Q2 Lingguhang Aralin sa Values Education 7 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2024
DepED
James Cesar A. Metiam, Amabel T. Siason
Tags
Summary
This document is a Values Education lesson plan for Grade 7, Quarter 2, Lesson 7, focusing on climate change and family responses. It includes learning objectives, activities, evaluation, and resources.
Full Transcript
7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 7 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 7 (Li...
7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 7 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 7 (Linggo 8) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Mga Tagabuo Manunulat: James Cesar A. Metiam (Mariano Marcos State University) Tagasuri: Amabel T. Siason (West Visayas State University) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631- 6922 o mag-email sa [email protected]. VALUES EDUCATION/ IKALAWANG KUWARTER / BAITANG 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtugon ng pamilya sa pagbabago ng klima (climate Pangnilalaman change). B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling paraan ng wastong pagtugon ng pamilyang kinabibilangan sa pagbabago ng klima (climate change) bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit. C. Mga Kasanayan at Layuning Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga gawaing Pampagkatuto pampamilya ng wastong pagtugon sa pagbabago ng klima (climate change) a. Naisasakilos ang mga sariling paraan ng wastong pagtugon ng pamilyang kinabibilangan sa pagbabago ng klima (climate change) D. Lilinanging Pagpapahalaga Mapagmalasakit (Values to be developed) (Concerned) E. Nilalaman Pagtugon ng Pamilya sa Pagbabago ng Klima (Climate Change) a. Pagpaplano at Pagsasakilos ng mga Paraan ng Pagtugon sa Pagbabago ng Klima F. Integrasyon Sustainable Development Goals (SDG) 13: Climate Action Climate Change at Intergenerational Justice; Green Family II. Batayang Sanggunian sa Beckerman, W. (2004). Intergenerational Justice. Foundation for the Rights of Future Generation, Pagkatuto 2. https://intergenerationaljustice.org/images/stories/publications/gg12_20040629.pdf Department of Education (w.p.). Matatag curriculum. https://deped.gov.ph/matatag-curriculum/ Edel, A., Höb, S., Mair, N., Riepl, T., Striessnig, E., Thomas, M. and Vono de Vilhena, D. (2022). Generational Fairness in Climate Change. Population & Policy Compact 34, Berlin: Max Planck Society/Population Europe. https://population-europe.eu/files/documents/pb34_green- family_en.pdf 1 Population Connection (w.p). Solutions Through Reproductive Health Info Brief: Family Planning and Climate Resilience. https://populationconnection.org/resources/solutions-through- reproductive-health-family-planning-and-climate-resilience/ Population Connection (w.p.). The Connections between Population and Climate Change Info Brief. https://populationconnection.org/resources/population-and-climate/ Population Europe (2009-2023). ‘Future-oriented climate policy should include families’ – study on intergenerational justice and climate change. https://www.population-europe.eu/network/news- network/future-oriented-climate-policy-should-include-families-study-intergenerational Rieger, J. & Yang, T. (2023). To Save the Philippines’ Forests, He Sued for Future Generations. The Asia Foundation. https://asiafoundation.org/2023/07/26/to-save-the-philippines-forests-he- sued-for-future-generations/ United Nations (w.p.). The 17 Goals. https://sdgs.un.org/goals United Nations International Children's Emergency Fund (2009). A brighter tomorrow: climate change, child rights and intergenerational justice. https://www.unicef.org.uk/publications/A- brighter-tomorrow-climate-change-and-intergenerational-justice/ United Nations International Children's Emergency Fund (2012). Climate Change and Intergenerational Justice. https://www.unicef-irc.org/article/920-climate-change-and- intergenerational-justice.html III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng UNANG ARAW Dating Kaalaman I. Maikling Balik-aral DALOY-PAG-UNAWA: Tuluyan ang pangungusap na naaayon sa konseptong natutuhan at naunawaan. Sa kinakaharap na pagbabago ng klima, mahalaga na ang bawat pamilya ay _________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ___________________________________. 2 B. Paglalahad ng 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Gawain 1: Tingnan ang Layunin Gawain 1: Tulad ng Puno worksheet para sa aktibidad na gagawin ng 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin mga mag-aaral Tukuyin kung ano ang inilalarawan ng bawat pangungusap. 1. Isang ideyang nagsasabi na ang mga kasalukuyang henerasyon ay may ilang mga tungkulin sa mga susunod na henerasyon. 2. Isang konsepto na nagsasabing, pananagutan ng kasalukuyang henerasyon na isaalang-alang ang mga pangangailangan at kabutihan ng mga susunod na Paghawan sa henerasyon sa paggawa ng batas, pangangalaga sa kalikasan, at sa pag-unlad ng Bokabolaryo ekonomiya. 1. Intergenerational 3. Pinagtibay ito ng lahat ng kasapi ng United Nations Member States noong 2015 Justice na nagbibigay ng pangkapayapaan at pangkaunlarang blueprint para sa mga tao 2. Intergenetational at sa planeta ngayon at sa hinaharap. Responsibility 4. Programang naglalayong magbigay ng mga opsiyon at serbisyo sa mga 3. Sustainable indibiduwal at pamilya upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maiplano Development Goals nang maayos ang kanilang pagbubuo ng pamilya. 4. Family Planning Intergenerational Justice Sustainable Development Goals Intergenerational Responsibility Family Planning C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 3: Pagpaplano at Pagsasakilos ng mga Paraan ng Pagtugon sa Mahalagang gabayan ng Pagpapalalim Pagbabago ng Klima guro ang mga mag-aaral I. Pagproseso ng Pag-unawa sa pagbabasa ng lahat ng Sa nakaraang aralin ay nakapagbigay ang mga mag-aaral ng mga kongkretong teksto na napapaloob sa pamamaraan kung paano makibahgi ang isang pamilya sa pagtugon sa mga araling ito upang matiyak suliraning pangkapaligiran at pagbabago ng klima. Sa araling ito, ay mabibigyan ng na naintindihan nila ang pagsasanay ang mga mag-aaral na magplano at magsagawa ng mga hakbang sa mga konseptong pabibigay-solusyon sa mga krisis na dulot ng pagkasira ng kalikasan at pagbabago tatalakayin. ng klima. Ugaliing magbigay ng mga United Nations Sustainable Development Goals katanungan na Ang 2030 Agenda for Sustainable Development, na pinagtibay ng lahat ng kasapi ng makapagtataya ng pang- United Nations Member States noong 2015 ay nagbibigay ng pangkapayapaan at unawa ng mga mag-aaral. 3 pangkaunlarang blueprint para sa mga tao at sa planeta ngayon at sa hinaharap. Napapaloob dito ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs) na isang agarang panawagan para sa pagkilos ng lahat ng bansa sa isang pandaigdigang pakikipagtulungan. Kinikilala nila na ang pagwawakas sa kahirapan at iba pang mga krisis ay dapat na kasabay ng mga estratehiya na nagpapabuti sa kalusugan at edukasyon, nagbabawas ng hindi pagkakapantay-pantay, at nag-uudyok sa paglago ng ekonomiya at iba pa habang tinatalakay ang pagbabago ng klima at isinasagawa ang mga kilos upang mapanatili ang ating mga karagatan at kagubatan. Ang ika-labingtatlong SDG ay naghihikayat sa mga pandaigdigang mamamayan na makibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa: pagpapalakas ng kakayahang matugunan ang mga panganib na nauugnay sa pagbabago ng klima at natural na sakuna sa lahat ng bansa; pagsasagawa ng mga hakbang sa pagbabago ng klima sa mga pambansang patakaran, estratehiya, at pagpaplano; at pagsulong ng mga mekanismo para sa pagpapataas ng kapasidad para sa epektibong pagpaplano at pamamahala na may kaugnayan sa pagbabago ng klima. Pagnilayan Mo! 1. Paano mo maisasama ang mga prinsipyo ng SDG 13 sa iyong pang-araw-araw na buhay at mga gawain? 2. Ano ang puwedeng ambag o kontribusyon ng iyong pamilya upang makatulong sa pag-abot ng SDG 13? 3. Bakit mahalagang makibahagi ang isang pamilya sa pagsulong ng mga gawaing tumutugon sa pagbabago ng klima? 4 Pagbabago ng Klima at Intergenerational Justice Lunsarang Tanong: Sa iyong palagay, mayroon ka bang pananagutan sa mga hinaharap na henerasyon (future generation)? Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagbabago ng Klima at Ang mga epekto ng pagbabago ng klima na ginawa ng tao ay isang pangunahing Intergenerational isyu para sa mga siyentipiko, mananaliksik, at mga gumagawa ng patakaran. Justice Bagama't mayroong malawak na pagkakaintindihan na nangyayari nga ang Sa lunsarang tanong, ang guro ay tatanggap lang pagbabago ng klima, nagpapatuloy ang makabuluhang kontrobersiya sa lawak ng muna ng mga ideya at mga kahihinatnan ng pagbabago ng klima at sapat na mga tugon sa patakaran. saloobin ng mga mag- Ang pagbibigay-tuon sa mga problema sa kapaligiran at ang epekto na ginagawa ng aaral. Ipabasa at talakayin mga tao sa kapaligiran ay pumukaw sa interes sa problema ng hustisya sa pagitan ang teksto. Pagkatapos ay ng mga henerasyon (Beckerman, 2004). Ayon sa United Nations International balikan ang lunsarang Children's Emergency Fund (UNICEF, 2012) ang intergenerational justice ay ideyang tanong at muling ipasagot nagsasabi na ang mga kasalukuyang henerasyon ay may ilang mga tungkulin sa sa mga mag-aaral batay sa mga susunod na henerasyon. Ang pagbabago ng klima ay naglalabas ng partikular nabasang teksto. na mga isyu, tulad ng kung aling mga panganib ang pinahihintulutang ipataw ng mga nabubuhay ngayon sa mga susunod na henerasyon, at kung paano magagamit ang mga likas na yaman nang hindi nagbabanta sa pagpapanatili ng balanse at masaganang ecosystem ng planeta. Bukod dito, kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga karapatan ng mga susunod na henerasyon ay hindi maiiwasang itataas nito ang isyu kung paano balansehin ang mga pag-aangkin ng mga karapatan ng mga nabubuhay ngayon laban sa mga pag-aangkin ng mga karapatan ng mga susunod na henerasyon. Noong Hulyo 2023 ay minarkahan ang ika-30 anibersaryo ng isang legal na desisyon sa Pilipinas na umalingawngaw lagpas pa sa mga baybayin ng ating bansa. Noong 1993, isang batang abogado na nagngangalang Antonio Oposa ang nagdemanda sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng kalihim nito, si “Jun” Factoran, upang ihinto ang pagtotroso sa mga kagubatan ng bansa. Ang kapansin-pansing aspekto ng kaso ay nagdemanda siya sa ngalan ng mga henerasyong hindi pa isinisilang. Sa simula ay ibinasura ng gobyerno sa kadahilanan na ang mga petitioner, bilang mga bata, ay walang legal na katayuan upang magdemanda sa isang hukuman ng batas. Ito ay binawi noong 1992 ng Korte Suprema. Sinabi ng korte hindi sila nahirapan sa pagpapasya na ang mga nagpetisyon na mga bata ay maaaring maghain ng kaso para sa kanilang sarili at para sa ibang mga henerasyon. Saad pa nila, ito ay hango sa konsepto ng 5 intergenerational responsibility na nagsusulong na gawing pantay-pantay ang paggamit ng mga likas na yaman sa kasalukuyang henerasyon at gayundin sa mga susunod na henerasyon (UNICEF,2009). Ito ay kilala na ngayon bilang Oposa Doctrine. Binibigyan nito ang kasalukuyang henerasyon ng legal na katayuan upang magsagawa ng mga aksiyon sa ngalan ng mga susunod na henerasyon na may paggalang sa mga karapatan sa kapaligiran (Rieger & Yang, 2023). Ayon sa Population Europe (2009-2023), may pag-aaral na nagsasabing ang pamilya ay may mahalagang papel na dapat gampanan sa pangangalaga ng kalikasan at pagtugon sa pagbabago ng klima. Ayon dito, nararapat lamang na makisangkot ang pamilya sa pagsasagawa ng mga future-oriented climate policy at mga hakbang na tumutugon sa suliraning may kinalaman sa pagbabago ng klima. Sa pananaliksik nina Edel et al. (2022), nakasaad na may gampanin ang pamilya sa paghubog ng mga intergenerational na relasyon lalo na pagdating sa pangangalaga sa kapaligiran at climate-friendly na pag-uugali. Ang mga nakakatanda ay nagsisilbing huwaran at impluwensya sa pangkapaligirang kamalayan at pag-uugali ng susunod na henerasyon. Bukod sa transisyon sa buhay na may trabaho at pagtaas sa kita, ang pagsisimula ng pamilya na may mga anak ay isang yugto na may malakas na epekto sa kamalayang pangkapaligiran, lalo na sa resource consumption (Milfont, Poortinga Pagnilayan Mo! & Sibley, 2020 in Edel, 2022). Maaari pang magdagdag Pagnilayan Mo! ng mga katanungan ang 1. Mayroon bang pananagutan ang kasalukuyang henerasyon sa mga hinaharap guro na makakatulong sa na henerasyon? Bigyang-paliwanag ang sagot. pagproseso ng 2. Paano mo maitataguyod ang prinsipyo ng intergenerational justice sa mahahalagang kaalaman pangangalaga ng kalikasan at pagtugon sa mga suliraning may kaugnayan sa na dapat maunawaan ng pagbabago ng klima? mga mag-aaral. Basahin at Alamin! Karagdagang Kaalaman: Para sa karagdagang kaalaman ipabasa ang artikulong Climate Engineering: Cure Basahin at Alamin! or Curse? Ang pagbabasa ng teksto Makikita ang tekstong babasahin sa link na ito: https://www.unicef- at pagsagot sa gabay na irc.org/article/920-climate-change-and-intergenerational-justice.html katanungan ay maaaring Mga tanong para sa talakayan: gawin na takdang-aralin 1. Ano ang potensiyal na epekto ng pagpapatupad ng climate engineering sa bilang paghahanda sa hinaharap ng ating planeta? talakayan sa klase. 2. Ano ang mga moral na isyu at panganib na kaakibat ng paggamit ng climate engineering bilang tugon sa pagbabago ng klima? 6 IKALAWANG ARAW Pagpaplano ng Pamilya (Family Planning) bilang Tugon sa mga Suliraning may Pagpaplano ng Pamilya Kaugnayan sa Pagbabago ng Klima (Family Planning) bilang Ang pagpaplano ng pamilya ay isang mahalagang hakbang Tugon sa mga Suliraning sa pagtugon sa mga suliraning may kinalaman sa pagbabago may Kaugnayan sa ng klima. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa Pagbabago ng Klima mga serbisyo ng family planning, maaaring mapanatili o Ang mga impormasyon at mapababa ang paglaki ng populasyon, na may magandang datos na napapaloob sa epekto sa kakayahan ng mga komunidad na umangkop sa araling ito ay hango sa mga pagbabagong dulot ng klima. Ang pagkakaroon ng mas online article na inilathala mataas na populasyon ay maaaring magresulta sa mas sa website ng Population mataas na pangangailangan para sa pagkain, tubig, at iba Connection. Mababasa ang pang likas na yaman, na maaaring magdulot ng tensiyon sa kabuoan ng mga artikulo kalikasan at mas mataas na carbon emissions. sa mga links na makikita Kaya naman, ang pagpaplano ng pamilya ay isang sa Batayang Sanggunian epektibong paraan para sa pangangalaga ng kalikasan at pag-aalaga sa hinaharap sa Pagkatuto. ng ating planeta. Ang pag-unawa sa ugnayan ng pagbawas ng kahirapan, pagbagal ng paglaki ng populasyon, at pangangalaga sa kalikasan ay mahalaga sa mga inisyatibong pangklima. Malapit na kaugnay ng mataas na pagtaas ng populasyon sa kahirapan, na madalas na nauugnay sa pagbabago ng klima ang kahalagahan na matugunan ang mga suliranin sa lipunan, ekonomiya, at kalikasan para sa matagumpay na pag-unlad. Ang pagbibigay ng kapangyarihan at karapatan sa mga kababaihan na kontrolin ang kanilang pagbubuntis ay nagdudulot ng positibong epekto tulad ng pangangalaga sa kalikasan, seguridad sa pagkain, pababang kahirapan, at pagpapalakas ng kakayahan ng komunidad. Bukod dito, ang pagpaplano ng pamilya ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga kababaihan na magdesisyon para sa kanilang sarili hinggil sa pagbubuntis, na nagreresulta sa mas mataas na antas ng edukasyon. Ang mas mataas na antas ng edukasyon ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mas matibay na trabaho at mas magandang kabuhayan, na nagreresulta sa mas kaunting bilang at mas malusog na mga anak. Dahil dito, ito ay nagbibigay ng tulong sa kalikasan sa pamamagitan ng sapat na alokasyon ng mga likas na yaman, na nagreresulta sa malaking pagbawas ng mga emisyon ng greenhouse gas sa paglipas ng panahon. Sa katapusan ng siglo, maaaring magbunga ito ng 41% na pagbawas sa kabuoang 7 emisyon mula sa mga fossil fuels kumpara sa mga sitwasyon na may mas mabilis na paglaki ng populasyon. Kahalagahan ng Tamang Pamamahala ng Basura at Pagreresiklo Ang tamang pamamahala ng basura at pagreresiklo ay hindi lamang nagbibigay- daan sa mas malinis na kapaligiran, kundi pati na rin naglalagay sa atin sa tamang landas tungo sa pangangalaga sa kalikasan at pagtugon sa pagbabago ng klima. Ito ay isang kolektibong gawain na nag-uugnay sa ating lahat sa isang mas maayos at mas maganda na hinaharap. Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng tamang pamamahala sa basura: 1. Pagbawas ng Pinsala sa Kalikasan: Ang tamang pamamahala ng basura at pagreresiklo ay nagbibigay-daan sa mas maliit na dami ng basura na napupunta sa mga landfill o pinakamalalang pagtatambakan. Ito ay nagreresulta sa mas maliit na aberya sa kalikasan at mas malinis na kapaligiran. 2. Pagtugon sa Pagbabago ng Klima: Ang paggawa ng tamang pamamahala ng basura at pagreresiklo ay nakakatulong sa pagbawas ng carbon footprint. Ito ay dahil ang paggawa ng mga bagong produkto mula sa recycled materials ay mas kaunting enerhiya ang ginagamit kumpara sa paggawa ng mga bagay mula sa mga raw materials. 3. Preserbasyon ng Natural na Yaman: Ang pagreresiklo ay nagbibigay-daan sa paggamit muli ng mga materyales tulad ng papel, plastik, metal, at iba pa. Ito ay nangangahulugan na mas kaunting natural na yaman ang kakailanganin upang gawin ang mga bagay mula sa simula. 4. Pagtulong sa Ekonomiya: Ang industriya ng recycling ay lumilikha ng trabaho para sa maraming tao, mula sa mga mangangalakal ng basura hanggang sa mga nagtatrabaho sa mga pabrika ng mga resiklong produkto. Ito ay nagbibigay-daan sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya. 5. Paggamit ng Mas Mataas na Kalidad na Produkto: Ang recycled materials ay maaaring gamitin upang gawing muli ang mga bagay na may mataas na kalidad. Ito ay nagbibigay-daan sa mas mahusay na produkto at mas matibay na kagamitan. 6. Pagtugon sa Pandaigdigang Isyu: Ang pagbabawas ng basura at pagreresiklo ay isang global na isyu. Sa pamamagitan ng pagtupad ng tamang pamamahala ng basura, tayo ay nakikibahagi sa pandaigdigang pagsisikap na mapangalagaan ang ating planeta para sa susunod na henerasyon. 8 7. Pamumuhunan sa Kinabukasan: Ang pagreresiklo ay isang pamumuhunan sa Recycling Relay kinabukasan. Ito ay nagbibigay-daan sa pagtitiyak na may sapat na Pagkatapos ng gawaing pinagkukunan para sa mga darating na henerasyon at pagpapalaganap ng ito, maaaring pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. gantimpalaan ang grupo o indibidwal na unang Pagnilayan Mo! makatapos ng gawain. 1. Anong benepisyo ang maaaring makamtan ng mga kababaihan mula sa Magkaroon ng pagninilay pagkakaroon ng kapangyarihan sa kanilang pagbubuntis? ukol sa kahalagahan ng 2. Ano ang mga potensiyal na epekto ng mataas na populasyon sa kalikasan at pagreresiklo at tamang pagbabago ng klima? pagtatapon ng basura. 3. Paano ang pagpaplano ng pamilya ay nagbibigay ng positibong epekto sa seguridad sa pagkain at pambansang kaunlaran? Gawain 2: Tingnan ang 4. Paano nakakatulong ang pagpaplano ng pamilya sa pagtugon ng mga suliraning worksheet para sa may kinalaman sa pagbabago ng klima? aktibidad na gagawin ng 5. Paano maaring maging epektibo ang pagpaplano ng pamilya bilang tugon sa mga mga mag-aaral suliraning pangklima? Plano ng Pagsasakilos IKATLONG ARAW (Action Plan): II. Pinatnubayang Pagsasanay Maaari itong gawin sa Gawain 2: Recycling Relay tahanan kasama ang Mga katanungan para sa talakayan: bawat miyembro ng 1. Ano ang mga katangian na eksklusibo lamang sa pamilya, gayundin ang mga pamilya. katangian na eksklusibo lamang sa puno? Ipaunawa sa mga mag- 2. Mayroon bang mga elemento na maaaring maging parte ng parehong pamilya aaral na ang pagsasakilos at puno? ng plano na ito ay 3. Paano naman maaaring maging parte ng kabuoan ng kalikasan ang pamilya at naglalaan ng disiplinang puno? kinakailangan upang 4. Ano ang mga pagkakapareho na mayroong kaugnayan sa pangangalaga sa maging maalam, maingat, kalikasan? at masinop sa 5. Paano maaaring maging mas mabuting tagapangalaga ng kalikasan ang pangangalaga sa pamilya at paano ito maaaring magdulot ng kabutihan sa kanila at sa kalikasan. kapaligiran? Gawain 3: Tingnan ang III. Paglalapat at Pag-uugnay worksheet para sa Gawain 3: Plano ng Pagsasakilos (Action Plan) aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Gawain 4: Pampamilyang Pahayag ng Misyon (Family Mission Statement) 9 ang inyong personal na pampamilyang pahayag ng misyon na nakatuon sa Gawain 4: Tingnan ang pagpapakita ng malasakit sa susunod na henerasyon at kalikasan bilang tugon sa worksheet para sa pagbabago ng klima. Ang pagbuo ng pampamilya na pahayag ng misyon na may aktibidad na gagawin ng kinalaman sa pagpapakita ng malasakit sa kalikasan ay nagbibigay ng mas mataas mga mag-aaral na kamalayan at kahalagahan sa pag-aalaga ng ating kapaligiran. Ito ay Pampamilyang Pahayag naglalayong maging bahagi ng solusyon at maging instrumento ng pag-unlad para ng Misyon Gawin itong takdang- sa mas magandang kinabukasan. aralin upang maisagawa ng mag-aaral kasama ang IKAAPAT NA ARAW ibang kasapi ng pamilya. Bidyo-Adbokasiya para sa Kalikasan Bidyo-Adbokasiya para Bumuo ng isang advocacy video na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran sa Kalikasan at nagtuturo ng mga paraan para mabigyang solusyon ang climate change. Gamitin Pangkatang Gawain: ang sumusunod na rubrik bilang gabay. Ang mga mag-aaral ay Kategorya Puntos inaasahang makagagawa Pagganap at Nilalaman 40 ng munting advocacy Nagpapakita ng malasakit sa kapaligiran at maayos na video gamit lamang ang naghahatid ng mensahe ukol sa climate change. May malinaw na kani-kanilang mga pag-unawa sa problema at nagbibigay ng konkretong solusyon. smartphones at editing Pamamahayag at Komunikasyon 25 application tool. Maayos at malinaw ang pagpapahayag ng mga ideya at mensahe. Mahalagang magbigay ng Maayos ang boses, tono, at pananalita. Nakakatugon ng maayos pamantayan sa pagbibigay sa mga katanungan. ng puntos sa Kasangkapan at Disenyo 20 pamamagitan ng rubrik. Mahusay na ginamit ang mga kasangkapan at teknolohiya. May malinaw at maayos na pagkasunod-sunod (sequencing) ng eksena. Ang pag-edit ay propesyonal at maayos. Kabuoan 15 Ang video ay maganda, nakakaengganyo, at nakakatugon sa layunin nito. Nagbibigay-inspirasyon at naglalaman ng mga impormasyon na makakatulong sa pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa climate change. D. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto Gawain 5: Tingnan ang Bilang isang mabuting mag-aaral, papaano mo maipapakita sa iyong pamilya ang worksheet para sa pagkakaroon ng malasakit sa kapaligiran? 10 aktibidad na gagawin ng 2. Pagninilay sa Pagkatuto mga mag-aaral Gawain 6: Bawat Hakbang Mahalaga Mahalaga na maikintal ang kritikal na pag-unawa ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga karanasan sa buong pag-aaral. Ang kanilang mga pagsagot tungkol sa kanilang damdamin at naranasan ay magsisilbing gabay sa pagbuo at pagpapabuti ng mga susunod na gawain at pagsasanay sa iba't ibang darating na mga paksa at aralin. Bawat Hakbang Mahalaga: Maari itong gawin sa kanilang tahanan kung wala nang sapat na oras. IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO 1. Pagtataya Pagsusulit Sagot: Tama o Mali: Bilugan ang "T" kung Tama at "M" kung Mali. (1 punto bawat 1. M tanong) 2. T 1. [T/M] Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay isa lamang normal na 3. T pangyayari. 4. M 2. [T/M] Ang pagbabago ng klima ay maaaring magdulot ng mas maraming 5. T 6. M natural na kalamidad. 7. T 3. [T/M] Ang pagtitipid sa enerhiya ay isang paraan ng pagtugon sa pagbabago 8. T ng klima. 9. M 11 4. [T/M] Ang plastik na itinatapon sa karagatan ay hindi nakakasama sa mga 10. M isda at iba pang yamang dagat. 11. T 5. [T/M] Ang pagtatanim ng mga puno ay nakakatulong sa pagpapabawas ng 12. T carbon dioxide sa hangin. 13. M 6. [T/M] Ang paggamit ng mga air conditioners ay nakakatulong sa pagbabawas 14. T ng pag-init ng mundo. 15. T 7. [T/M] Ang pag-aaksaya ng kuryente ay hindi nakakatulong sa pagtitipid ng enerhiya. 8. [T/M] Ang paggamit ng bisikleta o paglalakad sa halip na sasakyan ay nakakatulong sa pagbabawas ng carbon footprint. 9. [T/M] Ang pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay hindi mahalaga sa pangangalaga sa kapaligiran. 10. [T/M] Ang pagbabago ng klima ay may epekto lamang sa malalayong lugar at hindi sa buhay ng mga tao sa malapit na komunidad. 11. [T/M] Ang pagpaplano ng pamilya ay isang mahalagang hakbang sa pagtugon sa mga suliraning may kinalaman sa pagbabago ng klima. 12. [T/M] Ang mataas na populasyon ay maaaring magresulta sa mas mataas na pangangailangan para sa pagkain, tubig, at iba pang likas na yaman. 13. [T/M] Ang pagpaplano ng pamilya ay hindi epektibo bilang tugon sa mga suliraning pangklima. 14. [T/M] Ang pagbibigay ng access sa mga serbisyo ng family planning ay maaaring makatulong sa pagbawas ng pangangailangan para sa pagkain, tubig, at iba pang likas na yaman. 15. [T/M] Ang pagpaplano ng pamilya ay may magandang epekto sa kakayahan ng mga komunidad na umangkop sa mga pagbabagong dulot ng klima. 16. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa Problemang Naranasan at Anotasyon pagtuturo sa alinmang Epektibong Pamamaraan Iba pang Usapin sumusunod na bahagi. Estratehiya Kagamitan 12 Pakikilahok ng mga Mag-aaral At iba pa 17. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Journal Writing ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Magnilay-nilay at ipahayag ng Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? mag-aaral ang sariling saloobin, opinyon, o pag-unawa ukol sa aralin o paksa na natutuhan. Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? 13