Panitikan at Wika - PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay tungkol sa panitikan at wika sa Filipino. Tinatalakay nito ang iba't ibang uri ng panitikan tulad ng tuluyan, patula, at mga akdang pampanitikan. Mayroon ding mga kahulugan, mga halimbawa, at mga tanyag na manunulat at akda sa panitikan ng Pilipinas.

Full Transcript

```markdown ## MET REVIEW ### LET SPECIALIST **16. Retorikal na Tanong** - isang tanong na hindi naman talaga kaila ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. Hal. Natutulog ba ang Diyos? **17. Pagsusukdol/Klaymaks** - paghahanay ng mga pangyayaring may pasak sitwasyon o antas....

```markdown ## MET REVIEW ### LET SPECIALIST **16. Retorikal na Tanong** - isang tanong na hindi naman talaga kaila ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. Hal. Natutulog ba ang Diyos? **17. Pagsusukdol/Klaymaks** - paghahanay ng mga pangyayaring may pasak sitwasyon o antas. Hal. Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, liwanag, ng araw na nagbabadya ng panibagong pag-asa!. **18. Antiklaymaks** - ito ay kabaligtaran ng klaymaks. Hal. Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong tagaha sa unti-unting nababawasan ang mga nanonood, padalang nang padaren pumapalakpak at ngayo'y maging mga bulong ay waring sigaw sa kanya. **19. Simili/Pagtutulad** - ito ay di tuwirang paghahambing ng magkaibang pangyayari pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng kawangis ng, para ng Hal. Ang buhay ng tao ay parang gulong, minsan ay nasa itaas, minsan ibaba. **20. Metafor/Pagwawangis** - isang tuwirang paghahahambing ng magkaibang o pangyayari pagkat di na gumagamit ng mga nabanggit na parirala sa itaas. Hal. Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat. **21. Iperboli/Pagmamalabis** - lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag. Hal. Bumaha ng pagkain at inumin noong kaarawan ni Juan. **22.Personifikasyon**- inaaring tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitara pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao. Hal. Mabilis tumakbo ang panahon. **23. Paglumanay o Eupemismo** ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitaan magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita. Hal. Ang kanyang kasintahan ay isang babaeng mababa ang ipad. ### ANG PANITIKAN #### Kahulugan ng Panitikan * Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, estetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawani maliw(Webster, 1974). * Ito ay katumbas ng "literatura" sa wikang Kastila at "literature" naman sa wikang Ingles. Mula ito sa salitang Latin na "litera" na ang ibig sabihin ay letra o titik (Mateo, 1996) * Ito ay isang salamin ng lahi (Bisa, 1987) #### Anyo ng Panitikan * Tuluyan - anyong patalata, may sukat at tugma, literal, karaniwan ang salita. * Patula - anyong pasaknong, karaniwang may sukat at tugma, pili at gumagamit ng matalinhagang mga salita. Ito ay maaaring taludturan (blank verse) o malaya (Free Verse). ***124*** --- ## Filipino Sagot: kalabasa 2. Nung maliit ay gulok, Nang lumaki ay sandok. Sagot: niyog Salawikain at Kasabihan - nagpapahayag ng aral at nagsisilbing batayan ng magandang asal. Halimbawa: 1. Walang lumurang patingala Na di sa mukha niya tumama. 2. Ang naglilimos sa pulubi Ay langit ang binibili. ### Mga Awiting Bayan * Diona - awit sa panliligaw/kasalan * Kumintang - awit sa pakikidigma, nagmula sa Batangas * Kundiman - awit ng pag-ibig * Oyayi - awit sa paghehele o pagpapatulog ng bata * Soliranin /Talindaw- awit sa paggaod ng bangka * Sambotani awit sa tagumpay * Umbay-awit sa paglilibing * Ayoweng - awit sa pagkabyaw ng tubo * Dung-aw-awit sa kalungkutan ### Mga Epiko * Biag ni Lam-ang- epiko ng mga Ilokano, sinulat ni Pedro Bukaneg sa wikang Samtoy noong 1640 na binubuo ng 1,000 taludtod * Ibalon - epiko ng mga Bikolano, isinalaysay ni Cadugnug. Isinalin sa Kastila ni Padre Jose Castano noong ika-19 na siglo at unang nailimbag ni W. Retana noong 1896 sa Madrid. * Labaw Donggon - Epikong Hiligaynon * Hudhud (Ifugao) - tumatalakay sa kabihasnan ng Ipugaw at ng pakikipagsapalaran ni Aliguyun * Alim (Ifugao) - ang paksa ng Alim ay katulad ng Ramayana ng India, tungkol ito sa buhay ng mga Bathala at kataka-takang pangyayari * Tuwaang (Bagobo) - tungkol sa pakikipagsapalaran ni Tuwaang * Agyu - epikong Ilianon sa Mindanao * Darangan tungkol ito sa kabayanihan ng mga Muslim, laman nito ang pakikipagsapalaran ni Prinsipe Bantugan at ang Indarapatra at Sulayman * Sandayo (Suban-on) - naglalahad ng pakikipagsapalaran ni Sandayo na anak nina Datu Salaria at Bae Salaong * Parang Sabir, Bidasari - Epiko ng mga Moro ### Iba pang Panitikan sa Panahong Ito * Bulong - gamit sa pangkukulam o pang-eengkanto Halimbawa: Bulong bago ang pagputol sa punungkahoy Huwag magalit kaibigan ***127*** --- ## Filipino ### MGA URI NG PANITIKAN #### Anyong Tuluyan * Maikling Kwento - maikling katha,nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay, may iilang tauhan at pangyayari, may isang kakintalan * Nobela - mahabang salaysay, nahahati sa Kabanata * Dula - isinasadula at itinatanghal sa tanghalan * Alamat - nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay * Parabula - katha mula sa Bibliya * Pabula-kwentong may aral at hayop ang pangunahing tauhan * Talambuhay - akda sa kasaysayan ng buhay ng isang tao * Sanaysay - tumatalakay sa isang paksa, naglalayong maglahad ng opinyon/ kaisipan * Talumpati - binibigkas sa harap ng madla * Mitolohiya - kwentong naglalaman ukol sa pinagmulan ng sansinukuban, mga diyos at diyosa at iba pang mahiwagang nilikha. * Anekdota - kwento na ang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan * Balita - naglalahad ng pang-araw-araw na pangyayari o kaganapan * Editoryal-isang sanaysay na naglalahad ng kuru-kuro o opinyon ng isang editor * Ulat - nasusulat bunga ng isinasagawang pananaliksik, pagsusuri, pag-aaral at iba pa #### Anyong Patula * Tulang Liriko 1. Pastoral- naglalarawan ng tunay na buhay sa kabundukan 2. Dalit- awit na nagpupuri sa Diyos o Mahal na Birhen 3. Oda- nagpapahayag ng papuri o masiglang damdamin tungkol sa isang paksa 4. Pasyon- naglalarawan ng pasakit at pagdurusa ni Hesus 5. Elihiya - tula tungkol sa patay 6. Soneto- binubuo ng 14 na taludtod 7. Kanta- tungkol sa pag-ibig, pag-asa at kaligayahan * Tulang Patnigan 1. Duplo -paligsahan sa pangangatwiran, isinasagawa sa bakuran ng namatayan 2. Balagtasan - pagtatalong patula, nagpapakita ng tagisan ng talino sa pangangatwiran 3. Karagatan - isang dulang tungkol sa prinsesang naghagis ng kanyang singsing sa dagat at kung sinuman ang binatang makakakuha nito ay mapapasakanya ang puso ng dalaga. * Tulang Pasalaysay 1. Epiko - patungkol sa kabayanihan, kapangyarihan at pambihirang katangian 2. Awit - maromansa, tampok ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan hango sa tunay na buhay 3. Korido - maromansa, ang mga tauhan ay may kakayahang supernatural --- ## Filipino ### Tulang Padula 1. Zarzuela - dulang musikal, binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig.poot at kasakiman 2. Moro-moro - nagpapakitang hidwaan/labanan sa pagitan ng pananampalatayang Kristyano at Muslim 3. Senakulo - tungkol sa paghihirap at kamatayan ni Hesukristo 4. Tibag-paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa krus na pinagpakuan ni Hesus. 5. Panuluyan- paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose upang doon isilang ang sanggol na si Hesus. * Bugtong - patulang pahayag o katanungan na may nakatagong kahulugan na nilulutas sa pamamagitan ng matalas na isipan. * Salawikain - isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon sa pangangaral at pagtuturo ng kagandahang asal. * Bulong-patulang pahayag na ginagamit sa pangkukulam o pang-eengkanto ### MGA AKDANG NAKAIMPLUWENSYA SA DAIGDIG Bibliya naging batayan ito ng pananampalatayang Kristyano. Koran batayan ng pananampalatayang Muslim Aklat ng mga Araw - batayan ng pananampalataya ng mga Instik Aklat ng mga Patay naglalarawan ng kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto Awit ni Rolando - nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kristyanismo sa Pransya Canterburry Tales - naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon Divina Comedia - akda ni Dante Aligheiri, nagpapahayag ng pananampalataya at pag- uugali ng mga Italyano Iliad at Odyssey - isinasalaysay ang alamat at mitolohiya ng Gresya, sinulat ni Homer El Cid Compeador - naglalarawan sa katangian ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya Uncle Tom's Cabin - akdang sinulat ni Harriet Beecher Stowe, naging basehan ito ng demokrasya Isang Libo at Isang Gabi - naglalarawan sa pamahalaan at lipunan ng Arabya at Persya Mahabharata -kinikilala bilarig pinakamahabang epiko sa daigdig na naglalarawan sa kasaysayan ng pananampalataya sa India. ### ANG PANITIKAN NG PILIPINAS #### PANAHON NG KATUTUBONG PANITIKAN **Mga Karunungang Bayan** Bugtong at Palaisipan - ito'y mga parirala o pangungusap sa patalinghaga Halimbawa: 1. Ang ina'y gumagapang pa, Ang anak ay umuupo na. ***126*** --- ## Filipino Sagot: kalabasa 2. Nung maliit ay gulok, Nang lumaki ay sandok. Sagot: niyog Salawikain at Kasabihan - nagpapahayag ng aral at nagsisilbing batayan ng magandang asal. Halimbawa: 1. Walang lumurang patingala Na di sa mukha niya tumama. 2. Ang naglilimos sa pulubi Ay langit ang binibili. ### Mga Awiting Bayan * Diona - awit sa panliligaw/kasalan * Kumintang - awit sa pakikidigma, nagmula sa Batangas * Kundiman awit ng pag-ibig * Oyayi - awit sa paghehele o pagpapatulog ng bata * Soliranin /Talindaw- awit sa paggaod ng bangka * Sambotani - awit sa tagumpay * Umbay - awit sa paglilibing * Ayoweng - awit sa pagkabyaw ng tubo * Dung-aw - awit sa kalungkutan #### Mga Epiko * Biag ni Lam-ang- epiko ng mga Ilokano, sinulat ni Pedro Bukaneg sa wikang Samtoy noong 1640 na binubuo ng 1,000 taludtod * Ibalon - epiko ng mga Bikolano, isinalaysay ni Cadugnug. Isinalin sa Kastila ni Padre Jose Castano noong ika-19 na siglo at unang nailimbag ni W. Retana noong 1896 sa Madrid. * Labaw Donggon - Epikong Hiligaynon * Hudhud (Ifugao) - tumatalakay sa kabihasnan ng Ipugaw at ng pakikipagsapalaran ni Aliguyun * Alim (Ifugao) - ang paksa ng Alim ay katulad ng Ramayana ng India, tungkol ito sa buhay ng mga Bathala at kataka-takang pangyayari * Tuwaang (Bagobo) - tungkol sa pakikipagsapalaran ni Tuwaang * Agyu - epikong Ilianon sa Mindanao * Darangan tungkol ito sa kabayanihan ng mga Muslim, laman nito ang pakikipagsapalaran ni Prinsipe Bantugan at ang Indarapatra at Sulayman * Sandayo (Suban-on) - naglalahad ng pakikipagsapalaran ni Sandayo na anak nina Datu Salaria at Bae Salaong * Parang Sabir, Bidasari - Epiko ng mga Moro ### Iba pang Panitikan sa Panahong Ito * Bulong - gamit sa pangkukulam o pang-eengkanto Halimbawa: Bulong bago ang pagputol sa punungkahoy Huwag magalit kaibigan ***127*** --- Filipino Aming pinuputol lamang Ang sa ami/y napag-utusan. Ritwal - (sinasabing pinagmulan ng dula ang mga ritwal) Hinaklaran - ritwal ng mga binukid sa Bukidnon Langka-baluang - mimetikong sayaw ng mga Tausog Khenlusong-mimetikong sayaw ng mga Subanen na nagpapakita ng panggagaya sa kilos ng mga ibon Gayeph - ritwal-sayaw ng mga Subanen.Isinasagawa bilang pantaboy masasmang espititu at panawagan naman ng mabuting espiritu Kdal iwas - mimetikong sayaw ng mga Tibol, Ito ay naglalarawan ng panggagaya ng mga kilos ng isang unggoy. ### PANAHON NG KASTILA #### Mga Akdang Nauukol sa Relihiyon at Kabutihang Asal Doctrina Cristiana - unang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593. Ipinalimbag ng mga paring Dominiko. Taong 1946, nabili ito ni William H. Schab na inilok naman kay Lessing J. Rosenwald at sinasabing binili sa halagang $5,000.00. Nuestra Señora del Rosario - ikalawang aklat panrelihiyon na sinulat ni P Blancas de San Jose Pasyon - naglalaman ng buhay at pasakit ni Hesukristo Barlaan at Josaphat - kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas, akda ni Fr. Antonio de Borja Urbana at Feliza - sinulat ni Fr. Modesto de Castro Mga Aklat Pangwika * Arte Reglas de la Lengua Tagala - sinulat ni Padre Francisco Blancas de San Juse noong 1610. * Compendio del Arte de la Lengua Tagala - ipinalimbag ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703. * Ensayo de Gramatika Hispano Tagala - lumabas noong 1745; sinulat ni Padre Minguella * Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalo - sinulat Jose Campomanes * Vocabulario de la Lengua Tagala - unang diksyonaryong nalimbag noong 1613; sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura * Diccionario Tagalog - Espanol - ni Rosalia Rosano; nalimbag noong 1854 * Diccionario Hispano - Tagalo-ni Pedro Serrano Laktaw; nalimbag noong 1889 #### Mga Dula Karagatan - mimetikong laro ng mga Tagalog, ginaganap kung may lamay upang aliwin ang mga namatayan. Ang Pangangaluluwa - dulang panrelihiyon sa Katagalugan, ginaganap sa mga bahay-bahay tuwing bisperas ng Araw ng mga Kaluluwa Duplo - mimetikong laro na ginagawa sa lamay o pasiyam, isang tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagtula. ***128*** --- ## Filipino * Juego de Prenda - larong isinasagawa kapag may pasiyam * Moro-moro; binubuo ng mga karakter na Kristyano at Muslim. * Senakulo - dulang panrelihiyon tuwing kwaresma o Mahal na Araw. Ito ay pagsasadula ng buhay at pagpapakasakit ni Hesus. * Pananapatan - tradisyon ng mga Katoliko tuwing Mahal na Araw sa mga pabasa. * Tibag - tampok ang paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Hesus. * Salubong - pagsasadula ng pagsasalubong ng nabuhay na muling si Kristo at ng Birheng Maria sa Linggo ng Pagkabuhay * Karilyo tinatawag ding shadow play; dulang binubuo ng mga papet mula sa mga ginupit na karton. * Zarzuela isang anyo ng dulang musikal; hango ang taguri sa maharlikang palasyong La Zarzuela na malapit sa Madrid; dinala sa Pilipinas nina Cubero at Raguer. * Santacruzan - dulang panrelihiyon sa lansangan; inilalarawan ang paghahatid ng krus sa simbahan * Bulaklakan - ginagawa tuwing pasiyam; palasak ito sa Katagalugan ### Awit at Korido * Awit - binubo ng 12 pantig bawat taludtod (dodeca syllabic), may 4 na taludtod sa bawat taludturan andante, tungkol sa bayani at mandirigma ang paksa. tumatalakay din sa larawan ng buhay Hal.: Florante at Laura * Korido - binubuo ng 8 pantig bawat taludtod (octo syllabic), Allegro pananampalataya, alamat at kababalaghan ang pinapaksa Hal.: Ibong Adarna ### PANAHON NG PROPAGANDA #### Mga Tanyag na Manunulat at Akda sa Panahong ito Jose P. Rizal * Sa Aking mga Kababata - tulang sinulat ni Rizal sa Tagalog noong siya ay walong taong gulang. * Liham sa mga Babaeng Taga-Malolos - sinulat upang lalong pag-alabina ang damdamin ng mga kababaihan sa kanilang paninindigan at pagnanais na matuto. * Noli Me Tangere - Itinuturing na nobelang romantiko, nilimbag sa Madrid sa tulong ni Maximo Viola. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang ito ang akdang "Uncle Tom's Cabin". Ito ay nangangahulugang "Huwag Mo Akong Salingin" * El Filibusterismo - nobelang tumatalakay sa sakit ng lipunan. *420* --- * Brindis - isang talumpating handog ni Rizal sa dalawang Pilipinong Pintor na nanalo sa Madrid. * Kundiman - tulang nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa darating na panahon maging sanhi man ng kamatayan. * Mi Ultimo Adios - itinuturing na obra maestra ni Rizal. Ang unang nagsalin nito sa Tagalog ay si Andres Bonifacio. * Ala Juventud Filipina - sinulat noong 1879 at nagkamit ng gantimpala sa timpalak- panitikan.Isinasad sa tulang ito na ang kabataan ang pag-asa ng bayan #### Graciano Lopez Jaena * Fray Botod-nobelang naglalarawan sa isang prayleng dumating sa Pilipinas na nooy payat subalit nang tumagal ay lumaki at nabundat ang tiyan. Inilalarawan sa akdang ito ang pagiging gahaman ng mga prayle. * La Hija del Prayle - isang nobelang nang-uuyam sa kayabangan at kahalayan ng mga prayleng Kastila. * Ang Kahirapan sa Pilipinas - tumutuligsa sa maling pamamalakad sa pamahalaan at sa maling sistema ng edukasyon. * Ang Lahat ng Pandaraya - akdang tungkol sa dalagang nagyayabang na makakapangasawa ng isang lahing kastilang galing sa maharlikang pamilya kayat siya ay magiging ganun din ngunit anak lamang pala ng isang hamak sapatero sa Madrid. #### Marcelo H. Del Pilar * Ang Cadaquilaan ng Dios - isang sanaysay na tumuruligsa sa mga prayle. * Caiingat Cayo - isang kritika na nagtatanggol sa nobela ni Rizal (Noli Me Tangere) sa ginagawang panunuligsa ni Padre Jose Rodriguez. * Dasalan at Tocsohan - akdang tumutuligsa sa mga prayle. Nagsilbing panggising sa damdamin ng mga Pilipino. * Ang Kalayaan - nobelang naglalaman ng mga huling habilin sa mamamayang Pilipino. Hindi ito natapos dahil kanyang pagpanaw #### Pedro Paterno * Ninay - kauna-unahang nobelang naisulat sa wikang Kastila. Inilalarawan ang lipunang Pilipino. * A Mi Madre -tulang nagpapahayag ng kalungkutan kung wala ang ina at ito ay hinahanap-hanap. #### Antonio Luna * Por Madrid-tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo. * Impressiones - kinapapalooban ng isinatagalog na "Karamelo" * Noche Buena - inilalarawan ang aktwal na pamumuhay ng mga Pilipino. ***130*** ``` An image representing multiple pages of a review material was transcribed. The text was mainly in Filipino and some English phrases, and included a variety of notes, headings, questions and answers, and sections on literature from the Philippines. Extracted all visible text and placed it in a structured markdown format using headings, subheadings, bullet points, definition lists, and other features. This structured markdown should be useful for study purposes. The math formula that was provided as an example was not necessary for this task and can be removed for better understanding