Q2-Reviewer PDF - Ikalawang Markahan - Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Leyte National High School
Document Details
Uploaded by Deleted User
Leyte National High School
2024
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- COR 003: Filipino Language and Literature Through History PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala sa araling Q2 sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa Leyte National High School. Tinalakay dito ang mga paksa gaya ng mga sosyolek, epektibong komunikasyon, at iba pang mga kaugnay na konsepto sa mga wikang ginagamit sa bansa.
Full Transcript
Department of Education Schools Division of Tacloban City LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL Tacloban City Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at...
Department of Education Schools Division of Tacloban City LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL Tacloban City Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Ikalawang Kulturang Pilipino Nobyembre 25- Markahan Guila N. Comendador 27, 2024 FB Messenger: Reylyn S. Cataag/ [email protected] 0 SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. wikang FILIPINO ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Ang broadsheet ay gumagamit ng wikang Ingles. Ito ay madalas binabasa ng mga taong propesyunal. Ang broadsheet ay tinaguriang “dyaryong pangmasa”. Target ng diyaryong ito ang mga pangkaraniwang tao na mas mabilis makaunawa sa wikang Filipino. Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang nakasulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal. Ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Hugot lines ang tawag sa mga linyang pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis. Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (Short Messaging System) na kilala bilang text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Sa Social Media, tulad din ng text, karaniwan ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post o komento rito. Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga broadroom ng malalaking kompanya at korporasyon. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center. Sa sitwasyong pangwika sa pamahalaan, naging mas malawak ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan nang maging Pangulo ng Pilipinas si Corazon “Cory” Aquino. Sa itinadhana ng K to 12 Basic Education Curriculum sa patakaran ng MTB-MLE, sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyang-diin dito, ang paggamit ng mga jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang hanapbuay o larangan. KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal) Communicative competence nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist na si Dell Hymes noong 1966. Ayon kay Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika. Ang ponolohiya ay makaaghan na pag-aaral sa mga tunog. Ang ponemang segmengtal ay tumutukoy sa makabuluhang tunog na nangangahulugan na maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang salita. Ang diptonggo ay mga salitang nagtatapos sa malapatinig na /w/ at /y/ na magkasama sa isang pantig. Ang klaster ay tinatawag ding kambal katinig dahil sa binubuo ito ng dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Ang pares-minimal ay mga salitang halos magkatunog sublait magkaiba ng kahulugan. Ang digrapo ay may tunog na /ŋ/ na binubuo ng dalawang katinig na NG o (en-ji). Ang morpolohiya ay ay ang makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema. Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya. Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang pangungusap o taludtod. Ang pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap. Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito. Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang pagbasa nito. Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya. Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang- abay. Ang sintaks ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap. Ito ay pag-aaral o pag-uugnay- ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap. Linggwistiko ay kakayahang makabuo at makaunawa nang maayos at makabuluhang pangungusap. KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (Kakayahang Sosyolingguwistiko) Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-alang. Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang acronym upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso. S – (Setting) – Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. P – (Participant) – Ang mga taong nakikipagtalastasan. E – (Ends) – Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. A – (Act sequence) – Ang takbo ng usapan. K – (Keys) – Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di pormal. Wala sigurong makagugusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa isang pormal na okasyon. I – (Instrumentalities) – Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. N – (Norms) – Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. G – (Genre) – Diskursong gingamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran. KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (Kakayahang Pragmatik ast Istratedyik) Uri ng Komunikasyon Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring verbal o di verbal. Maliwanag na sa isang sitwasyon ng pakikipagtalastasan ay may tagapaghatid ng mensahe at may tagatanggap. 1. Verbal – kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe. 2. Di verbal – kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensashe sa kausap. Iba’t Ibang Pag-Aaral Sa Mga Anyo Ng Di Verbal Na Komunikasyon 1. Kinesika (Kinesics) – Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. 2. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. 3. Galaw ng mata (Oculesis) – Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. 4. Vocalics - Ito ay ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. 5. Pandama o Paghawak (Haptics) – Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe. 6. Proksemika (Proxemics) – Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ng antropologong si Edward T. Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. 7. Chronemic – Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Mahalaga ang kakayahang pragmatic bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito. Ang kakayahang istratedyik ay ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o mausaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (Kakayahang Diskorsal) Saklaw ng kakayahang diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang komunikasyong intrapersonal ay nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng isang tao. Ang komunikasyong interpersonal ay tumutukoy sa pakikipagtalastasan sa ibang tao, maaaring sa pagitan ng dalawang tao o sa maliit na grupo. Ang kakayahang tekstuwal ay kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t- ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsyon at iba pang pasulat na komunikasyon. Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo Pakikibagay- tumutukoy sa kakayahang magbago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan. Paglahok sa Pag-uusap- kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba. Pamamahala sa Pag-uusap- tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag- uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba. Pagkapukaw-damdamin- ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao. Bisa- ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Kaangkupan- naiaangkop ng isang tao ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinagngyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK Ang pananaliksik ay sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Panaliksik Pagpili ng Mabuting Paksa- napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)- ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya- Paghahanda ng Tentatibong Balangkas- mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano- anong material pa ang kailangang hanapin. Pangngalap ng Tala o Note Taking- pagtukoy sa mga kakailanganin sa iyong sulatin. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline- pagsusuri ng inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin. Pagsulat ng Borador o Rough Draft- Ang borador ay kinakailangan naglalaman ng Introduksyon, Katawan at Kongklusyon. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador- Pag-proofread at pagwawasto ng borador. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik Tatlong Uri ng Tala Tuwirang Sinipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito mababasa. Buod – kung ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito’y maikli subalit nagtataglay ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto. Hawig – kung binago lamag ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.