Mga Uri ng Teksto sa Pagbasa PDF
Document Details
Uploaded by SatisfiedKraken
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng teksto, kabilang ang argumentatib, impormatib, deskriptib, at persweysib. Inilalarawan din nito ang mga katangian ng isang mahusay na mambabasa ayon kina Black at Presley (2001). Mayroon din itong mga gawain para sa pagsasanay sa pag-unawa sa mga teksto.
Full Transcript
PAGBASA- isang makrong kasanayang pangwika na kinasasangkutan ng pag- uunawa ng mga nakalimbag na simbolo ng isipan. Ito ay paglikha ng kahulugan mula sa tekstong nakasulat. Mambabasa- ang siyang pumapasok sa gawaing pagbabasa. Sa kanyang kamay nakasalalay ang pagdedekowd ng kahulu...
PAGBASA- isang makrong kasanayang pangwika na kinasasangkutan ng pag- uunawa ng mga nakalimbag na simbolo ng isipan. Ito ay paglikha ng kahulugan mula sa tekstong nakasulat. Mambabasa- ang siyang pumapasok sa gawaing pagbabasa. Sa kanyang kamay nakasalalay ang pagdedekowd ng kahulugan ng tekstong kanyang piniling basahin. Mga Katangian ng mahusay na mambabasa ayon nina Black at Presley (2001) 1. Nagtatakda ng layunin sa pagbabasa. 2. Binibigyang-pansin ang istruktura ng teksto bago simulan ang pagbasa. 3. Nagiging aktibong mambabasa. 4. Bumuo ng mga hula. 5. Bumubuo ng mga hinuha. 6. Inaalala na sa bawat uri ng teksto ay may angkop na pamamaran ng pagbasa. 7. Nagsagawa ng pagproseso ng pagkakaunawa ng teksto habang nagbabasa at matapos magbasa at naging handang isaayos ang interpretasyon ng tekstong binasa. 8. Lumilikha ng mga biswal na imahe ng teksto sa kanilang isipan. 9. Bumubuo ng mga katanungan habang nagbabasa na isa-isang nasasagot ng patuloy na pagbabasa. 10. Kinalulugdan ang pagbasa ng iba’t ibang uri ng teksto. Babasahin o teksto- ang siyang dahilan kung bakit natatawag na mambabasa ang isang tao. Uri at paraan ng pagbabasa 1. Subvocalized reading- sa paraang ito, pinagsasama ang paraang sight reading na may kalakip na internal sounding ng mga salita na tila ba ito’y sinasambit. 2. Speed reading- Ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga pamamaraang naglalayong mapabilis ang kakayahan sa pagbasa na hindi naisakripisyo ang kakayahang maunawaan ang teksto maging ang retensyon nito. 3. Proofreading- Ito ang paraan ng pagbabasa na kinasasangkutan ng layuning makita ang mga kamaliang tipograpikal sa tekstong isinulat. 4. Rereading- Ito ang pagbasa ng isang teksto nang higit sa isang pagkakataon. Gawain 1. Buuhin ang mga letrang nagkalat sa loob ng kahon upang makabuo ng isang makabuluhang salita. bitamropmi persibswey armengutibta ranabit kripdisteb ralyudispro Batay sa mga nabuong sagot sa Gawain 1, sagutin ang mga sumusunod na tanong na may pag-unawa. Isulat ang tamang sagot sa isang kapat na papel. 1. Makipagtalo upang mapatunayan ang katotohanang ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang ito. 2. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao. Batay sa mga nabuong sagot sa Gawain 1, sagutin ang mga sumusunod na tanong na may pag-unawa. Isulat ang tamang sagot sa isang kapat na papel. 3. Mga serye ng impormasyon tungkol sa isang bagay upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta. 4. Maaaring magtataglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena at mga detalye ng mga pangyayari. Batay sa mga nabuong sagot sa Gawain 1, sagutin ang mga sumusunod na tanong na may pag-unawa. Isulat ang tamang sagot sa isang kapat na papel. 5. Maglahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay o mga ideyang nanghihikayat sa mambabasa. 6. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat. MGA URI NG TEKSTO 1.Argumentatib ay isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. Halimbawa nito ay mga editoryal. Argumentatib Naglalayon din ang tekstong ito na mapatunayan ang katotohanan nang ipinapahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang ito. Ang katangian ng tekstong ito ay makipagtalo upang mapatunayan ang katotohanan nang ipinapahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang ito. 2. Impormatib ay isang tekstong naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong inpormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan. Impormatib Ang ilan sa mga halimbawa nito ay mga kasaysayan at mga balita. Naglalayon din ang teksto ito na maglahad ng mga tiyak na impormasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay. Isinasaad dito ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao. 3. Deskriptib ay tekstong nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari. Sa madaling sabi, ang tekstong ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa. Deskriptib Ang katangian ng deskriptiv ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat. 4. Persweysib naman ay isang tekstong nangungumbinse o nanghihikayat. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga nakasulat na propaganda sa eleksyon at mga advertisement. Persweysib Naglalayon ang uri ng tekstong ito na kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang katangian ng tekstong ito ay maglahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay o mga ideyang naghihikayat sa mambabas 5. Naratib ay isang tekstong naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari o simpleng nagsasalaysay. Ang halimbawa nito ay mga akdang pampanitikan. Layunin ng tekstong ito na magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Naratib Ang tekstong narativ ay isang impormal na pagsasalaysay. Para ka lang nagkuwento ng isang bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan. Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari. Nagtataglay ito ng panimulang nagsasaad kung anong uri ito ng tekstong naratib at ng isang matibay na kongklusyon. 6. Prosidyural ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ang anumang gawain. Layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at importansiya sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan. Prosidyural Ang katangian ng tekstong ito ay may serye ng impormasyon tungkol sa isang bagay upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta SINTESIS Naratib SINTESIS 5. Naratib ay isang tekstong naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari o simpleng nagsasalaysay. Ang halimbawa nito ay mga akdang pampanitikan. Layunin ng tekstong ito na magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. SINTESIS MGA URI NG TEKSTO MGA URI NG SINTESIS 0 BACKGROUN D SYNTHESIS 1 THESIS- 0 DRIVEN 2 SYNTHESIS SYNTHESIS 0 FOR THE 3 LITERATURE 01 BACKGROU ND Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang SYNTHESIS mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa na karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian HALIMBAW A: PAMAGAT: CYBERBULLYING URI: BACKGROUND SYNTHESIS ANYO: EXPLANATORY PAMARAAN: Pagbubuod, Paghahalimbawa, Pagdadahilan LAYUNIN: Layunin ng sintesis na ito mapatunayan na nakasasama ang bullying THESIS Ang bullying ay magdudulot ng malaking STATEMENT: epekto sa mga biktima 02 THESIS- Halos katulad lamang DRIVEN ito ng background SYNTHESIS synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng 02 THESIS- pagpapakilala at DRIVEN paglalahad ng paksa SYNTHESIS ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga puntos sa tesis ng sulatin HALIMBAW A: PAMAGAT: GENDER EQUALITY SA PILIPINAS URI AT ANYO: THESIS-DRIVEN SYNTHESIS LAYUNIN: Matukoy kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maisasakatuparan ang pagkakapantay-pantay sa bansa THESIS STATEMENT: Ang gender equality ay hindi pa lubos na naisasakatuparan sa bansa PAGBUBUOD: Bagamat may batas na nag poprotekta sa Karapatan ng mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT ay maraming estudyante pa rin ang kadalasan kinukutya, Thoreson (2017) at hindi pa rin natitigil ang karahasan sa kababaihan, Angelo (2017). 03 SYNTHESIS Ginagamit ito sa mga FOR THE salitang pananaliksik, LITERATUR Kadalasan kahingian ng E mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang mga literature ukol sa paksa. 03 SYNTHESIS Karaniwang FOR THE isinasaayos ang LITERATUR sulatin batay sa mga E sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa BIGYANG PANSIN ANG MGA SUMUSUNOD: 1. 2. 3. NAPAGTITIBAY TAMANG ANG MGA IMPORMASYON ORGANISASYON NILALAMAN AT MULA SA PINAG- NG TEKSTO NAIPAPALALIM HANGUAN/ ANG PAG-UNAWA SANGGUNIAN NG NAGBABASA MGA KATANGIAN NG SINTESIS O BUOD 1. MAY OBHETIBONG BALANGKAS NG ORIHINAL NA TEKSTO 2. HINDI NAGBIBIGAY NG SARILING IDEYA AT KRITISISMO 3. HINDI NAGSASAMA NG MGA HALIMBAWA, DETALYE, O IMPORMASYONG WALA SA ORIHINAL NA TEKSTO 4. GUMAMIT NG MGA SUSING SALITA 5. GUMAMIT NG SARILING SALITA MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS 1. LINAWIN ANG LAYUNIN 2. PUMILI NG NAAAYON NA SANGGUNIAN BATAY SA LAYUNIN AT BASAHIN NG MABUTI ITO 3. BUUIN ANG TESIS SULATIN 4. BUMUO NG PLANO SA ORGANISASYON NG SULATIN 5. ISULAT ANG UNANG BURADOR 6. ILISTA ANG MGA SANGGUNIAN 7. REBISAHIN ANG SINTESIS 8. ISULAT ANG PINAL NA TESIS THANK YOU!!