MGA SITWASYONG PANGWIKA (Quarter 2, Aralin 1) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
- Notes para sa Filipino (Q2) - SY 2024-2025
Summary
This document analyzes the use of Filipino language in various forms of media, including television, radio, newspapers, movies, and popular culture. It examines the influence of Filipino language on communication trends, and social behavior in the Filipino community. The study covers numerous examples and provides insights into linguistic situations.
Full Transcript
MGA SITWASYONG PANGWIKA Sa mahabang kasaysayang ito ay nakita natin ang paglago o pag-evolve ng ating wika. Malaki ang epekto ng mga pagbabagong dala ng panahon at ng makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa kalagayan o sitwasyon ng ating wika. 01 SITWASYONG PANG WIKA SA...
MGA SITWASYONG PANGWIKA Sa mahabang kasaysayang ito ay nakita natin ang paglago o pag-evolve ng ating wika. Malaki ang epekto ng mga pagbabagong dala ng panahon at ng makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa kalagayan o sitwasyon ng ating wika. 01 SITWASYONG PANG WIKA SA TELEBISYON Ang telebsiyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saan mang sulok ng bansa sapagkat nararating sapagkat nararating na nito maging ang malalayong pulo sa bansa at maging ang mga Pilipino sa ibang bansa. Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa Ang pagdami ng palabas pantelebisyon partikular ang mga teleserye o telenobela at mga pangtanghaling programa o noontime show na sinusubaybayan ng milyong-milyong manonood ang isa sa malalaking dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood. Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan. Sa mga probinsya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit ay ramdam ang malakas na impluwensiya ng wikang ginagamit sa telebisyon. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba't ibang barayti nito. May mga estasyon ng radyo sa probinsyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang sa wika Filipino sila nakikipag-usap. Sa mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People's Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga: Drayber ng bus at dyip Mga tindera sa palengke Mga ordinaryong mangagawa at iba pa Dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, kaya naman masasabing mas malawak ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino. Iyon nga lang, ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa At nilalaman ay karaniwan ding sensasyonal at barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino. 03 SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Bagama't mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon- taon, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng: "One More Chance”, “Starting Over Again”, “It Takes A Man and A Woman”, “Bride for Rent”, “You're My Boss”, “You're Still the One”, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish at iba pang barayti ng wika. Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, dyaryo, at pelikula. Maaring sabihihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit ng mas maraming manonood, tagapakinig, at babasahin Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng mamamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Wikang Filipino pa rin ang madalas na ginagamit. Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at lumikha ng ugong o ingay sa kasayahan (Tiongson, 2012). 04 SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR FLIPTOP Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama't sa FlipTop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalanunan. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Kung ano ang paksang sisimulan ng unang kalahok ay siyang sasagutan ng katunggali. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ag mga salitang binabato ay balbal at impormal. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Laganap sa mga kabataan na sumasali sa mga malalaking samahan na nagsasagawa ng kompetisyon na tinatawag na "Battle League". SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Bawat kompetisyon ay kinatatampukan ng dalawang kalahok sa tatlong round at ang panalo ay dinedesisyunan ng mga hurado. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Ito ay isinasagawa din sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino lalo na sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Sa ngayon maraming paaralan na ang nagsasagawa ng fliptop lalo sa paggunita sa Buwan ng Wika. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR PICK-UP LINES Sinasabing ito ang makabagong bugtong, Sinasabing nagmula sa kung saan may tanong mga boladas ng mga na sinasagot ng isang binatang nanliligaw na bagay na madalas nagnanais magpapansin maiugnay sa pag-ibig at mapa-ibig ang at ibang aspekto ng dalagang nililigawan. buhay. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR KOMPAN KA BA? Kung may salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito'y nakakatuwa, nakakapagpangiti, KASI NA FALL nakakakiliti, cute, cheesy at AKO SA’YO masasabi ring corny. Naririnig sa usapan ng mga kabataan. Nakikita rin sa Facebook, Twitter at iba pang social media sites. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at ang mga barayti nito, subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish. Kailangang ang mga taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang sandali ay maiugnay o mai- konekta ang kanyang tanong sa isang napakaikling sagot. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR “BOOM” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksyon. Nauso ito dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programang Bubble Gang sa isang segment. Naging matunog din ito lalo na sa mga talumpati ni Senadora Miriam Defensor Santiago, at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is Forever PICK-UP LINES Exam kaba? Sana Math Wala nakong nalang ako, maiisip na pick- Kasi gustong gusto na kitang itake home Para kahit anong gawin mo sakin at sakin ka parin up line. babagsak Kasi ikaw lang nasa isip ko SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR HUGOT LINES Tinatawag ding love lines o love quotes. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, nakakalungkot, cute, cheesy o minsa'y nakakainis. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Karaniwang nagmula ito sa linya ng mga tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso't isipan ng mga manonood subalit madalas nakakagawa rin ng sariling hugot lines ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Minsan ang mga ito ay nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito. HUGOT LINES PIOLO PASCUAL BILANG MARCO VILLANUEVA, STARTING OVER AGAIN (2014) "I deserve an explanation! I need an acceptable reason!" HUGOT LINES JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY, ONE MORE CHANCE (2007) “She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat... and you chose to break my heart” HUGOT LINES MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO, STUPID IS FOREVER “Kapag namatay ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko.” 05 MGA SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT MGA SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT 4B Ang Text o SMS (short Humigit-kumulang sa apat na messaging system) ay isang bilyong text ang ipinapadala at mahalagang bahagi ng Hindi makikita ang ekspresyon natatanggap sa ating bansa sa komunikasyon sa ating bansa. ng mukha o tono ng boses na araw-araw na dahilan upang Dahil pinapadali nito ang tumatanggap ng mensahe. tayong ay kilalanin bilang "Text pagpapadala at pagtatanggap Capital of the World" ng mensahe. MGA SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Nabibigyan ng pagkakataon na ma-edit Mas madalas ang paggamit ng code ang mensahe at mas piliin ang angkop switching o pagpapalit ng Ingles at na pahayag o salita kaysa sa aktwal Filipino sa pagpapahayag. itong sabihin ng harapan o sa telepono. MGA SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Madalas din na binabago o pinapaikli Walang sinusunod na tuntunin o rule sa ang baybay ng salita para mas madali o pagpapaikli ng salita gayundin kung Ingles mas mabilis itong mabuo. o Filipino ang gagamitin maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano'y naiintindihang paraan. MGA SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT MESSAGES Mga Katangian ng Wika sa Text Wer na u? Hir na me. Ginagamit din ang CODE LOL- Laugh out loud OTW w8 po SWITCHING o panghihiram. BTW- By the way Ginagamit din ang GTG- Got to go OTW w8 po SEND SHORTCUTS. BRB- Be right back Q W E R T Y U I O P Paggamit ng mga numero IDC- I dont care A S D F G H J K L upang mapaiksi ang mga IDK- I dont know Z X C V B N M salita. HBD Happy Birthday SPACE Pagtanggal sa mga patinig. ILY- Iloveyou IMY-Imissyou ILY- IM LEAVING YOU! FnF- FEEL NA FEEL! 06 SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Pagyabong ng paggamit ng social media sites Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest, at kabilang na rin sa mga netizen. Tumblr atbp. Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan Madaling makabalita sa mga nagyayari sa buhay sa ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay. pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Karaniwang code switching ang wikang ginagamit May pagpapaikli o pagdadaglat sa mga post o sa social media o pagpapalit-palit ng Ingles at komento dito. Filipino sa pagpapahayag. Mas pinag-iisipan mabuti ang mga salita at pahayag Sa post o komento ay madalas makita ang edited na ang ibig bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring sabihin ay may binabago o inayos ang post o nagkomento makabasa at makapagbigay reaksyon. pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Sa internet Ingles pa rin pangunahing Ang nilalaman ng internet at ang mga wika ng mga impormasyong nababasa, sumusunod na nakasulat sa Filipino: naririnig at mapapanood. impormasyon sa iba't ibang sangay ng pamahalaan, mga akdang pampanitikan, mga pelikulang Filipino, mga impormasyong pangwika, video at iba't ibang artikulo at sulatin sa mga blog. 07 SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag- mga call center lalo na iyong mga kompanya na nakabase sa aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na Pilipinas ngunit ang mga sineserbisyuhan ay mga dayuhang multinational companies. customer. Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata atbp ay gumagamit ng wikang Ingles. Ang website ng mga Gayumpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito malalaking mangangalakal ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang ang wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga kanilang press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o restoran, mga pamilihan, mga palengke at maging sa direct magazine nalalathala. selling. SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Filipino din ang wikang kadalasang Mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng ginagamit sa mga komersiyal o mga impormasyong ito kung wikang patalastas pantelebisyon o panradyo na nauunawaan ng nakararami ang gagamitin. umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal. 08 SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye Ang dating Pangulong Benigno Aquino III ay ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga nagbigay ng malaking suporta at pagpapahalaga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng niya sa wikang ito sa mga mahahalagang mga hakbang na kailangan para sa layuning panayam at talumpating ibinibigay tulad ng magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, SONA o State of the Nation Address na komunikasyon at korespondensiya. ipinarating niya sa buong panahon ng kanyang panunungkulan. SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Makabubuti ito upang maunawaan ng mga Maging sa mga opisyal na pandinig sa karaniwang mamamayan ang kanyang mga pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit sinasabi at nais iparating sa bayan. Ito ay subalit hindi maiiwasan ang code switching lalo nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na na sa mga salitang teknikal na hindi agad pinapahalagahan niya ang wikang Filipino. naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino. 09 SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON Ang pagkakaroon ng batas at Ang wikang ginagamit ay pamantayang sinusunod ng mga itinadhana ng K to 12 Basic paaralan, pribado man o Curriculum. - Sa mababang pampubliko ay nakatulong ng paaralan (K hanggang Grade 3) malaki upang higit na malinang at ay unang wika ang gamit bilang lumaganap ang unang wika ng wikang panturo at bilang mga mag-aaral, gaayundin ang hiwalay na asignatura, Sa mataas na antas nananatiling wikang Filipino, kasabay ng samantalang Filipino at Ingles bilinguwal kung saan ginagamit pagkatuto ng wikang Ingles at naman ay itinuturo bilang ang wikang Ingles at Filipino makatulong sa mga mag-aaral magkahiwalay na asignatura na bilang wikang panturo. upang higit na maunawaan at pangwika. mapahalagahan ang kanilang paksang pinag-aaralan. 10 REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA IBA’T IBANG SITWASYON. REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA IBA’T IBANG SITWASYON. Ang mga abogado o taong nagtratrabaho sa korte ay maipapakilala ng mga sumusunod na Isa sa mga barayti ng wika ay ang tinatawag na jargon. exhibit, appeal, complainant, suspect, sosyolek, ito ay ang paggamit ng jargon o mga court, justice atbp. terminong kaugnay sa mga trabaho o iba’t ibang Ang mga guro o konektado sa edukasyon ay hanapbuhay o larangan. maipakikilala ng ss: lesson plan, test, assessment, curriculum, textbook, grade, Kapag narinig ang terminong ito ay matutukoy o performance task. masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang Ang mga doktor , nars o may kinalaman sa ginagamitan ng mga ito. medisina: symptom, xray, checkup, diagnosis, therapy KONKLUSYON ★ Batay sa mga nailatag na sitwasyong pangwika sa iba't ibang larang, maliwanag at makikita ang kapangyarihan at mga lawak ng paggamit ng wikang Filipino, ang itinuturing na wika ng masa sa kasalukuyang panahon. ★ Makikita sa mga ito ang lubos na pagtanggap ng karamihan sa mga mamamayan sa sarili nating wika. ★ Nasa atin nang kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapaliwanag sa sarili nating wika upang ito'y lalong maisulong at higit na maging matatag at malakas dahil ang tatag at lakas nito ay sasalamin din sa katatagan ng ating pagka-Pilipino. ★ Wala namang masama kung matuto tayong magsalita ng mga wikang banyaga at sariling wika para sa sarili nating kapakinabangan. ★ Ang pagkakaisang ito ay makapagdudulot ng pag-unlad. KONKLUSYON ★ Walang makututulong sa Pilipino kundi ang kapwa rin Pilipino at mangyayari iyan kung magkakaisa tayong iwaksi ang kaisipang kolonyal, makipag-ugnayan sa isa't isa, magtulungan, magtalastasan gamit ang wikang nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino dahil sabi nga ni Jose Rizal: "Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Laya nag marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala" - "Sa Aking Kabata ni Dr. Jose P. Rizal (1861-1896)