Quarterly Test Q2 Filipino 8 2023-2024 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2023
Tags
Related
Summary
This Filipino 8 quarterly test covers various topics in Philippine language and literature. The questions are designed to assess the student's understanding of the key concepts and principles studied. It is presented in a multiple choice question format. This document includes a set of questions for assessing the knowledge of Filipino students in grade 8.
Full Transcript
# SUMATIBONG PAGTATAYA SA FILIPINO 8 PARA SA IKALAWANG KUWARTER ## Pangalan: ## Taong-Panuruan 2023-2024 ## Pangkat: ## Petsa: ### PANGKALAHATANG PANUTO: 1. Basahin at unawaing maigi ang bawat aytem. 2. Dapat maging malinis at walang bura ang inyong mga sagot. 3. Suriin kung wasto ang bilang ng...
# SUMATIBONG PAGTATAYA SA FILIPINO 8 PARA SA IKALAWANG KUWARTER ## Pangalan: ## Taong-Panuruan 2023-2024 ## Pangkat: ## Petsa: ### PANGKALAHATANG PANUTO: 1. Basahin at unawaing maigi ang bawat aytem. 2. Dapat maging malinis at walang bura ang inyong mga sagot. 3. Suriin kung wasto ang bilang ng mga pahina. 4. I-shade ang titik ng tamang sagot. ### Para sa mga bilang 1-2. Tukuyin ang pangunahing kaisipang isinasaad ng tula sa loob ng kahon. 1. **Kuwento ni Inay** Noong sila ay bata pa Tingin lang ni lola Sila'y tumatahimik na Respeto sa magulang Kitang-kita sa kanila. Sipi mula sa tulang Noon at Ngayon A. Natatakot ang mga anak kapag tinititigan sila ng kanilang mga magulang. B. Agad-agad tumatahimik ang mga anak kapag tinititigan sila ng kanilang mga magulang. C. Noong unang panahon higit na nirerespeto ng mga anak ang kanilang mga magulang. D. Matapang ang mga magulang noong unang panahon kung kaya kinatatakutan sila ng kanilang mga anak. 2. **Kung ang tao'y isinilang upang maging tao lamang...** Mabuti pang ako'y naging ibon na lamang... na lilipad-lipad sa lawak ng kalangitan; O nanaisin ko pang ako'y naging isang bulaklak na maaaring pitasin sa mabangong halaman; O kaya'y naging isang punong may malagong mga daho't sangang malalabay; Sapagkat sa pagiging ibon, bulaklak, puno o kalabaw ay nakatitiyak akong may halaga ang aking buhay; Na ako ay may kabuluhan! Tulad ng isang isinilang upang magpakatao at di maging tao lamang! Sipi mula sa tulang "Kung ang tao ay isinilang upang maging tao lamang” ni Emelita P. Baez A. Mahirap magpakatao sa mundong ito. B. Ayaw ng tao na siya ay isilang sa mundo. C. Mas mainam mabuhay sa mundo na maging hayop kaysa maging tao. D. May halaga ang buhay kapag isinilang ang isang tao na may kabuluhan. ### Para sa mga bilang 3-4. Piliin ang angkop na tanong batay sa balagtasan sa loob ng kahon. **Sang-ayon:** Pagsusuot ng uniporme ay kailangan, Sa pagiging mag-aaral, ito'y pagkakakilanlan Paglalakuwatsa nila'y tuluyang maiiwasan, Magiging panatag ang mga magulang. **Di-Sang-yon:** Uniporme ay hindi na kailangan, Sapagkat dagdag gastos lamang sa mga magulang. Hayaang pumili, ng nais na damit, kung dito sila komportable 3. A. Alin ang mahalaga, uniporme o pagkain? B. Pagsusuot ng Uniporme: Dapat bang ipatupad muli? C. Dapat bang ipatupad muli o hindi ang pagsusuot ng uniporme? D. Alin ang mas mahalaga; ang makapagsuot ng uniporme kahit hindi komportable o ang pagsusuot ng komportableng damit. 4. **Ofelia:** Limang daang papaurong, alamin mo, Mang Pablito, Nang dumami'ng kasangkapan, kung tawagin ay moderno. Iyang bomba atomika, ang tangke at eroplano, Ay isang kisap-mata, pinupuksa'y milyong tao. **Pablo:** Halimbawa ay sa puso, iyong karamdaman, Ay agad ding magagamot sa maraming pagamutan. Pati buwan ay narating nang sumulong itong agham, May tulay na nayayaring patawid sa karagatan Sipi mula sa Balagtasan A. Alin ang mas mainam ang buhay noon o ang buhay ngayon? B. Dapat bang ipagpatuloy o itigil ang modernisasyon sa ating daigdig? C. May mga pinsala bang dulot ang agham at teknolohiya sa ating daigdig? D. Masama ba o mabuti ang bunga ng pagunlad ng agham at teknolohiya sa daigdig? ### Para sa mga bilang 5-12. Tukuyin ang angkop na hudyat ng pagsang-ayon o pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon. 5. ___ ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-pag-uugali at kultura. A. Ayaw B. Ayoko C. Hindi D. Huwag 6. ___ akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa mundo. A. Lubos B. Kaisa C. Talaga D. Tunay 7. ___ napakahalaga ng edukasyon sa ang kanilang sarili at mapanatili pa rin ang buhay ng mga kabataan ngayon. A. Iyan B. Tunay C. Totoong D. Ganoon nga 8. Para sa akin, ___ ng kailangan nating magsikap para sa ating magsikap para sa ating kinabukasan. A. sige B.totoo C. tunay D. ganoon nga 9. ___ na magbabago ang takbo ng kailanman gagamit ng mga bagay na pamumuhay ng Pilipinas sa hinaharap. hindi magdudulot sa kaniya nang mabuti A. Maasahan mo B. Iyan ay nararapat C. Lubos akong nananalig D. Kaisa mo ako sa bahaging iyan 10. ___ totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo. A.Tunay B. Ayaw ko C. Hindi D. Naniniwala ako 11. ___ kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon sa noon. A. Ayaw B. Hindi C. Lubos D. Sadya 12. ___ ko matatanggap ang mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo. A. Tunay B. Lubos C. Sadya D. Hindi 13. Mahal ni Julia si Tenyong at siya ang nais niyang makaisang-dibdib. Ngunit ipinagkasundo siya sa isang mayamang lalaki ng kaniyang ina sapagkat ito raw ang pinakamabuti niyang gawin. Labag man sa kalooban ay sinunod pa rin ni Julia ang kagustuhan ng ina. Masasabi mo bang si Julia ay larawan ng isang huwarang anak? Pangatuwiranan ang sagot. A. Oo, dahil ayaw ni Julia na sumama ang loob ng kaniyang ina dahil ayaw niyang maparusahan ng langit. B. Oo, dahil handa niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng kaniyang ina. C. Oo, dahil pagdating ng panahon ay tiyak na matututunan din niyang mahalin ang kaniyang kabiyak ayon sa gusto ng kaniyang ina. D. Oo, dahil mas pinahalagahan niya ang kaniyang kinabukasan dahil tiyak na mamumuhay siya nang marangya kung ang mayamang lalaki ang kaniyang mapapakasalan. 14. Bilang kabataan na nabibilang sa makabagong panahon, maraming pagbabago ang nagaganap sa iyong lipunan. Kabilang na ang impluwensiya ng makabagong teknolohiya. Masasabi mo bang kayang kontrolin ng mga kabataan rito A. Hindi, dahil sa maganda ang nagagawa ng makabagong teknolohiya at marami ang mga kabataang nahuhumaling dito. B. Hindi, dahil ang mga kabataan ngayon ay mahina at madaling nadadala sa tukso lalo pa't makapagbibigay ito sa kanila ng kasiyahan. C. Oo, kung ang mga kabataan ay hindi kailanman gagamit ng mga bagay na hindi magdudulot sa kaniya nang Mabuti at pawang ikapapahamak lang. D. Oo, kung ang mga kabataan ay magkakaroon ng tamang kaalaman kung paano kontrolin ang kanilang mga sarili upang huwag madaig sa tuksong dulot ng makamundong bagay sa lipunan na magdudulot sa kanila ng kasawian. 15. magdudulot sa kanila ng kasawian. Isa sa mga kulturang Pilipino na masasalamin sa dulang "Walang Sugat" ay ang pagpapahalaga sa isang kasal. Ngunit, sa kasalukuyan ay marami sa mga nagsasama ay hindi nabigyan ng basbas ng simbahan. Sa palagay mo, kailangan ba nating tanggapin na lamang ang ganitong nakasanayan ng lipunan? A. Hindi, sapagkat para tayong nakikigaya sa ibang bansa na kahit na sino ay maaari ng gawing asawa. B. Oo, sapagkat sila ang may karapatang magdesisyon sa kanilang sariling buhay kung nais ba nilang magpakasal o hindi. C. Oo, sapagkat pagdating ng panahon ay maghihiwalay lang din ang mga magasawa lalo na kung hindi sila magkaintindihan. D. Hindi, sapagkat tayo ay lubos na nagpapahalaga sa moralidad at batas ng Diyos. Mas mainam kung ang bubuoing pamilya ay may basbas ng Diyos at magiging mabuting halimbawa sa magiging mga anak. ### Para sa bilang 16-18. Piliin ang letra ng pinakamalapit na kahulugan ng konotatibong salita na nakasalungguhit sa loob ng pangungusap. 16. Tuluyan siyang nabunutan ng tinik nang lumisan ang kaniyang mapang-abusong asawa. A. Karayom B. pag-ibig C. pag-asa D. pasakit 17. Ang puso ng dalaga ay nakalaan sa karapat-dapat na binata. A. Buhay B. pag-ibig C. pag-asa D. pagsuyo 18. Natatanaw ko ang bahaghari sa kabila ng aking pagdadalamhati. A. tulay B. solusyon C. pag-asa D. kalungkutan ### Para sa mga bilang 19-21. Piliin ang letra ng pinakamalapit na kahulugan ng denotatibong salita na nakasalungguhit sa loob ng pangungusap. 19. Maraming ahas sa masukal na gubat. A. uri ng ibon B. mga traydor C. uri ng damo D. mga halaman 20. Malamlam ang ilaw sa poste. A. liwanag B. apoy C. ina ng tahanan D. ama ng tahanan 21. Huwag mo akong daanin sa bola. A. laruang de-gulong B. laruang hugis bilog C. pasakit sa damdamin D. pangako sa minamahal ### Para sa mga bilang 22-28. Suriin kung anong uri ng paglalahad ang ginamit sa talata. 22. Isang malaking banta sa sangkatauhan ang paglala ng kalagayan ng mundo.Patuloy na lumalaki ang populasyon na tao kung kaya patuloy ring tumataas ang pagkonsumo at pangangailangan ng enerhiya na karaniwang nagmumula sa mga fossil fuel. Dahil sa paggamit ng fossil fuel, pinalala nito ang pag-init ng mundo na nagbubunga ng pag-iiba-iba ng panahon. Halaw mula sa Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa Seguridad A. pagsusuri B. pag-iisa-isa C. sanhi at bunga D.pagbibigay ng halimbawa 23. Ayon kay Bourdieu, may tatlong uri ng diskarte para makamtan ang pinakamakapangyarihang posisyon sa loob ng isang larangan: 1. Ang konserbasyon ng kapangyarihan para mapanatili ito ng isang indibidwal o institusyon; 2. ang pag-angkin, 0 pagmana ng kapangyarihan para maisalin ito mula sa unang may hawak patungo sa bagong hahawak nito; 3. ang subersiyon ng kapangyarihan para mawalan ng lehitimasyon ang unang may hawak nito, o para mapawalang bisa ang naunang kapagyarihan sa pamamagitan ng hindi pagkilala nito bilang isang katanggap-tanggap na kapangyarihan. Halaw mula sa Pilosopiya ni Pierre Bourdieu A. pagsusuri B. pag-iisa-isa C. pagbibigay ng halimbawa D. D. paghahambing at pagsasalungguhitan 24. Sa ngayon, ang mga halimbawa ng pamahiing pinaniniwalaan na rin ng mga Pilipino ay ang pagbabawal sa mga babaeng ikakasal ang pagsusukat ng kaniyang damit pangkasal at pag-iwas sa magnobyong malapit nang ikasal ang paglalakbay sa malalayong lugar. Pinagyamang Pluma, Bagong Edisyon 9, ph. 214 A. pag-iisa-isa B. sanhi at bunga C. pagbibigay halimbawa D. paghahambing at pagsasalungat 25. Makinig kang mabuti at ganito ang iyong dapat na gawin. Unang-una ay manalig ka na may maawaing Diyos. Pangalawa ay huwag kang matataranta dahil hindi ka makapag-iisip nang matino. Pangatlo ay isipin mong hindi pa huli ang lahat. Kayang-kaya mo iyan! A. pagsusuri B. pag-iisa-isa C. sanhi at bunga D. D. pagbibigay ng halimbawa 26. Ang pagtangkilik sa mga produktong atin ay isang halimbawa ng pagiging makabayan. A. pag-iisa-isa B. sanhi at bunga C. pagbibigay halimbawa D. D. paghahambing at pagsasalungatan 27. Ang pakikinig sa payo ng magulang ay isa ring manipestasyon ng pagmamahal sa bansa. A. pagsusuri B. pag-iisa-isa C. sanhi at bunga D. paghahambing at pagsasalungatan 28. Paunlarin mo ang iyong sarili upang maging maunlad din ang iyong bansa. A. Pag-iisa-isa B. Sanhi at bunga C. Pagbibigay halimbawa D. Paghahambing at pagsasalungatan ### Para sa mga bilang 29-30. Piliin ang sa buhay. kahulugan ng pahiwatig na nakasulat nang 29. "Mabuti na 'yong makatindig ka sarili mong paa." A. Maging matatag sa buhay. B. Matutong magsarili sa buhay. C. Lumakad o magbiyaheng mag-isa D. Magkaroon ng sariling paninindigan. 30. Ngunit may lason na sa kaniyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng ina. A. Iba na ang kaniyang pag-iisip. B. May masamang plano nang nabuo sa kaniyang isip. C. May nabuong maling kaisipan paniniwala sa kaniyang isipan. D. Naging negatibo na ang kaniyang mga pananaw sa maraming bagay. ### Para sa mga bilang 31-38. Suriin ang kaisipan na nais ipahiwatig ng pahayag sa bawat bilang. 31. "Anak dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira,saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta.Hindi madaling kitain ang salapi." Ang ama sa pagkakataong iyon ay maituturing na: Halaw sa kuwentong “Ang Saranggola, Pinagyamang Pluma, Bagong Edisyon ph. 26 A. maramot B palasumbat C. nagpapaalala D. mapagmalasakit 32. Anong kaganapang panlipunan ang inilahad sa sitwasyon na; "Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam kahit sa ina." A. nagmamalaki sa sarili ang anak B. nalulong sa masamang bisyo ang anak C. hindi pagkakaintindihan ng kamag-anak D. kawalang pagmamahal ng magulang sa anak 33. "Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat, at tiyaga...ang malaki ay madali ngang tumataas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon, at kung bumagsak, laging nawawasak.” Halaw sa kuwentong "Ang Saranggola, Pinagyamang Pluma, Bagong Edisyon ph. 26 A. Masyadong mahirap magpalipad ng saranggola. B. Hindi magtatagumpay ang mga mapagmalaki at mapagmataas. C. Ang kahusayan at tiyaga sa pagpapalipad ng saranggola ay daan upang ang isang tao ay magtagumpay 35. “Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak." Ang taludtod ay nagpapahiwatig na ang taong umiibig ay: A. laging nagpapadala ng mga bulaklak. B. nasasaktan at nagagamot ng bulaklak. C. nakahandang ibigay ang lahat para sa taong minamahal. D. Ang taong umiibig ay binabalewala ang anomang sakit na nararamdaman o nararanasan. 36. "Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan- Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!” Ano ang katangian ng pag-ibig mula sa saknong? A. matamis B. malinis C. mapusok D. tunay 37. Ngunit may lason na sa kaniyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng ina. A. May nabuong maling kaisipan o paniniwala sa kaniyang isipan. B. May masamang plano nang nabuo sa kaniyang isip. C. Lahat ng kaniyang iniisip ay pawang walang kabuluhan. D. Naging negatibo na ang kaniyang mga pananaw sa maraming bagay. 38. “Nasa itaas ka na.” At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo... nakatitig siya na makapananatili ka roon.” Ano ang kaisipang ipinahihiwatig ng pahayag? A. Nakamit na niya ang tagumpay B. Naging mapagmataas na siya. C. Tinitingala na siya ng lahat. D. Mataas na ang kaniyang katungkulan sa buhay. ### Para sa mga bilang 39-40. Ihambing ang mga tulang “Sandalangin” at ang “Ang Guryon" sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan. **Ang Guryon** **Ildefonso Santos** Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon; magandang laruang pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay pakatimbangin; ang solo't paulo'y sukating magaling nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling, Saka, pag umihip ang hangin, ilabas At sa papawiri'y bayaang lumipad; Datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas. **Pinagyamang Pluma,** **Ang Bagong Baitang 8,ph.322-323** **Sandalangin** **Joey A. Arrogante** Ang laki ng naging kapalit sa binalewala kong pakikisama Mo, nasagupa lalo ang buhay ko, nasira pati ulo ko sa kamalasan, sa problema; naging demonyo ako, kaaway ng lahat- ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan Ayoko na! Hindi na kaya ng aking konsensiya. Ang hirap palang wala Ka! Sori Among! Patawad! 39. Ano ang pagkakaiba ng dalawang tula batay sa anyo ng pagkakasulat nito? A. Maikli lamang ang pagkakasulat ng ibang taludtod sa tulang "Sandalangin" samantalang ang tulang "Ang Guryon" ay mahahaba ang bawat taludtod. B. Ang tulang Sandalangin ay nagtataglay ng malayang taludturan samantalang ang tulang Ang Guryon ay nagtataglay ng tradisyon al na taludturan. C. Mahirap maunawaan ang tulang "Sandalangin” kaysa tulang “Ang Guryon". D. Masasabing ang tulang Sandalangin ay gumamit ng pangkaraniwang mga salita samantalang ang tulang Ang Guryon ay gumamit ng mga porma na salita. 40. Ano ang kaibahan sa sukat ng dalawang tula? A. Walang sukat ang dalawang tula. B. Walang taglay na sukat ang tulang "Sandalangin” samantalang ang tulang "Ang Guryon" ay paiba-iba ang sukat. C. May 10 pantig sa bawat taludtod ang tulang "Sandalangin” samantalang ang tulang "Ang Guryon" ay may 15 pantig sa bawat taludtod. D. Ang tulang Sandalangin ay magkaiba ang taglay na sukat sa bawat taludtod samantalang ang tulang Ang Guryon ay nagtataglay ng 12 sukat sa bawat taludtod.