Si Malala Yousafzai at ang Pakikibaka para sa Edukasyon (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay nagbabahagi ng talambuhay at mga pangyayari sa buhay ni Malala Yousafzai, isang aktibista para sa karapatang pantao, lalo na para sa mga kababaihan sa Pakistan. Ipinakikita ng teksto ang mga hamon na kinakaharap nila, tulad ng pagbabawal ng edukasyon at mga panggigipit galing sa mga panlipunang institusyon. Itinatampok din ng dokumentong ito ang kanyang mga pagsisikap na bigyan ng kahalagahan ang edukasyon ng mga kababaihan at bata sa Pakistan.

Full Transcript

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan Sino nga ba si Malala? Si Malala Yousafzai, o mas kilala bilang Malala sa nakararami, ay isang batang babae na pinaglalaban ang mga karapat...

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan Sino nga ba si Malala? Si Malala Yousafzai, o mas kilala bilang Malala sa nakararami, ay isang batang babae na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga kababaihan lalong- lalo na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon. Siya ay ipinanganak noong July 12, 1997 sa siyudad ng Mingora, Pakistan. Isa itong tanyag at napakagandang lugar ng Mingora noong kabataan ni Malala. Ngunit, lahat ng ito’y nagbago nang pinamahalaan ito ng mga Taliban o isang grupo ng Islam na naglalayong palakasin ang kontrol ng Islam sa mga bansa kabilang na ang Pakistan. Taliban ay isang teroristang organisasyong nakabase sa Pakistan at Afghanistan Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Si Malala ay nag-aral sa Khushal Girls High School, paaralan na itinatag ng kaniyang amang si Ziauddin Yosafzai na isang guro at aktibista. Ang kaniyang ama ang isa sa mga unang naghimok kay Malala na sumunod sa kaniyang landas. Matapos pamahalaan ng mga Taliban ang kanilang lugar, mahigpit na mga batas na ang kanilang ipinatupad. Kasama sa mga ito ang pambobomba ng kanilang lugar, pagwasak ng mga paaralang nakalaan sa mga babae at pagbawal sa mga kababaihan magkaroon ng papel sa kanilang lipunan. Samakatuwid, naging mapanganib ang kanilang bayan kaya’t pinili ng pamilya ni Malala na lumikas na lamang para sa kanilang kaligtasan. Sila rin naman’y bumalik nang nabawasan na ang mga tensyon at panganib sa Mingora. Pagkaraan ng kanilang pagbalik, sinama si Malala ng kaniyang ama sa isang local na kapisanan ng mga mamamahayag upang magbigay siya ng kaniyang unang talumpati na inilathala sa buong Pakistan na pinamagatang “How Dare the Taliban Take Away my Basic Right to Education? Ito ay isang protesta laban sa pagsasara ng mga paaralan sa kanilang bayan. Pagkaraan ay lumapit ang BBC sa ama ni Malala, umaasang makahanap ng makakapaglathala kung paano ba mabuhay sa ilalim ng mga Taliban. Gamit ang pangalang Gul Makai, isinalaysay ni Malala ang kanyang mga karanasan, habang isinara ng Taliban ang mga paaralan para sa kababaihan sa kanilang lugar at pasabugin ang higit sa isang daan nito. Unang lumabas sa telebisyion si Malala noong Perbrero 2009. Dito, siya ay nakapanayam ng isang Pakistani journalist at host na si Hamid Mir.Taong 2009 din nang magkasundo sina Adam Ellick at Malala na gumawa ng maikling dokyumentaryo na pinamagatang “Class Dismissed” na naglalahad ng mga pangyayari sa Pakistan hinggil sa pagsasara ng mga paaralan. Nasundan din ito ng pangalawang pelikula na pinamagatang “A School Girl’s Odyssey”. Matapos noon, siya ay humingi ng tulong kay Richard Holbrooke na isang U.S. special envoy ng Afghanistan at Pakistan, ukol sa pagprotekta sa edukasyon ng kababaihan sa Pakistan. Dahil sa sunod sunod na paglabas niya sa telebisyon maging sa local man o internasyonal, naging malinaw na sa lahat na ssa murang edad, siya ay naging blogger ng BBC at nakatanggap na siya ng marami at iba’t ibang paghanga sa pagiging aktibista. Oktubre 2011 nang iminungkahi siyang kandidato ni Desmond Tutu na isang human rights activist para sa International Children’s Peace Prize. Matapos ang ilang buwan, pinarangalan siya na Pakistan’s first National Youth Peace Price at di nagtagal naging National Malala Peace Prize. Habang pauwi siya galing sa paaralan noong Oktubre 2012 ay nabaril si Malala sa ulo ng isang miyembro ng Taliban. Siya’y pinalad na makaligtas at inilipad sa Inglatera upang dumaan sa isang operasyon. Ang kaganapang ito ay nabalita at naging sanhi ng iba’t-ibang protesta sa buong mundo. Ito rin ang nagudyok sa pagpapatibay ng Right to Education Bill ng Pakistan at paglalaan ng kanilang gobyerno ng pondo para sa edukasyon ng mga kabataan. Sa panahon din ito naitatag ang Malala Fund na naglalayong suportahan ang edukasyon ng mga kababaihan sa buong mundo. Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral at pagiging aktibista sa Inglatera habang siya’y nagpapagaling. Matapos magpagaling, si Malala ay muling lumabas sa publiko nuong July 2013, kanyang ika-16 na kaarawan. Dito’y nagsalita siya sa harap ng 500 tao sa United Nations sa New York. Sa taong iyon ay nakatanggap din siya ng iba’t-ibang mga parangal tulad ng United Nations Human Rights Prize, pagiging isa sa mga maimpluensiyang tao sa mundo ayon sa TIME magazine at iba pa. Matapos ay nailimbag din ang kanyang talambuhay na pinamagatang “I am Malala: The Girl Who Stood Up for Education And Was Shot by the Taliban.” Nuong 2014, si Malala ay naging pinakabatang nakatanggap ng Liberty Medal mula sa National Constitution Center sa Philadelphia at ng kilalang Nobel Peace Prize. Pangyayari pagkatapos mabaril si Malala Pagkakaiba Pilipinas Pakistan ❑May pagkakapantay- ❑May grupong katulad ngTaliban na pantaynakarapatan sa kumokontra sa pag-aaral ng mga bawatkasarian. kababaihan. ❑May malayang access ang ❑May pinakamababang mgakababaihan sa porsyentong kababaihang edukasyon. marunong bumasa at sumulat. ❑ May sistemang K-12. ❑Limitado ang karapatangpang- ❑Malaki ang nilaan edukasyon ngkababaihan. ngpamahalaan para ❑Nahahati sa 6 na antas ng saedukasyon ng lahat. edukasyon. ❑ Pinamamahalaan ❑Pinamamahalaan ng ngDepartment of Education. FederalMinistry of Education. ❑Pantay ang pagtingin sabawat isa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser