Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by ClearedTonalism9622
Bb. Kerstine Gail B Angcao
Tags
Related
- From Meme to Mainstream: TikTok's Impact on Filipino Language PDF
- MGA SITWASYONG PANGWIKA (Quarter 2, Aralin 1) PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
- Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon at Pelikula PDF
- Notes para sa Filipino (Q2) - SY 2024-2025
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino; partikular na tungkol sa mga antas ng wika, paggamit ng wika sa panayam, balita, radyo, telebisyon, blog, at social media. Tinatalakay din ang mga isyu gaya ng paggamit ng wika sa harap ng publiko.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Natutukoy ang iba’t ibang Natutukoy ang iba't paggamit ng wika sa mga ibang paggamit ng wika napakinggang pahayag mula sa nabásang pahayag sa mga panayam at balita mula sa mga blog, social sa radyo at telebisyon medi...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Natutukoy ang iba’t ibang Natutukoy ang iba't paggamit ng wika sa mga ibang paggamit ng wika napakinggang pahayag mula sa nabásang pahayag sa mga panayam at balita mula sa mga blog, social sa radyo at telebisyon media posts, at iba pa Wika sa Panayam, Balita sa Radyo at Telebisyon, Blog, at Social Media Antas ng Wika Pormal - pamantayan at kinikilala/ginagamit ng nakararami Pambansa – ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa; nag-aaral Pampanitikan – ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay, at masining. Halimbawa: kahati sa buhay; nagsusunog ng kilay Antas ng Wika Impormal - karaniwan, palasak, pang-araw-araw at madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan Lalawiganin – gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan. Halimbawa: Buang! (Baliw!) Kolokyal – pang-araw-araw na salita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Meron (Mayroon) Balbal – sa Ingles, ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes. Mababa ang antas na ito. Halimbawa: Pinoy (Pilipino) Wika sa Panayam, Balita sa Radyo at Telebisyon Paggamit ng wika sa Panayam at Balita Sa mga panayam, ang wika ay karaniwang pormal at may estrukturang nakatutok sa pagkuha ng impormasyon. Madalas na gumagamit ng mga tanong na tiyak at pahayag na nag-uudyok sa tagapanayam na magbahagi ng kanilang karanasan. Sa mga balita, ang istilo ng wika ay kadalasang pormal at obhetibo. Paggamit ng wika sa Panayam at Balita 1. Pahayag na Tuwiran: Ang mga anchor at reporter ay gumagamit ng malinaw at tiyak na mga pahayag upang iparating ang impormasyon nang hindi naliligaw ng landas. 2. Pagsusuri at Komentaryo: Sa mga segment na may ekspertong opinyon, ang wika ay maaaring maging mas teknikal, ginagamit ang mga terminolohiyang nauugnay sa paksa. 3. Emosyonal na Tono: Sa mga balitang may mas malalim na epekto, maaaring gumamit ng mas emosyonal na tono upang maipakita ang epekto ng balita sa tao o komunidad. Paggamit ng wika sa Panayam at Balita 4. Pagsasama ng mga Pananaw: Karaniwan ding isinasama ang iba't ibang pananaw mula sa mga eksperto o mga tao mula sa komunidad upang ipakita ang kabuuang konteksto ng balita. 5. Pagpili ng Bokabularyo: Ang mga salita ay maingat na pinipili upang maiwasan ang bias at upang maging patas ang presentasyon ng impormasyon. “Aba ang tao na lang ang hindi tumataas. Bakit ba naman linggo-linggo ay bumubulaga sa atin ang tila tulo sa gripo na tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis, krudo, at iba pang produktong petrolyo. Tila si Juan dela Cruz mula sa pagkakadapa ay hindi na makabangon-bangon.” Daing ng ilang mamamayan. Ayon sa ilang namumuno sa pamahalaan, “hindi naman Pilipinas lang ang apektado sa pagtaas ng mga produktong petrolyo, buong mundo raw ay nakaranas nito. Sa pandaigdigang merkado napakataas ng presyo ng langis” pahayag pa nila. Kung gayon, dapat na ang pamahalaan ay mag-isip sa mga solusyon upang ang kaniyang mamamayan ay hindi gumagapang sa hirap. Mag-isip ng mga alternatibong pamamaraan ng makatutulong upang mabigyan ng solusyon ang krisis na ito, dapat na kaagapay ng pamahalaan ang kaniyang mamamayan. Iwasan natin ang puro daing at sisihan. Magtulungan at kumilos ng ang bayang naghihirap ay unti-unting makabangon. Kaya, kumilos na tayo at magtulungan! Sipi mula sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Piliino pahina 147-148 Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat bilang nang ayon sa pagkakagamit sa binasang akda. Suriin ang pagkakagamit ng bawat salitang may salungguhit. 1.Bakit ba naman linggo-linggo ay bumubulaga sa atin ang tila tulo sa gripo na tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis. 2.Daing ng ilang mamamayan ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. 3.Dapat na ang pamahalaan ay mag-isip ng mga solusyon upang ang kaniyang mamamayan ay hindi gumapang sa hirap. 4.Mag-isip ng mga alternatibong pamaraan na makatu- tulong upang mabigyan ng solusyon ang krisis na ito. 5.Sa pandaigdigang merkado, napakataas ng presyo ng langis. Magbigay ng salita na hindi pangkaraniwang naririnig sa isang balita sa telebisyon o radio at bigyan ito ng kahulugan. Halimbawa: Timbog- Huli Bilang tagapakinig, paano naapektuhan ng mga salitang ito ang iyong pagkakaintindi sa iyong narinig na balita? Wika sa pahayag mula sa mga blog, social media posts, at iba pa. Kilala mo kung ano-ano ang mga ito? Paano kayâ nagkakaiba at nagkakapareho ang gámit ng mga icon na ito? Paggamit ng wika sa Social Media Sa social media, ang istilo ng wika ay mas impormal at mas conversational. Karaniwang gamit na salita o pahayag sa nasabing larangan ay kolokyal at teknikal. Kolokyal na antas ng wikang ang paraan ay parang nakikipag-usap lamang. Di-pormal ang gamit ng wika. Ang teknikal ay antas din ng wika na tumutukoy sa isang disiplina, halimbawa ay ang pang-agham at panteknolohiya. Hindi na isinasalin ang salita sa halip ganap na hinihiram ito upang hindi mabago ang kahulugan. Paggamit ng wika sa Social Media 1. Pahayag na Mabilis at Direktang: Madalas, ang mga mensahe ay maikli at tuwiran, kaya’t ang mga tao ay gumagamit ng simpleng wika para madaling maunawaan. 2. Emojis at Imahe: Gumagamit ng emojis, memes, at iba pang visual elements upang ipahayag ang emosyon at makuha ang atensyon ng mga tagasubaybay. 3. Hashtags: Ang paggamit ng hashtags ay tumutulong sa pag-categorize ng mga post at nagpapalawak ng abot ng mensahe. Paggamit ng wika sa Social Media 4. Impormasyon at Opinyon: Kadalasang pinagsasama ang impormasyon at personal na opinyon, kaya’t mas nakikilala ang personalidad ng nag-post. 5. Interactive na Wika: Madalas na naglalaman ng mga tanong o call-to-action (CTA) na nag-uudyok sa mga tagasunod na makilahok at magkomento. 6. Pagsasalaysay at Kwento: Ang mga tao ay madalas gumagamit ng storytelling approach upang mas makuha ang interes ng audience. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Dulâ Nasusuri at naisasaalang- Naipaliliwanag nang alang ang mga lingguwistiko pasalita ang iba’t ibang at kultural na pagkakaiba- anyo at pamaraan ng iba sa lipunang Filipino sa paggamit ng wika sa iba’t mga pelikula at dulang ibang sitwasyon napanood “Mas pipiliin ko ang “She loved me at “I deserve isang bukas na my worst, You had an explanation! I nandoon ka kaysa me at my best at need an acceptable sa isang bukas na binaliwala mo lng reason” wala ka” lahat” (Popoy) (Marco) (Gab) Can’t Help Falling In One More Chance Starting Over Again Love Bakit kaya Ingles ang karaniwang ginagamit na pamagat sa mga pelikulang Pilipino? Pelikula -sine at pinilakang-tabing, ito ay isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bílang isang anyo ng sining o bílang bahagi ng industriya ng libangan. aksiyon, animation, dokumentaryo, drama, pantasya, historical, katatakutan, komedya, musical, sci-fi (science fiction), at iba pa. Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nitó ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Dalawampung Pelikula noong 2014 Ingles One More Chance, Starting Over Again, It Takes A Man and A Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, You’re Still the One, at iba Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika. Dula -isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapanapanabik na bahagi ng búhay tao -Dulang Pilipino: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar; Sa Pula sa Puti ni Soc Rodrigo, Sarimanok ni Patrick C. Fernandez, Karaniwang Tao ni Joey Ayala, Anghel ni Noel De Leon, at iba pa. Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radio, diyaryo, at pelikula Ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasáng makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nang mas malaki. 1. Diyalogo ng mga Tauhan Pormal na Diyalogo: Sa mga pormal na eksena, ang mga tauhan ay gumagamit ng maayos at masalimuot na wika, lalo na sa mga legal o seremonyal na sitwasyon. Impormal na Usapan: Sa mga casual na eksena, ang mga tauhan ay gumagamit ng slang at lokal na wika, na nagbibigay ng natural na daloy at nagpapakita ng relasyon nila. 2. Pagsasalita sa Harap ng Publiko Talumpati o Pagsasalita: Ang mga tauhan na nagbibigay ng talumpati ay gumagamit ng pormal na wika, nagdadala ng damdamin at kaisipan na may layuning makuha ang atensyon ng audience. 3. Narration o Boses ng Tagapagsalaysay Paglalarawan ng mga Eksena: Ang tagapagsalaysay ay maaaring gumamit ng mas artistic at descriptive na wika upang maipahayag ang emosyon at konteksto ng kwento. 4. Kultural na Elemento Pagsasama ng mga Tradisyonal na Wika: Sa mga pelikulang naglalarawan ng lokal na kultura, maaaring gumamit ng mga katutubong wika o diyalekto upang ipakita ang lokal na pagkakakilanlan. 5. Mga Tema ng Social Issues Diskurso tungkol sa mga Isyu: Sa mga eksena na tumatalakay sa mahahalagang isyu, ang wika ay ginagamit upang makapagbigay ng mas malalim na pag- unawa sa mga problemang panlipunan, kadalasang may kasamang emosyonal na tono. Maraming Salamat! INIHANDA NI: Bb. Kerstine Gail B. Angcao