Urbana at Feliza PDF: Sanaysay sa Panahon ng Kastila
Document Details
![NicestElation9045](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-17.webp)
Uploaded by NicestElation9045
Modesto de Castro
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa sanaysay na "Urbana at Feliza" ni Modesto de Castro. Inilalarawan nito ang konteksto, layunin, at karagdagang kaalaman tungkol sa akda na isinulat noong panahon ng mga Kastila. Nagbibigay din ito ng sulyap sa panitikang Filipino at sa lipunan ng Pilipinas noon.
Full Transcript
# Konteksto ng Panahon Ang "Urbana at Feliza" ay isinulat noong ikalawang hati ng ika-19 na siglo, isang panahon kung kailan ang Pilipinas ay nasa ilalim pa rin ng pananakop ng mga Kastila. # Konteksto ng Lunan Ang akda ay naglalarawan ng buhay sa dalawang magkaibang lugar: Pilipinas 1. Bayan (La...
# Konteksto ng Panahon Ang "Urbana at Feliza" ay isinulat noong ikalawang hati ng ika-19 na siglo, isang panahon kung kailan ang Pilipinas ay nasa ilalim pa rin ng pananakop ng mga Kastila. # Konteksto ng Lunan Ang akda ay naglalarawan ng buhay sa dalawang magkaibang lugar: Pilipinas 1. Bayan (Lalawigan) - Dito nakatira si Urbana, kung saan ang buhay ay simple, relihiyoso, at mas nakatuon sa tradisyonal na pagpapahalaga. 2. Lungsod (Maynila) - Si Feliza ay pumunta sa lungsod upang mag-aral, kung saan nahaharap siya sa mga bagong kaisipan, tukso, at pagbabago sa pag-uugali ng tao. # Konteksto ng May-akda Ang may-akda ng "Urbana at Feliza" ay si Modesto de Castro, isang pari at manunulat noong panahon ng Kastila. * Siya ay tinawag na "Ama ng Panitikang Tuluyan sa Tagalog" dahil sa kanyang mga akda na nakasulat sa prosa. * Bilang isang pari, isinulat niya ang "Urbana at Feliza" upang turuan ang mga kabataan, lalo na ang kababaihan, tungkol sa mabuting asal, moralidad, at pananampalataya. * Layunin niyang gamitin ang akda bilang gabay sa mabuting pamumuhay alinsunod sa aral ng Kristiyanismo at pamantayan ng lipunan noong panahon niya. # Karagdagang Kaalaman: * Epistolaryo o Palitan ng liham - ay ang pangunahing anyo o estilo ng pagkakasulat ni Modesto de Catro sa kaniyang akdang Urbana at Feliza. * Ang tatlong pangunahing layunin ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas ay ang 3K * Kristiyanismo * Kayamanan * Karangalan