pagpoproseso-ng-impormasyon-para-sa-komunikasyon.pdf

Full Transcript

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON 1. PAGPILI NG BATIS (SOURCES NG INPORMASYON) Napakahalagang piliing mabuti ang mga sources o mga impormasyon na nakalap sapagkat nagkalat ang mga iba’t ibang mga sources na pawang hindi balido...

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON 1. PAGPILI NG BATIS (SOURCES NG INPORMASYON) Napakahalagang piliing mabuti ang mga sources o mga impormasyon na nakalap sapagkat nagkalat ang mga iba’t ibang mga sources na pawang hindi balido ang mga ideya o paksa. PAGPILI NG BATIS (SOURCES NG INPORMASYON) Primaryang Batis: Naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa kasaysayan. Sekondaryang Batis: Ito ang batayang ang impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng kasaysayan. 2. PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON Ang Pagbasa ay isang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Nagbabasa ang isang tao upang makakuha ng impormasyon na kinakailangan sa aralin o paksang nais talakayin. Mahalaga ang pagbabasa at pananaliksik upang mas lalong makakuha ng mga kaalamang kinakailangan sa isang akda. 3. PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY NG IMPORMASYON Ano nga ba ang pagbubuod at pag-s ng impormasyon? Gaano ba ito kahalaga? Mula sa salitang buod na nangangahulugang siksik at pinaikling bersyon ng teksto at upang mas maunawaan ito ng mga mambabasa. Ang mga pangunahing ng pagbubuod ay gaya ng mga sumusunod; Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa; Hindi inuulit ang mga salita ng may akda, bagkus ay gumagamit ng sariling salita. 3. PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY NG IMPORMASYON Samanatala, ang pag-uugnay naman ay ang kaayusan ng mga salita at pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa nilalaman ng isang teksto. Samakatuwid, ang pagbubuod at pag-uugnay ay magkaugnay sapagkat upang makapagbuod ay kailangang pag-ugnay-unayin ang mga ideyang nakalap upang mabuo ang pinakapunto. Napakaraming gawain ang nangangailangan ng pagbubuod at pag-uugnay ng impormasyon, gaya na lamang ng paaralan tulad ng paggawa ng research o tesis at marami pang iba. Napakahalaga nito sapagkat mas napapabilis nito ang mga gawain na kailangang maisagawa. 4. PAGBUBUOD NG SARILING PAGSUSUSRI BATAY SA IMPORMASYON Ang pagbubuod ng nakalap na impormasyon ay mahalaga dahil dito nakikita ang mga importanteng impormasyon na nakuha. Pinapaikli ang teksto o paksa na nabuo at gagawa ng isang buod na naaayon sa iyong sariling pagkaunawa upang mas lalong maunawaan ang tekstong binasa. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO 1. TSISMISAN Ang tsismis ay isang kulturang Pilipino na kung saan bago pa man dumating ang mga kastila ay umusbong na ito. Ang pag-uusap ng dalawa o higit pang tao na kung saan tinatalakay ang anumang mga bagay na mapag- isipan o nais na talakayin. 2. UMPUKAN Ang paggawa ng isang tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. Ginagamit din ang umpukan para ilarawan ang isang pangkat, sa ngayon maari rin na ang “umpukan” ay nangangahulugang buhol. 3. TALAKAYAN Ito ay karaniwang gawain sa loob ng klase sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran sa pormal at impormal na talakayan. 4. PAGBAHAY-BAHAY Isang gawain pagpupunta sa iba’t-ibang lugar at tirahan upang masiyasat ng mga bagay-bagay na maaring makakuha ang impormasyon, halimbawa ang pagbabahay-bahay ng mga pulis sa isang barangay upang magsagawa ng random drug test, ang pagbahay- bahay kaugnay sa pag-alam ng kung ilan ang miyembro sa isang pamilya. 5. PULONG BAYAN Ang pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbangin at maging ang mga inaasahang pagbabago. ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag- usapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito ay maaaring sabihan ng kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Ito ay paraang pangkomunikasyon ng mga Pilipino. 6. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL Ito ay komunikasyong di ginagamitan ng salita o mga titik. Ginagamit ang mga pandama at mga “senses” upang maipabatid ang nais sabihin. Halimbawa ay ang pagngiti na nangangahulugang gusto mo ang mga pangyayari. Ang pag-iling ay nangangahulugang hindi ka sang-ayon sa sinasabi ng iyong kausap. 7. MGA EKSPRESYONG LOKAL Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohikal iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang tao hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser