PDF: Diskriminasyon sa Kababaihan at LGBT - Aralin 16

Summary

Ang dokumentong ito ay tungkol sa isyu ng diskriminasyon at karahasan pangkasarian na tumatalakay sa mga karapatan ng kababaihan at LGBT. Tinalakay din ang mga halimbawa ng diskriminasyon laban sa kababaihan, LGBT, at iba pa. Tinalakay din ang sanhi ng mga diskriminasyon at karahasan.

Full Transcript

## Diskriminasyon at Karahasan Pangkasarian ### Diskriminasyon laban sa kababaihan * Transgender. Nakikita ito sa kaisipan, pananalita, at kilos ng taong may diskriminasyong pang-kasarian. Nagiging karahasang pangkasarian ang ganitong saloobin kapag gumamit ng pisikal na lakas, mapang-abusong pa...

## Diskriminasyon at Karahasan Pangkasarian ### Diskriminasyon laban sa kababaihan * Transgender. Nakikita ito sa kaisipan, pananalita, at kilos ng taong may diskriminasyong pang-kasarian. Nagiging karahasang pangkasarian ang ganitong saloobin kapag gumamit ng pisikal na lakas, mapang-abusong pananalita, pamimilit, o pananakot na nagbubunga ng pisikal at sikolohikal na pahirap o *torture* sa taong dinidiskrimina. Mainam na mabigay ng mga halimbawa ng diskriminasyon at karahasang pangkasarian para lalong mas maintindihan ang mga ito. * Gustong mag-apply ng isang ginang sa isang bakanteng posisyon sa opisina pero sinabihan siya na ito ay para sa dalaga o walang asawa lamang. * May *virginity test* bago makuha sa trabaho. * May *pregnancy test* bago mabigyan ng *visa* patungo sa ibang bansa. * Humihingi ng "date" ang supervisor bago bigyan ng promosyon (promotion) ang isang empleyado. Ang tawag dito ay *sexual harassment*. Isa pang halimbawa ng *sexual harassment*: Hinihingian ng pabor na seksuwal ang isang babaeng estudyante, *trainee*, o iba pa ng kaniyang profesor, prinsipal, o *trainer* kapalit ng pasadong grado, *scholarship*, at iba pa. Madalas na pagbibirong seksuwal, panghihipo sa maselang parte ng katawan ng babae ng isang *boss*, guro, o superbisor na may kasamang pananakot na hindi bibigyan ng promosyon o *stipend*, mataas na grado, o aalisin sa paaralan o sa trabaho. * Na-expel sa kolehiyo o unibersidad dahil nabuntis nang hindi pa kasal. ### Karahasan laban sa babae Sa ilalim ng karahasang pangkasarian, kabilang ang sumusunod: pisikal, seksuwal, o sikolohikal na pinsala; mga pagsasamantala; pagpinsala sa kabuhayan; pananakot o aktuwal na pisikal na pananakit o pang-gugulpi; at pag-aalis ng kalayaan o pagkulong. **Mga halimbawa:** * Karahasan sa loob ng tahanan; pambu-bugbog ng lalaki sa asawa, kinakasama, o kasintahan * Pagsasamantala o panggagahasa * Pangangaliwa sa asawa (harapan man o patago) * Pagkakait ng suporta sa iniwanang pamilya lalo na sa mga anak * Pagbabawal sa asawa na magtrabaho. * Labis na pagseselos na may kasamang pananakot, pananakit, at pagkakait ng pinansiyal na pangangailangan * Pagmumura at/o paglait sa katauhan ng babae (*verbal abuse*) ### Diskriminasyon Laban sa mga LGBT * Bawal sa ilang restawran o bar ang *crossdresser* (*gay* na nakadamit babae). * Dalawang miyembro sa isang choir ng simbahan ang itiniwalag dahil sila a *gay*. * Mga *gay* na makembot maglakad o mala-babaeng kumilos ay pinagtatawanan. * Ayaw isama ng mga kaopisinang lalaki dahil *gay* o *lesbian*. * Mababang pagtingin sa mga *gay* o *lesbian* na nagladlad sa eskuwelahan; inihihiwalay o ayaw tanggapin sa eskuwela. ### Karahasan Laban sa mga LGBT * Panggagahasa sa *lesbian*, *gay*, *bisexual*, o *transgender* * Pagpatay dahil nadiskubreng *transgender* * Pambubugbog ng karelasyon dahil sa selosan * Pangingikil o pang-aabusong pinansiyal ng mga karelasyon * Pagpapalayas, pananakit, o panlalait * Hindi magandang reaksiyon sa tuwing makakasabay sa palikuran ang isang *tomboy* o isang *bakla*. ## Batayan ng Diskriminasyon at Karahasang Pangkasarian Saan nanggaling ang saloobing nagdidiskrimina at nagiging marahas sa kababaihan at LGBT? Hindi ito karaniwang ipinaliliwanag. Ayon sa mga feminista, ito ay galing sa ating nakasanayang patriyarkal na lipunan. Paano nagbubunga ng mapangmaliit o mapanghamak na loobin sa kababaihan at LGBT ang patriyarkal na lipunan? Ano ba ang patriyarkal na lipunan? Isang depinisyon nito ay yaong lipunang nagtatakda ng papel o tungkulin sa dalawang kasarian: ang lalaki at ang babae. Para sa lipunang ito, ang babae bilang nagbubuntis at nanganganak ang siyang dapat nakatalaga sa bahay o tahanan. Dito, ang pangunahing tungkulin ng babae ay ang pangalagaan ang kaniyang asawa at mga anak. Ang lalaki naman, dahil sa pisikal na lakas nito, ang siyang itinuturing na *breadwinner* o tagapaghanapbuhay. Pangunahing tungkulin niya ang magtrabaho, buhayin ang pamilya, pag-aralin ang mga anak, at bigyang proteksiyon ang mag-anak. Wala sanang problema sa ganitong hatian ng tungkulin o gawain kung hindi binigyan ng magkaibang pagpapahalaga ang mga nasabing gawain. Halimbawa, sa patriyarkal na pananaw o lipunan. Ang lalaki, dahil siya ang itinuturing na tagapagbigay ng ikabubuhay, proteksiyon, at karangalan sa pamilya, ay pribilehiyado sa loob at labas ng tahanan. Sa kabilang dako, ang pagiging maybahay ng babae ay lumalabas na nasa pangangalaga sila ng ama ng tahanan: mula sa ikabubuhay hanggang sa proteksiyon. Nagiging *dependent* o umaasa ang babae kasama ang mga anak sa ama, *patriarch*, o *padre de familia*. Karugtong nito ang mataas na pagtingin sa lalaki at ang mababang pagpapahalaga sa babae at gawaing pambahay. Dahil dito, nagiging makapangyarihan ang lalaki sa tahanan at maging sa labas nito, sa lipunan. Dahil sa ganitong pananaw, ang sinomang hindi makatugon sa pamantayang ito ay nagiging mali o "abnormal" sa pagpapahalaga ng lipunang patriyarkal. Kaya naman, ang babaeng ayaw mag-asawa o walang asawa ay nagiging kawawa dahil wala siyang pamilyang kakalinga sa kaniya. Gayundin ang walang anak kahit may-asawa. Ang lalaki namang tumandang binata o ayaw mag-asawa ay pinaghihinalaang bakla o gay. Samantala, ang lahat ay dapat mag-asawa dahil dikta ng lipunan nang sa gayon ay may seguridad ang bawat isa. Subalit ganito nga ba ang realidad sa kasalukuyang panahon? Sapat na ba na isa lamang ang naghahanapbuhay? Kung susuriin ang kasalukuyang pamilya, marami nang dalawa ang *breadwinner*, ang tatay at ang nanay. Ito ay dahil hindi na sapat ang kinikita ng isa lamang. Ito ang dahilan kaya marami at halos mas higit pa ang mga nakapagtapos sa pag-aaral na kababaihan. Kailangan nilang maghanapbuhay na rin para mabuhay nang maayos at mapag-aral din ang kanilang mga anak. Sa takbo ng ekonomiya ngayon, maraming pamilya na OFW. Hindi nakapagtataka na ang ina ang nagtatrabaho sa ibang bansa at ang ama ang naiiwang tagapag-alaga ng maliliit na anak. Ang pamilyang hindi nakapaga-adjust o nakaangkop sa pangangailangang ito ay nagkakaroon ng tensiyon, partikular sa mag-asawa, na humahantong sa karahasang sikolohikal, pinansiyal, o pisikal. **Description of image:** A photograph shows a man and a woman sitting at a table. She appears to be reading a document. The man is holding a young child. Sa kasalukuyan, karaniwan na sa isang pamilya ang mayroong dalawang *breadwinner*-ang tatay at ang nanay. Sa parte naman ng ayaw mag asawa (na pinaghihinalaang *gay* o *lesbian*), hindi sila mapaniwalaan na pinili o *choice* at ginusto nila ang uri ng estado o *lifestyle* sa buhay na ito. Ito ay dahil lumalabag sila sa papel na dapat ay gampanan nila sa lipunang patriyarkal o lipunang may dalawang pamantayan (*double standard*). Hindi pantay ang pagtingin sa hindi nag-asawa at may asawa sa babaeng naghahanapbuhay at sa lalaking naging tatay na, nanay pa. Sa panig ng Mga LGBT, bakit dapat limitahan ang hanapbuhay nila sa pagpapatawa sa telebisyon, teatro, o pelikula? Hindi ba maaari din sila sa ibang profesyon tulad ng pagiging abogado, doktor, dentista, guro, at iba pa? Hindi ba magagaling sila sa *fashion* (disenyo at pananahi), *beauty salon* o *parlor*, sining biswal, teatro, at iba pa? Nag-iiba na ang lipunang Pilipino. Mula Sa dating pagiging saradong patriyarkal, unti unti nang nagiging egalitarian o mas demokratiko at may simpatiya sa iba't ibang kasarian. Subalit ito ay hindi pa sa pangkalahatan. Kaya mahalaga ang pagtalakay at pag-aaral tungkol dito sa mga paaralan hanggang maaga, simula sa elementary hanggang sa hay iskul at kolehiyo. Ang mahalaga ay maging bukas ang kaisipan sa ideya na ang bawat indibidwal ay may taglay na kapasidad o kakayahang matuto ng anumang hanapbuhay na gusto niya at mabuhay nang malaya 5. Kasama na rito ang karapatang pumili ng estado sa buhay (magpapamilya o hindi) nang naaayon sa kaniyang kalooban. Ang mahalaga ay maging handa sa desisyong pipiliin at magkaroon ng sapat na edukasyon upang magkaroon ng disenteng kabuhayan at makapag-ambag sa produksiyon ng ekonomiya. Hindi ang pagiging babae o lalaki, *lesbian*, *gay*, *bisexual*, o *transgender* ang magtatakda ng kapalaran ng bawat tao. Ang kailangan ay linangin ang sariling kakayahan, hanapin ang gawaing hiyang sa bawat isa at maging mahusay at masipag na indibidwal na may serbisyo sa lipunang ginagalawan niya. ### Tandaan * Ang diskriminasyong seksuwal ay ang pangmamaliit sa isang tao dahil sa kaniyang kasarian. * Ang diskriminasyon sa kasarian ay nanggagaling sa dibisyon ng gawain batay sa kasarian (*sexual identity*), na ang trabaho ng lalaki ang pinahahalagahan kaysa trabaho ng babae. Ano ang dapat? Dapat pahalagahan ang gawain ng lahat-kababaihan, kalalakihan, *gay*, *lesbian*, *bisexual*, o *transgender* man. * Dapat pantay ang tingin sa gawaing pambahay at panghanapbuhay 1. Paano kung walang gagawa ng pagluluto, paglalaba, paglilinis ng bahay, at pag-aalaga ng bata? Saan kukuha ng lakas ang lalaki na naghahanapbuhay kung wala ang mga suportang ito ng isang maybahay? * Hindi na makatotohanan na puro lalaki lamang ang nagtatrabaho. Pantay ang karapatan ng lalaki at ng babae na magtrabaho. Gayondin, pareho silang responsable sa kanilang pamilya. * Dapat na igalang ng bawat isa ang anumang piliin o desisyon sa buhay ng kaniyang kapuwa 1, maging ito man ay labag sa sariling paniniwala, pamantayan o kagustuhan. Ang mahalaga ay walang tapakan o tinatapakan at walang binalewalang karapatan ng kapuwa ang pinili o ginawang desisyon. * Ang bawat tao ay dapat na maging handa sa kaniyang pipiliin o desisyon. Marapat na siya ay magkaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan upang magkaroon ng disenteng kabuhayan at makapag-ambag sa pag-unlad ng lipunang kinabibilangan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser