Q3_LE_VE7_Lesson 1-Week-2 PDF

Summary

This is a lesson plan for Grade 7 Values Education in the Philippines, covering Quarter 3, Aralin 2 (Lesson 2) of the “Matatag K to 10 Curriculum” and the 2024-2025 school year. This lesson plan focuses on developing self-confidence through identifying and refining talents.

Full Transcript

7 Quarter 3 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 2 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 3: Aralin 2 (Li...

7 Quarter 3 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 2 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 3: Aralin 2 (Linggo 2) TP 2024-2025 Ang materyal na eto ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATAG K - 10 na kurikulum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Mga Tagabuo Manunulat: Jennet F. Pajura (West Visayas State University) Tagasuri: Amabel T. Siason (West Visayas State University) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMERR National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631- 6922 o mag-email sa [email protected] Edukasyon sa Pagpapakatao / Kuwarter 3 / Baitang 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtuklas at pagpapaunlad ng sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagpapaunlad ng mga sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa bilang tanda ng tiwala sa sarili. C. Mga Kasanayan at Layuning Nakapagsasanay sa tiwala sa sarili sa pamamagitan ng palagiang pagkilos ng mga Pampagkatuto paraan na tutugon sa kaniyang layunin sa pagpapaunlad ng talento at hilig. a. Natutukoy ang mga sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa. b. Naipapaliwanag na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa ay nakatutulong sa pagtupad sa mga tungkulin, pagbuo ng pananaw sa ninanais na propesyon (kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay), at paglilingkod sa kapuwa ayon sa kaniyang kakayahan. c. Naisasakilos ang pagpapaunlad ng mga sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa. C. Nilalaman Pagtuklas at Pagpapaunlad ng Sariling Talento at Hilig Kaagapay ang Kapuwa D. Lilinanging Pagpapahalaga Tiwala sa Sarili (Self-confidence) E. Integrasyon Literatura (Parabula ng mga Talento) II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Bible Gateway (n.d.). Parabula ng Talento. https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo%2025&version=FSV Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (2012). (Units 1 & 2) Learner's Material. (Ikalawang Bahagi) Unang Edisyon Forbes (2022). Using Intelligence Quotients Creatively Can Help You Build A Dynamic Team [Online Article]. https://www.forbes.com/sites/karadennison/2022/06/17/using-intelligence-quotients-creatively-can-help-you-build-a-dynamic-team/ Ilagan, D.C. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Paunlarin mga Talento at Kakayahan Unang Edisyon KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno (1989). https://kwfdiksiyonaryo.ph/ LifeNotes Encouragement: Soil Analysis (2013). https://www.lifenotesencouragement.com/2013/12/soil-analysis.html 1 Save the Eagles (n.d.). Witnessing the Miracle of Eagle Rebirth: A Journey of Freedom and Courage. https://savetheeaglesinternational.org/eagle-rebirth/#Renewing%20Youth%20in%20Eagles Siason, A. (2023). Sa Pagkamit ng Tagumpay, Pamilya at Kapuwa ay Kaagapay [Lesson Activity]. West Visayas State University Villanueva, V. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino. VMV Publishing House. Makati: Bangkal. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO Pagkuha ng Dating UNANG ARAW Tanong Ko ay Sagutin o Kaalaman 1. Balik-Aral Talento Mo ay Ipapakita Tanong ay Sagutin o Talento Mo ay Ipapakita sa Amin sa Amin Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang paksa na pag-uusapan ay tungkol sa Malaya ang guro na mga uri ng talino at hilig. Ang unang pangkat ang siyang magtatanong at kabilang magdesisyon sa paraan na pangkat ang sasagot. Kung hindi masagutan ang tanong ay magpapakita ang gagamitin kung sino sa pangkat ng kanilang pinagkasunduang talento na ibabahagi sa klase na maaaring dalawang pangkat ang isahan, dalawahan, o maramihan. mauuna sa pagtatanong at Ang bawat pangkat ay bibigyan ng tatlong minuto sa pagtatanong at may limang sino naman ang sasagot. segundo naman ang kabilang pangkat sa pagsagot. Halimbawa: Tanong Sagot 1. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang Verbal/ mga taong may taglay ng talinong ito ay mahusay sa pagbasa, Linguistic pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa. 2. Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong Investigative magtrabaho nang mag-isa kaysa gumawa kasama ang iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pang- agham, isa na rito ang mga pananaliksik. 3. Ito ang sukatan ng iyong kakayahang bumuo ng isang pangkat Social ng mga kaibigan at mapanatili ito sa loob ng mahabang panahon. Quotient (SQ) Napakahalagang ang natutuhan ay mapayabong at mapalalim lalo na sa nagdaang aralin. Noong nakaraang linggo ay may gawain na pinagawa sa mga mag-aaral tungkol sa pagpapaunlad ng tiwala sa sarili at mga kakayahan upang magtagumpay sa buhay. Ibahagi nila sa klase ang kanilang naging kasagutan. 2 1. Ang pakiramdam ko matapos ang aralin ay… 2. Ang mga karagdagang kaalaman na natutuhan ko ay… 3. Ang bago kong natuklasan sa aking sarili ay… 4. Makatutulong ang aking talento, talino, at hilig sa susunod na yugto ng buhay ko sapagkat… 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Tingnan ang larawan at pagnilayan ang mga tanong. Mga gabay na tanong: 1. Ano ang nakikita ninyo batay sa larawan at ang mensaheng nais nitong iparating? 2. Nakaranas ka bang makatanggap ng isang halaman, paano mo ito inalagaan? 3. Kung sa kalagayan ng iyong talino at talento, paano mo pagyayabungin ang mga ito upang magbunga ng kabutihan sa iyong buhay? sa iyong kapuwa? sa lipunan? 4. Paano mo ginagamit ang iyong talino at talento sa paraang naglilingkod sa iba? 5. Sa anong paraan ang iyong mga talento ay maaaring magdulot ng pag-asa at inspirasyon sa ibang tao, tulad ng pagsasabuhay ng mensahe ng Parable of the Sower? 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Basahin at unawaing mabuti ang mga ibinigay na kahulugan. Hanapin ang sagot ng mga salita sa kabilang hanay. Mga Salita Kahulugan 1. Sumusuporta, tumutulong, at nagbibigay-gabay sa iba, A. Parabula kasama sa lahat ng hamon at tagumpay. 3 2. Ang proseso ng pag-alam, paghanap, o pagkilala sa mga B. Pag-unlad bagong bagay, konsepto, o impormasyon na hindi pa Paghawan ng Bokabularyo nakikilala o bukas sa kaalaman ng nakararami. 3. Sariling kakayahan na nagpapakita ng natatanging galing C. Kaagapay 1. C. Kaagapay o talento na walang pag-aalinlangan 2. D. Pagtuklas 4. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng D. Pagtuklas 3. E. Tiwala sa Sarili pamumuhay. 4. B. Pag-unlad 5. Maikling kuwentong nagbibigay-aral o naglalahad ng E. Tiwala sa Sarili 5. A. Parabula isang katotohanan at kalimitang hango sa Bibliya. Paglinang at Kaugnay na Paksa 3: Kahalagahan ng Pagtuklas at Pagpapaunlad ng Talino, Pagpapalalim Talento, at Hilig Kaagapay ang Kapuwa I. Pag-unawa sa Proseso Ang Panginoon ay nagkaloob sa atin ng mga biyayang hindi lamang para sa ating sariling kapakinabangan, kundi upang ito ay isabuhay at ibahagi sa iba. Sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga talino, talento, at hilig ay makapagbahagi ng kasiyahan at magdulot ng pag-unlad sa ating lipunan. Sa pagbabasa ng parabulang ito ay magbubukas ang kaisipan sa kabatiran ng mga biyayang ipinagkaloob sa tao. Ang parabula ay isang anyo ng panitikan na nagbibigay-aral na may layong magbigay liwanag sa katotohanan ng buhay. PARABULA NG TALENTO - Mateo 25:14-30 Sapagkat maihahalintulad dito ang kaharian ng Diyos: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kaniyang mga alipin, at pinagbilinan sila tungkol sa kaniyang mga ari-arian. Ang isa ay binigyan niya ng limang talento, ang isa ay dalawa, at ang isa naman ay isa. Binigyan ang bawat isa ayon sa kaniya- kaniyang kakayahan. Pagkatapos ay sumulong na siya. Ang tumanggap ng limang talento ay umalis kaagad at ginamit ang mga iyon sa kalakal. At kumita siya ng lima pang talento. Sa gayunding paraan, ang tumanggap ng dalawang talento ay kumita pa ng dalawa. Ngunit ang tumanggap ng isa ay umalis. Naghukay siya sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon. Pagkaraan ng mahabang panahon, dumating ang panginoon ng mga aliping iyon, at kaniyang inalam kung ano na ang nangyari sa kaniyang salapi. Ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagsulit ng lima pang talento. Sabi niya, “Panginoon, 4 pinagkatiwalaan mo ako ng limang talento. Narito po, kumita ako ng lima pang talento.” Sinabi sa kaniya ng panginoon niya, “Maganda ang ginawa mo! Mahusay at maaasahang alipin. Napagkatiwalaan ka sa kaunting bagay, kaya't pamamahalain kita sa maraming bagay. Makigalak ka sa iyong panginoon.” Lumapit din ang tumanggap ng dalawang talento. Sabi niya, “Panginoon, pinagkatiwalaan mo ako ng dalawang talento. Narito po, kumita ako ng dalawa pang talento.” Sinabi sa kaniya ng panginoon niya, “Maganda ang ginawa mo! Mahusay at maaasahang alipin! Napagkatiwalaan ka sa kaunting bagay, kaya't pamamahalain kita sa maraming bagay. Makigalak ka sa iyong panginoon.” Lumapit din ang tumanggap ng isang talento. Sabi niya, “Panginoon, alam ko pong kayo ay taong malupit. Gumagapas kayo sa hindi naman ninyo hinasikan, at umaani kayo sa hindi naman ninyo pinunlaan. Kaya natakot ako at umalis. Ibinaon ko sa lupa ang inyong talento. Narito na po ang salapi ninyo.” Ngunit sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, “Napakasama mo, tamad na alipin! Alam mo palang ako'y gumagapas sa hindi ko hinasikan, at umaani sa hindi ko pinunlaan. Kung gayo'y bakit hindi mo inilagak ang aking salapi sa bangko, at nang sa aking pagbabalik ay matanggap ko sana kung ano ang akin kasama na ang tubo nito. Kunin ninyo sa kaniya ang talento, at ibigay ninyo sa may sampung talento! Sapagkat ang sinomang mayroon ay bibigyan pa at siya'y mananagana, subalit ang wala, pati ang nasa kaniya ay kukunin pa. At ang walang silbing alipin na ito ay itapon ninyo sa labas, doon sa kadiliman. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.” Mga tanong sa talakayan: 1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang parabula? 2. Anong mahalagang aral tungkol sa talento ang ipinapahayag ng parabula? Ipaliwanag. 3. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento? 4. Paano mo ginagamit ang iyong talento at talino na ipinagkatiwala sa iyo ng Panginoon? 5. May mga pagkakataon ba na ikaw ay nakatulong sa pagtuklas ng talento o talino ng iyong kapuwa? Sa papaanong paraan? IKALAWANG ARAW II. Pinatnubayang Pagsasanay 5 Ang pamilya at kapuwa ang kaagapay natin sa ating paglalakbay na magsisilbing pundasyon ng ating pag-unlad. Sa kanilang suporta at pagmamahal, tayo ay nagkakaroon ng lakas at inspirasyon na harapin ang hamon ng buhay. Basahin at matuto sa totong kuwento ng buhay ng isang taong hindi nagpatinag bagkus lumaban para sa kaniyang pangarap. Sa Pagkamit ng Tagumpay, Pamilya at Kapuwa ay Kaagapay Sa Pagkamit ng Tagumpay, Pamilya at (Hinango sa totoong buhay ni Knuehlvirn “Bibong” Hautea na isinulat ni Amabel T. Kapuwa ay Kaagapay Siason) Makikita sa Youtube link na Ipinanganak si Knuehlvirn “Bibong” Hautea sa isang simpleng Kristiyanong pamilya. ito ang kahanga-hangang Ang kaniyang ama ay nagtatrabaho bilang isang merchandiser sa isang mall na may gawain ni Bibong sa maliit na kita na sapat para sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. Ang pagsasakatuparan ng kaniyang ina ay isang masigasig na maybahay na nangangalaga sa kaniya at sa kaniyang propesyon at dalawang kapatid na pawang mga lalaki. Ang kaniyang buhay ay dumating sa isang misyon bilang isang guro: masalimuot na yugto nang magkaroon ng fungal infection sa kanang paa ang ama na humantong sa amputasyon o pagputol ng bahaging apektado. Ang pagputol dahil sa impeksiyon ay isang kinakailangang interbensiyong medikal para sa napakalubhang kalagayan na humahantong sa malawakang pagkasira ng laman (muscle tissues) at mga komplikasyon na nagbabanta sa buhay. Dahil sa kawalan ng trabaho ng ama pagkatapos maoperahan at lumalalang kahirapan, nagpasya si Bibong na itigil muna ang kaniyang pag-aaral sa hayskul upang tulungan ang pamilya. Noong 2005, na-diagnose siya sa sakit na Bell's palsy, at natuklasang may tumor sa kaniyang utak. Suportado ng mga dasal at tulong ng kanilang komunidad, si Bibong ay naoperahan. Subalit, nawala naman ang kaniyang paningin. Nang https://www.youtube.com/ sumunod na taon, pumanaw ang kaniyang ina dahil sa sakit sa puso. Naging sunod- watch?v=cOH72fKtg6c&fbcli sunod ang dagok na sumubok sa kaniyang katatagan at pananampalataya. d=IwAR3Qq6jwDYzxQUOlhs Sa mga panahong tumigil si Bibong sa pag-aaral pagkatapos niyang mabulag, inaliw Dc5jRk3c3aXW6rVT- d3XZ0ZFWZlDG74Grvm6cV at pinanatili niyang abala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pag-aaral na oG4 tumugtog ng mga instrumentong pangmusika tulad ng plauta at gitara sa tulong ng mga kaibigan. Hinasa rin niya ang kakayahan sa pagkanta. Ginagamit niya ang mga Ang video ay nasa wikang angking talento sa mga makabuluhang gawain tulad ng pagtatanghal sa mga Hiligaynon at programang naglalayon na makalikom ng pera para makatulong sa kapuwa may nangangailangan ng kapansanan. Sa kabila ng kahirapan at mga pagsubok nagpasya siyang ipagpatuloy pagsalin sa Filipino. ang pagkamit sa kaniyang mga pangarap. Noong, 2005 nagpasya siyang mag-enrol 6 sa SPED Integrated School for Exceptional Children (ISEC) upang matuto ng Braille. Nagpatuloy rin siya sa pag-aaral sa hayskul kahit may pag-aalinlangan ang kaniyang ama sa kanilang pinansiyal na kakayahan na kumuha ng tagagabay sa kaniya at tustusan ang mga gastusin sa paaralan. Bilang isang estudyante na walang paningin, matagumpay niyang nalampasan ang mga hamon sa buhay at pag-aaral. Naging aktibong kasapi siya ng Persons with Disabilities (PWDs) Project sa Iloilo City. Benepisyaryo rin siya ng Breaking Barriers for Young Adults with Disabilities (BBY), isang joint project ng pamahalaan ng Denmark at Iloilo City. Noong Nobyembre 2008, ipinadala siya sa National Youth Congress sa Tagaytay City. Ang mga kalahok ay kinakailangan na ipasa ang hindi hihigit sa dalawang resolusyon na tatalakayin sa komite at plenaryong sesyon. Isang tagumpay na ang kaniyang orihinal na resolusyon na pinamagatang "A Resolution Calling for the Philippine Government to Ensure Accessible and Quality Education for Persons with Disabilities" ay isa sa 14 na resolusyon na inaprubahan sa plenaryong sesyon at naging isang batas. Dahil sa mga mabubuti niyang gawa, napili siyang maging isa sa sampung Eat Bulaga Heroes taong 2009. Isa ring malaking biyaya na dumating sa kaniyang buhay ang makapag- aral sa kolehiyo. Ang buhay-kolehiyo ay isa pang yugto na puno rin ng mga pagsubok at inspirasyon. Dahil sa muling pagbuo ng tumor sa kaniyang utak, siya ay sumailalim sa pangalawang operasyon. Sa pangunguna ng kaniyang mga guro sa kolehiyo kasama ang mga kaibigan at kakilala nakalikom ng pera para sa gastusin sa ospital at sa gamot. Sa kabila nito, natapos niya ang kursong Bachelor of Education major in Special Education at naipasa ang Licensure Examination for Teachers taong 2014. Natapos ni Bibong ang pag-aaral na may akademikong karangalan (With Honors sa hayskul at Cum Laude sa kolehiyo) at isang modelong mag-aaral. Hindi niya ikinakaila at lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos na natamo niya ang mga ito sa tulong ng kaniyang pamilya, mga kaklase, mga guro, at mga taong nagmalasakit sa kaniya. Sa tulong ng kaniyang mga kaklase, kaibigan, at gabay nagawa niyang gawin ang mga takdang aralin at proyekto, sagutin at maipasa ang mga pagsusulit. Hindi nila itinuring na problema o abala ang pagbabasa ng mga notes para sa kaniya habang ito'y isinusulat niya sa Braille o inire-record niya sa kaniyang cassette recorder. May nagbigay sa kaniya ng mga kailangan niyang gadyet upang mapadali ang kaniyang pag-aaral tulad ng cellphone na may screen reader at text converter na scanner. Sa tulong ng mga kaibigan ay nalinang ang kaniyang 7 talento sa musika. Naitaguyod niya ang pag-aaral sa tulong pinansiyal ng isang government scholarship at mga pribadong indibidwal at organisasyon. Dahil sa kaniyang angking kakayahan at determinasyon kinuha siya bilang isang guro sa hayskul. Bumuo siya ng isang natatanging kurikulum na tinatawag niyang Adaptive Computer Technology. Dito, tinuturuan niya ang mga batang may kapansanan sa paningin na gumamit ng computer, internet, at iba't ibang programa tulad ng Microsoft Word, Excel, at PowerPoint. Naniniwala siya na mahalaga ang teknolohiya upang ang mga taong may kapansanan ay hindi lamang mag-aral, kundi gamitin din ang kanilang natatanging kakayahan tulad ng ginagawa niya. Pinarangalan siya bilang “2020 Outstanding Teacher in Special Education” sa Division of Iloilo. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtupad niya sa kaniyang misyon na makatulong sa iba sa pamamagitan ng kaniyang talino, talento, at propesyon. Siya ay nagtuturo sa mga regular na estudyante sa hayskul at gayundin sa mga batang may espesyal na pangangailangan. Hindi lamang pang-akademikong aspekto ang hinuhubog niya sa kaniyang mga mag-aaral kundi pati rin ang pagsasanay sa kanilang talento at karakter. Tinuturan niyang tumugtog ng mga intrumentong pangmusika ang kaniyang mag-aaral na may hilig dito. Aktibo pa rin siya sa pagsulong sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan at pagtulong sa mga nangangailangan. Gabay na tanong para sa talakayan: 1. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang kuwento? 2. Anong mga katangian ni Bibong ang nagustuhan o hinahangaan mo? Bakit? 3. Ano ang nakatulong kay Bibong upang malinang ang angking talino at talento sa kabila ng kaniyang kapansanan? 4. Anong mahalagang papel ang ginampanan ng mga taong nagmalasakit sa paglinang ni Bibong sa kaniyang mga kakayahan at magtagumpay sa buhay? 5. Nakatulong ba ang mga suporta at tulong na natanggap niya upang mapayabong ang kaniyang tiwala sa sariling kakayahan? 6. Paano napapaunlad at napapayabong ni Bibong ang kaniyang mga kasanayan sa kabila ng kapansanan? 7. Paano niya ginagamit ang angking talino at talento? 8. Naniniwala ka ba na ang pagbabahagi ng mga kasanayan sa iba ay isa ring epektibong paraan na mapaunlad pa ang iyong talino at talento? Ipaliwanag ang sagot. 9. Paano nakatulong kay Bibong ang kaniyang mga kakayahan upang maging 8 huwaran at epektibo sa pagsasabuhay ng kaniyang misyon at propesyon? 10. Sa iyong personal na karanasan naman, ano ang epekto ng mga kakayahan mo sa iyong sarili at sa ibang tao? Paano mo ginagamit ang mga ito para mapaunlad ang iyong buhay at makatulong sa lipunan? Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talino, talento, at hilig ay mahalaga sa maraming aspekto ng buhay. Narito ang ilang mga dahilan kung bakit ito mahalaga: Personal Fulfillment: Ang pagkilala at pagpapaunlad ng sariling talino at talento ay nagbibigay ng personal na kasiyahan. Kapag nagagamit ng isang tao ang kaniyang natatanging kakayahan at nagtatrabaho sa kaniyang mga hilig, mas nasisiyahan siya sa buhay at mas mataas ang antas ng tiwala sa sarili. Self-Discovery: Ang proseso ng pagtuklas ng sariling kakayahan at hilig ay nagbibigay-daan sa pagkilala sa sarili. Ito ay isang paraan upang mas maunawaan ang sarili, malaman ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo, at malaman kung saan ka tunay na magtatagumpay. Career Path: Ang pagtuklas ng sariling talino at hilig ay makatutulong sa pagpili ng tamang landas sa karera. Kapag alam mo kung saan ka magaling at ano ang mga bagay na nagbibigay-inspirasyon, mas malamang na makahanap ka ng trabaho na may kasiyahan at tagumpay. Productivity: Ang mga tao na nagtatrabaho sa kanilang mga talino at hilig ay mas produktibo. Dahil masaya sila sa kanilang ginagawa, mas malamang na magtagumpay sila at masigla ang kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin o gawain. Empowerment: Ang pag-unlad ng sariling kakayahan at hilig ay nagbibigay ng emosyonal na lakas at kumpiyansa. Kapag ang isang tao ay alam ang kaniyang mga kakayahan, mas handa siyang harapin ang mga hamon ng buhay at maging mas matagumpay. Kontribusyon sa Lipunan: Ang paggamit ng sariling talino at talento para sa ikabubuti ng iba ay nagdadala ng positibong ambag sa lipunan. Ito ay nagbibigay- inspirasyon sa iba na gawin rin ang kanilang makakaya upang mapabuti ang kanilang sarili at ang kanilang komunidad. 9 IKATLONG ARAW III. Paglalapat at Pag-uugnay Gawain 1. Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral. Kaugnay na Paksa 4: Mga Paraan sa Pagpapaunlad ng mga Talento at Hilig Tungo sa Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili I. Pagproseso ng Pag-unawa: Ang Lakas ng Agila May kuwento tungkol sa buhay ng agila. Ang agila ay maaring mabuhay ng pitumpong taon. Nagsisimula ito sa pagkatuto niyang lumipad. Para matutong lumipad kailangan niyang pagdaanan ang isang matinding yugto ng kaniyang buhay. Ang yugto na magtuturo sa anak na agila upang ipakita ang kaniyang kaalaman at kakayahang lumipad. Sa gabay ng magulang na agila, naihahanda ang anak para sa kalayaan bago umalis ng pugad upang siya ay mabuhay. Sa halip na Mga Tulong sa Paglinang dumaong sa pugad gaya ng nakagawian upang magsalo sa pagkaing dala, ang ng Talino at Talento magulang na agila ay dumadapo malapit sa pugad at kumakain nang mag-isa. Maaaring magdagdag ng Nakikitang gutom na gutom ang anak subalit hindi nito pinapansin dahil bahagi ito kahon ang mag-aaral kung ng pagtuturo sa anak upang lumabas ng pugad. Ang gawing ito ay nagpapatuloy kinakailangan. hanggang sa hindi na kayanin ng anak na agila ang gutom at lumabas sa pugad. Ang prosesong ito ay paulit-ulit na gagawin ng magulang na agila upang ang anak na agila ay makipagsapalaran sa labas ng pugad, matutong maghanap ng pagkain, hanggang matutong lumipad. Ito ang kailangang pagdaanan ng anak hanggang sa yumabong sa puso nito ang katapangang lumipad. Hanggang sa natuto na itong gumawa ng pagpapasya sa buhay nang mag-isa. Pagpapasya na pagmumulan ng matinding proseso ng pagbabago. Ang pagpapasya na mabuhay o mamatay. Mamamatay siya kung ayaw na niyang mapalitan ang kaniyang lumang balahibo, tuka, at kuko. Kung nais naman niyang madagdagan pa ang buhay, kailangan niyang lumipad sa isang mataas na bundok. Sa tuktok ng bundok siya gagawa ng kaniyang pugad at dito magsisimula ang mga pagbabago sa kaniya. Una, kailangan na ihampas niya ang kaniyang tuka sa bato para mapalitan ng bago. Pangalawa, tanggalin niya ang lumang balahibo sa may pakpak at katawan. At panghuli, matanggal ang lumang kuko para magamit niya ng maayos. Pagkatapos ng matinding pagbabago sa agila, dito magsisimula ang panibago at mahabang buhay ng paglipad na may lakas at kapangyarihang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Mga pamprosesong tanong: 10 1. Ano ang mga pinagdaanan ng agila upang mapalakas ang sarili nang sa ganun ay maabot niya ang buong potensiyal? 2. Anong aral o mensahe mula sa kuwento ng agila ang maaaring makatulong sa tao sa pagtuklas ng sariling kagalingan (talino at talento) at pagpapaunlad ng tiwala sa sarili? 3. Katulad ng isang agila na nangangailangan ng pag-udyok mula sa magulang upang matutong lumipad, bakit mahalaga ang tulong ng iba (pamilya at kapuwa) upang matuklasan at mapayabong ang sariling kakayahan? 4. Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng isang tao para simulan ang proseso ng pagpapaunlad ng mga kakayahan tulad ng ginawa ng agila sa kuwento? 5. Sa iyong personal na karanasan, masasabi mo ba na ang pagkakaroon ng kakaiba o natatanging kakayahan ay nakadaragdag sa pagkakaroon mo ng tiwala sa sarili na magtagumpay sa buhay? Ipaliwanag ang sagot. Pagpapaunlad sa Sariling Kakayahan Kung minsan iniisip nating wala tayong maraming talento o na biniyayaan ang ibang tao ng mas maraming kakayahan kaysa sa taglay natin. Kung minsan hindi natin ginagamit ang ating mga talento at hilig dahil natatakot tayong baka mabigo tayo o mapuna ng iba. Hindi natin dapat itago ang ating mga talento at hilig. Dapat nating gamitin at paunlarin ang mga ito. May mga hakbang na maaaring isagawa upang mapaunlad ang sarili. Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon. Ano-ano ang ating mga kalakasan at kahinaan? Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspekto ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin. At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga pagbabago. Maaaring ang pinakamahirap sa bahagi nito ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating kahinaan. Kung magagawa natin ito, mas magiging madali na ang iba pang bahagi. May ilang bagay rin na maaaring gawin upang mapaunlad ang mga talento at hilig tungo sa pagpapayabong ng tiwala sa sarili. Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip, mapatataas mo ang iyong tiwala sa sarili at magkakaroon ka ng positibong pananaw at damdamin tungkol sa iyong sarili. Makatutulong sa iyo ang sumusunod: Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan. Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili dahil sa iyong pagsisikap. Hindi ito nangangahulugan na hindi mo na bibigyan ng tuon ang iyong kahinaan, ngunit hindi nararapat na malimitahan ng iyong mga kahinaan ang iyong mga kalakasan. 11 Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon. Ang mga bagong hamon ay pagkakataon upang iyong mapataas ang tiwala sa sarili. Hindi mo nararapat isipin ang takot ng pagkabigo o ang tagumpay ng pagwawagi. Isipin mo na lamang na sa tuwing may gagawin kang bago: (1) nabibigyan ka ng pagkakataon na magsikap upang matamo ang tagumpay, (2) napatataas mo ang iyong tiwala sa sarili, at (3) mas nakikilala at natatanggap mo ang iyong sarili. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Lahat ng mga karanasan, positibo man o hindi, ay may mabuting ibubunga tungo sa pag-unlad ng iyong pagkatao. Palaging ipaalala sa sarili na hindi mo man kayang gawin ang lahat ng Bida Ka sa Kuwento Ko! bagay nang perpekto, makatutulong naman ang mga ito upang unti-unting Ang gawaing ito ay umunlad ang iyong pananaw sa bawat araw. nangangailangan ng sapat Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili. Huwag palaging na panahon para sa umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at paghahanda. Sa tagumpay. Mas makatutulong kung mapapaunlad mo ang iyong kakayahan sa panimulang bahagi ng pagsusuri at pagtataya ng iyong sarili. Isa itong malaking hakbang sa araling ito ay maaari ng pagpapataas ng iyong tiwala sa sarili. pangkatin at ihanda ng guro ang mga mag-aaral para sa IKAAPAT NA ARAW gawaing ito. Bago II. Pinatnubayang Pagsasanay magsagawa ng panayam, Bida Ka sa Kuwento Ko! magkaroon ng oryentasyon Gumawa ng isang panayam sa isang kilalang tao o personalidad sa inyong lugar na sa etikal na pagsasagawa ng may angking talino o talento na kahanga-hanga at makapagbibigay ng inspirasyon isang interbyu. Sa gawaing sa iba. Humingi ng permiso para mai-video record ang panayam upang maibahagi sa ito lilinawin ng guro na klase. Ipasalaysay ang naging karanasan ng nakapanayam. Magbigay ng mga tanong hindi kailangang malayo na makapagpapalabas ng mga aspekto ng kaniyang buhay na maaaring magsilbing ang taong napiling gabay sa iba na linangin din ang kanilang talino at talento. iinterbyuhin upang Gawain 2. Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral. mabantayan rin ang III. Paglalapat at Pag-uugnay kaligtasan ng mga mag- Ihakbang Mo aaral. Mas malapit mas Gawain 3. Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral. mainam. Paglalahat IKAAPAT NA ARAW Pagninilay sa Pagkatuto. Pabaong Pagkatuto Sa pagsulat ng kasagutan, 1. Ano ang kahalagahan ng pagtuklas at pagpapaunlad ng talino, talento, at hilig matutukoy ng mag-aaral kaagapay ang kapuwa sa pagpapaunlad ng tiwala sa sarili? kung anong mga konsepto 12 2. Paano maaaring gamitin ang mga paraan sa pagpapaunlad ng mga talento at hilig ang natutuhan mula sa mga upang matamo ang tiwala sa sarili? araling natalakay, at 3. Nakatulong ba ang aralin upang mapatibay mo ang tiwala sa sarili? Sa matutukoy kung saan nila papaanong paraan? magagamit o paano Ano ang mga natutuhan ko sa aralin? Paano ko magagamit ang natutuhan magagamit ang natutuhnan ko sa aking buhay? sa kanilang pang-araw-araw 1. na buhay. 2. 3. 4. 5. IV. EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO Pagtataya Pagsusulit Maaaring baguhin o I. Panuto. Basahin at unawain ang situwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga dagdagan ng guro ang tanong na kasunod nito. situwasyon na susuriin ng Mula pagkabata, nakasanayan na ni Lesli na panoorin ang kaniyang ina sa mga mag-aaral. paggawa ng oatmeal cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang kaniyang gustong gawin sa kaniyang libreng oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap. Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kaniyang timpla. Dahil dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili. Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga kaibigan bilang regalo. Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa Home for the Aged dahil nabalitaan niyang wala silang panghimagas. Sa edad na 15, nagtayo siya ng maliit na puwesto sa harap ng kanilang bahay sa tulong ng kaniyang mga magulang para makapagbenta ng kaniyang cookies. Mga tanong: 1. Ano ang natatanging kakayahan ni Leslie? Ilarawan ito. ____________________________________________________________________________ 2. Naipapakita ba sa situwasyon ang kaugnayan ng hilig, talento, at talino sa situwasyon? Ipaliwanag ang sagot. 3. Ano ang naging papel o impluwensiya ng kaniyang pamilya sa pagtuklas at pagpapaunlad ng kaniyang angking kakayahan? 13 _____________________________________________________________________________4. 4. Paano nakatutulong sa kaniya at sa ibang tao ang taglay niyang kakayahan? Ipaliwanag. _____________________________________________________________________________ Takdang Aralin: Sumulat sa ¼ ng limang (5) magandang epekto sa kalusugan ng pagpapatawad at pakikipagsundo sa kapuwa. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa pagtuturo Epektibong Problemang Naranasan at Iba Anotasyon sa alinmang sumusunod na bahagi. Pamamaraan pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag-aaral At iba pa Pagninilay Gabay sa Pagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? 14

Use Quizgecko on...
Browser
Browser