Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF

Document Details

StylizedMountain5391

Uploaded by StylizedMountain5391

Colegio de Los Baños

Tags

Tagalog reading text comprehension education

Summary

This document appears to be course materials for a Tagalog course. It covers introductory reading skills, comprehension, and writing. It includes course descriptions, requirements, and potentially exam materials (although exam questions were not found within the sample).

Full Transcript

Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Level: SENIOR HIGH SCHOOL...

Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Level: SENIOR HIGH SCHOOL Semester: SECOND Subject Group: CORE SUBJECT Quarter: THIRD Course Description: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik. Content Standard: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig Performance Standard: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa Course Requirements: Makikita sa ibaba ang mga gawain na kailangan maisagawa. ARALIN AKTIBIDAD Aralin 1 PC 1 Aralin 2 PC 2 Aralin 3 PC 3 Aralin 4 EAA1 PC 4 Aralin 5 EAA 2 Aralin 6 PC 5 GRADING SYSTEM Performance Check 50% Enabling Assessment Activity 30% Quarter 3 Examination 20% 3rd Quarterly Grade 100% Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pre-requisite Assessment: Pagsulat ng isang maikling pagpapakilala tungkol sa inyong sarili at pagbasa nito sa harap ng klase. ARALIN 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto INTRODUCTION A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan: a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa D. INSTITUTIONAL VALUES: Integrity, Excellence Social Responsibility DEVELOPMENT A. MOTIBASYON “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o kaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.’ Winika ito ni Gustave Flaubert, isang manunulat na pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya, at sumikat sa kanyang akda na Madame Bovary (1857) LESSON PROPER Chunk 1 Pagbasa Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat sa teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon. Dalawang Kategorya ng Mapanuring Pagbasa INTENSIBO - Mula sa kahulugan ng mga salita, mahihinuha na ang intensibong pagbasa ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto. Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa kanyang aklat na Teaching by Principles: An interactive Approach to Language Pedagogy na ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. EKSTENSIBO – Ito ay may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales. Ayon pa rin kay Brown (1994), ang ekstensibong pagbasa ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. Dagdag pa nina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinakda sa anomang asignatura. Scanning at Skimming na Pagbasa Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown (1994), ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa. SCANNING - Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo. Scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian. SKIMMING - Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung paano at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Chunk 2 Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto TEKSTONG IMPORMATIBO Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa dyaryo. Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. TEKSTONG DISKRIPTIB Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan. Uri ng Tekstong Deskriptib 1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat. 2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram. TEKSTONG PERSUWEYSIB Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga pahayag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay. Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle: 1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat. 2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita. 3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK TEKSTONG NARATIB Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela. Mga bahagi ng Tekstong Naratib: 1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan. 2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod- sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon. 3. Resolusyon o “denouement” ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin. Elemento ng Tekstong Naratibo Paksa - Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang kwentong nais isalaysay. Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan ng kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagkakaayos, tiyakin lamang ang sistematiko at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari upang madaling maunawaan ang narasyon. Oryentasyon - Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan, at kailan. Pamamaraan ng narasyon - Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magb igay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. Diyalogo – sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumamit ng pag- uusap ng mga tauhan. Foreshadowing – nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnat o mangyayari sa kwento. Plot twist – tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Ellipsis – omisyon o pag-aalis Komplikasyon o tunggalian - Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Resolusyon - Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan. TEKSTONG PROSIDYURAL Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp. Halimbawa ng Tekstong Prosidyural: Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19: 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag- hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Tekstong Argumentatib Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. Chunk 3 Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto Mahalaga ang pagsusuri sa ano mang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin. Kumukunsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating babasahin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito. Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung ano at paano isinulat o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang impormasyon mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga salitang ginamit, ang pagsasaalang- alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito. Pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Ikalawa, suriin ang ISTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Pagkatapos, pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Chunk 4 Pagpapakahulugan ng Salita Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap. 1. Pagbibigay-Kahulugan - ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan. 2. Pagbibigay ng mga halimbawa - ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. 3. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian. 4. Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan. 5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Chunk 5 Kaantasan ng Wika Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito. A. Pormal na Wika- Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami. 1. Pambansa - Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. 2. Pampanitikan o Panretorika - Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining. B. Impormal na Wika- Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pang-araw araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. 2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita. 3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar. Sanggunian Crizel Sicat-De Las, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rex Book Store. 2016, 2-100. Del Rosario, Mary Grace G. at Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House. 2016.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16-58d1e34823ff file:///D:/Downloads/Pagbasa%20at%20Pagsusuri%20sa%20Ibat%20Ibang%20Teksto%20Tungo% 20sa%20Pananaliksik%20(PIVOT).p df Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module) Name: _____________________________ Section:_______________________ LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE PERFORMANCE CHECK 1 A. Panuto: Magsaliksik ng isang teksto sa internet at i-print ito sa isang short bond paper. Basahin at tukuyin kung anong uri ito ng teksto. Ilista ang malalalaim na salita at bigyan ito ng kahulugan. Maghanda sa pagpepresinta sa harap ng klase. B. Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teksto ang tinutukoy sa pahayag. __________1. Ang tekstong ito ay may layuning kumbinsihin ang mga mambabasa hinggil sa isang isyu. __________2. Layunin ng tekstong ito na ipinta sa imahinasyon ng mga mambabasa ang isang bagay, tao, lugar, pangyayari, karanasang at iba pa. __________3. Naglalahad ito ng proseso kung paano ginagawa ang isang bagay o paano ito binubuo. __________4. Ang uri ng teksto na ito ay nagkukwento ng mga yugto ng pangyayari na maaaring piksyon o di-piksyon. __________5. Isang uri ng teksto na nagpapahayag ng katwiran sa isang napapanahong isyu. C. Panuto: Sagutan ang katanungan sa ibaba ng maayos at malinaw. 1. Sa iyong palagay, makakatulong ba ang pagtukoy sa uri ng binabasang teksto? Bakit? Pangatwiranan ang sagot. 2. Sa mga napag-aralan nating teksto, alin sa mga ito ang sa tingin mo ay pinakamadaling gawin? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. ________________________________________________________________ SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT OR GUARDIAN DATE: _____________ Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pre-requisite Assessment: Ibigay ang mga uri ng teksto. Pagkakaiba ng Skimming at Scanning? ARALIN 2: KATANGIAN AT KALIKASAN NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO INTRODUCTION A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan: a. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa b. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto D. INSTITUTIONAL VALUES: Excellence, Social Responsibility LESSON PROPER Chunk 1 Sa pagbuo ng tekstong impormatib, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan. Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya, almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan. Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatib: 1. Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. 2. Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag 3. Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga. 4. Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag. Bahagi ng tekstong Impormatib: 1. Simula. Sa bahaging ito dapat ang mga mambabasa ay maaakit at nakakapukaw ng atensyon. 2. Gitna. Sa bahaging ito magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 3. Wakas. Ang bahaging ito ay paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig, at nadarama. Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang isang manunulat ng tekstong deskriptib naman na nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay salita ang ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan. Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat isaalang alang: 1. Maingat na pagpili ng paksa 2. Pagpili ng sariling pananaw 3. Pagbuo ng isang pangunahing larawan 4. Wastong pagpili ng mga sangkap Dalawang uri ng paglalarawan: 1. Pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kurokuro ng naglalarawan. 2. Masining na paglalarawan - dito ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente at angkop sa paraan. Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga sumusunod: 1. Inaasahan o Target na Awtput - tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur. 2. Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag- aaral kung susundin ang gabay. 3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto. 4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural: 1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan. 2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang. 3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon. 4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto. Sanggunian Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S., Munar, Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez, Remedios S. Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication, 2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16- 58d1e34823ff Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module.) Name: ________________________________ Section:_______________________ LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL Performance Check 2 Panuto: Pumili ng isa sa mga tinalakay na uri ng teksto at gamit ito, gumawa ng sarili ninyong halimbawa nito. Isaalang-alang ang bawat kalikasan at katangian ng mga ito ng sa gayon ay wasto ang inyong gagawing teksto. Maghanda sa presentasyon. (Short bond paper) HALIMBAWA NG TESTONG PROSIDYURAL. SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: ______________ Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pre-requisite Assessment: Pumili ng isang uri ng teksto at ipaliwanag kung bakit napili mo ito? Ano-ano ang mga salitang madalas na ginagamit sa paggawa ng isang teksto? ARALIN 3: PAGSULAT: COHESIVE DEVICES INTRODUKSYON A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto D. INSTITUTIONAL VALUES: Excellence, Social Responsibility LESSON PROPER Chunk 1 Gamit ng Cohesive Devices Kung ang mga pangungusap, ideya, at detalye ay malinaw na nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit ng mga cohesive devices para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa kaniyang isinulat. 1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Tinutukoy nito ang anapora at katapora. Anapora - tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan na binanggit sa pangungusap o talata. Halimbawa: Kung makikita mo si Manong. Sabihin mo na ibig ko siyang makausap. Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata. Halimbawa: Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita. Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago. (Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.) 3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo. (Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.) 4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay. Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. 5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito. a. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. ∙ Pag-uulit o repetisyon Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang. ∙ Pag-iisa-isa Halimbawa: Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya. ∙ Pagbibigay Kahulugan Halimbawa: Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kay” ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan. b. Kolokasyon—Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Halimbawa: nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog, doktor – pasyente puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap Sanggunian Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S., Munar, Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez, Remedios S. Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication, 2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420- 40ff-bb16-58d1e34823ff ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module.) Name: ________________________________ Section:_______________________ LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL PERFORMANCE CHECK 3 Panuto: Pumili ng 1 sa iba’t ibang uri ng teksto at sumulat ng isang halimbawa nito base sa inyong napili na natataglay ng iba’t ibang Cohesive Devices na binubuo ng 2 talata (paragraph). Salungguhitan ang Cohesive Devices na ginamit upang mabuo ang talata. Mga kinakailangang kagamitan: Short bond paper Panulat PAMANTAYAN Nilalaman 20 Wastong Paggamit Cohesive Devices 15 Organisasyon ng mga Salita 15 Kabuuan 50% Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pre-requisite Assessment: Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng tamang impormasyon upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat? ARALIN 4: PAG-UUGNAY NG KAISIPANG NAKAPALOOB SA BINASANG TEKSTO INTRODUKSYON A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw naibigay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. b. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. D. INSTITUTIONAL VALUES: Integrity, Excellence and Social Responsibility LESSON PROPER Chunk 1 Kahulugan ng Reaksyong Papel Alam mo ba n ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa binasang teksto. (https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php) Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari. (https://kingessays.com/reactionpaper.php.) At mula rin sa coursehero.com, sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang- alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa. Apat na bahagi ng Reaksyong Papel 1.Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag- aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel. 2.Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel. 3.Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 4.Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad. (https://kingessays.com/reaction- paper.php) Halina’t basahin ang teksto at alamin ang kaisipang hatid nito: Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki at maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi—at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay bahay ni Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naaawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw- dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kanina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan. “Mama...Ale, palimos na po.” Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas. “Singko po lamang, Ale… hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailanman ay hindi nakarating sa kanyang bituka. “Maawa na po kayo, Mama… Ale…gutom na gutom na ako!” Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig, walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas. “Adong...ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kanina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol. “Diyan na kayo, Aling Ebeng...sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!” Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa boob rig sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’ y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya. ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module) Name: ________________________________ Section: _______________________ LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENABLING ASSESSMENT ACTIVITY 1 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa tekstong iyong binasa na may pinamagatang “Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg” 1. Ano-anong kaisipan ang natalakay sa tekstong binasa? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2. Paano mo maiuugnay sa komunidad ang iyong tekstong binasa? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ __________________. 3. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na sa iyong tingin ay maaari mong isabuhay? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ __________________ 4. Bakit natin kailangang malaman ang kaisipang nakapaloob sa bawat tekstong ating binasa? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ __________________ SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: ______________ Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel, hindi ang buong module) Name: ________________________________ Section: _______________________ LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL PERFORMANCE CHECK 4 Panuto: Base sa tekstong binasa na pinamagatang “Mabangis na Lungsod” ni Efren Abueg, iugnay ang mga pangyayari o kasipang nakapaloob dito sa iyong sarili, sa pamilya, sa komunidad, bansa, at sa daigdig. Ipaliwanag ang mga ito gamit ang paraang patalata. (4 paragraphs) Ano ang kaugnayan ng binasa mong teksto sa: Sarili Pamilya Komunidad Bansa Daigidig _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: ______________ Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pre-requisite Assessment: Bakit mahalagang maunawaan ang mga mahahalagang diwa o kaisipan sa iyong tekstong binasa? ARALIN 5: MGA KAISIPANG NAKAPALOOB SA TEKSTONG BINASA A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa D. INSTITUTIONAL VALUES: Integrity, Excellence and Social Responsibility LESSON PROPER Chunk 1 Ang kaisipan ng teksto ay binubuo ng pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan. Ang pangunahing kaisipan ay ang mensahe na nakapaloob sa isang larawan o teksto. Ito ang nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa. Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang pangungusap ng teksto ngunit may ilang istilo ang manunulat na ang pamaksang pangungusap ay nasa hulihan, kung kaya ang pangunahing kaisipan ay maaaring matagpuan sa hulihan ng teksto. Tandaan! May pagkakataong hindi lantad sa teksto ang pangunahing kaisipan. Ang pantulong na kaisipan naman ay nagbibigay-linaw sa pangunahing kaisipan. Nagtataglay ito ng mga mahahalagang impormasyon na nakatutulong sa mambabasa upang higit na maunawaan ang teksto. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, lugar, paglalarawan, datos o istadistika at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing kaisipan. Basahin at unawain ang halimbawa ng teksto sa ibaba. Pagkamit ng Hustisya, Magkano ba ang Halaga? Bakit ganon ang hustisya sa ating bansa? Mahirap ba siya kaya hindi niya makamit ang hustisyang kanyang hinihiling? o Mayaman siya kaya pera nalamang niya ang kapalit ng hustisyang lahat ay minimithi? Nakasilip nga ba ang tagahatol mula sa kanyang pagkapiring? Kaya ang pagkamit sa hustisya ay sadyang kay hirap kunin. Sa panahon ngayon tanging mayayaman na lamang ang nakakamit ng hustisya sa ating bansa. Nakaka-awa ang mga taong walang pangtustos sa pagkamit ng Katarungan sa mga krimen na sa kanila’y ginawa. Sinasabi ng marami na ang pera ay kayang bilhin lahat ngunit naisip ba natin na kayang bilhin ng halaga ang buhay na pinahiram lamang sa atin? Na ang iba ang kukuha Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK nito at hindi ang Diyos na lumikha? Minsan tayo ay napapaisip kung paano nila kayang baligtarin ang salaysay ng isang kaawa-awang biktima kapalit ng malaking halaga ng pera na kung iisipin ay malaking pagkakasala nila, ngunit hindi nila ito naisip dahil sa pagkasilaw nila sa pera. Anuman uri ng krimen ang ginawa ng isang tao dapat itong magbayad dahil saan man ito tignan sa natural na batas man o utos ng ating Diyos ay may karampatang parusa. Kung mapapansin natin ay may estatwa na sumisimbolo ng hustisya. Ang piring sa mata ay nangangahulugan ng pantay na pagtingin para sa lahat, walang mayaman, walang mahirap, Pantay na pagtingin. Pero minsan dahil sa piring na iyon hindi talaga makamit ang hustisya dahil natanggal na ang piring ng isa nitong mata dahil sa malaking halaga na inalok dito. Ang timbangang hawak nito ay nangangahulugan ng pagtimbang sa mga ebidensya ng nagkasala, Kung magiging mas matimbang ba ang ebidensya sa kasalanan o mas magiging matimbang ba ang katarungan na hindi talaga siya nagkasala kaya walang ginawa kundi umiyak at mahiya sa harap ng maraming tao. Lalo na pag siya’y nilalait tungkol sa krimen na wala naman siyang kaalam-alam. At sa mga batikos na kanyang natatanggap mula sa mga taong hindi alam ang pinagmulan ng trahedyang na sa kanya ay ibinibintang. Bakit nga ba ganyan ang mga mamamayang pilipino? Na pag may pera at may mataas na posisyon Ikaw na kaagad ang kanilang pinupuri. Sabagay, Sa panahon ngayon, pera nalang ang makakasabi kung anong magiging kapalaran mo pagdating sa mga ganitong pangyayari. Sa mga bagay na walang kayang gawin ang mga mahihirap kundi magmaka-awa at lumuhod sa sarili nilang paa. Oo, Sabihin na natin. Mayroon mga mahihirap na nakakakamit ng hustisya. Pero lahat ba ito ay sapat? Hindi, Madalas naman ay mayroon mga pamilyang mahihirap na tumatanggap ng pera mula sa mga mayayaman na kung tawagin natin ay SUHOL. Sa kabilang dako, Ang isang tagahatol ay maituturing na isang propesyonal ngunit paano pa ito maituturing na propesyonal kung hindi nito nagawa ng tama ang trabaho nito. Dapat na tayong magising sa katotohanan, na hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera. May mga bagay na dapat gawing tama para magkaroon ng pantay na hustisya at katarungan sa isang bansa. Dahil ang isang maunlad na bansa ay mayaman, may matatag na batas at higit sa lahat pantay ang paningin sa mga mamamayan mahirap man ito o mayaman. Huwag matakot, maging matibay, lumaban ng patas at boses ay lakasan ng makuha ang sapat na hustisya at katarungan! Sanggunian: Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S., Munar, Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez, Remedios S. Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication, 2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16-58d1e34823ff Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: ________________________________ Section:_______________________ LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENABLING ASSESSMENT ACTIVITY 2 PANUTO: Mula sa binasang teksto, gamitin ang Modelong ORAS. Ilahad ang iyong opinyon o reaksyon sa binasang akda. Tukuyin kung anong mga aral ang napulot mo rito at iugnay mo ang mga ito sa sarili mong kaisipan o karanasan. “Pagkamit ng hustisya, Magkano ba ang halaga?”. Opinyon ay ilahad… Reaksyon sa paksa ng teksto… Aral na nakuha… Sariling kaisipan… SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: _____________ Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pre-requisite Assessment: Paano mo maipapahayag ang nais mong ipaalam sa ibaba sa maayos na paraan? ARALIN 6: PAGGAMIT NG MABISANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG SA REAKSYONG PAPEL INTRODUKSYON A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinIgay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat- isa. Amen. C. RUAs: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: - Kalinawan - Kaugnayan - Bisa sa reaksyong papel na isinulat b. Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa: a. Sarili b. Pamilya c. Komunidad d. Bansa e. Daigdig D. INSTITUTIONAL VALUES: Integrity, Excellence and Social Responsibility LESSON PROPER Chunk 1 IBA’T IBANG URI NG PAHAYAG PAGLALAHAD Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes. Halimbawa: Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK isa. Iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang virus. PAGSASALAYSAY Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan. Halimbawa: Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor. PANGANGATWIRAN Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha. Halimbawa: Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata! PAGLALARAWAN Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala- palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang pandama. Halimbawa: Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata. Sanggunian https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materi als/basicstagalog.pdfkay Ogor. http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impengnegro-ni-rogelio-sikat.html Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014. Salvador, Joel S., Munar, Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013. Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez, Remedios S. Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication, 2014.https://commons.deped.gov.ph/categories/086b39c5-d420-40ff-bb16- 58d1e34823ff Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: ________________________________ Section:_______________________ LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL PERFORMANCE CHECK 5 Panuto: Unawain ang documentary film na ipapanood ng guro. Sumulat ng isang reaksyong papel gamit ang isa sa iba’t ibang uri ng pagpapahayag. Ang nilalaman ng reaksyong papel ay ang mga sumusunod: Ang kabuluhan nito sa: Sarili Pamilya Komunidad Bansa Daigdig Pamagat ng Dokumentaryo: Anak https://www.youtube.com/watch?v=l0AaSPn5JrQ&fbclid=IwAR1ZmrLrLit2Dc46QCYxLqXYn5wt_zNNztqTzAnlDRjPVXRjc_DdtDIwE QQ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PERFORMANCE TASK: Transfer Goal: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa Performance Task GRASPS Goal - Ang iyong layunin ay makapagsusulat ng isang panimulang pananaliksik tungkol sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Role - Magiging mananaliksik ang mga mag-aaral na may layuning makakalap ng mga impormasyon na bubuo sa gagawing panimulang pananaliksik. Audience - Kinabibilangan ng mga kapwa niyo mananaliksik na nagsasagawa rin ng sarili nilang pananaliksik. Situation - Ang pagsusulat ng panimulang pananaliksik ay gagawin sa loob ng paaraln, kung saan ang iba’t ibang mag-aaral ay magkakaroon ng pakikibahagi sa pagbibigay ng impormasyon. Product - Isang panimulang pananaliksik tungkol sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Standard- Ang analitikal na rubriks na ito ay makakatulong sa mga guro at mag- aaral na maayos na matasa at maunawaan ang kalidad ng panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. KATEGORYA EXCELLENT SAPAT KAILANGAN HINDI SAPAT (4) (3) PANG AYUSIN (1) (2) Pamagat ng Ang pamagat ay Ang pamagat ay Ang pamagat ay Ang pamagat ay Pananaliksik malinaw, tumpak ngunit hindi ganap na hindi malinaw o tumpak, at maaaring malinaw o hindi hindi kaakma sa sumasalamin sa kailangan ng gaanong pangunahing pangunahing kaunting kaakma sa layunin ng layunin ng pagpapahusay pangunahing pananaliksik. pananaliksik. sa kalinawan. layunin ng pananaliksik. Introduksyon Malinaw ang Ang Ang Ang pagpapakilala sa introduksyon ay introduksyon ay introduksyon ay suliranin o isyu, may kaunting kulang sa hindi malinaw o layunin ng pagkukulang sa paglilinaw ng hindi pananaliksik, at pagpapakilala sa suliranin, naglalaman ng kahalagahan ng isyu o sa layunin, o wastong pag-aaral. paglilinaw ng kahalagahan ng pagpapakilala sa layunin at pag-aaral. suliranin, kahalagahan. layunin, at kahalagahan. Pamamaraan ng Detalyado at May ilang Ang Hindi maayos Pananaliksik sistematiko ang bahagi ng paglalarawan ng ang paglalarawan ng pamamaraan na pamamaraan ay paglalarawan ng mga hakbang na hindi gaanong kulang sa mga hakbang na Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ginamit sa detalyado o detalye at ginamit sa pagkolekta ng hindi ganap na sistematikong pagkolekta ng datos. sistematiko. pag-aaral. datos. Paglalarawan ng Malinaw ang Ang paglantad Ang paglantad Ang paglantad Konteksto paglantad sa sa konteksto ay sa konteksto ay sa konteksto ay konteksto ng may kaunting kulang sa hindi malinaw o kulturang o pagkukulang sa pagbibigay ng hindi nagbibigay panlipunang kahalagahan ng kahalagahan ng ng kaukulang paksa, kasama teorya o teorya o kahalagahan ng ang mga diskurso. diskurso. teorya o kaugnay na diskurso. teorya o diskurso. Pagsusuri ng Maingat at Ang pagsusuri Ang pagsusuri Ang pagsusuri Datos malalim ang ng datos ay may ng datos ay ng datos ay pagsusuri ng ilang bahagi na kulang sa hindi maingat o mga nakalap na hindi gaanong paglilinaw sa hindi nagbibigay datos, kasama maingat o mga natuklasan ng wastong ang paglilinaw malalim. o mga patern. paglilinaw sa sa mga mga natuklasan natuklasan at o mga patern. mga patern. Paksa at Pag- Ang Ang Ang Ang unawa interpretasyon interpretasyon interpretasyon interpretasyon ng datos ay may ng datos ay may ng datos ay ng datos ay kapaki- kaunting bahagi kulang sa hindi kapaki- pakinabang na na hindi kapaki- pakinabang o konklusyon at gaanong kapaki- pakinabang na hindi malinaw malinaw na pakinabang o konklusyon o ang paglalapat paglalapat ng malinaw na malinaw na ng konsepto sa konsepto sa paglalapat ng paglalapat ng paksa. paksa. konsepto sa konsepto sa paksa. paksa. Konklusyon May malinaw at Ang konklusyon Ang konklusyon Ang konklusyon tumpak na ay may ilang ay kulang sa ay hindi konklusyon bahagi na hindi pagbibigay ng malinaw, hindi batay sa mga gaanong tumpak tumpak na tumpak, o hindi natuklasan, o kulang sa konklusyon o nagbibigay ng kasama ang pagsusuri ng pagsusuri ng wastong pagsusuri ng implikasyon o implikasyon o pagsusuri ng implikasyon o kahalagahan ng kahalagahan ng implikasyon o kahalagahan ng pag-aaral. pag-aaral. kahalagahan ng pag-aaral. pag-aaral. Estilo at Anyo Maayos ang May ilang Ang papel ay Ang papel ay pagkakasunod- bahagi ng papel may mga hindi maayos sunod ng papel, na may mga malalang ang tumpak ang pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakasunod- grammar, at pagkakasunod- pagkakasunod- sunod, may may magandang sunod, sunod, maraming grammar, o grammar, o pagkakamali sa Colegio de Los Baños – PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK estilo ng estilo ng estilo ng grammar, o hindi pagsulat. pagsulat. pagsulat. maganda ang estilo ng pagsulat. Pagbibigay ng Tumpak ang Ang paggamit Ang paggamit Ang paggamit Sanggunian paggamit ng ng mga ng mga ng mga mga sanggunian sanggunian ay sanggunian ay sanggunian ay at maayos ang may ilang kulang sa hindi tumpak at bibliograpiya. bahagi na hindi tumpak na walang maayos tumpak o may paggamit o may na bibliograpiya. ilang mga malalang pagkukulang sa pagkakamali sa bibliograpiya. bibliograpiya.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser