Panitikan: Isang Gabay sa Panitikang Filipino PDF
Document Details

Uploaded by SaintlyNovaculite1559
Colegio San Agustin - Bacolod
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad tungkol sa Panitikang Filipino, kabilang ang iba't ibang uri ng panitikan, mga akda, at mga may-akda. Tinalakay din ang mga panahon sa kasaysayan ng panitikan, mula sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila hanggang sa Panahon ng Bagong Demokrasya.
Full Transcript
Panitikan Panitikang Filipino Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r,s at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hu...
Panitikan Panitikang Filipino Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r,s at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping-an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik. Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag- uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. Ang Panitikan ng isang lahi ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa nababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay nakaiimpluwensya sa panitikan nito. Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang masining. Ito ay maayos na pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng pagpapahayag. Ang panitikan ayon kay Long (1917), ay nasusulat na tala ng pinakamabubuting kaisipan at damdamin ng tao. Ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro (1949), Ang panitikan ay katuturang bungang-isip na isinatitik. Mga Uri ng Panitikan: 1. Panggawaing Panitikan Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayo’t ganitong uri ng gawain at karunungan. 2. Masining na Panitikan Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan. a. Pukawin ang guniguni’t gisingin ang damdamin; at b. Magturo o maghikayat 3. Malikhaing Panitikan Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guniguni at damdamin na makakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ang bisa ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang ito’y nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahon, gaya rin naman na ang mga pintura ay nagsasalita sa pamamagitan ng gramatika ng mga kulay, liwanag at anino. Subalit ang mga salitang nilimbag ay isa lamang kasangkapan. Ang matatag na kaisipan, ang marahas na damdamin ng puso, ang pag-ibig, ang kalungkutan, lumbay, galak, pakikiramay, paghihiganti, paninibugho at ang matatamis at masasaklap na karanasan ng kaluluwa… ang lahat ng ito ay natititik sa panitikan ng isang bansa. Mga Dahilan kung bakit Mahalaga ang pag-aaral ng ating sariling panitikan: Malalaman ng mga tao ang kanilang kalina- ngan at kasaysayan, Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan. Mga Paraan ng Pagpapahayag Paglalahad - kung nais magpaliwanag. Paglalarawan- kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay at iba pa. Pagsasalaysay - kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari Pangangatwiran - kung nais Magpa- niwala, maghikayat, o magpaganap. Dalawang Anyo ng Panitikan: Patula - Ang panitikang patula ay masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan. Tuluyan - Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Mga Uri ng Tula: Tulang Liriko o Tula ng Damdamin - Ito ay matatawag ding tula ng puso. Naagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni, o damdamin ng may akda. Dalit -tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal. Soneto -tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay Elehiya -ng paksa nito ay ang alaala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis. Oda -tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao. Awit -ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan at iba pa. Tulang Pasalaysay: Ito ay tulang may kwento at may mga pangunahing tauhang gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa nito. 1. Epiko - mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi kapani-paniwala. 2. Awit at Korido - Mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng reyna, hari, duke, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may labindalawang pantig samantalang ang kurido ay may wawaluhing pantig. 3. Balad- tulang inaawit habang may sumasayaw. Mga Epiko Lugar Mga Epiko Tauhan Ipugaw Alim Pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan Hudhud Pakikipagsapalaran ni Aliguyon-bayani ng lahing Ifugao Haraya Kalipunan ng mga tuntunin ng kagandahang-asal Hinilawod Nagsasalaysay ng pag-iibigan ng mga Bathala na Bisaya unang nanirahan sa Iloilo, Antique at Aklan Maragtas Kasaysayan ng sampung datung Malay na tumakas mula sa Borneo sa pamumuno ni Datu Puti at ng mga unang araw nila sa Panay, ang islang kanilang binili kay Haring Marikudo ng mga Ita Lagda Kalipunan ng mga kautusan tulad ng kodigo ni Kalantiyaw Hari sa Bukid Tungkol sa haring hindi nakikita ngunit naging tanyag dahil sa pagbibigay-biyaya at pagpaparusa Muslim Darangan Pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Pilipino(25 kabanata Indarapatra at Sulayman Prinsipe Bantungan Bidasari Tagalog Kumintang Kasaysayan ng pakikidigma nina datu Dumangsil ng Taal, Datu Balkasusa ng Tayabas at ng Bain g Talim Iloko Biag ni Lam-ang Akda ni Pedro Bukaneg: tungkol sa isang bayani at ang kanyang matapat na alaga, isang putting tandang na manok at isang aso Bikol Ibalon Tungkol sa bayaning si Baltog, unang nakarating sa Bikol mula sa kaharian ng Samar Tulang Patnigan: 1. Karagatan - paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay. 2. Duplo - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito. 3. Ensileda - isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam ng gabi. 4. Balagtasan - isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula. Tulang Pandulaan: Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya. Mga Uri ng Tuluyan: Maikling Kwento - Ito ay nagla- lahad ng isang natatangi at maha- lagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon. Sanaysay - Ito ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa anumang paksa. Mga Uri ng sanaysay Pormal o maanyo -seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa katauhan ng manunulat. Ito ay may linaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang pangungusap. Impormal o personal - nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang paglalahad ng paksa. Parang kaswal na pakikipag-usao lamang ng awtor sa mambabasa. Ito ay tinatawag na malayang sanaysay. Talambuhay - Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may- akda o buhay ng isang tao na isinulat ng iba. Mga Uri ng Talambuhay: Maikli - pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng gagamiting mga pangyayari. Mahaba - lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay isinasama. Ito ay nagsisimula sa kapanganakanng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at maging hanggang sa kanyang pagpanaw. Dula - Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mg atao sa pamamagitan ng mga usapan o dayalogo at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa isang tanghalan. Mga Akdang Pampanitikan na Nagpapakilala ng Kasaysayan at Kalinangan ng Bansang Pinanggalingan Banal na Kasulatan mula sa Palestina at Gresia Koran mula sa Arabia Uncle Tom’s Cabin mula sa Estados Unidos Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Pilipinas Sanlibo’t Isang Gabi mula sa Arabia at Persia Canterbury Tales buhat sa Inglatera Iliad at Odyssey mula sa Gresia El Cid Campeador mula sa Espanya Mga Panahon ng Panitikang Filipino Panahon Bago Dumating ang mga Kastila (Bago mag ika-6 na siglo Pasaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at may impluwensyang kaisipang Malayo-Indonesyo. Ang panitikan ng panahong ito ay nasa anyo ng alamat, kwentong-bayan, kantahing- bayan, epiko, at mga karunungang- bayan. Panahon ng mga Kastila (1565-1898) Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan ng panahon ng mga Kastila. Ang layunin nito ay palaganapin ang Kristiyanismo. Karamihan sa mga akda ay isinulat ng mga prayle. Ito ay panahon ng panunulat at pagkabaguhan sa kaisipang kanluranin. Panahon ng Propaganda at Himagsikan laban sa mga Kastila (1872-1898) Naging makabayan at mapanghimagsik ang panitikan sa panahong ito. Panahon ng mga Amerikano (1899- 1941) Ang panitikang Filipino sa panahong ito ay may impluwensya ng kaisipang demokratiko. Panahon ng Hapones (1942-1945) Nakilala sa panahong ito ang malayang tula. Tinularan ng ilang makatang Filipino ang tulang Hapon na hoccu o haiku. Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946) Naging masiglang muli ang panitikan sa panahong ito pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas. Maraming manunulat ang nagsisulat sa mga wikang Filipino at Ingles. Panahon ng Aktibismo (Dekada’70) Sa panahong ito’y nagging maiinit ang paksa ng panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at titik ng protesta o paglaban sa pamahalaan o awtoridad. Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986) Sikil ang mga panulat sa panahong ito. Limitado ang mga paksang matatalakay. Ang mga manunulat ay hindi malayang magpahayag ng mga sariling damdamin at kanilang mga kaisipan. Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986) Sumigla ang pamamahayag. Malaya ang mga mamamahayag at mga mamamayan na tumalakay at tumuligsa sa mga pangyayari sa bayan. Nagsimula ito sa isang mapayapang rebolusyon na humantong sa pagsigla ng panitikan sa iba’t ibang larangan. Mga Anyo ng mga Awiting- Bayan: Oyayi - awit sa pagpapatulog ng sanggol Maluway - awit sa sama-samang paggawa Talindaw - awit sa pagsagwan Suliranin - awit sa paggaod Kundiman - awit ng pag-ibig Kumintang - awit sa pakikidigma Mga Dulang Panrelihiyon: Senakulo - Ang senakulo ay nagsasadula ng pasyon ng Poong Hesukristo. Ito ay itinatanghal tuwing mahal na Araw. Dalawa ang uri ng senakulo: Habla (sinasalita ) at Cantada (inaawit). May sukat ang mga pantig at may bilang ang mga taludtud sa bawat saknong. Mga Dulang Panrelihiyon: Tibag - Ang tibag ay pagsasadula ng paghahanap ni Sta. Elena sa nawawalang krus na pinagpakuan kay Jesus. Patula ang pagsasalita ng mga tauhan. Itinatanghal ito tuwing buwan ng Mayo. Mga Dulang Panrelihiyon: Ang Panunuluyan - Ang panunuluyan ay isang uri ng dulang panrelihiyon na namayani noong panahon ng Kastila. Ang pinakadiwa ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birhen Maria noong bisperas ng Pasko. Mga Dulang Panrelihiyon: Ang Karilyo - Isang uri ng libangan ng mga tao kung madilim ang gabi sa kapistahan ng isang bayan o nayon. Ito ay nagpapa- galaw ng mga anino ng mga pira- pirasong kartong hugis tao sa isang ilaw sa kaabila ng karting hugis tao, at sinasabayan ng salita. Mga Dulang Panrelihiyon: Sarswela - Isang melodrama na karaniwa’y tatlong yugto. Pinapaksa nito ang pag-ibig at poot, paghihiganti, pagpaparaya, kasakiman at pagpapabaya, kalupitan at kalambutan ng damdamin at kasiyahan at kalungkutan. Mga Dulang Panrelihiyon: Ang Moro-moro o Komedya - Ito ay puno ng pakikipag- sapalaran, pagdanak ng dugo, at digmaan. Ito ay pagtatanghal ng isang salaysay ng paglalaban ng mga kristiyano at mga Moro. Mga Manunulat, kanilang mga Sagisag / Taguri at ang mga Tampok na Katha MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 1. Francisco Baltazar Balagtas Florante at Ama ng PAnitikang Laura Filipino Kay Celia Almanzor y Rosalina 2. Lope K. Santos Berdugo Ang Anakbayan Pangginggera Apo ng Mananagalog Banaag at Sikat Ama ng Balarila Puso at Diwa MANUNULAT SAGISAG/ KATHA TAGURI 3. Jose Corazon de Jesus Huseng Batute Ang Pamana Unang Hari ng Ang Pagbabalik Balagtasan Isang Huseng Katuwa Punungkahoy Paruparong Asul Sundalong Lasing 4. Amado V. Hernandez Makata ng Wala Nang Lunas Manggagawa Pilipinas Makata ng Anakpawis Isang Dipang Langit Bayang Malaya 5. Florentino Collantes Kuntil Butil Ang Lumang Makata ng Bayan Simbahan Ang Tulisan Ang Magsasaka MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 6. Julian Cruz Alpahol Ang Piso ni Balmaceda Itang Barbarin Anita Sino ba Kayo? 7. Patricio Mariano Pedro Manibat Mga Anak- Dalita Huwag lang Lugi ang Puhunan 8. Severino Reyes Lola Basyang WAlang Sugat Ama ng Dula at R.I.P Sarsuelang Tagalog MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 9. Ildefonso Santos Dimas-Ilaw Ang Guryon Dimas Silangan Sa Tabi ng Dagat 10. Hermogenes Ilagan Ka Moneng Dalagang Bukid 11. Pedro Bukaneg Ama ng Panitikang Biag ni Lam-ang Ilokano 12. Mariano Perfecto Ama ng Panitikang Padre Severino Bisaya Reyes 13. Valeriano H. Peña Kintin Kulirat Nena at Neneng Ama ng Nobelang Tagalog 14. Cirio H. Panganiban Crispin Pinagpala Sa likod ng Altar Veronidia MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 15. Jose Villa Kristilaloy Mga Butil ng Panganiban Perlas 16. Efren Reyes Abueg Ester Aragon Mister Mo, Lover Boy ko 17. Alejandro G. AGA Ako ang Daigdig Abadilla Ama ng Malayang taludturan 18. P. Modesto de Ama ng Tuluyang Klasika Urbana at Felisa Castro 19. P. Mariano Pilapil Ama ng Pasyong Pilipino Mga Pasyon MANUNULAT SAGISAG/ KATHA TAGURI 20. Pascual Poblete Ama ng Pahayagang El Grito del Pilipino Pueblo Unang nagsalin ng Ang Kapatid Noli Me Tangere sa ng Bayan Tagalog 21. Tomas Pinpin Ama ng Limbagang Arte y Reglas Pilipino de la Lengua tagala 22. Juan Crisostomo Ama ng Panulaang Lidia Sotto Kapampangan 23. Aurelio Tolentino Ama ng Dulang Kahapon, Kapampangan Ngayon at Bukas MANUNULAT SAGISAG/ KATHA TAGURI 24.Casimiro Perfecto Ama ng Panitikang Bicol 25. Jose Garcia Villa Doveglion Have Come, Am here Footnote to Youth 26. Nick Joaquin Quijano de Manila A Portrait of the Artist as Filipino May Day Eve 27. Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Pambansa 28. Ponciano Peralta Direktor, Surian ng Malalim ang Pineda Wikang Pambansa, 1971 Gabi MANUNULAT SAGISAG/ KATHA TAGURI 29. Jose Rizal Laong Laan Noli Me Tangere Dimasalang El Filibusterismo Makata at Nobelista ng Mi Ultimo Adios Propaganda A La Juventud Mamamahayag ng Filipina Propaganda Sa Aking mga Dakilang Malayo Kababata 30. Marcelo H. del Pilar Pupdoh Sagot ng Espanya Piping Dilat sa Hibik ng Plaridel Pilipinas Dolores Manapat Dasalan at Mamamahayag ng Tocsohan Propaganda Caiingat Cayo MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 31. Andres Bonifacio Magdiwang Pag-ibig sa Agapito Bagumbayan Tinabuang Lupa Anak-Bayan Ang Dapat Ama at Supremo ng Mabatid ng Katipunan mga Tagalog Dakilang Plebiyo Tapunan Mo ng Lingap 32. Emilio Jacinto Pinkian Kartilya ng Dumas-Ilaw Katipunan Utak ng Katipunan A la Patria Liwanag at Dilim 33. Graciano Lopez- Mananalumpati ng Fray Botod Jaena Propaganda El Bandolerismo en Pilipinas MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 34. Apolinario Mabini Dakilang Lumpo El Verdadero Decalogo 35. Emilio Aquinaldo Magdalo 36. Jose Palma Ama ng Pambansang La Purificacion Awit de Manila 37. Teodero Valencia Dekano ng “Over a Cup of Peryodismong Pilipino Coffee”- isang kolum sa isang ilalang peryodiko 38. Antonio Luna Taga-Ilog Hojas Sueltas Impresiones 39. Epifanio delos Santos Don Panyong Lumalakad na Encyclopedia MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 40. Jose Maria Jomapa Memoria Panganiban Fotografica 41. Leona Florentino Unang Makata Rukruknoy Pilipina 42. Leon Pichay Hari ng Bukanegan Puso ti Ina 43. Philipe de Jesus Unang Tunay na Ibong Camunti Makata as Pagod (1708) 44. Fernando Canon Unang sumulat ng A la Laguna de tulang papuri kay Bai Rizal MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 45. Cecilio Apostol Catulo El Terror de los Mares Indicos 46. Jesus Balmori Baatikuling Mi Casa de Makatang Napa Pandaigdig sa Pajaros de Wikang Kastila Fuego 47. Manuel Unang Poeta Cantos del Bernabe Laureado sa Kastila Tropico MANUNULAT SAGISAG/TAGURI KATHA 48. Jose Ama ng Pelikulang Gintong Nepomuceno Pilipino Balaraw 49. Eriberto Ama ng Moro- Ang Diablo Gumban moro, Ang Salamin Sarsuela at Dulang ng Kababata Bisaya 50. Magdalena Unang Nobelistang Ang Jalandoni Bisaya Kahapon nga Pangabuhi MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!