Lingguhang Aralin sa Values Education Q1 Aralin 2 PDF

Summary

This document appears to be a lesson plan for a Values Education class for grade 7 covering the first quarter, second lesson. It outlines the learning objectives, teaching methods, and resources for the session.

Full Transcript

7 Quarter 1 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 2 Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 3: Aralin 2 (Linggo 3) TP 2024-2025 Ang materyal na eto ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATA...

7 Quarter 1 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 2 Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 3: Aralin 2 (Linggo 3) TP 2024-2025 Ang materyal na eto ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATAG K - 10 na kurikulum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Mga Tagabuo Manunulat: Jingle P. Cuevas (Benguet State University) Tagasuri: Amabel T. Siason (West Visayas State University) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMERR National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631- 6922 o mag-email sa [email protected] VALUES EDUCATION / KUWARTER 3 / BAITANG 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling kilos ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa upang malinang ang pagiging mapagpakumbaba. C. Mga Kasanayan at Layuning Nakapagsasanay sa pagiging mapagpakumbaba sa pamamagitan ng sariling kilos ng Pampagkatuto pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa. a. Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa. b. Nahihinuha na ang pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa ay nakatutulong sa pagbuo ng sarili at nasirang ugnayan sa pamilya at kapuwa kung isinasagawa nang may kababaang-loob. c. Nailalapat ang mga sariling kilos ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa. C. Nilalaman Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Kapuwa a. Mga Kilos ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Kapuwa b. Kahalagahan ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Kapuwa na may Kababaang-loob c. Mga Sariling Kilos ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Kapuwa D. Lilinanging Pagpapahalaga Mapagkumbaba (Humility) E. Integrasyon Benepisyong Pangkalusugan (hal.: mental health) II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Admin. (2021, August 22). How Cherry Pie Picache was able to forgive her mother’s killer. The Summit Express. https://www.thesummitexpress.com/2021/08/cherry-pie-pichache-forgiveness.html Beard, R. (n.d.). Tagalog/Pilipino Tongue twisters. In 2005 Lexiteria. https://www.alphadictionary.com/fun/tongue- twisters/tagalog_pilipino_tongue_twisters.html Bible Gateway (n.d.). Ang Alibughang Anak. https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas%2015%3A11-32&version=SND Bible Gateway (n.d.). Ang Talinghaga ng Aliping Hindi Nagpapatawad. https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo+18%3A21- 35&version=FSV 1 Chris Orji. (2023, April 18). Reconciliation - God’s priority || Dr. Myles Munroe [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=DjAc5rr3Cys Forgiveness Counselling Guide. (n.d.). Dallas Baptist University Counseling Center. https://www.dbu.edu/counseling- center/_documents/forgiveness.pdf Forgiveness Lesson Resource Ideas & Activities (Come Follow Me Families, LDS Primary). (n.d.). LDS Primary Printables. https://ldsprimaryprintables.com/forgiving-lesson-ideas Hastings, P. (2023, September 21). #30 Forgiving My Kidnappers - Gracia Burnham — compelled podcast. Compelled Podcast. https://compelledpodcast.com/episodes/gracia-burnham REACH forgiveness (2014, December 3). WVTF. https://www.wvtf.org/2014-12-03/reach-forgiveness Sabbath School (n.d.). Ang Magkapatid na Esau at Jacob: https://sabbath-school.adventech.io/tl/2022-02/10/03-monday-nagtagpoang- magkapatid The Master’s University. (2022, August 25). The Danger of Unforgiveness - The Master's University. https://www.masters.edu/thinking_blog/the-danger-of-unforgiveness/ Widower forges friendship with man in crash that killed wife, unborn baby. (2014, February 3). TODAY.com. https://www.today.com/news/man-crash-killed-woman-forges-friendship-her-widower-2D12044681 World Health Organization [WHO], (2022, June 17). Mental health. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/mental-health- strengthening-our-response Mga sanggunian ng larawan: Cuevas, J. & Cuevas, W. (2024). Tulay ng Pakikipagkasundo [Digital drawing]. Benguet State University. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng UNANG ARAW Dating Kaalaman 1. Maikling Balik-aral Tulong-Dunong Maghanap ng kapareha. Ipagpalagay na lumiban sa klase noong nakaraang araw ang kapareha. Ibahagi sa kaniya nang malinaw ang sagot sa mga katanungan. a. Ano ang pagkakaiba ng talino, talento, at hilig? b. Ano-ano ang mga paraan ng pagpapaunlad sa talino, talento, at hilig? c. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga kakayahang ito kaagapay ang kapuwa? 2 B. Paglalahad ng I. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Talas ng Dila at Isipan Layunin Paligsahan: Talas ng Dila at Isipan Pagpasok ng mga mag-aaral, Bumuo ng limang pangkat. Iipunin sa bawat pangkat ang mga hugis pusong magbibigay ng guhit puso ang guro nasulatan ng pangalan at ilalagay sa maliit na kahon. Bubunot ang bawat sa bawat mag-aaral at isusulat nila pangkat ng isang tongue twister at sa loob ng tatlong (3) minuto, isasaulo ito ang kanilang pangalan gamit ang ng lahat ng kasapi. Pagkatapos ng tatlong (3) minuto, bubunot ang guro ng lapis. Maghanda ng limang maliliit apat na pangalan sa bawat kahon na siyang kakatawan sa pangkat. Tatlong na kahon o papel kung saan ilalagay (3) beses sabay-sabay na bibigkasin ng mga kinatawan ang tongue twister na ang hugis puso pagkatapos ng nabunot ng kanilang pangkat. Kung may isang nagkamali sa pagbigkas, pagpapangkat. Isulat o print ang uulitin ang tongue twister hanggang ito ay mabigkas nang tama. May mga tongue twisters sa isang buong itatalagang tagatala ng oras. Ang may pinakamaikling oras ang siyang bond paper upang madaling basahin mananalo. Halimbawa ng mga tongue twisters: ng mga kinatawan. Maaaring A. Palakang Kabkab, kumakalabukab; kakakalabukab pa lamang, maghanda ang guro ng premyo sa kumakalabukab na naman. mananalong pangkat. Kung malaki B. Usong-usong isang salo-salong nagsisiusyosohan ang mga aso sa ang klase, maaaring maghanap ng asosasyon sa Ascuzena. iba pang tongue twisters. C. Kakakanan lang sa kangkungan sa may kakahuyan si Ken Ken habang Pagkatapos masagot ang mga kumakain ng kakaibang kakanin kahapon. tanong, ipaunawa sa mga mag-aaral D. Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong. na kailangan ng mahabang Itanong ang mga sumusunod: pagsasanay upang mabigkas nang 1. Sa mga naging kinatwan, naging madali ba o mahirap ang pagbigkas maayos at walang kamalian ang mga nang mabuti sa tongue twister? Ano ang posibleng nakahadlang o tongue twisters at gaya sa buhay nakapagpadali sa maayos na pagbigkas? meron tayong nagagawang kamalian 2. Sa mga tagamasid, ano ang inyong naramdaman, naisip, o reaksiyon at pagkukulang malaki o maliit na tuwing may nagkakamali sa inyong mga kapangkat? Ano ang inyong maaring makasakit sa damdamin ng sinabi sa mga kinatawan pagbalik nila sa inyong pangkat? iba. Pagtutugma-tugma Sagot: 1. PAGPAPAKUMBABA: 3. Sa mga nagkamali sa pagbigkas, ano ang inyong naramdaman, naisip, at Kalayaan mula sa pagmamataas o reaksiyon kapag nagkakamali? Tinanggap ba ninyo na kayo ay nagkamali kayabangan; Pagkilala sa sariling o nagdahilan? limitasyon. 2. KUMPISAL: Sa araling ito, matututuhan na ang pagkakamali at pagkakasala ay kaakibat Pagtanggap o pag-ako ng kasalanan ng ating pang-araw araw na pamumuhay at ang ugaling mapagkumbaba ay 3. PAGPAPATAWAD: Intensiyonal na mahalaga upang maging maunawain at mapagpatawad sa mga taong desisyon para mawala ang sama ng nakagagawa sa atin ng mga kamalian o kasalanan. Tatalakayin din dito ang loob at galit. 4. PAGKAKASUNDO: mga kilos na nagpapakita ng pagpapatawad at pakikipagkasundo. Pagpapanumbalik ng pagkakaisa sa isang relasyon. 5. KALUSUGANG 3 II. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin PANGKAISIPAN:Estado ng Pagtutugma-tugma. kagalingan na nagbibigay-daan sa Gawain 1: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mga tao na makayanan ang mga mag-aaral stress sa buhay, mapagtanto ang kanilang mga kakayahan, matuto nang mabuti at magtrabaho nang maayos, at mag-ambag sa kanilang komunidad C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 1: Mga Kilos ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Pagpapalalim Kapuwa I. Pagproseso ng Pag-unawa Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang pagkakamali ng ibang tao, sinasadya man o hindi, ang mga masasakit na salita, panlilinlang, pang-aabuso, at iba pang kilos ay nakakasakit o nakakasugat sa damdamin. Ang mga sugat na ito ay maaaring mag-iwan ng pangmatagalang sama ng loob, pait, at galit — kung minsan ay poot. Kung panghahawakan ang ganitong uri ng sakit ng damdamin, malaki ang magiging epekto nito hindi lang sa katawan at isipan kundi maging sa ispiritwal na aspeto ng pagkatao. Sa pamamagitan ng pagpapatawad, pakikipagkasundo, at pagtanggap ng kapatawaran, ang kapayapaan at pag-asa ay makakamtan. Pagpapatawad. Ito ay isang pasya na may kamalayan upang ilabas ang mga damdamin ng hinanakit o pagnanais na maghiganti laban sa isang taong nanakit sa iyo. Ang pagpapatawad ay kadalasang ibinibigay sa isang taong ayaw patawarin o hindi karapat-dapat ng kapatawaran (Forgiveness Pagpapatawad Counseling Guide, n.d.). Maaaring magbigay ng karagdagang Itanong: Bakit sinasabing ang pagpapatawad ay pagpapalaya sa sarili? paliwanag sa kahulugan ng Dalawang Uri ng Pagpapatawad pagpapatawad gaya ng sumusunod: 1. Desisyonal na Pagpapatawad. Ito ang pagbuo ng desisyon na huwag panghawakan ang pagkakasala laban sa isang tao, at upang ibalik ang Nangangahulugan ito na hindi mo relasyon bago naganap ang pagkakasala. Ang pagpapatawad na ito ay alintana kung ang nagkasala ay madaling gawin kapag ang mga kaibigan at mahal sa buhay ay karapat-dapat patawarin o kung nakagagawa ng maliliit na pagkakamali. Halimbawa: pagkalimot sa nais mong patawarin. Ikaw ay handa kaarawan o anibersaryo, pagiging huli sa pagdating na pakawalan ang pagnanasang maghiganti sa taong nanakit sa iyo 2. Emosyonal na Pagpapatawad. Ito ay mas mahirap ngunit maaari rin at magpatuloy na lang sa iyong itong maging mas malalim at mas matagal. Ang emosyonal na 4 pagpapatawad ay binubuo ng pagbabago ng mga iniisip at buhay. Ang kapatawaran ay hindi nararamdaman sa isang taong nakasakit sa iyo mula sa negatibo (galit, kailangang tanggapin ng nagkasala sama ng loob, mapaghiganti) hanggang sa neutral o maging positibo. Ang o aminin ang nangyari. Ang emosyonal na pagpapatawad ay hindi nangangahulugan na ang pagpapatawad ay tungkol sa IYO, sa masasakit na pagkilos o gawa ng isang tao ay nakalimutan; sa halip, sa kalayaan mo. paglipas ng panahon, ito ay nagbibigay-daan sa iyo na palitan ng postibong damdamin ang mga negatibong damdamin na nauugnay sa memorya ng mga naganap. Pakikipagkasundo. Ito nangyayari kapag ang emosyonal na pagpapatawad ay naganap na at ang magkabilang panig ay napagkasunduan na muling itayo at ibalik ang kanilang relasyon. Posibleng ganap na patawarin ang isang tao, nang hindi nalilimutan ang pagkakasala o pagpapanumbalik ng relasyon. Ang pagpapatawad ay tungkol sa isang taong nagbibigay ng regalo ng pagpapatawad sa pamamagitan ng pagbabago ng kaniyang sariling mga iniisip at damdamin sa ibang tao. Ang pagkakasundo naman ay tungkol sa dalawang tao na muling nagtatayo ng tiwala at nagbabago ng kanilang mga pag-uugali sa isa't isa upang maibalik ang isang relasyon (Forgiveness Counseling Guide, n.d.). Pagpapakumbaba. Ang pagpapatawad at pagkakasundo ay magagawa kung paiiralin ang pagpapakumbaba. Ito ay isang mahalagang katangian na nagpapahayag ng ating kababaang-loob at pagkilala sa ating mga limitasyon. Ito ay pagtanggap na lahat ng tao ay may kahinaan, na lahat tayo ay nagkakamali, nagkakasala, at walang sinumang matuwid. Ito ay hindi tanda ng kahinaan, kundi ng malasakit sa iba at pagsasabing tayo’y umaasa sa tulong at awa ng Diyos. Ang katotohanang ito ang magpapalaya sa isang Pagsusuri ng Kuwento tao upang magpatawad. Sabi nga ng isang mangangaral na ang Mga link kung saan mababasa ang pagpapatawad ay pagbubukas ng pinto upang palayain ang isang tao at sa mga kuwento: huli mahihinuha mo na ikaw pala ang tunay na lumaya sa pagkakabilanggo. 1. Ang Alibughang Anak: https://www.biblegateway.com/ II. Pinatnubayang Pagsasanay passage/?search=Lucas%2015% Pagsusuri ng Kuwento 3A11-32&version=SND Base sa pangkat sa nakaraang gawain, magtalaga ng isang kuwentong 2. Ang Talinghaga ng Aliping Hindi susuriin. Nagpapatawad: 1. Ang Alibughang Anak https://www.biblegateway.com/ 5 2. Ang Talinghaga ng Aliping Hindi Nagpapatawad passage/?search=Mateo+18%3A 3. Ang Magkapatid na Esau at Jacob 21-35&version=FSV 4. Ang Lalaking Balo na Nakipagkaibigan sa Nakasagasa sa Kaniyang 3. Ang Magkapatid na Esau at Asawa at Anak Jacob: https://sabbath- 5. Ang Pagpapatawad ni Cherry Pie Picache sa Pumaslang sa Kaniyang school.adventech.io/tl/2022- Ina 02/10/03-monday-nagtagpo- Ipasagot ang sumusunod na mga tanong: ang-magkapatid 1. Paano ipinakita ng mga tauhan ang pagpapatawad? 4. Ang Lalaking Balo na 2. Ano ang naging epekto ng pagpapatawad sa nagpatawad at sa Nakipagkaibigan sa Nakasagasa nagkasala? sa Kaniyang Asawa at Anak: 3. Paano naapektuhan ang relasyon ng nagpatawad sa nagkasala? https://www.today.com/news/ 4. Madali ba o mahirap para sa inyo ang magpatawad? Ipaliwanag ang man-crash-killed-woman-forges- sagot. friendship-her-widower- 5. Sa iyong personal na karanasan, paano mo ipinapakita ang iyong 2D12044681 pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa iyo? 5. Ang Pagpapatawad ni Cherry Pie Picache sa Pumaslang sa III. Paglalapat at Pag-uugnay Kaniyang Ina Isipin ang pagkakataong nakagawa ka ng pagkakamali o kasalanan sa kapamilya o kaibigan? Ano ang iyong ginawa upang mapatawad ka nila? https://www.thesummitexpress. _____________________________________________________________________________ com/2021/08/cherry-pie- _____________________________________________________________________________ pichache-forgiveness.html Kung nais ng isahang gawain, IKALAWANG ARAW bigyan ang mag-aaral ng kalayaan Kaugnay na Paksa 2: Kahalagahan ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa na pumili ng isang kuwento ng Kapuwa ng may Kababaang-loob pagpapatawad na nabasa o I. Pagproseso ng Pag-unawa napanood. Itanong: Naniniwala ba kayo na ang pagpapatawad ay nakabubuti sa pisikal at mental na kalusugan ng tao? Ipaliwanag ang sagot. Ang pagpapatawad at pakikipagkasundo ay mahalagang aspekto ng pagpapalago ng isang tao. Sa pagpapatawad, nagbibigay tayo ng paumanhin sa mga taong nagkasala sa atin at nagpapakita ng kabutihan ng loob. Sa pamamagitan nito, nakatutulong tayo sa pagpapalaya ng sarili natin mula sa sama ng loob, galit, at iba pang negatibong emosyon. Sa kabilang banda, ang pakikipagkasundo ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng positibong relasyon sa iba. Sa pamamagitan ng pakikipagkasundo, nabubuo ang 6 pagtitiwala at pagpapalagayang-loob sa isa’t isa. Mahalaga rin ang pagpapatawad at pakikipagkasundo sa pagpapalago ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng pagpapatawad at pakikipagkasundo, nabubuo ang pagkakaisa at pagkakapatiran sa loob ng isang komunidad. Ang kababaang- loob ay pagiging bukas sa pagkakamali at pagtanggap na tayo rin ay hindi perpekto. Ito ay pagiging handa na humingi ng tawad at magpatawad nang walang pag-aalinlangan. Sa kababaang-loob, nagiging mas malapit tayo sa ating kapuwa at mas nagiging mapagmalasakit sa kanilang damdamin. Sa pagpapatawad at pakikipagkasundo na may kababaang-loob, nagiging mas maligaya tayo at nagkakaroon tayo ng mas matibay na ugnayan sa pamilya at kapuwa. Sa kabilang dako, ang hindi pagpapatawad ay maaring magdulot ng pagkabugnutin, stress, at kabigatan sa damdamin. Ito ay maaring makaapekto rin sa mental health. Ayon sa World Health Organization (2022), isa sa mga salik na nakaaapekto sa kalusugan ng isipan ay ang sosyal at sikolohikal na aspekto ng pagkatao. Ang hindi pagpapatawad ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng isang tao. Ayon sa mga pag-aaral, ang hindi pagpapatawad ay maaaring magdulot ng stress, galit, at depresyon. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng iba’t ibang mga sakit sa katawan tulad ng sakit sa puso, kanser, at iba pang mga sakit sa kalusugan. Sa kabilang banda, ang pagpapatawad ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa kalusugan ng isang tao. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagpapatawad ay maaaring magdulot ng pagbaba ng stress, pagtaas ng antas ng kaligayahan, at pagpapabuti ng kalusugan ng puso. Sa kabuuan, mahalaga ang pagpapatawad hindi lamang sa kalusugan ng isang tao kundi pati na rin sa kaniyang buong pagkatao. II. Pinatnubayang Pagsasanay Sako ng Bato, Pasanin Mo Sako ng Bato, Pasanin Mo 1. Mag-iisip ang mga mag-aaral ng taong nagkasala o nakagawa ng Sa gawaing ito, ipaliwanag na may pagkakamali sa kanila at kung gaano kalaki o kabigat ang kanilang mga pagkakataon na nagagalit tayo kasalanan o kamalian. at gustong gumanti sa nagawang 2. Gawin ang parehong hakbang sa mga taong kanilang naisip na nagawan kamalian o kasalanan ng iba at ng pagkakasala o pagkakamali. madalas dinadala natin ito sa ating 3. Palabasin ang mga mag-aaral upang mamulot ng dalawang (2) bato na puso dahil mahirap o ayaw nating magpatawad. Imulat ang isipan ng katumbas ng laki at bigat ng kasalanan o kamalian na kanilang naisip. mga mag-aaral na ang hindi 7 4. Pagbalik ng mga mag-aaral, gamit ang marker, ipasulat sa pinulot na bato pagpapatawad ay parang ang kanilang naisip na kamalian o kasalanan. Ilagay ang mga ito sa isang pagbubuhat ng mabigat na bato sa sako o bag. balikat at ito ay nakakaapekto sa 5. Salitang ipabuhat sa balikat ang sako ng bato at ipagawa sa bawat maayos na pakikipagkapuwa at sa bubuhat ng sako ang sumusunod: kalusugan ng isip at katawan. â–ª Kamayan ang kaibigan Maaring magdagdag ng ipapagawa â–ª Pumalakpak sa mga mag-aaral habang buhat ang â–ª Yakapin ang pinakamatalik na kaibigan sako na may lamang mga bato. Mga pamprosesong tanong: 1. Ano ang naramdaman o naisip ninyo habang pumapalakpak o niyayakap ang kaibigan habang pasan ang sako? 2. Para sa’yo, ano ang sinisimbolo ng mga bato sa sako? 3. Mahirap ba o madali sa’yo ang magpatawad? Ipaliwanag ang sagot. 4. Paano nakakaapekto sa relasyon ang mga bigatin sa kalooban? 5. Anong aral ang mapupulot sa gawaing ito? III. Paglalapat at Pag-uugnay Sumulat ng sanaysay na sumasalamin sa kahalagahan ng pagpapatawad at pakikipagkasundo. Rubrik para sa Pagsulat ng Sanaysay I. Nilalaman (40 puntos) Paksa at Layunin (10 puntos): o Malinaw at kongkretong pagtalima sa paksa. o Malinaw na paglalahad ng layunin ng sanaysay. Introduksiyon (10 puntos): o Makabuluhang pambungad na talata o pang-aakit ng atensiyon ng mambabasa. o Maayos na pagkakalahad ng layunin. Katawan ng Sanaysay (15 puntos): o Maayos na pagkakalahad ng mga ideya. o Magandang pagkakasunod-sunod ng mga ideya at mga pangungusap. Kongklusyon (5 puntos): 8 o Maikli ngunit makabuluhang pagtatapos na nagbibigay ng kabuoang pag-iisip sa sanaysay. II. Wika at Estilo (30 puntos) Wika (15 puntos): o Malinaw at tamang gamit ng wika. o Maayos na paggamit ng bokabularyo. Estilo (15 puntos): o May kakaibang estilo sa pagsulat. o Maayos na pagkakapili ng mga salita at estruktura ng pangungusap. III. Organisasyon at Estruktura (20 puntos) Organisasyon (10 puntos): o Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng sanaysay. o Maliwanag na transisyon mula sa bawat bahagi. Estruktura (10 puntos): o Maayos na pagkakagamit ng simbolo, bilang, o bullet points kung kinakailangan. o Maayos na paglalahad ng mga ideya. IV. Teknikal na Aspekto (10 puntos) Ortograpiya at Gramatika (5 puntos): o Maliit na bilang ng mga pagkakamali sa ortograpiya. o Maliwanag na pag-unawa sa gramatika. Pormat (5 puntos): o Tamang pagsunod sa pormat ng sanaysay (hal.: paggamit ng Times New Roman, 12pt, 1.5 o double spacing, etc.). Kabuoang Puntos: 100 IKATLONG ARAW Kaugnay na Paksa 3: Pagsasabuhay ng Sariling Kilos ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Kapuwa 9 I. Pagproseso ng Pag-unawa Kilos ng Pagpapatawad at Pakikipagkasundo Walang sinoman ang perpekto dito sa mundo. Lahat ng tao ay nagkakamali Link para sa karagdagang detalye ng at nakagagawa ng mga kilos na nakakasakit sa damdamin ng iba, kaya’t REACH Model of Forgiveness: bilang isang nilalang ng Diyos, tungkulin nating magpatawad sa iba gaya ng https://www.wvtf.org/2014-12- pagpapatawad ng Diyos sa atin sa ating mga nagawang kasalanan sa Kaniya. 03/reach-forgiveness Ito ay para maging maayos din ang ating relasyon sa mga taong nakapaligid sa atin. Madalas, nahihirapan tayong magpatawad sa iba dahil hindi natin alam kung paano ito gagawin. Si Everett Worthington, isang eksperto sa larangan ng pagpapatawad ay lumikha ng modelo ng pagpapatawad na tinawag niyang REACH. Ito ay binubuo ng limang (5) hakbang. Hold on to Forgiveness Commit Publicly to Forgive Altruistic Gift of Forgiveness Empathize Recall the Hurt Ang R ay para sa recall. Ito ang pag-alala sa kaganapan nang obhektibo at pagkilala sa mga naramdamang sakit at galit kaakibat ng pangyayari. Ang E ay para sa empathize. Ito ay ang pag-unawa sa nangyari mula sa pananaw ng taong nagkasala. Unawain ang mga kaganapang posibleng kinakaharap ng nagkasala noong nagawa niya ang kasalanan o pagkakamali. Ang A ay para sa altruistic na regalo ng pagpapatawad. Ito ay ang pagpili na ihandog sa nagkasala ang kaloob na pagpapatawad. Ito man ay nararapat, hinihingi o hindi ng nagkasala. Ang pagpapatawad ay hindi tungkol sa nagkasala, ngunit tungkol sa pagpiling palayain ang nagkasala mula sa iyong galit at sakit. Alalahanin ang isang pagkakataon na nakasakit ka ng ibang tao at 10 pinatawad. Pagkatapos, ialay ang regalong ito sa taong nagkasala sa iyo. Ang pagpapatawad na ibinigay ng Diyos sa tao ay ang pinakamagandang regalo na natangggap natin. Hindi nararapat para sa makasalanang nilalang pero ipinagkaloob Niya pa rin. Ang C ay para sa commitment o pangako sa iyong sarili na magpatawad na alam ng publiko. Ito ay pagsasabi sa kapamilya, kaibigan, at iba pa na pinapatawad mo na ang nagkasala. Makatutulong itong paalalahanan ka at panindigan ang desisyon. Halimbawa, sumulat ng liham ng kapatawaran (ipapadala mo man ito o hindi), sumulat sa isang journal, sabihin sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan, o kung magagawa mo, sabihin sa taong nagkasala sa iyo. Ang H ay para sa hold on o paghawak sa pagpapatawad. Ito ang paninindigan at pagtayo sa desisyon na magpatawad, maramdaman man muli ang sakit o galit. Ang pagpapatawad ay hindi paglimot. Ang mga alaala ng pagkakamali at damdamin ay lalabas muli. Paalalahanan ang iyong sarili na nagpasya kang magpatawad. Sa pakikipagkasundo naman, itanong sa sarili ang dalawang katanungan: 1. Nais ko ba talagang makipagkasundo sa taong nakasakit sa akin? May mga pagkakataong mas makabubuting wakasan na lang ang relasyon kesa balikan ito dahil maaaring mas masaya at payapa ang buhay kung wala ito. Maaari ring ayaw na ng kabilang panig o hindi pa handa sa pakikipagkasundo. 2. Ligtas at makabubuti ba para sa akin na ipagkasundo ang relasyong ito? Kung ang taong nanakit sa’yo ay hindi ligtas kasama (tulad ng isang indibidwal na emosyonal, pasalita, o pisikal na mapang-abuso) o puwedeng magdulot ng hindi malusog na pag-iisip, damdamin, at pag- uugali sa iyong buhay, maaaring ang pakikipagkasundo ay hindi matalinong desisyon. Ang pagkakasundo ay nangangailangan na ang magkabilang panig ay handang baguhin ang kanilang mga pag-uugali sa isa't isa at muling buoin ang tiwala. Kung ang taong nanakit sa iyo ay hindi payag o hindi kayang gumawa sa proseso ng pagkakasundo, maaaring mas matalinong desisyon ang magpatawad lang at magpatuloy na sa kaniya-kaniyang huhay. Kung napagdesisyunang makipagkasundo, maaaring gamitin ang modelo na ito. Isiping nasa magkabilang panig ng tulay at parehong handang gawin ang bawat hakbang ng pakikipagkasundo. Habang nagpapatuloy kayo sa 11 proseso ng pagkakasundo, kayo ay humahakbang patungo sa isa't isa at magtatagpo sa ikalimang hakbang. 1. Manindigan. Ito ang unang hakbang ng pagkakasundo, kung saan ang magkabilang panig ay parehong naninindigan na makikipagkasundo sa isa't isa 2. Magpasya. Ang dalawang panig ay dapat magpasya kung, paano, at bakit nila nais na maayos ang relasyon. Ito ang unang hakbang tungo sa pagkakasundo. 3. Pag-usapan. Sa puntong ito, kailangang pag-usapan ng magkabilang panig ang tungkol sa mga paglabag na nagawa nila laban sa isa't isa. Maaaring parehong maramdaman ng dalawa na sila ang biktima at ang nagkamali ay ang isa. Sa pamamagitan ng mahinahong pagsasalita at may pagpapakumbaba, tapat, at lantarang pagpapahayag ng kanilang mga hinanakit, maaaring patawarin ang isa't isa at magpatuloy sa susunod na hakbang. 4. Paglilinis/Pag-alis ng mga nakakasira. Sa puntong ito ng proseso, kailangan ng magkabilang panig na mangako sa "pag-detox" ng relasyon sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga negatibong gawi ng pakikipag- ugnayan sa isa't isa (pagiging mapanuri, depensiba, makasarili, mapagmataas, atbp.) at negatibo o nakakasakit na pag-uugali tungo sa isa't isa at magtakda ng malinaw na mga inaasahan para sa magiging anyo ng bagong nabuong relasyon. 5. Pagtalaga ng sarili. Pagkatapos ng mga naunang hakbang, kailangang parehong italaga ang sarili sa pagbuo ng relasyon sa pamamagitan ng pag-unawa sa damdamin ng isa't-isa, pagbawas sa mga negatibong emosyon o nakakasakit na salita, at pagpapalago ng positibong emosyon. 12 II. Pinatnubayang Pagsasanay Pagsusuri ng Kuwento Gawain 2: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Pagpapatawad sa Aking Mga Kidnappers - Gracia Burnham IKAAPAT NA ARAW https://compelledpodcast.com/epis III. Paglalapat at Pag-uugnay odes/gracia-burnham Personal na Kilos ng Pagpapatawad Gawain 3: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral C. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto 1. Paano nakatutulong ang pagpapakumbaba sa pagpapatawad at pakikipagkasundo? 2. Bakit mahalagang magpatawad at makipagkasundo? 2. Pagninilay sa Pagkatuto 1. Paano nakakaapekto ang pagpapatawad sa relasyon mo sa iyong pamilya at pamayanan? 2. Ano ang personal na kahulugan ng pagpapakumbaba sa’yo? 3. Ang pagpapatawad at pakikipagkasundo ba ay isang hamon para sa’yo? IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO A. Pagtataya Pagsusulit Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, MALI naman Tamang sagot: kung taliwas. 1. Mali _______1. Ang tunay na nagpapatawad ay nakikipagkasundo. 2. Tama _______2. Nangyayari ang pakikipagkasundo kung may emosyonal na 3. Tama pagpapatawad. 4. Tama _______3. Ang pakikipagkasundo ay nag-uumpisa sa paninindigan na aayusin ang 5. Mali relasyon sa taong nagkasala. _______4. Ang pagpapatawad ay hindi tungkol sa nagkasala, ngunit tungkol sa pagpiling palayain ang nagkasala mula sa iyong galit at sakit. 13 _______5. Ang pagpapatawad ay paglimot upang hindi na muling maramdaman ang sakit o galit. Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng isang tao upang magpatawad? __________________________________________________________________________ 2. Paano nakakatulong ang kababaang loob sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan? ___________________________________________________________________________ Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin Gawain 3: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag- aaral B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa pagtuturo Epektibong Problemang Naranasan Anotasyon sa alinmang sumusunod na bahagi. Pamamaraan at Iba pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag-aaral At iba pa C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: â–ª Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng aralin? Bakit kailangang ituro ang pagpapakumbaba sa paraang ginawa ko? â–ª Mag-aaral Anong mga nahinuha ng mga mag-aaral sa tungkulin nilang magpatawad sa mga nagkasala sa kanila? Gaano kalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagpapakumbaba? â–ª Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin upang palakasin ang pagtuturo ng pagpapatawad at pakikipagkasundo? 14