ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS (PDF)
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalahad ng mga sitwasyong pangwika sa iba't ibang larangan sa Pilipinas. Pinag-aaralan nito ang papel na ginagampanan ng Filipino sa telebisyon, radyo, diyaryo, pelikula, at iba pang larangan ng kulturang popular. Ang dokumento ay sumasaklaw sa mga paraan ng paggamit, mga katangian ng wika, at mga uso sa pagsasalita.
Full Transcript
ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang TELEBISYON ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami...
ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang TELEBISYON ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging ang mga Pilipino sa ibang bansa. Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang halos lahat kasi ng mga palabras sa mga local na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at ng iba’t ibang barayti nito. Ito ang wika ng mga teleserye, mga pantanghaling palabas, mga magazine show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality TV, mga programang pang-showbiz, at maging mga programang pang- edukasyon. May mangilan-ngilang news program sa wikang Ingles subalit ang mga ito’y hindi sa mga nangungunang estasyon kundi sa gabi kung kailan tulog na ang nakararami. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang pagdami ng palabas sa pantelebisyon particular ang mga teleserye o telenobela at mga pangtanghaling programa o noontime show tulad ng Eat Bulaga at It’s Showtime na sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood ang isa sa malaking dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga palabras sa mga wikang rehiyonal. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilag kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan. Sa mga probinsya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit ay ramdam ang malakas na impluwensiya ng wikang ginagamit sa telebisyon. Makikita sa mga paskil o babalang nasa paligid ng mga lugar na ito ang paggamit ng wikang Filipino tulad ng “Bawal Pumarada Rito” o “Bawal Magtapon ng Basura Rito”. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito. May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa probinsyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO Sa mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tinder sa palengke, mga ordinaryong manggagawa at iba dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, kaya naman masasabing mas malawak ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO Iyon nga lang, ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding sensayonal at litaw sa mga ito ang mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Bagama’t mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga local na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang local na tinatampukan din ng mga local na artista. Iyon nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes A Man and A Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, You’re Still the One, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo at pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang palabras, programa at babasahin upang kumita sila ng mas malaki. Subalit hindi rin mapapasubalian ang katotohanang dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa at gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting sensyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang Filipino. MGA SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng sumusunod: FLIP TOP Ito’y pagtatalong oral na isinasagaw nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakataugma bagama’t sa Flip Top ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagatatalo, sa Flip Top ay walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban. PICK-UP LINES May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa mga boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapglalarawan sa pick-up line, masasabing ito’y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilis, cute, cheesy at masasabi ring corny. PICK-UP LINES Madalas itong marinig sa usapan ng mga kabataang magkakaibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga Facebook wall, sa twitter, at sa iba pang social media network. Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito. PICK-UP LINES Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang sandal lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot. “BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa. Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na may ganitong segment. Naging matunog din ito lalo na nang gamitin ni Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga talumpati; at isinulat pa niya sa aklat na Stupid Forever. Dito pinagsama-sama niya ang iba’t ibang pick-up lines, orihinal man niya o hindi. Naging best seller ang aklat niyang ito kaya’t ngayo’y mas maraming tao na ang nagpapalitan ng mga pick-up line. Boy: Google ka ba? Girl: Bakit? Boy: Kasi… nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko. Boy: Oatmeal ka ba? Girl: Bakit? Boy: Kasi… you’re good to my heart. Boy: Kapuso ka ba? Girl: Bakit? Boy: Pinapatanong kasi ni Mama kung… kelan ka puwedeng maging kapamilya. Boy: Hindi ka ba napapagod? Girl: Bakit? Boy: Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko. Boy: Centrum ka ba? Girl: Bakit? Boy: Kasi… you’re my A to Z. Boy: Sana ako ang Sabado at ikaw ang araw ng Linggo. Girl: Ha? Bakit? Boy: Para ikaw ang kinabukasan ko. HUGOT LINES Ang hugot lines, kaiba sa Pick-up Lines, ay tinatawag ding love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, naktutuwa, cute, cheesy o minsa’y nakaiinis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa damdamin o karanasang ponagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa ‘tin – yung hindi tayo sasaktan at paaasahin… ‘yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” - John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007) “She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat… And you chose to break my heart.” - John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007) “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?” - Claudine Baretto bilang Jenny, Milan (2004) “Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!” - Carmi Martin biilang Babygirl Dela Costa, No Other Woman (2011) “Wala naman pala ‘yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na n’ya mahal, hindi ka na n’ya mahal.” - Angelica Panganiban bilang Mace, That Thing Called Tadhana. “Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. 7 words. Yung 8 years naming nagawa niyang tapusin in 7 words.” - Angelica Panganiban bilang Mace, That Thing Called Tadhana. “Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kuwenta kung wala ang tamis mo.” - Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever “Kapag namatay na ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko.” - Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit-kumulang apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital of the World.” Higit na itong popular kaysa pagtawag sa telepono o cell phone dahil bukod sa mas murang maag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga pagkakatong mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Subalit ano nga ba ang katangian ng wika sa SMS o text? Ikaw mismo kapag nag-te-text ay malamang na gumagamit ng magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga salita, hindi ba? Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. 160 characters (titik, numero, at simbolo) Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng salita, Ingles o Filipino man ang gamit na wika Usong-uso rin sa text ang paggamit ng mga daglat bilang shortcut o pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa Ingles AAP Always a Pleasure G2G Got To Go AML All My Love GBU God Bless You B4N Bye For Now IDC I Don’t Care BFF Best Friends Forever ILY I love You BTW By The Way LOL Laughing Out Loud CUL8R See You Later OIC Oh, I see HBD Happy Birthday OMG Oh My Gosh o Oh My God EOD End of Discussion WTG Way To Go J/K Just Kidding XOXO Hugs and Kisses SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT SA INTERNET Sa panahon ngayon ay bilang na lang sa daliri ang mga taong wala ni isang social media account. Maraming nagtuturing ditong biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mahal sa buhay. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT SA INTERNET Tulad sa text, karaniwan ang code switching o pagpapalit- palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita. Sa internet ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika. 3 bilyon sa buong mundo ang konektado sa Internet. Sa Pilipinas, 39.470 milyong katao ang konektado sa internet sa taong 2015 at ito’y dumarami pa nang 10% taon-taon. Ang pangunahing wika sa mga web site at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig at mapanonood sa internet ay nananatiling Igles. SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng mslslsking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamumunuan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ingles din ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center. Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata at iba pa ay gumagamit din ng wikang Ingles. Ang mga web site ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nalalathala. SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Gayumpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga komersiyal o patalastas pantelebisyon panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararami ang gagamitin. SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag- aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya,” nagging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Cory Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika. SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Tulad ng kaniyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang ito sa mahahalagang panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya katulad ng SONA o State of the Nation Address. Sa buong panahon ng kaniyang panunungkulan ay sa Filipino niya ipinararating ang kanyang SONA. Makabubuti ito para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Ito rin ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang ito. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino. SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa mas mataas na antas ay nananatiling bilinguwal kung saan ginagamit ang wikang Inglesbilang mga wikang panturo. Bagama’t pa ring edukador ang hindi lubusang tumatanggap sa sitwasyong ito, ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatutulong nang malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit nilang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinag-aaralan. KONKLUSYON “Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda; Laya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala.” - “Sa Aking Kabata” ni Dr. Jose P. Rizal (1861-1896) MAGAGAWA NATIN “Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananais na tono ay impormal, at waring hindi gaanong estrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang- aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan.” (Tiongson, 2012:8)