Register at Barayti ng Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay tungkol sa mga register at barayti ng wika sa Filipino. Tinalakay ang mga konsepto ng wika, at mga halimbawa ng iba't ibang uri ng barayti at rehistro. Kasama rin ang mga tanong na kaugnay sa paksa.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Rehistro at Barayti ng Wika Pamantayang Pampagkatuto A.1 natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Mga Layunin Nauunawaan ang kahulugan ng register at barayti ng wika; Naiisa-isa ang mga barayti ng...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Rehistro at Barayti ng Wika Pamantayang Pampagkatuto A.1 natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Mga Layunin Nauunawaan ang kahulugan ng register at barayti ng wika; Naiisa-isa ang mga barayti ng wika at nakapagbibigay ng halimbawa nito; at Naipapakita ang gamit ng register at barayti ng wika sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunan. Wika ng Pagkakakilanlan (Bahaginan) SINO AKO? Magandang gabi, bayan! Noli de Castro SINO AKO? Ang buhay ay weather, weather lang Kim Atienza SINO AKO? Excuse me po! Mike Enriquez SINO AKO? Di umano! Jessica Soho SINO AKO? HYPERTENSION SINO AKO? Defendant SINO AKO? CURRICULUM SINO AKO? MALWARE Mga Gabay na Tanong Paano maaaring mag-iba-iba ang pakahulugan ng mga tao sa isang salita? Ano-ano ang salik na nagdudulot ng pagkakaiba-iba sa paraan ng pananalita ng bawat tao? Paglilipat Ayon kay Edward Sapir, hindi magkakaroon ng magagandang ugnayan ang mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan kung walang wikang magiging instrumento nito. Kaugnay nito, nilinaw ni Dell Hymes ang kahulugan ng speech community. Ayon sa kaniya, hindi lamang batid ng tao kung paano ginagamit ang wikang gamit ng lipunang kanilang kinabibilangan. Alam din nila kung ano-ano ang pamantayan sa paggamit ng wika at kung paano ito ginagamit. Ayon kay William Labov, nagkakaroon ng speech community kung ang isang pangkat ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa layunin, paraan, tunog, at ekspresyon ng pananalita. Halimbawa: “Ala, ay baken ga’t napakakupad nareng bus na are?” Barayti ng Wika Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa mga anyo ng wika na nagbabago batay sa iba’t ibang salik gaya ng lugar, kultura, sitwasyon, at pangangailangan ng mga tagapagsalita. Iba’t ibang uri ng Barayti ng Wika A.DIYALEKTO Ang diyalekto ay karaniwan nang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na rehiyon o pook. Halimbawa Tagalog ng Batangas “Ala eh, ba’t ka ganyan?” (Bakit ka ganyan?” Kapampangan ng Pampanga "Nanu ya ing gagawan mu?" (Ano ang ginagawa mo?) May dalawang dahilan kung bakit nangyayari ang ganito ayon kay Moran (2002). Una ay ang heograpikong lokasyon lingguwistikong komunidad o speech community. Magkakaroon ng pagkakaiba ang wikang ginagamit ng pangkat ng tao sa lipunan batay sa kinalalagyan ng kanilang komunidad. Halimbawa: Iba ang wikang naiimbento ng mga taong naninirahan sa kabundukan kumpara sa mga taong naninirahan malapit sa dalampasigan. Halimbawa: Tagalog ang pangunahing wika sa Timog Katagalugan, ngunit mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, at Tagalog Quezon na may kani-kaniyang katangian Pangalawa, ay ang language boundary. Ibig sabihin, nangyayari ito dahil sa paglipat ng mga tao mula sa orihinal na language community na kanilang kinabilangan patungo sa isa pa. Halimbawa, dahil sa migrasyon ng tao, nagkaroon ng bersiyong hilaga at timog ang wikang Ilokano. Walang masyadong ipinagkaiba ang leksiyon ng mga tagatimog sa tagahilaga pero kapansin-pansin ang kaibahan sa pagbigkas. Magkapareho ba ang wika at diyalekto? Batay sa lingguwistika, ginagamit na batayan sa pag-uuri ng wika at diyalekto ang tinatawag na mutual intelligibility. Sa oras na magkaunawaan ang dalawang tao sa wikang kanilang ginagamit, kahit hindi naman nauunawaan ng kasamahan nila sa isang pangkat, ibig sabihin ay nabibilang sila sa diyalekto. Magkapareho ba ang wika at diyalekto? Samantala kapag ang dalawang nag-uusap ay gumamit ng magkaibang language variety at hindi sila nagkakaunawaan, magkaibang wika ang kanilang ginagamit. B. SOSYOLEK Ayon kay Nilo Ocampo, naging baryasyon ng wika ang sosyolek dahil sa mga panlipunang salik tulad ng edukasyon, trabaho, edad, at iba pa (2002). B. SOSYOLEK Ang sosyolek ay barayti ng wikang nabubuo sa sosyal na dimensiyon. Kung gayon, ang mga taong may parehong interes ay posibleng magkatulad ang wika. B. SOSYOLEK Sosyolek ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng tinatawag na rehistro, ang paraan ng paggamit ng nagsasalita sa wika ayon sa iba’t ibang okasyon at sitwasyon. Unang ginamit ni Thomas Bertram Reid noong 1956 ang salitang “rehistro” na kalaunang lumawak dahil ginagamit na ilang lingguwista noong 1960. Naging mahalagang elemento ang social background, lokasyon, kasarian, at edad sa pagsasaalang-alang sa magiging rehistro ng wika. Halimbawa: Mas mayaman sa mga salitang may kinalaman sa teknolohiya ang wikang ginagamit ng kabataan kaysa wikang ginagamit ng matatanda. Halimbawa: Lumilikha ng sariling mga terminolohiya ang mga bakla. Ang mga salitang ito ay nagiging bahagi ng kanilang wika na tinatawag na Gay lingo o Bekinese. Halimbawa: Conyo Naglatag si Halliday (1964) ng mga baryabol na maaring tumukoy sa rehistro ng wika. Ito ay ang: 1. Field (Ano)- tumutukoy sa disiplina o saklaw ng paksang pinag-uusapan. 2. Tenor (Sino)- tumukoy sa mga kalahok at ang kanilang ugnayan sa isa’t isa, at 3. Mode (Paano)- tumutukoy sa paraan ng pag-uusap. Limang pangkalahatang rehistro o estilo ng paggamit ng wika. Ang kawastuhan ng paggamit ay depende sa sitwasyon. 1. Estatiko o Frozen- ito ay rehistro na hindi nagbabago gaya ng dasal, school creed, at mga batas. 2. Pormal- nakabatay sa isang angkop ng pormat ang wikang ginagamit dito tulad ng mga talumpati, sermon, anunsiyo, at mga retorikal na tanong. 3. Konsultatibo- ito ang istandard na anyo ng komunikasyon na ginagamit sa usapan. May tanggap na estruktura at anyo ang mga gumagamit nito katulad sa isang propesyonal na diskurso. Halimbawa nito ay pag-uusap ng pasyente at ng kaniyang doctor, abogado at kliyente, guro o mag-aaral, atbp. 4. Kaswal- ito ay gamit ng wika sa pagitan ng mga magkakakilala o magkakaibigan. Maaring pabalbal, slang, o kolokyal ang gamit ng salita dahil ito ay wika ng pangkat o group language. 5. Intimate- ang gamit na wika sa rehistrong ito ay pampribado. Ginagamit ito ng mga magkarelasyon, magkakapatid, at sa pagitan ng mga anak at magulang. C. IDYOLEK Bukod sa mga natalakay nang baryasyon ng wika, dumagdag pa ang panibagong baryasyon na idyolek, na nakasalalay sa estilo, tono, lakas, at uri ng mga salitang ginagamit ng isang ispiker. C. IDYOLEK Walang dalawang taong parehong-parehong magsalita o magkatulad sa paraan, estilo, o salitang ginagamit. Ibig sabihin, natatangi o unique sa bawat indibidwalang kaniyang estratehiya ng pagsasalita. Halimbawa, kahit hindi mo pa nakikita ang naririnig mong nagsasalita, maaari mo na kaagad na masabi kung sino siya dahil sa kaniyang estilo ng pagsasalita. Kahit hindi sabihin, alam mong si Kris Aquino o si Vice Ganda ang nagsasalita sa telebisyon, o si Yaya Dub at Alden ang pinanonood ng mga kapitbahay mo. Halimbawa: Boy Abunda – "Fast talk!“ Willie Revillame – "Bigyan ng jacket!" D. PIDGIN Ang pidgin ay isang barayti ng isang wika na itinuturing bilang “nobody’s language” o wikang walang nagmamay-ari. Sinasabing hango ang salitang ito sa tawag ng mga Tsino sa ‘pinagkakaabalahan’. Praktikal itong gamitin ng mga mangangalakal na hindi katutubong ispiker, dahil hindi ito umaalinsunod sa mga gramatikong pamantayan ng wika. Isang halimbawa nito ang wikang ginagamit ng mga Tsinong nasa Pilipinas upang mapaunlad ang kanilang Negosyo. “Ikaw bili akin, ako bigay iyo tawad.” E. CREOLE Ang creole ay isang uri ng wika na nabubuo mula sa pagsasanib ng dalawang o higit pang wika. Kapag ito ay naging unang wika ng isang komunidad, tinatawag na itong creole. E. CREOLE Madalas nabubuo ang creole sa lugar na dating sinakop ng mga dayuhan, tulad ng Pilipinas. Ang mga taga- Zamboanga ay mga ginagamit na Chavacano na maituturing na creole. Kombinasyon ito ng pidgin ng mga Espanyol at lokal na wika ng mga taga- Zamboanga. Kaya nawala man ang mga Espanyol, mababakas pa rin ang kanilang wika sa ilang partikular na lugar sa Pilipanas. Kaya sa Zamboanga, may mga ganitong ekspresyon: “Soltero el anak disuyo” (Binata na ang anak niya). “Nunca yo quire convos.” (Hindi kita mamahalin” kumpara sa regular na Espanyol na “Nunca te amare.”) “Buenas tardes, Senior!.” F. DIGLOSSIA Ang diglossia ay isang sitwasyong umiiral sa isang lipunan na ang wikang gamit ng isang pangkat ay may dalawang barayti. (Kadalasang ang isa’y itinuturing na mababa at ang isa’y mas mataas). F. DIGLOSSIA Halimbawa, sa ating bansa, may dalawang umiiral na pangunahing wika, ang Filipino at Ingles. Maging sa ating konstitusyon, matatagpuan ang pagtatalaga sa Filipino bilang wikang Pambansa habang ang Ingles bilang katulong o auxiliary language. Mahalagang Tanong: Paano maaaring mag-iba-iba ang pakahulugan ng mga tao sa isang salita? Mahalagang Tanong: Paano maaaring mag-iba-iba ang pakahulugan ng mga tao sa isang salita? Mahalagang Tanong: Paano ipinakita ang pagkakaiba-iba ng wika sa lipunan? Mahalagang Tanong: Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng barayti ng wika sa paghubog ng pambansang identidad? Mahalagang Tanong: Magbigay ng isang halimbawang sitwasyon kung saan ginamit mo ang register ng wika.