Q2 Lingguhang Aralin sa Values Education 7 - Aralin 3 - 2024-2025 PDF
Document Details
Uploaded by IdyllicGyrolite3607
STEC Junior High School
Tags
Related
- GMRC at VE CG 2023 Kurikulum (PDF)
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- DLL MATATAG GMRC 4 Q2W2 PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao (Ikatlong Baitang) - Ikalawang Markahan - Modyul 3: Ikaw at Ako: Magkaiba (2020) PDF
- EsP3Q2F PDF Learner's Material Ikalawang Markahan 2020
- Q2 Lingguhang Aralin sa Values Education 7 PDF
Summary
This document is a set of lesson plans for a Values Education course in the Philippines, specifically for Grade 7. It appears to include curriculum, standards, and learning objectives for a particular lesson or unit.
Full Transcript
7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 3 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 3 TP...
7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 3 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 3 TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Mga Tagabuo Manunulat: Vincent R. Feliciano (Central Luzon State University) Tagasuri: Amabel T. Siason (West Visayas State University) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631-6922 o mag-email sa [email protected]. VALUES EDUCATION/KUWARTER 2/BAITANG 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang likas na institusyon ng Pangnilalaman pagmamahalan. B. Mga Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong paraan ng pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya Pagganap bilang tanda ng pagiging mapagmahal. C. Mga Kasanayan at Nakapagsasanay sa pagiging mapagmahal sa pamamagitan ng palagiang paglingap sa Layuning Pampagkatuto kalagayan ng mga kasapi ng pamilya. a. Nakakikilala sa pamilya bilang likas na institusyon ng pagmamahalan. b. Naipaliliwanag na ang pamilya bilang likas na institusyon ng pagmamahalan ay pundasyon ng lipunan na humuhubog sa pagkatao, mabubuting gawi, at pakikipagkapuwa tungo sa makabuluhang buhay. c. Naisasakilos ang wastong paraan ng pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya. C. Nilalaman Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon ng Pagmamahalan at Pundasyon ng Lipunan Ang Gampanin ng Pamilya Sa Paghubog ng Pagkatao, Mabubuting Gawi, at Pakikipagkapwa. Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa Kasapi ng Pamilya Mga Hamon at Paraan sa Pagpapanatili ng Ugnayang Pamilya sa Makabagong Panahon D. Lilinanging Mapagmahal (Loving) Pagpapahalaga E. Integrasyon Positibong Paggamit ng Midya at Teknolohiya Upang Mapayabong ang Ugnayang Pamilya 1 II. Batayang Sanggunian Benokraitis, N. V. (2015). Marriages & families: Changes, choices, and constraints (8th Edition). sa Pagkatuto Upper Saddle River, New Jersey: Pearson. Gordon, S. (2023, Feb. 8). What Are the Five Love Languages? Verywellmind.com. https://www.verywellmind.com/can-the-five-love-languages-help-your-relationship-4783538 Lozada, D. (2015, January 11. #PopeFrancisPH: 4 challenges facing Filipino families. Rappler. https://www.rappler.com/nation/80148-pope-francis-filipino-family/ Siason, A. (2023). Bata, Bata Paano Ka Ginawa [Lesson activity]. West Visayas State University Siason, A. (2023). My Family Web: Hibla ng Pagmamahal [Lesson activity]. West Visayas State University Siason, A. (2023). Simbolo ng Pagmamahal [Lesson activity]. West Visayas State University Villanueva, V. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng AralingPanlipunan, EdukasyonsaPagpapakatao, at Filipino. VMV Publishing House. Makati: Bangkal. Wright, M. (2013, Feb. 15.) Applying the ‘Love Languages’ to the Parent-Child Relationship. Goodtherapy.org. https://www.goodtherapy.org/blog/love-languages-parent-child-relationship- 0215135 Sanggunian ng mga larawan: Brgx (w.p.). Free vector tree sticker on white background [Online image]. Freepik.com. https://shorturl.at/axHY0 Ramos, A. (w.p.). halloween spider net line style icon Free Vector [Online image]. Veecteezy.com. https://www.vecteezy.com/vector-art/2599124-halloween-spider-net-line-style-icon Smith, G. (2022). 6 Free Printable Blank Face Templates [PDF templates]. Justfamilyfun.com. https://justfamilyfun.com/wp-content/uploads/2022/03/face-templates.pdf Suryaman, M (w.p.). Clay pot Vector isolated Free Vector [Online image]. Veecteezy.com. https://www.vecteezy.com/vector-art/14433844-clay-pot-vector-isolated III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng UNANG ARAW Ito ay isang modelong Dating 1. Maikling Balik-aral banghay-aralin lamang. Kaalaman TANONG-TUGON: Humanap ng kapareha at ibigay ang tugon sa Maaaring baguhin ng sumusunod na tanong: guro ang mga gawain na 2 Tanong Tugon 1 Tugon 2 naaayon sa kasanayan 1. Ano ang aking pangunahing tungkulin sa na dapat malinang, sa pamilya? kakayahan ng kaniyang 2. Paano ko ito naisasagawa? mag-aaral, at sa oras na 3. Bakit mahalaga na nagagampanan ko nakalaan sa aralin. ang aking tungkulin? Lagda ng mag-aaral: Lagda ng Lagda ng mag-aaral: kamag-aral: B. Paglalahad ng Mukha ng Pandama: Ang Aking Pamilya Mukha ng Pandama: Layunin Gamit ang krayola, iguhit ang mga mukha ng mga kasapi ng iyong pamilya Ang Aking Pamilya sa isang malinis na papel. Ang tanging “criteria” sa pagguhit ay ang pagiging Pagkatapos ng kumpleto ng mga bahagi nito (mata, tenga, ilong, bibig, balat/pisngi) pagbabahaginan, maaaring magtawag ang guro ng ilang mag-aaral na gustong magbahagi sa buong klase. Pagbabahaginan Humanap ng kapareha. Ipakita at pag-usapan ang iginuhit na mukha gamit ang mga gabay na tanong: 1. Anong mga tunog o salita ang gustong-gusto mong naririnig mula sa iyong pamilya? (tenga) 2. Anong mga amoy ang gustong-gusto mong nalalanghap sa iyong tahanan? (ilong) 3. Anong mga salita ang paborito mong sambitin sa loob ng inyong tahanan na nagpapahiwatig ng iyong pagmamahal sa iyong pamilya? (bibig) 4. Anong klase ng ugnayan ang nais mong makita sa iyong pamilya? (mata) 5. Paano mo pinaparamdam/Paano sa’yo ipinaparamdam ang pagmamahal sa loob ng iyong pamilya? (balat) Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin 3 Hanapin sa kahon ang mga salitang tinutukoy ng sumusunod. Isulat ito sa patlang. _________________1. Isang lipunan o samahan na itinatag para sa isang relihiyon, pang-edukasyon, panlipunan, o mga katulad na layunin. _________________2. Maaari itong tumukoy sa isang matibay na bagay na umaalalay para hindi mawasak ang kabuoan ng isang bagay, gusali, bahay, at iba pa. _________________3. Maliit na pangkat sa lipunan na nagsisilbing unang tanggapan sa pagbibigay suporta, gabay, at pagmamahal sa isang Sagot: indibidwal. 1. Institusyon L G U P P W A L A R W 2. Pundasyon A S H I A B E G U G D 3. Pamilya B W K U M O T L U M E I N S T I T U S Y O N M R O R L L E S U I B I T N S Y R T K L E R P U N D A S Y O N Z V O B M A S E Q W G I L C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 1: Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon ng Pagpapalalim Pagmamahalan at Pundasyon ng Lipunan I. Pagproseso ng Pag-unawa Basahin ang teksto tungkol sa konsepto ng pamilya. Sa pisara gawan ng Venn diagram ang mga natukoy na kahulugan ng tradisyonal at modernong pamilya. Maaari ring magdagdag ng kasagutan mula sa natutuhan sa Aralin 1. Tradisyonal o Moderno: Tradisyonal o Moderno: Pamilya Noon at Ngayon Pamilya Noon at Ngayon Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon Ang mga mag-aaral ay maaari ring magbigay ng sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at sagot na mula sa babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong kanilang karanasan o pagmamahal - kapuwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng naobserbahan. kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng 4 edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa rin sa kaniya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. Sa makabagong panahon, ang tradisyonal na kahulugan ng pamilya ay pinupuna sa kadahilanang ito raw ay makitid at limitado. Ayon kay Benokraitis (2015), ang modernong pamilya, lalo sa mga mauunlad na pamayanan, ay umiiral sa iba’t ibang kaanyuan, kasama na rito ang pamilyang may iisang magulang (single-parent family), pamilyang kinakapatid (foster family), magkaparehong kasarian (same-sex couple), pamilyang walang anak (childfree family), at marami pang anyo na lumilihis sa tradisyonal na nakasanayan. Karaniwang katangian ng mga nabanggit na anyo ng pamilya ay dedikasyon, pag-aalaga, at pagiging malapit sa isa’t isa, kasama na rito ang pagmamahal – na siya na ngayong lalong nagbibigay ng kahulugan sa salitang pamilya. Mga tanong para sa talakayan: 1. Ano ang pagkakaiba ng moderno at tradisyonal na kahulugan ng pamilya ayon sa tekstong binasa? 2. Ano ang katangian na magkapareho sa dalawang uri ng pamilya? Ano ang magkaiba? 3. Sa aling kahulugan ng pamilya mo mas naihahambing ang iyong pamilya? Ipaliwanag ang sagot. II. Pinatnubayang Pagsasanay Sinasabing ang pamilya ay may misyon na bantayan, ipakita, at ipadama ang pagmamahal. Ito ay itinatag bilang malapit na komunidad ng buhay at.. 5 pagmamahal. Sa usapin naman bilang pundasyon ng lipunan, nakasalalay ang kapangyarihan ng pamilya sa ugnayang mayroon sa loob nito. My Family Web: Hibla ng Pagmamahal (Siason, 2023) My Family Web Ang sapot (spider web) ay isang maganda at komplikadong estruktura na Kung hindi sapat ang simbolo ng lakas at pagkakaisa. Binubuo ito ng napakaraming mga hibla, heksagono sa template, na pinagdugtong upang bumuo ng isang matibay at magkakaugnay na maaaring gumupit ng hugis heksagono ang kabuoan. Sa parehong paraan, ang isang pamilya ay binubuo ng mga mga mag-aaral para sa indibidwal na konektado sa pamamagitan ng matibay na bigkis ng kasapi ng pamilya na pagmamahal at katapatan. Ang sapot ng gagamba ay isang angkop na kanilang idadagdag at metapora para sa pagbubuklod ng pamilya dahil pareho itong matibay at idikit ito sa web. maselan. Ito ay sapat na malakas upang makayanan kahit na ang pinakamalakas na hangin, ngunit ito rin ay sapat na maselan upang Mga posibleng sagot para madaling mabali kung ang isa sa mga hibla ay maputol. Sa parehong sa ikatlong tanong: paraan, ang samahan ng pamilya ay sapat na matibay upang makayanan Ang lahat ng mga hibla ng web ay ang mga hamon ng buhay, ngunit ito rin ay maselan at kailangang alagaan magkakaugnay. Ito ay upang manatiling matatag. Ang spider web ay isang makapangyarihang kumakatawan sa simbolo para sa matibay na pagkakaisa ng isang pamilya. Ito ay isang pagkakaugnay ng mga paalala na kapag tayo ay nagkakaisa, tayo ay mas malakas kaysa sa miyembro ng pamilya. anomang maaaring dumating sa atin. Kung ang isang hibla ay Gawain 5: My Family Web: Hibla ng Pagmamahal nasira, maaari nitong pahinain ang buong Pamilya Bilang Pundasyon ng Isang Matatag at Maunlad na Lipunan web. Sa parehong Isipin ang lipunan bilang isang malawak na sapot ng gagamba, na ang paraan, mas matatag bawat pamilya ay iisang hibla. Kapag ang isang strand ay humina o nasira, ang isang pamilya kapag maaari itong magkaroon ng ripple effect sa buong web. Sa parehong paraan, ang lahat ng miyembro ang mga relasyon sa pamilya ay maaaring magkaroon ng malalim na epekto nito ay nagkakaisa at nagtutulungan. sa lipunan sa kabuoan. Ang nagmamahalan at nagkakaisang pamilya ay Ang web ay nilikha ng mga bloke ng pagbuo ng isang matatag na lipunan. Binibigyan nila ang gagamba sa kanilang mga miyembro ng pagmamahal, suporta, at patnubay na pamamagitan ng sarili kailangan nila upang umunlad. Kapag matatag ang mga pamilya, mas nitong pagsusumikap at malamang na magtagumpay ang mga bata sa paaralan, magkaroon ng dedikasyon. Katulad malusog na relasyon, at mag-ambag sa kanilang mga komunidad. nito, ang isang pamilya ay binuo ng mga 6 Gayonpaman, kapag ang mga pamilya ay nahihirapan, maaari itong miyembro nito sa magkaroon ng negatibong epekto sa lipunan. Ang mga bata mula sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal at magulong pamilya ay mas malamang na huminto sa pag-aaral, gumawa ng suporta sa isa't isa. mga krimen, at makaranas ng iba't ibang problema sa kalusugan at Ang web ay flexible at panlipunan. Ito ay maaaring humantong sa isang ikot ng kahirapan at adaptable. Sinasalamin kawalan na maaaring mahirap sugpuin. Narito ang ilang partikular na nito ang kakayahan ng halimbawa kung paano makakaapekto ang mga relasyon sa pamilya sa mga pamilya na lipunan: umangkop sa pagbabago at Ang pamilya ay nagbibigay sa mga bata ng kanilang una at pagtagumpayan ang pinakamahalagang huwaran. Natututo ang mga bata tungkol sa mga mga hamon. pagpapahalaga, relasyon, at kung paano kumilos sa mundo mula sa Pamilya Bilang kanilang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya. Kapag ang Pundasyon ng Isang mga relasyon sa pamilya ay matatag, ang mga bata ay mas malamang Matatag at Maunlad na na magkaroon ng mga positibong pagpapahalaga at bumuo ng malusog Lipunan na mga mekanismo sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Ang guro ay huhugot din Ang pamilya ay nagbibigay ng emosyonal at praktikal na suporta para ng mga ideya mula sa sa kanilang mga miyembro. Maaaring kabilang dito ang mga bagay tulad mag-aaral kung paano ng tulong pinansiyal, tulong sa pangangalaga sa mga anak at nakakatulong ang mga matatanda, at suporta sa panahon ng krisis. Kapag naibigay ng mga pamilya sa pag-unlad ng pamilya ang suportang ito, makakatulong ito sa mga indibidwal at lipunan. komunidad na umunlad. Tumutulong ang pamilya na ayusin ang seksuwal na aktibidad at pagpaparami. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga anak tungkol sa pakikipagtalik at pagpipigil sa pagbubuntis, o sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga nagdadalang-tao at nag- aalaga na mga kabataan. Kapag nagawa ng mga pamilya ang tungkuling ito, makakatulong ito na bawasan ang mga rate ng pagbubuntis ng mga kabataan at mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik. Kung paanong mas malakas ang spider web kapag buo ang lahat ng hibla nito, mas malakas ang lipunan kapag malusog at nagtutulungan ang lahat ng pamilya dito. Kapag ang mga pamilya ay nahihirapan, maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa komunidad sa kabuoan. Kaya naman napakahalagang mamuhunan sa mga programa at serbisyong sumusuporta 7 sa mga pamilya. Mahalaga rin na tandaan na ang mga relasyon sa pamilya ay kumplikado at magkakaiba. Walang one-size-fits-all na pamamaraan sa buhay pamilya. Ang pinakamahalaga ay ang maibigay ng mga pamilya sa kanilang mga miyembro ang pagmamahal, suporta, at patnubay na kailangan nila para umunlad. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang Gawain 6: Tingnan ang lipunan. worksheet para sa aktibidad na gagawin ng III. Paglalapat at Pag-uugnay mga mag-aaral Gawain 6: Paglalapat at Pag-uugnay ng mga Natutuhan sa Aralin Paglalapat at Pag- IKALAWANG ARAW uugnay Kaugnay na Paksa 2: Ang Gampanin ng Pamilya sa Paghubog ng Maaaring gawin ito na Pagkatao, Mabubuting Gawi, at Pakikipagkapuwa takdang aralin kung I. Pagproseso ng Pag-unawa kakapusin sa oras. Bata, Bata, Paano Ka Hinulma! (Siason, 2023 Sa mga kamay ng magpapalayok, ang isang bukol ng luwad ay nagbabago Bata, Bata, Paano Ka at nagiging isang sisidlan ng kagandahan at layunin. Ang mga dalubhasang Hinulma! Sa gawaing ito, ang guro daliri ng magpapalayok ay hinuhubog ang luwad. Sa bawat banayad na ay magdadala ng isang haplos, ang magpapalayok ay humihinga ng buhay sa luwad upang luwad na palayok at mahulma ito ng naaayon sa layunin (purpose) nito. maghanda ng malilit na Tanunging ang mga mag-aaral: Paano maihahalintulad ang piraso ng papel. paghubog ng palayok sa pagpapalaki at pag-aaruga ng anak? Pagkatapos, ipasulat sa maliit na piraso ng papel kung paano sila hinuhubog sa kanilang tahanan upang maging mabuti at produktibong tao. Bago ilagay sa loob ng palayok ang kasagutan, ipabahagi sa klase. Hinulma sa Pag-aaruga at Pagmamahal Ang paghubog ng isang palayok ng luwad ay maihahambing sa pagpapalaki ng mga bata sa maraming paraan. Ang luwad ay maaaring kumakatawan sa potensiyal ng bata. Kung paanong ang luwad ay maaaring hubugin sa anomang hugis o anyo, ang mga bata ay may potensiyal na maging anomang bagay na kanilang iniisip. Ang magpapalayok ay kumakatawan sa 8 magulang. Ang magpapalayok ang siyang naghuhubog ng luwad upang maging isang palayok. Katulad nito, ang magulang ang siyang tumutulong sa bata na paunlarin ang kanilang sarili at maabot ang kanilang buong potensiyal. Ang proseso ng paghubog ng luwad ay kumakatawan sa proseso ng pagpapalaki ng isang bata. Nangangailangan ng oras, pasensiya, at pangangalaga upang mahubog ang isang palayok ng luwad na maganda at gumaganang piraso. Sa katulad na paraan, nangangailangan ng panahon, pasensiya, at pangangalaga ang isang bata upang lumaki na may mabuting kalooban at kapaki-pakinabang na buhay. Ang luwad ay isang pinong materyal na madaling masira. Ang paghulma nito ay nangangailangan ng pasensiya at pangangalaga. Katulad nito, ang mga bata ay mahina at kailangang alagaan nang may pag-iingat at atensiyon. Parehong nangangailangan ng pagkamalikhain at imahinasyon. Kapag naghuhulma ng luwad, maaari kang lumikha ng anomang hugis o anyo na gusto mo. Katulad nito, kapag nagpapalaki ng mga anak, tinutulungan mo silang bumuo ng kanilang sariling natatanging personalidad, talento, at pagpapahalaga. Parehong nangangailangan ng pagpayag na magkamali. Maaaring mahirap gamitin ang luwad, at karaniwan nang magkamali. Sa katulad na paraan, ang pagiging magulang ay isang mahirap na gawain, at natural na magkamali sa daan. Parehong nangangailangan ng komitment sa paglago at pag-unlad. Ang luwad ay kailangang sunugin sa hurno upang maging matigas at matibay. Katulad nito, ang mga bata ay kailangang alagaan at suportahan upang lumaki at umunlad sa malusog at maayos na pamamaraan. Kung paanong ang isang bihasang magpapalayok ay maaaring lumikha ng isang obra maestra mula sa isang bukol ng luwad, ang isang mapagmahal na magulang ay maaaring makatulong sa kanilang anak na maging isang matagumpay at mahusay na buong indibidwal. II. Pinatnubayang Pagsasanay Gawain 7: Puno ng Pagmamahal! III. Paglalapat at Pag-uugnay 9 Malaki ang gampanin ng pamilya sa paghubog ng pagkatao, mabubuting Gawain 7: Tingnan ang gawi, at pakikipagkapuwa ng miyembro nito. Dahil sa pamilya unang worksheet para sa umuusbong ang pagkatao ng anak, mahalaga ang mabubuti at kaaya-ayang aktibidad na gagawin ng halimbawa ng mga nakatatanda upang magsilbing gabay ng anak hanggang mga mag-aaral sa mga kakaharaping desisyon sa hinaharap. Mga tanong para sa talakayan: 1. Anong mabubuting gawi o katangian ang iyong nahubog sa tulong at gabay ng iyong pamilya? 2. Paano ang mga ito nakatulong/makakatulong sa a. pag-unlad mo bilang tao? b. sa iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa? c. sa pag-unlad ng lipunan? 3. Anong mahalagang reyalisasyon ang iyong nabuo sa gawaing ito? IKATLONG ARAW Kaugnay na Paksa 3: Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa Kasapi ng Pamilya I. Pagproseso ng Pag-unawa Wika ng Pagmamahal Ayon kay Gary Chapman, may limang (5) pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Tinawag niya itong 5 Love Languages. Love Language Deskripsiyon at Halimbawa Wika ng Pagmamahal Mga Salita ng Ang "mga salita ng pagpapatibay" ay tungkol sa May mga maiikling video Pagpapatibay pagpapahayag ng pagmamahal sa pamamagitan ng clips tungkol sa 5 Love (Words of pagbigkas ng mga salita, papuri, o pagpapahalaga sa Languages na maaaring Affirmation) kasapi ng pamilya. Kapag ito ang pangunahing wika ipakita sa mga mag-aaral ng pag-ibig ng isang tao, nasisiyahan sila sa sa link na ito: mabubuting salita at pampatibay-loob, https://5lovelanguages.c nakapagpapasiglang mga kasabihan (quote), mensahe om/learn ng pag-ibig, at nakatutuwang mga text message. Nararamdaman nila ang pagmamahal sa Simbolo ng pamamagitan ng pagpupuri sa kanila o pagsabi kung Pagmamahal ano ang mahusay nilang ginagawa. 10 Kalidad na Oras Ang isang taong may ganitong wika ng pag-ibig ay Maaaring hikayatin ang (Quality Time) nagnanais ng lubos na atensiyon. Pakiramdam nila mga mag-aaral na ay mahal sila kung naroroon ang ibang kasapi at gumawa ng isang pormat nakatutok sa kanilang pangangailangan. sa mas malikhaing Nangangahulugan ito na kapag kasama sila, ibababa pamamaraan maliban sa ang cell phone, patayin ang computer, makipag-eye paggamit ng tsart. contact, at aktibong making sa kanila. Imungkahi ang paggamit Pisikal na Ang isang taong may pisikal na pagpaparamdam ng iba’t ibang grapikong Pagpaparamdam bilang kanilang pangunahing wika ng pag-ibig ay pantulong. (Physical Touch) nakadarama ng pag-ibig sa pamamagitan ng pisikal na pagmamahal. Nararamdaman nilang mahal sila sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang kamay, pagyakap, paghalik, paghaplos sa likod, o binibigyan sila ng masahe sa pagtatapos ng nakakapagod na araw. Mga Gawa ng Ang mga gawa ng paglilingkod ay magagandang bagay Serbisyo (Acts of na ginagawa mo para sa iba na nagpapadama sa Service) kanila na minamahal at pinahahalagahan mo sila, gaya ng pagtulong sa gawaing bahay ng mga anak o pagtulong ng mga magulang sa paghahanap ng mga materyales na kakailanganin ng anak sa eskuwela. Kung ang pangunahing wika ng pag-ibig ng kasapi ay mga gawa ng paglilingkod, mapapansin at pahahalagahan nila ang maliliit na bagay na ginagawa mo para sa kanila. May posibilidad din na isinasagawa rin nila ang paglilingkod at kabaitan sa iba. 11 Pagtanggap ng Para sa isang taong gumagamit at tumutugon sa mga Regalo wikang ito ng pag-ibig, ang pagbibigay ng regalo ay (Receiving Gifts) nagpapahiwatig ng pagmamahal. Pinahahalagahan nila hindi lamang ang regalo mismo kundi pati na rin ang oras at pagsisikap na inilaan ng nagbigay ng regalo. Ang mga taong nasisiyahan sa pagtanggap ng mga regalo bilang bahagi ng kanilang pangunahing wika ng pag-ibig ay hindi kinakailangang umasam ng malaki o mamahaling regalo; mas mahalaga ang pagsisikap at pag-alaala sa likod ng regalo. Mga tanong para sa talakayan: 1. Sa inyong tahanan, ano ang wika ng pagmamahal ang ginagamit ng bawat kasapi? 2. Alin sa mga wika ng pagmamahal ang madalas mo/ninyong ginagamit? Ipaliwanag ang sagot. 3. Alin naman ang madalang gamitin o hindi ginagamit? Bakit? 4. Paano pinapayabong ng iba-ibang pamamaraan ng pagpapikita ng pagmamahal ang inyong samahan sa loob at labas ng tahanan? 5. Bakit mahalagang mapayabong ang ibat ibang uri ng pagpapakita ng pagmamahal? Gawain 9: Tingnan ang II. Pinatnubayang Pagsasanay worksheet para sa Simbolo ng Pagmamahal (Siason, 2023) aktibidad na gagawin ng Gawain 9: Simbolo ng Pagmamahal mga mag-aaral III. Paglalapat at Pag-uugnay Gawain 10: Tingnan ang Gawain 10: Pamilya Ko, Mahal Ko worksheet para sa aktibidad na gagawin ng IKAAPAT NA ARAW mga mag-aaral Kaugnay na Paksa 4: Mga Hamon at Paraan sa Pagpapanatili ng Ugnayang Pamilya sa Makabagong Panahon I. Pagproseso ng Pag-unawa Mga Pangunahing Hamon at Banta sa Pamilyang Pilipino 12 Ayon sa dalawang Arsobispo na sila Antonio Luis Cardinal Tagle, at Socrates B. Villegas, apat na pangunahing hamon ang kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan. Una sa listahan ang paghihiwalay ng pamilya dahil sa migrasyon. Nagkakahiwalay ang mga mag-asawa hindi dahil wala na ang pagmamahal nila sa isa’t isa kundi dahil sa pangangailangang pinansiyal na ang tanging makatutugon ay ang pagkakaroon ng trabaho sa ibang bansa. Pangalawa ay ang kahirapan. Sinasabi sa isang pag-aaral ng OCTA Research (2023) na 13.2 milyong pamilya o kalahati ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ayon kay Tagle, kahirapan, higit sa lahat ang nakaaapekto sa pamilyang Pilipino. Ikatlo, ang diborsyo, mga iregular na relasyon katulad ng pakikipag-live-in, magkahiwalay na magulang, at iba pang uri ng relasyon. Ayon naman sa Obispong si Jesus Varela, Bishop-Emeritus ng Diocese of Sorsogon, isa pang banta sa pamilya ang negatibong impluwensiya ng mass media. Halimbawa nito ang mga palabas na nagpapakita ng mga bagay na taliwas sa turo ng simbahan tulad ng seks at karahasan. Isa rin sa nabanggit ang materyalismo. Prayoridad at nagiging katayuang panlipunan (social status) na ngayon ang pagkakaroon ng materyal na yaman at tagumpay. Tinukoy din sa isang pag- aaral na hindi ligtas ang pamilyang Pilipino sa mga hamong panlipunan na dulot ng nagbabagong panahon. Isinulat ni Gozum (2020) na nag-ugat ang mga hamong ito sa mga epekto ng modernisasyon tulad ng kahirapan, antroposentrismo (paniniwalang ang tao ang sentro at natatanging nilalang na mahalaga sa mundo), at iba pang salik para makapagpalit ng pamamaraan ng pamumuhay. Sa mga nabanggit na hamon at banta sa pamilya, sinasabing malaki ang gampanin ng magulang. Ang pagiging mabuting ehemplo at responsableng magulang ay mabuting binibigyang- diin at pansin sa lahat ng oras. Bukod dito, walang hamon ang hindi malalagpasan ng walang kondisyon na pagmamahal, pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, at pagpapakita ng pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya. Tanong para sa talakayan: 13 1. Alin sa mga hamon o banta sa pamilya ang sa tingin mo ay Gawain 11: Tingnan ang pinakamadaling harapin? Bakit? worksheet para sa 2. Alin sa mga hamon o banta sa pamilya ang sa tingin mo ay pinakamahirap aktibidad na gagawin ng malagpasan? Bakit? mga mag-aaral 3. Kung mayroon kang idadagdag sa mga banta at hamon na nabanggit, ano Gawain 12: Tingnan ang ang mga iyon? worksheet para sa 4. Ano ang mga pagbabagong naidudulot ng mga banta at hamon na inyong aktibidad na gagawin ng nabasa sa buhay at samahan ng mga kasapi ng pamilya? mga mag-aaral 5. Bakit mahalagang malaman at matugunan ang mga banta at hamon na ito? I-Google Mo! Maaari itong gawin na II. Pinatnubayang Pagsasanay takdang aralin sa Gawain 11: Pagtugon sa mga Hamon na Kinakaharap ng Pamilya ikatlong araw at ibabahagi sa klase sa III. Paglalapat at Pag-uugnay ikaapat na araw. Gawain 12: I-Google Mo! D. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto Mga inaasahang sagot: Kumpletuhin ang Pangungusap 1. pagmamahal Gawing kumpleto ang sumusunod na pangungusap upang makabuo ng 2. dito nagsisimula ang pangkalahatang kaalaman tungkol sa aralin. paghubog ng 1. Ang pinakamahalagang elementong nagtatakda kung ano ang pamilya pagkatao tungo sa ay___________________________________________________________________. maunlad na lipunan 2. Mahalagang maunawaan ang gampanin ng pamilya sa paghubog ng 3. iba’t ibang wika ng pagkatao at pakikipagkapuwa dahil __________________________________. pagmamahal 3. Naisakikilos ko ang paraan ng pagmamahal ko sa aking pamilya sa 4. paghubog sa mga pamamagitan ng ____________________________________________________. kasapi nito na maging 4. Nakakatulong ang mga pamilya sa pag-unlad ng lipunan sa mabuti at pamamagitan ng ____________________________________________________. produktibong mamamayan 2. Pagninilay sa Pagkatuto Bintana ng Pagkatuto Base sa araling tinalakay, sagutin ang sumusunod. Ano ang iyong… 14 NADAMA NAMASDAN ________________________________ ________________________________ NAPAGNILAYAN NAIPAPLANO ________________________________ ________________________________ E. Pagtataya Pagtataya (Maikling Pagsusulit) Mga Posibleng Sagot: Punan ang patlang ng tamang salita/mga salita ayon sa napag-aralan 1. tradisyonal at upang maging buo ito. moderno 2 puntos Ayon kay Benokraitis, ang dalawang anyo ng pamilya ay 2. pagmamahalan; ____________________ at _____________________. lipunan 2 puntos Ang pamilya ay maituturing na likas na institusyon ng 3. pagmamahal, ________________ at pundasyon ng ____________________. pakikipagkapuwa-tao, 5 puntos Ang mga pagpapahalagang natutuhan ko sa aralin ay: positibong paggamit _______________, _______________, _______________, ng _______________, at _______________. midya/teknolohiya, Para sa 10 puntos, gawin ang sumusunod. mabubuting gawi Pumili ng isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya. Ipaliwanag kung bakit ito napili at kung paano ito naisasakatuparan. F. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa Problemang Anotasyon pagtuturo sa alinmang Epektibong Pamamaraan Naranasan at Iba sumusunod na bahagi. pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag-aaral 15 At iba pa G. Pagninilay GabaysaPagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang nagging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapatituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anonggampanin ng mga mag-aaralsaaralin? Ano at paanonatuto ang mga mag-aaral? ▪ PagtanawsaInaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sasusunod? 16