REBYUWER SA PAGBASA Tagalog Past Paper PDF
Document Details

Uploaded by ReceptiveHarpy8680
Koronadal National Comprehensive High School
2025
Tags
Summary
This Tagalog document is a reviewer for the third quarter of the 2024-2025 school year. It discusses reading comprehension, various text types like informational/expository, narratives, and persuasive, along with theories like interactive, bottom-up and top-down, and the schema theory. It is a study guide for students.
Full Transcript
**REBYUWER SA PAGBASA** **Ikatlong Markahan** **Taunang Panuruan 2024-2025** **Kahulugan at Kalikasan ng Pagbasa** - Pakikpagkomunikasyon ng awtor sa kanyang mga mambabasa. - Isa ring PROSESO at KASANAYAN. - PROSESO - KASANAYAN **BAKIT TAYO NAGBABASA?** - Upang malibang - U...
**REBYUWER SA PAGBASA** **Ikatlong Markahan** **Taunang Panuruan 2024-2025** **Kahulugan at Kalikasan ng Pagbasa** - Pakikpagkomunikasyon ng awtor sa kanyang mga mambabasa. - Isa ring PROSESO at KASANAYAN. - PROSESO - KASANAYAN **BAKIT TAYO NAGBABASA?** - Upang malibang - Upang humanap ng tiyak na kasagutan sa kanilang mga katanungan - Upang makahanap ng katahimikan - Upang malaman ang mga nangyayari sa nakaraan. - Upang matukoy ang kahalagahan ng danas ng bawat tao. - Upang malaman ang katotohanan at kathang isip lamang. - Upang mabigyang diin ang halaga ng gawang siyentipiko at teknolihiya sa pang-araw-araw nating pamumuhay. **Mga Teorya sa Pagbasa** - **Teoryang Interaktibo** - Ang isang magaling na mambabasa ay gumagamit ng dalawang uri ng paraan sa pagproseso ng kaalaman mula sa teksto. (Carell at Eisterhold, 1983) - **Teoryang Bottom-Up** - **Teoryang Top-Down** **Tandaan:** **Ayon kay Rummelhart (1977), ang interaktibong teorya ay sintesis ito ng ibaba-pataas at itaas-pababa na teorya.** - **Teoryang Iskema** - pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili - ang "background knowledge"ang saligang kaalaman at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman **Hakbang na Dinaraanan sa Pagbasa** **Persepsyon** - ito ay estado ng pagkilala o pagtukoy sa kamalayan sa isang bagay sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkasng mga tunog. **Komprehensyon** - ang kakayahang maunawaan ang nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagbuo ng isang konsepto. **Reaksyon** - nangangailangan ito ng paghuhusga at pagwawari tungkol sa kung ano ang sinabi ng awtor. Ayon kina Aban at Cruz, may dalawang paraan ang pagsasagawa ng reaksiyon. Ang intelektwal at emosyonal. Ang intelektwal ay tuwirang nasaling ang kaniyang pag-iisip na humahantong sa pagpapasya sa kawastuan at lohika ng binasa samantala ang emosyonal naman ay higit ang paghanga sa istilo at nilalaman ng teksto. **Integrasyon/Asimilasyon** - ang kakayahang maiangkop sa buhay ng mambabasa ang anomang konseptong nauunawaan upang maging mahalagang bahagi ng kanyang karanasan para sa kinabukasan. **Cohesive Devise** - Ito ay naglalayong magbigay ng ugnayan at pagkakaisa sa isinusulat na teksto upang mas madali itong maunawaan. **URI NG TEKSTO** **IMPORMATIBO O EKSPOSITORI** - **Anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.** HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO \- TALAMBUHAY \- DIKSYUNARYO \- PAPEL PANANALIKSIK \- SIYENTIPIKONG ULAT \- BALITA SA DIYARYO **URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO** **SANHI AT BUNGA** **PAGHAHAMBING** **PAGBIBIGAY-DEPINISYON** - **Ay tekstong impormatibo na nagsasaad ng kahulugan ng isang salita. Komprehensibo at detalyado ang pagpapaliwanag nito. Masusing sinusuri ang mga salitang nakapaloob sa isang depinisyon.** - **Paano nagiging detalyado?** - **Bakit kailangang suriin ang mga salitang dapat gamitin?** **PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON** - **Nangangahulugan itong uri o klase ng bagay, mga gawain o ideya. Ipinaliliwanag kung ano ang pagkakaiba ng isang termino sa ibang salitang nauuri sa pangkat na kinabibilangan nito.** **NARATIBO** - Isang paraan ng pagkukwento ng pangyayri o kawil ng mga magkakaugnay na pangyayaring maaring totoo o dili kaya'y mga pangyayaring bunga ng imahinasyon o guniguni. - **Diyalogo- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ang mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.** - **Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.** - **PLOT-TWIST- tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.** - **ELLIPSIS- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.v** - **COMIC BOOK DEATH- isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay linaw sa kwento.** - **REVERSE CHRONOLOGY- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula** - **Deus ex machina *(God from the machine*) - isang *plot device* na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang "Ars Poetica" kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay.** **DESKRIPTIBO** - Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o subhetibo. **PERSUWESIYB** - **isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasang sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.** **PROSIDYURAL** - **Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon** - Layunin nitong **makapagbigay ng sunud-sunod na direksyon at impormasyon** **Nilalaman ng Tekstong Prosidyural** **ARGUMENTATIBO** - **uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin** **Paalala:** Basahin at unawaing maigi ang bawat konsepto sapagkat karamihan sa mga tanong sa eksam ay ***"situational".***