sa maaring manlakbay.Halimbawa nito ang daan at ang mga modo ng transportasyon. ‣Pagtatala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay na kabilang nito ang espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili **Halimbawa :** **1.Travel Blog** **2.Travel Show** **3.Travel Guide** **Uri ng Sanaysay** **Pormal na Sanaysay** ‣ Ito ay sanaysay na kadalasang nagbibigay impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.Seryoso ang tono ng ganitong uri ng sanaysay at ito rin ay nangangailangan ng masusuring pananaliksik tungkol sa paksa. **Di-Pormal na Sanaysay** ‣ Palakaibigan ang tono ng sanaysay na ito sapagkat ang paksa ay tumatalakay sa personal na karanasan at pang-araw-araw na kasiya-siya o mapang-aliw para sa mga mambabasa **Bahagi ng Sanaysay** **Simula/Panimula** -Ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang magiging daan upang makuha ang atensiyon ng mambabasa **Gitna / Katawan** -Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga sumusuportang detalye tungkol sa paksa kaya naman naipaliliwanag nang mabuti ang paksa. **Wakas** -Ito ang naglalaman ng kabuuang kongklusyon tungkol sa mga detalyeng binanggit sa katawan, at tila nanghahamon ito sa mga mambabasa kaugnay ng pagsasakatuparan o pangsang-ayon sa paksa **Katangian** Ilan sa mga tangian nito ay ang mga sumusunod: 1\) Ito ay personal at kalimitang nakapang-aakit sa mambabasa. 2\) Higit na marami ang teksto sa halip na larawan. 3\) Naglalaman ng mga larawan at paksa tungkol sa larawang inilapat. 4\) May makatotohanang paglalarawan sa lugar at larawan. **Elemento ng Lakbay Sanaysay** **1.Tema at Nilalaman**. Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi **2,Anyo at Istruktura**. Maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari. **3.Kaisipan**. Mga ideyang nabanggit na kaugnay o magbibigay-linaw sa tema. **4.Wika at Estilo**. Mainam na gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag. **5.Larawan ng Buhay**. Inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay. Masining na paglalahad ng gumagamit ng sariling himig ang may-akda. **POSISYONG PAPEL** **PANUKALANG PROYEKTO** - -proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan - Nakasaad rito ang mga hakbang na kinakilangan upang magawa ang ninanais na layunin - Nakasaad dito ang tagal ng panahon na gugugulin para sa bawat gawain upang malaman kung gaano katagal ang gugugulin mong panahon sa proyekto mong panahon sa buong proyekto.s - Nakasaas dito ang budget o ang talaan ng gastusin upang makamit ang mga layunin. **Balangkas ng Panukalang Proyekto** 1. **Panimula** - nakasaad dito ang mga rasyonal, mga suliranin, o ang dahilan ng panukalang proyekto. 2. **Katawan** - binubuo ito ng mga detalye tungkol sa mga kailangan gawin at ang badyet para sa proyektong gagawin 3. **Katapusan o Konklusyon** -- nilalahad dito ang mga benepisyong makukuha sa proyekto **Balangkas ng simpleng Panukalang Proyekto** - **Pamagat --** kadalasang pinaikling bahagi ng ulat-panukala o ang pangangailangan - **Nagpadala o Proponent --** ang iyong pangalan bilang manunulatng proposal at ang petsa, ang araw kung kailan mo isusumite ang iyong panunukala at ang haba ng panahong guguluhin sa pagkompleto ng proyekto - **Badyet o Pondong Kinakailangan --** ang kalkulasyon ng halagang gugugulin para sa proyekto. - **Pagpapahayag ng suliranin o rasyonal-** ang pangangailangan at dahilan kung bakit ito kailangan matugunan na nakasaad sa isang saknong at may wastong pamagat. - **Deskripsiyon ng proyekto** -- inilalarawan sa bahaging ito ang proyektong gagawin. - **Layunin ng proyekto** - kung ano ang nilalayong gawin ng proposal. - **Kasangkot sa proyekto-iniisa** - isa ang mga taong may gamparin sa proyekto gagawin. - **Kapakinabangang Dulot -** ang katapusan kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang sa proyekto at kung ano ang kanilang mapapala dito. - **Plano ng gawin o talakdang at estratehiyta** - ang mga hakbang na pinaplano mong gawin at ang panahong gugugulin upang matapos ang proyekto. **Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Badyet** - Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. - Ayusing mabuti ang iyong panukala Pagpangkat-pangkātin ang mga gastusin ayon sa kasipikasyon ng mga ito. - Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang ïyong panukala sa kanilang itataguyod. - Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. ‣ Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo. - Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.