Modyul sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
Document Details
Uploaded by FearlessMesa
Sultan Kudarat State University
Gracelyn C. Altaya, Anesa P. Mangindra, Armando S. Dardo, Jr., Eufemia B. Porque, Divina T. Feliciano, Dayanara P. Besa
Tags
Summary
This is a module on contextualized Filipino communication. It covers basic knowledge of the language, information processing, Filipino communication practices, current local and national issues, and specific communication scenarios. The module is aimed at undergraduate students.
Full Transcript
lOMoARcPSD|8753384 Modyul SA Kontekstwalisadong Komunikasyon SA Filipino BSED English (Sultan Kudarat State University) Scan to open on Studocu Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downl...
lOMoARcPSD|8753384 Modyul SA Kontekstwalisadong Komunikasyon SA Filipino BSED English (Sultan Kudarat State University) Scan to open on Studocu Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Gracelyn C. Altaya, MAT Anesa P. Mangindra, PhD Armando S. Dardo, Jr. EdD Eufemia B. Porque, MAED Divina T. Feliciano, MAT Dayanara P. Besa, MAT Mga Compiler/Editor Oktubre 2020 i Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Paunang Salita Ang modyul na ito sa Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino ay nakabatay sa mga silabus na inihanda at inilabas ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 4, series of 2018. Sa paghahanda at pagsulat ng modyul na ay isinaalang-alang ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral. Nakapaglilinang ito ng mga kasanayan sa komunikasyon ng mga estudyanteng hinuhubog nang holistiko upang maging matatas sa antas ng diskurso sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino lalo na sa paraang pasalita at sa paggamit ng iba’t ibang porma ng midya na akma sa mga kahingian ng ika-21 siglo. Sa pamamagitan ng asignaturang Kontekswalisadoong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL, mapalalawak at mapalalalim ng mga mag-aaral ang kani-kanilang pang-araw-araw na pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao sa komunidad. Nakatuon ang modyul na ito sa pagpoproseso ng impormasyon para sa komunikasyon, mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino, mga napapanahong isyung lokal at nasyonal at mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Gayundin sa makrong kasanayang pakikinig at pagsasalita at paggamit ng modernong teknolohiya o midya na makabuluhan sa iba’t ibang antas at larangan. Ang modyul na ito ay binubuo ng limang kabanata. Ang Kabanata I ay sumasaklaw sa Batayang Kaalaman sa Wika. Natutungkol naman ang Kabanata II sa Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon. Ang Kabanata III naman ay mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Ang Kabanata IV naman ay sumasaklaw sa Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal. Nakatuon naman ang Kabanata V sa Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon. Ang bawat kabanata naman ay binubuo ng pangkalahatang pananaw. At ang mga aralin sa bawat kabanata ay binubuo ng apat na komponent: paunang talakayan, layunin, talakayan ng paksa, at mga pagtataya. Sa komponent ng Layunin ay inilahad Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 ang mga inaasahang matutunan ng mga estudyante sa bawat aralin. Ang babasahin o talakayan ng paksa ay bahaging naglalahad ng detalyadong pagtalakay sa Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 pangunahing paksa. Ang pagtataya naman ay susukat sa pag-unawa ng mga mag- aaral. May iilang rubrik na ginamit para masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ginawang kasanayan. Ang mga sagot sa pagtataya ay isusulat sa hiwalay na papel at huwag kaligtaang lagyan ng pangalan, kurso at seksiyon at petsa maging ng kabanata at aralin upang maging tiyak ang pagkakakilanlan. Sa bawat katapusan ng kabanata ng modyul ay makikita ang mga sangguniang ginamit at mga karagdagang babasahin. Sa kabuuan, ang mga komponent na ito ay naglalayong matiyak na ang modyul na ito ay magiging tulong sa mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Gracelyn C. Altaya, MAT Anesa P. Mangindra, PhD Armando S. Dardo, Jr. EdD Eufemia B. Porque, MAED Divina T. Feliciano, MAT Dayanara P. Besa, MAT Mga Compiler/Editor Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Talaan ng Mga Nilalaman Pahina Paunang Salita ii Talaan ng Mga Nilalaman iv KABANATA I- MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA -------------------- 1 Aralin 1. Mga Kahulugan at Kahalagahan ng Wika ------------- 2 Buod ng Aralin 4 Pagtataya 4 Aralin 2. Kasaysayan ng Wikang Pambansa --------------------- 5 Buod ng Aralin 7 Pagtataya 8 Aralin 3. Pagtaguyod ng Filipino sa Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa------------------------------------ 10 Buod ng Aralin 19 Pagtataya 19 Mga Sanggunian 21 KABANATA II – PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON -------------------------------------------------- 22 Aralin 1. Komunikasyon 23 Buod ng Aralin 27 Pagtataya 28 Aralin 2. Pagpili ng Batis ng Impormasyon ------------------------ 29 Buod ng Aralin 32 Pagtataya 33 Aralin 3. Pamamaraan ng Pagbabasa at Pananaliksik ng Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Impormasyon 34 Buod ng Aralin 45 Pagtataya 46 Aralin 4. Pagbubuod at Pag-uugnay ng Impormasyon--------- 47 Buod ng Aralin 50 Pagtataya 50 Mga Sanggunian 53 KABANATA III – MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO ------------------------------------------------------------- 54 Aralin 1. Tsismisan 55 Buod ng Aralin 56 Pagtataya 57 Aralin 2. Umpukan 58 Buod ng Aralin 59 Pagtataya 59 Aralin 3. Talakayan 59 Buod ng Aralin 61 Pagtataya 62 Aralin 4. Pagbabahay-bahay ------------------------------------------ 62 Buod ng Aralin 64 Pagtataya 64 Aralin 5. Pulong-Bayan 65 Buod ng Aralin 66 Pagtataya 66 Aralin 6. Ekspresyong Lokal ------------------------------------------- 66 Buod ng Aralin 67 Pagtataya 67 Mga Sanggunian 68 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 KABANATA IV- MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL ----------------------------------------------------- 69 Aralin 1. Korapsiyon 70 Buod ng Aralin 73 Pagtataya 73 Aralin 2. Konsepto ng Bayani----------------------------------------- 75 Buod ng Aralin 76 Pagtataya 76 Aralin 3. Kalagayan ng Serbisyong Pabahay, Edukasyon, Pangkalusugan, at Transportasyon --------------------- 77 Buod ng Aralin 85 Pagtataya 86 Aralin 4. Bagyo 86 Buod ng Aralin 95 Pagtataya 95 Aralin 5. Manggagawang Kontraktuwal ---------------------------- 96 Buod ng Aralin 97 Pagtataya 97 Aralin 6. Magsasaka 98 Buod ng Aralin 99 Pagtataya 100 Aralin 7. Kabataang Manggagawa ----------------------------------- 100 Buod ng Aralin Mga Sangguni Pagtataya an Aralin 8. Migrasyon Buod ng Aralin Pagtataya Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 101 101 102 103 104 104 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 KABANATA V - MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON 106 Aralin 1. Lektyur at Seminar ------------------------------------------ 107 Buod ng Aralin 108 Pagtataya 108 Aralin 2. Simposyum/Kumperensiya -------------------------------- 108 Buod ng Aralin 110 Pagtataya 110 Aralin 3. Round Table at Small Group Discussion -------------- 110 Buod ng Aralin 111 Pagtataya 112 Aralin 4. Pagsagawa ng Pulong/Miting/Asembleya ------------- 112 Buod ng Aralin 113 Pagtataya 113 Aralin 5. Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat 114 Buod ng Aralin 115 Pagtataya 115 Aralin 6. Video Conferencing ------------------------------------------- 116 Buod ng Aralin ______________________________________________ 116 Pagtataya__________________________________________________ 117 Mga Sanggunian_____________________________________________ 117 Pangkalahatang Sanggunian __________________________ 118 Apendises__________________________________ 121 Silabus____________________________________ 121 Certification________________________________ 137 Endorsement ______________________________ 138 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 KABANATA I MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA Sa lahat ng nilalang ng Diyos, tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang makapagsalita kaya’t bawat pangkat ng mga tao sa daigdig ay may kanya- kanyang wikang nagsisilbing pagkakakilanlan. Sa pagsasalita ng mga tao, Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 anumang pangkat ang kinabibilangan ay may mga komong gamit, katangian at kahalagahan. Maliban sa pagsasalita, ginagamit din ang wika sa pagsusulat, ito man ay sa paraang makaluma o makabago. Sa kahit anumang transaksiyong personal, akademiko at panlipunan ay kaagapay natin ang wika sa pagsasakatuparan ng mga ito. Kung kaya’t masasabing hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika saan mang panig ng mundo. Sa Pilipinas, ang mga mamamayang Pilipino ay nagkakabuklod-buklod sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga wikain. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng mga pambansang wikang Filipino na pinagsikapang itaguyod ng mga naunang batikang lider na may malasakit para sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa. Ang nasabing hakbangin ay isang malaking bahagi ng ating kasaysayan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang wika ay humaharap din sa mga pagsubok tulad ng tao. Isa sa mga halimbawa nito ay ang kinaharap ng wikang Filipino sa nakalipas na mga taon – ang muntik nang pagpaslang sa wikang tagapagbuklod ng mga Pilipino. Ngunit dahil sa kahalagahan ng wikang Filipino, ipinaglaban ito ng mga grupong may malasakit sa pambansang pagkakakilanlan. Kaya, bilang isang kabataang Pilipino, isang kaaya-ayang katangian ang pagkakaroon ng malawak at sapat na kaalaman tungkol sa wika. Kung kaya’t inihanda sa kabanatang ito ang mga mahahalagang kaalaman at impormasyon na magsisilbing inspirasyon ng mga mag-aaral (sa Filipino) na pahalagahan ang wikang kaloob ng Maykapal. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 PANGKAlAHATANG LAYunin: 1. Matalakay ang mga batayang kaalaman tungkol sa wika tulad ng mga kahulugan, at kahalagahan ng wika, at 2. Magbalik-tanaw tungkol sa kasaysayan ng wikang Pambansa at sa magiging kinabukasan nito sa mas mataas na antas ng edukasyon at lagpas pa. ARALin 1- MGA KAHUluGAN At KAHALAGAHAN NG WIKA Ang wika ay ang ginagamit sa komunikasyon. Isa ito sa iniingatang yaman ng isang kultura at lahi upang mapahusay at mapadali mga pangangailangan sa lipunan gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang kalinangan. Sa araling ito, ating alamin ang mga kahulugan at kahalagahan ng wika upang ating mabatid ang natatagong kapangyarihan nito. Mga Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Naipaliliwanag ang alinman sa mga kahulugan ng wika, at 2. Napahahalagahan ang wika ng kinabibilangang pangkat-etniko. Pagtalakay sa Paksa Ano ba ang wika? “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa isang kultura,” ayon kay Henry Gleason. Lahat ng wika sa mundo ay magkatulad ng patern ng balangkas. Nagsimula ang wika sa mga set ng ponema. Ang mga ponemang ito at pinagdugtong upang makabuo ng morpema. Ang mga morpema naman ang ginagamit upang makabuo ng pangungusap upang magamit sa diskurso. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Nagiging arbitraryo naman ito sapagkat pinagkasunduan ng mga kasapi ng kultura ang katawagan at kahulugan sa mga konsepto. Higit sa lahat, ginagamit ito ng isang kultura dahil nag-ugat ang wika rito. Nakabatay sa kultura ang lahat ng mga salita at pahayag na matatagpuan sa isang wika. Kapapansinan na mahirap isalin sa ibang wika ang katawagan ng isang kultura. Halimbawa na rito ang pinakbbet ng mga Ilocano na kapag isasalin sa ibang wika sa Pilipinas ay walang maaaring itumbas. “Ang pagkatuto ng ibang wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa,” pahayag ni Charlemagne. Kapag nakapagbasa, nakapagsalita at nakauunawa ng ibang wika ang tao maliban sa kaniyang unang wika, natututo siya ng bagong mga kaisipan, ideya, kultura at mga bagong sistema na makatutulong upang mapagaan at mapahusay ang kaniyang buhay. Saad naman nina Sampson et.al., “ang wika ay isang obra maestra ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven o di kaya’y ang kahanga-hangang pagtatanghal ng mga gymast sa Olympic. Ito ay isang sining. Lumilikha ito ng kagandahan, pasalita man o pasulat”. Makulay, malikhain at malalim ang katangian ng wika dahil likha ito ng talino at aking talento ng tao. Bawat wika ay tumatatak ang gamit nito at nangingibabaw ang angking kakanyahan nito. Wika naman ni Prof. Virgilio S. Almario, “ang wika mismo ang patunay na tayo’y may katutubong kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila ng mahanang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa ating lahi.” Buhay na buhay ang wikang Filipino na nagpapakita ng karanasan, mithiin, karanasan at kagalingan ng mga Pilipino. Sa mga ibinigay na pagpapakahulugan sa wika, mapapansinan na ang wika ay sining ng isang kulturang lumikha nito na nagiging tulay upang magkaunawaan, magkaroon ng karunungan at makamit ang mga mithiin at mga gumagamit nito kung kaya, tala rin ito ng kaalaman, paniniwala, lunggati, karanasan, pangarap at kalinangan. Samantala, hindi mapasusubalian ang papel ng wika sa sarili, lipunan, kultura, kapayapaan, pagkakaisa at iba pa. Narito ang sumusunod na mga tiyak na kahalagahan ng wika: a. Pinakapangunahing kailangan ito upang maipahayag natin ang damdamin, saloobin kaisipan at iba pa. b. Nagbubuklod ito ng bansa. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 c. Nag-iingat at nagpapalaganap ito ng kaalaman. d. Lumilinang ito ng malikhaing pag-iisip. e. Nagpapalaganap ng kaalaman paglalakbay, pagsasalin, pagtatala ng midyum ng karunungan. Buod ng Aralin Sa tinalakay na mga kahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang dalubhasa, kapapansinan ito ng mga komong pananaw. Sa pangkalahatan, ang wika ay ang ginagamit sa komunikasyon. Isa ito sa iniingatang yaman ng isang kultura at lahi upang mapahusay at mapadali mga pangangailangan sa lipunan gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang kalinangan. Nabatid din na talagang hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika na nabuhay sa kabila ng mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa ating lahi.” Pagtataya Ipaliwanag Mo…. Pumili ng isang kahulugan ng wika batay sa mga tinalakay at ipaliwanag ito. Magbigay ng dalawang tiyak na halimbawa upang maging lubos na kapani-paniwala ang iyong pagpapaliwanag. Makikita sa ibaba ang pamantayan. Pamantayan sa Pagtataya Kawastuhan ng Pagpapaliwanag 10 Kaangkupan ng Dalawang Tiyak na 10 Halimbawa Kawastuhan ng Gramatika 5 KABUOAN 25 Magsulat Ka…. Isulat gamit ang sariling diyalekto ng isang awit o tula na matatagpuan lamang sa iyong pangkat-etniko. Pagkatapos, gawan ito ng buod na nakasulat na sa wikang Filipino. (20 puntos) Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 ARALin 2- KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Alam mo ba ang pinagdaanan ng wikang pambansa ng Pilipinas? Marami sa ating mga Pilipino ang may kakapusan sa kaalaman pagdating sa ating wikang pambansa sapagkat mas lantad tayo sa paggamit ng wikang Ingles. Nakababahala ang ganitong pag-iisip nating mga Pilipino sapagkat hindi uunlad ang wikang Filipino kung salat tayo sa kaniyang pinagdaanan, tagumpay maging ng kanilang adhika. Sa araling ito, maglalakbay tayo sa kasaysayan ng ating wikang pambansa. Mga Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nakikilala ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng wikang pambansa, at 2. Napatutunayan ang katangian ng mga naging wikang pambansa ng Pilipinas. 3. Napahahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng pagsusulat. Pagtalakay sa Paksa Idineklara sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 na ang Wikang Opisyal ng Pilipinas ay wikang Tagalog. Ginamit ang wikang ito sa mga opisyal na komunikasyon sa pamahalaang itinatag ng mga Pilipino. Ito rin ang naging simbolismo na nakawala na ang Pilipinas sa pananakop ng mga Espanyol. Nang masakop naman ng Amerikano noong 1901 ang Pilipinas, ginamit na panturo sa paaralan ang wikang Ingles ayon sa nakasaad sa Batas 74 ng Phil. Commission. Bunsod nito, nagkaroon ng kabatiran sa wikang Ingles ang mga Pilipino kung kaya marami na rin ang gumamit nito maging sa pagsulat ng mga panitikan. Sa panahon naman ng Komonwelt, naglibot sa buong Pilipinas si Pangulong Manuel L. Quezon upang malaman ang sitwasyon ng bansa. Walang isang wika na komon sa lahat ng mga Pilipino kung kaya hindi siya Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 naunawaan ng kaniyang mamamayan. Kaya naman, isinaad sa Art. 9 Sek. 3 ng 1935 na Konstitusyon na magkakaroon ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa. Upang maisakatuparan ito, itinatag sa ilalim ng Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na siyang mamamahala sa pagpili ng isang wikang pambansa. Humirang si Pang. Quezon ng kapulungan na pinangunahan ni Jaime C. De Veyra na taga-Samar bilang Direktor, Cecilio Lopez (Tagalog) bilang Kalihim at Punong Tagapagpaganap, Santiago A. Fonacier (Ilokano) bilang Kagawad at mga kasamahang sina Filemon Sotto (Cebuano), Felix R. Salas Rodriguez (Hiligaynon), Casimiro F. Perfecto (Bikolano) at Hadji Butu (Muslim). Nagkaroon pa ng karagdagang kagawad na sina Lope K. Santos (Tagalog), Jose I. Zulueta (Pangasinense), Zoilo Hilario (Kapampangan) at Isidro Abad (Cebuano) dahil sa sumakabilang buhay si Hadji Butu at may kapansanan naman si Felimon Sotto. Nagkaroon ng pamantayan sa pagpili ng wikang pambansa ang SWP (Austero, C. et al, 2014). Nararapat na ginagamit ito sa sentro ng kalakalan, industriya at politika ng mayorya ng mamamayang Pilipino. Isa ring pamantayan ang paggamit ng wika sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan. Higit sa lahat, ang wika ay may pinakamaunlad na gramatika at mekanismo. Batay sa naging pamantayan, nakasaad sa ginawang resolusyon ng SWP noong Nobyembre 9, 1937 na ang Tagalog ang napiling wikang pambansa. Sinimulan ito sa pagtuturo sa paaralang pampubliko at pribado noong 1940. Dahil dito, bumuo si Lope K. Santos ng alpabeto na kaniyang tinawag na ABAKADA. Ang ABAKADA ay binubuo ng 20 titik na ibinatay sa Baybayin. Ang pagbigkas ng mga titik ay may kasamang patinig na “a”. Kalaunan, ang Wikang Pambansa ay naging Opisyal na Wika na rin ng bansa noong Hulyo 4, 1946. Nagkaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29 hanggang Abril 4 bilang pagbibigay ng pagpapahalaga kay Francisco Baltazar na tinaguriang “Ama ng Panitikang Pilipino”. Kalaunan, inilipat ang pagdiriwang ng wikang pambansa sa Agosto bilang pagkilala kay Manuel L. Quezon na “Ama ng Wikang Pambansa”. Tinawag naman na Pilipino ang Wikang Pambansa noong Agosto 13, 1959 sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7. Pinalitan ang katawagan sa Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Wikang Pambansa upang tuluyang kumatawan ito sa mga Pilipino at hindi lamang sa isang pangkat-etniko. Nagsagawa ng pag-usig si Kongresista Inocencio Ferrer sa SWP sapagkat ang Pilipino ay isang purista. Sinasabing Tagalog pa rin ang wikang pambansa dahil lahat ng katangian ng wikang Pilipino ay katulad na katulad sa Tagalog. Bunsod nito, nagpetisyon sa hukuman ang Pro-Hiligaynon Society na isang pangkating pangwika na pigilin ang pagpapatupad ng Pilipino. Hindi man nagtagumpay ang petisyon subalit naging simula ito upang muling suriin ang wikang pambansa. Tinawag naman na Filipino ang wikang pambansa sa Konstitusyong 1973. Ang letrang “F” ay kumakatawan sa mga iba pang wika sa Pilipinas maliban sa Tagalog. Nakabatay kung gayon ang Filipino sa mga wika sa Pilipinas kung kaya, nagkaroon ng pagpapapasok ng mga salita at pagkilala sa katangian ng mga wika sa bansa. Nagkaroon din ng pagpasok ng mga talasalitaan mula sa banyagang wika bunsod sa pagpasok ng teknolohiya at siyensiya. Ito ang naging sanhi ng pagrerebisa ng alpabeto. Dinagdagan ng 11 titik na C, CH, F, J, LL, N, Q, RR, V, X, Z upang mahiram ang mga salitang banyaga. Tinawag itong Pinagyamang Alfabeto na binubuo ng 31 titik. Nagkaroon naman ng pagbabago sa SWP. Tinawag itong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na may layuning pangalagaan, paunlarin, pag-aralan pa ang wikang Filipino upang tuluyan itong maging intelektuwalisado. Isinaad sa Artikulo XIV seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Fiipino. Ito ay lilinangin at payayabungin batay sa umiiral na mga wika sa Pilipinas. Nagkaroon naman ng pagbabago sa alpabeto upang mas mapahusay ito. Tinawag itong Alpabetong Filipino na binubuo ng 28 letra. Binibigkas ang mga titik nito nang pa-Ingles maliban sa isang titik na binibigkas nang pa-Espanyol. Buod ng Aralin Bago naabot ang adhikaing magkaroon ng pambansang wikang walang bahid ng rehiyunalismo, dumaan pa ito sa mahabang proseso. Tumatak sa kasaysayan ang naging ebolusyon ng wikang Filipino. Patunay lamang ito ng pagsisikap ni Pangulong Quezon para sa pagkakaroon ng wikang pambansa na tagapagbuklod ng buong sambayanang Pilipino. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Pagtataya Kilalanin Mo…. Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. (2 puntos bawat bilang) _1. Siya ang “Ama ng Wikang Pambansa”. a. Manuel Roxas c. Manuel Dialogo b. Manuel Quezon d. Manuel Hidalgo _2. Ito ang artikulo ng Saligang Batas ng 1987 na nagsasaad ng wikang pambansa ng Pilipinas. a. Artikulo XIV c. Artikulo XVI b. Artikulo XV d. Artikulo XVII _3. Siya ang unang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa. a. Cecilio Lopez c. Jaime C. de Veyra b. Casimiro Perfecto d. Hadji Butu _4. Ito ang tawag sa pambansang wika noong 1959. a. Tagalog c. Pilipino b. Filipino d. Wikang Pilipino _ 5. Ito ang pinagbatayan ng wikang Filipino. a. Tagalog c. mga wika sa Pilipinas b. Pilipino d. mga dayuhang wika _ 6. Ito ang Saligang Batas na nagsasaad na Filipino ang kasalukuyang wikang pambansa ng Pilipinas. a. Saligang Batas ng 1935 c. Saligang Batas ng ng 1987 b. Saligang Batas ng 1973 d. Saligang Batas ng Biak- na-Bato _7. Ito ang kasalukuyang alpaebto ng wikang Filipino. a. Baybayin c. Pinagyamang Alfabeto b. ABAKADA d. Alpabetong Filipino _8. Alin ang hindi wasto tungkol sa ABAKADA? a. Binibigkas ito na may kasamang patinig na “i”. b. Pangatlong alpabeto ito ng bansa. c. Binubuo ito ng 20 na titik. d. Binuo ni Lope K. Santos Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 _9. Alin ang hindi totoo sa wikang Filipino? a. binubuo ng 28 na titik b. pambansang wika ito ng Pilipinas c. nakabatay ito sa mga wika sa bansa d. binibigkas nang pa-Ingles ang mga titik _10. Ano ang kasalukuyang tawag sa Surian ng Wikang Pambansa? a. Linangan ng Mga Wika sa Pilipinas b. Komisyon ng/sa Wikang Filipino c. Kagawaran ng Wikang Filipino d. Linangan ng Umuunlad na Mga Wika Patunayan Mo…. Ibigay ang mga hinihiling sa bawat bilang upang mapatunayan ito. (20 puntos) 1. Magbigay ng limang salita sa wikang Pilipino at ibigay ang kasingkahulugan nito sa wikang Filipino. 2. Magbigay ng dalawang salitang Cebuano na nasa talasalitaan ng wikang Filipino at gamitin ito sa pangungusap. 3. Magbigay ng dalawang salitang Ilocano na nasa talasalitaan ng wikang Filipino at gamitin ito sa pangungusap. 4. Magbigay ng dalawang salitang Hiligaynon na nasa talasalitaan ng wikang Filipino at gamitin ito sa pangungusap. Magsulat Ka…. Sumulat ng isang salaysay na may dalawang talata sa kahit ano mang paksa gamit ang lima sa nasaliksik na mga salitang Cebuano, Ilocano at Hiligaynon na nasa talasalitaan ng wikang Filipino. Makikita sa ibaba ang pamantayan. Pamantayan Puntos Wastong Paggamit ng mga Salita 10 Kawastuhan ng Gramatika 5 Wastong Pagbaybay (May isang 5 kabawasang puntos ang bawat maling baybay) KABUUAN 20 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 ARALin 3 - PAGTATAGUYOD NG FiliPINO SA MATAAS NA AntAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA Nagkaroon ng mga hakbang ang pamahalaan na paslangin ang mga asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo bilang pagbabawas ng mga kukuning asignatura ng mga mag-aaral. Ang hakbanging ito ay nakapagbigay ng pangamba sa mga guro sa Filipino at sa estado ng wikang Filipino lalo na ang paggamit nito sa akademya at sa pampropesyonal na larangan. Tatalakayin sa araling ito ang mga binuong konseptong papel at petisyon ng Tanggol Wika at mga unibersidad na nanguna upang manatiling pag- aralan ang asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo upang magamit pa sa mas mataas na antas ng edukayon. Mga Tiyka na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nabubuod ang mga petisyon na ginamit sa pagtataguyod ng wikang Filipino, 2. Nabibigyan ng patunay ang mga siniping pahayag mula sa mga ginamit na posisyong papel sa pagtatanggol ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, at 3. Nakasusulat ng teksto sa Matematika/Agham/Teknolohiya gamit ang wikang Filipino. Pagtalakay sa Paksa Sa simula ng pagpapatupad ng K-12 na kurikulum sa bansa, kumalat na ang balita tungkol sa plano ng pamahalaan na magkaroon ng pag-aalis ng mga aralin sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Kung kaya, may posibilidad na magkakaroon ng pagbubura ng Departamento ng Filipino sa kolehiyo. Bilang tugon sa nakaaalarmang balak, itinatag ang Tanggol Wika noong Oktubre 2, 2012. Ang unang hakbang na ginawa ng Tanggol Wika ay nagpalaganap ng petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng Senior High School, Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Junior High School at ng Revised General Education (RGEC) ng K-12 (San Juan, D.M., et al, 2018). Dumating nga ang kinatatakutan ng Tanggol Wika sapagkat lumabas ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 noong Hunyo 28, 2013 na naglalaman ng pagtatanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo para mapagaan ang kurikulum dahil mababawasan ang kukuning asignatura ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Sa panawagan ng Tanggol Wika na agapan ang pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo, nagpalabas ng mga posisyong papel ang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa na kaisa ng Tanggol Wika sa pangangalaga sa kapakanan ng wikang Filipino. Nagbigay naman ng pahayag ang UP Diliman University Council tungkol sa pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo. Ipinahayag nila ito sa isinagawang Midya Forum ng Tanggol Wika noong Hulyo 2014. Makikita sa ibaba ang buong hinalaw na pahayag mula sa https://upd.edu.ph/panatilihin-at-pagyamanin-ang-wikang- filipino-at-panitikan-sa-kolehiyo-pahayag-ng-up-diliman-university-council/. “…Nagkakaisa kaming tumitindig at nagpapahayag na dapat manatili – at patuloy na paunlarin – ang Wikang Filipino at Panitikan bilang mga batayang kurso sa General Education Curriculum sa kolehiyo. Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan, anuman ang kanilang kurso, disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay. Mataas ang pagpapahalaga ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Diliman sa wikang Filipino at panitikan bilang kapwa mga asignatura at disiplina na humuhubog sa makabayan, makatao, at demokratikong aspirasyon ng pamantasan at bansa. Bahagi ang pagsusulong ng wikang Filipino at panitikan sa mandato ng 1989 Patakarang Pangwika ng UP – ang pagtataguyod at pagsusulong ng wikang Filipino bilang wika ng pagtuturo, pagsasaliksik, at talastasang-bayan. Naninindigan kami na ang wikang Filipino ay buháy na teorya at praktikang mahalaga sa pagbubuo ng bansa. Naninindigan kaming higit na Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 mapaglilingkuran namin ang mas malawak na mamamayan gamit ang wikang Filipino. Mandato ng UP, bilang pambansang pamantasan, ang paglingkuran ang sambayanan, tulad ng nakasaad sa UP Charter (2008) o Republic Act 9500. Sa sarili naming bakuran, ang mga sentro at dalubhasaan tulad ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at ng Sentro ng Wikang Filipino, ay may mahaba at mayamang tradisyon ng pagsusulong ng wikang Filipino at panitikan bilang mga larangan at disiplina ng pagtuturo, pag-aaral, pananaliksik, at pakikipagtalastasang-bayan. Gamit ang wikang Filipino, patuloy na nakikipag-ugnayan ang UP sa iba’t ibang mga akademikong yunit, opisina, institusyon, at ahensiya sa loob at labas ng pamantasan. Nagluluwal ang mga ugnayang ito ng mapanuri, malikhain, makamamamayan, at makabayang programa at proyekto gamit ang wikang Filipino…” Dagdag pa rito, nagpalabas din ng apila ang Departamento ng Filipino ng DLSU, Manila na suriin at rebisahin ang desisyong pagtatanggal ng mga mandatoring asignaturang Filipino at Panitikan sapagkat may mga nalabag at nakaligtaan ito. Ginamit ng Tanggol Wika sa pag-apila ang posisyong papel ng DLSU. Makikita sa ibaba ang hinalaw na mga bahagi ng posisyong papel mula sa Tanggol Wika. Una, hindi nagpatawag ng publikong pagdinig o oral arguments ang Korte Suprema hinggil sa kasong ito, kaya’t ang desisyon ay hindi nakasalig sa komprehensibong pagpipingkian ng mga argumento na maaari sanang naisabalikat sa pamamagitan ng publikong pagdinig. Ikalawa, ang desisyon ng Korte Suprema ay tuwirang pagbalewala sa mandato ng Konstitusyong 1987 na nagbibigay-diin sa gampanin ng buong gobyerno sa pagtataguyod ng wikang pambansa, sariling kultura, kasaysayan, at nasyonalismo – mga paksang ubod at puso ng mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ikatlo, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement o pakikibahagi sa mga pamayanan ng iba’t ibang mga kolehiyo at unibersidad sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na dapat pinaglilingkuran ng mga institusyong pang- edukasyon sa bansa. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento sa mga pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan. Ikaapat, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili? Ikalima, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa. Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa mga unibersidad ang aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral sa mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya ng Natural Language Processing Department (CCS) kaugnay ng paglinang ng Machine Translation Software sa Filipino, pagsasalin ng iba’t ibang materyal tulad ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangan gaya ng Inhenyeriya, Sikolohiya, Batas, Komersyo, at Ekonomiks, at iba pang gawaing pananaliksik. Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa unibersidad, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng unibersidad sa bansa, sa mataas na antas ng pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura. Ikawalo, ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa – na mga balwarte ng intelektwalisasyon ng Filipino, ng pananaliksik sa sariling wika sa iba’t ibang larangan. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Ikasiyam, sa diwa ng international benchmarking, dapat bigyang-diin na ang pag-aaral ng wikang sarili at/o panitikan ay pawang bahagi rin ng mga required na asignatura sa mga unibersidad sa mga bansang gaya ng Estados Unidos, Germany, Sweden, Norway, Thailand, at Indonesia. Ikasampu, ang wikang English, Matematika, Siyensya, at Physical Education ay pawang itinuturo rin sa basic education, ngunit ngayo’y bahagi rin ng kurikulum sa kolehiyo sa ilalim ng K to 12, sa porma ng asignaturang Purposive Communication na sa esensya ay English for Specific Purposes; Mathematics in the Modern World; Science and Technology for Society; at Physical Education. Samakatwid, nararapat lamang na may Filipino at Panitikan din sa kolehiyo, sa diwa ng pagiging patas, balanse, at holistikong paghubog na siyang dapat ikintal sa General Education. Malinaw na hindi simpleng usapin lamang ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang adbokasing ito. Sa konteksto ng daan-daang taon ang pagsagpang sa Pilipinas ng kolonisasyong kanluranin, ang adbokasing ito'y pagsasalba na rin sa sa kolektibong identidad ng mga Pilipino, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa. Nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte Suprema sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera at kaniyang mga kasamahan laban kina Pangulong Benigno Simeon Aquino III at Punong Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon Dr. Patricia Licuanan. Binigyan ng pansin ng apila ang mga nalabag na probisyon ng Konstitusyon tulad ng Artikulo XiV, Seksiyon 6; Artikulo XIV, Seksiyon 14, 15 at 18; Artikulo XIV, Seksiyon 3; Artikulo II, Seksiyon 17; at Artikulo XIV, Seksiyon 2 at 3; Artikulo II, Seksiyon 18; at Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Konstitusyon 1987 at sa mga Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.” Ang nasabing 45- Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino kaya ito ang itinuturing na kauna- unahang petisyon na nakasulat sa wikang pambansa at opisyal na nakasulat sa G.R. No. 217451(San Juan, D.M., et. al, 2018). Kinatigan naman ng Korte Suprema ang apila ng Tanggol Wika kaya nagpalabas ito ng temporary restraining order (TRO) na pinalabas noong Abril 21, 2015. May mga pangkat na gustong kitlin ang bisa ng TRO. Subalit, hindi ito hinayaan ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino lalo na ng Tanggol Wika at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang KWF ay nagpalabas ng pahayag na pinamagatang “Pahayag Hinggil sa Pagtatanggal ng Temporary Restraining Order (TRO) sa CHED Memorandum Order Blg. 20 S. 2013 Kaugnay ng Desisyon ng Korte Suprema sa G.R. Blg. 216930, 217451, 217752, 218045, 218098, 218123 at 218465”. Nilagdaan ito ng mga guro sa unibersidad at kolehiyo sa buong bansa noong Nobyembre 2018 sa ipinatawag na forum ng KWF. Makikita sa ibaba ang mga buong hinalaw na pahayag mula sa www.kwf.gov.ph. SAPAGKAT, minamahalaga na noon pang panahon ni Rizal ang pagbuo at pagpapatatag ng isang nasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang wikang magbibigkis at magpapahigpit ng pagkakaisa ng mga mamamayan nito. SAPAGKAT, itinakda na noon pa man sa 1935 Konstitusyon na dapat bumuo ng wikang pambansang batay sa mga wikang katutubo upang maging tulay na wika ng lahat Filipino. SAPAGKAT, itinatakda at kinikilala noon pa man sa 1973 at 1987 Konstitusyon ang gampanin ng wikangFilipino bilang wikang pambansa at wika ng edukasyon ng gamiting wikang panturo ang wikang Filipino at opsiyonal ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo. SAPAGKAT, magkakapamilya ang mga katutubong wika ng Pilipinas, higit na epektibo ang wikang Filipino bilang tulay na wika ng bansa kaysa anumang banyagang wika. SAPAGKAT, napakahalaga na patuloy na isulong at palaganapin ang paggamit, pag-aaral, at pagkatuto ng Filipino mulang batayan, lalong mataas na edukayson hanggang sa patuluyang paggamit, pag-aaral at pagkatuto nito sa iba’t ibang larang tungo sa paglinang at sa pagpapaigting ng pambansang kamalayan at identidad. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 SAPAGKAT,humihirang ang Commission on Higher Education (CHED) ng mga sentro ng pagpapaunlad (center of development) at sentro ng kahusayan (center of excellence) sa programang Filipino na lunsaran ng guro sa Filipino, mahalaga na bumalik sa sistema ng edukasyon ang mga natutuhan ng mga guro ang maging angkop ang kasanayan nila sa antas ng kanilang pinaglingkuran para sa patuluyang pagpapakadalubahsa sa pag- aaral sa wika, panitikan, pagsasalin at malikhaing pagsusulit. SAPAGKAT, mahalaga ang mga gampanin ng mga gurong Filipino sa paglinang at pagpapalaganap ng pambansang kamalayan at identidad at isang banta sa kanilang kabuhayan at propesyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino at panitikan sa antas tersyarya. SAPAGKAT, kinakailangang magkaroon ng pagpapalakas sa paggamit at katatasan sa wikang Filipino sa pananaliksik at pagsasalin upang mapaunlad ang paggamit nito sa pandalubhasang larang. SAPAGKAT, isang realidad pa rin na Ingles ang nananatiling dominanteng wika sa lalong mataas na edukasyon at kaunti o hindi nabibigyan ng pagkakataon ang paggamit at paglinang ng Filipino at alinsunod sa mandating 1987 Konstitusyon, at upang higit na matutuhan at maisaloob ng mga mag-aaral ang wika at panitikang Filipino sa kanilang buhay at mas maunawaan ang mga serbisyong propesyonal gaya ng batas, medisina na inihahandog sa karaniwang Filipino. SAPAGKAT, sa pandaigdigang pananaw ang wikang Filipino ay isa ng wikang global at isang mahalagang kasangkapang pangkultura para sa mga gawaing diplomatiko at sangkap sa pagkakatatag ng Philippine Studies sa iba’t ibang unibersidad sa mundo. SAPAGKAT, bagaman kinikilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang diwa at mithiing reporma sa lalong mataas na edukasyon ng CHED Memorandum Order Blg. 20, s. 2013, minabuti ng KWF na magpatibay ng mga kapasiyahan at hakbanging higit na magtataguyod sa wika at panitikang Filipino sa pamamagitan ng: (a) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 14-26, s. 2014 na naglilinaw sa Tindig ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hinggil sa Commission on Higher Education Blg. 20, s. 2013 at may petsang 20 Hunyo 2014 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 (b) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 14-45 s. 2014, na nagpapatupad ng proyektong Paghahanda ng mga Pangunahing Sanggunian para sa General Education Course sa Tersyarya na nasa wikang Filipino at may petsang 12 Disyembre 2014. (c) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 15-28, s. 2015, na nagpapatibay sa Pambansang Progmara sa Intelektuwalisasyon ng Filipino (PPIF) at may petsang 1 Disyembre 2015. (d) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 15-37, s. 2015, na nagpapatibay sa Filipino bilang wika ng Lalong Mataas na Edukasyon at may petsang 2 Disyembre 2015 – na hindi binigyang pansin ng CHED. SAPAGKAT, ang CHED ay nagpatibay ng mga kautusan at pahayag na nagtataguyod sa mga kahilingan ng sambayanan kaugnay ng pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa lalong mataas na edukasyon sa pamamagitan ng: (a) Statement of the Commission on Higher Education on Filipino at the Revised General Education Curriculum (CMO No. 13. Seies of 2013) at may petsang 27 Nobyembre 2014. (b) CHED Memorandum Order Blg. 57, s. 2017 re: Policy on the offering of the Filipino subjects in all Higher Education Programs as part of the new General Education Curriculum per CHED Memorandum (c) CHED Memorandum para sa mga pangulo at puno ng lahat ng publko at pribadong higher education institution at sentral at rehiyonal na direktor re Classification on the offering of Filipino and Panitikan courses in all Higher Education programs at may petsang 11 Hulyo 2017 at (d) CHED Memorandum Order Blg.4, s. 2018 re Policy on the offering of Filipino and Panitikan subjects in all hiher institution programs as part of the new General Education Curriculum at may petsang Abril 2018. SAPAGKAT, nagpasya ang Korte Suprema hinggil sa konstitusyonal ng CHED Memorandum Order Blg. 13, s. 2013, na nakapaloo bilang ng konsolidadong pagpapasiya sa G.R. Blg. 216930, 217451, 217752, 218045, 218098, 218123, at 21846, at may petsang 9 Oktubre 2018. SAPAGKAT, sinusuportahan ng KWF ang tungkuling moral sa rekonsiderasyon ng mga petisyoner gaya ng Tanggol Wika at iba pa. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 IPINAPASIYA, gaya ng ginagawang pagpapasiya ngayon, na bilang tugon sa pasiya ng Korte Suprema ay mariing ipinaalala ng KWF ang tungkuling moral at legal ng pamahalaan na pangalagaan at pagyamanin ang mga karunungan ng bayan sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpapaunlad ng wika at panitikang pambansa, mariing isinigiit na magaganap lamang ang holistiko at makabayang edukasyon ng kabtaang Filipino kung ganap na babalikatin at isasaloob ng mga institusyon ng pamahalaan ang mga probisyong pangwikana inilatag sa 1987 Konstitusyon, at mariing ipinagugunita ang mga pagpapakahulugan sa Konstitusyon ay hindi nahahanggahan ng mga teknikalidad at bagkus dapat itong maging pagpupunyagi para sa pagtatanggol sa tunay na kalooban ng sambayanang Filipino. IPINAPASIYA din, na pinaaalalahanan ng mga administradorng Higher Education Institutions (HEIs) na nasa sugnay ng CHED Memorandum Order Blg. 13, s. 2013 ang pagtuturo ng mga kurso sa general education at electives gamit ang wikang Filipino. IPINAPASIYA pa, na matinding hinihimok ng KWF ang CHED na ituloy ang pagpapatupad ng nilalaman ng CMO Blg. 4, s. 2018 na nagpapanatili ng anim hanggang siyam na yunit ng Filipino at anim na yunit ng Panitikan at pagpapataas ng antas ng pagtuturo ng mga kursong ito. IPINAPASIYA din, na nararapat panatilihin ng HEIs ang mga guro sa Filipino at tiyaking hindi mababawasan ang kanilang karapatan bilang mga manggagawang pangkultura ng bansa at maging tagapanguna ang mga HEI sa pagpapalakas ng paggamit ng wikang Filipinosa pagtuturo ng mga kursong GEC. IPINAPASIYA sa wakas, na nararapat na ang mga administrador ng HEI ay pahintulutan at paglaanan ng higit na tangkilik ang mga guro sa Filipino upang makalahok sa mga pagsasanay para sa GEC, gaya ng isinasagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino, upang maging handa sa pagtuturo ng mga bagong kurso sa general education. Pinagtibay ng mga delegdo ng Pambansang Konstitusyon hinggil sa Wika at Panitikang Filipino sa Antas Tersyarya na ginanap noong 16 Nobyembre 2018 sa Bulwagang Romualdez, Gusaling Watson, Klaye JP Laurel, San Miguel, Maynila. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Buod ng Aralin Tulad ng tao, ang wika ay dumaranas din ng mga pagsubok. Ang tangkang pagpaslang sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa antas tersyarya ay isang matinding pagsubok sa tanang buhay ng Pambansang Wikang Filipino. Subalit gaano man katindi ang pagsubok ay hindi nito magagapi ang isang wikang matatag – pinatatag ng mga tao o pangkat ng mga taong may tunay na malasakit sa ating pambansang wika. Ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa ating Pambansang Wikang Filipino na sinuportahan ng mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa ay isang patunay na gaano man kalakas ang bagyo ay hindi nito kayang patumbahin ang ano mang bagay na sagad sa katatagan. Pagtataya Buodin Mo…. Buodin nang malinaw at mahusay ang mga punto ng mga sumusunod: 1. Pahayag ang UP Diliman University Council tungkol sa pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo 2. Posisyon Papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU 3. “Pahayag Hinggil sa Pagtatanggal ng Temporary Restraining Order (TRO) sa CHED Memorandum Order Blg. 20 S. 2013 Kaugnay ng Desisyon ng Korte Suprema sa G.R. Blg. 216930, 217451, 217752, 218045, 218098, 218123 at 218465” Patunayan Mo…. Patotohanan ang mga piling siniping pahayag mula sa mga ginamit na posisyong papel upang magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. 1. “…Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay.” Ibigay ang pamagat at maikling Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 deskripsiyon ng mga Asignaturang Filipino at Panitikan na ipinakukuha sa Sultan Kudarat State University 2. “…ito'y pagsasalba na rin sa kolektibong identidad ng mga Pilipino, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.” Magbigay ng dalawang patunay alinman sa sinasalba ng wikang Filipino. 3. “…mas maunawaan ang mga serbisyong propesyonal gaya ng batas, medisina na inihahandog sa karaniwang Filipino…” Magbigay ng dalawang patunay. Bumuo Ka…. Magsulat ng isang pagtalakay ng paksa sa Matematika o Agham o teknolohiya bilang patunay na ang wikang Filipino ay wika ng akademya. Makikita sa ibaba ang pamantayan. Pamantayan sa Pagtataya Kawastuhan ng Nilalaman 15 Kaangkupan ng Panghihiram at 15 Pagsasalin Kawastuhan ng Gramatika 15 KABUUAN 45 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Mga Sanggunian Aklat Almario, V. et.al. (2013). Ortograpiyang pambansa. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino. Austero, C., et al. (2014). Komunikasyon sa akademikong filipino. Manila: Rajah Publishing House. Bernales, R., et al. (2018). Malayuning komunikasyon sa lokal at global na konteksto. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc. Hufana, N., et al. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc. San Juan, D.M., et al. (2018). Ugnayan: Kontekstuwalisadong komunikasyon sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing, Inc. Elektroniko “Pahayag hinggil sa pagtatanggal ng temporary restraining order (TRO) sa CHED memorandum order blg. 20 S. 2013 kaugnay ng desisyon ng korte suprema sa G.R. Blg. 216930, 217451, 217752, 218045, 218098, 218123 at 218465”. (n.d.) Kinuha mula sa www.kwf.gov.ph “Panatilihin at pagyamanin ang wikang Filipino at panitikan sa kolehiyo”. (n.d.) https://upd.edu.ph/panatilihin-at-pagyamanin-ang-wikang-filipino-at-panitikan- sa-kolehiyo-pahayag-ng-up-diliman-university-council/. “Posisyong papel ng Departamento ng Filipino”. Kinuha mula sa https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/posisyong-papel-ng- departamento-ng-filipino-ng-de-la-salle-university-manila- tan/2197404793880743/ Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 KABANATA II PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Introduksiyon Tayo’y nabubuhay sa daigdig ng mga impormasyon. Mga impormasyong hango sa pang-araw-araw na pangyayari sa lipunang ating ginagalawan. Ang mga ito’y ating natatanggap nang personal o impersonal. Sa paghatid at pagtanggap ng mga impormasyon, nagkakaroon ng tinatawag na komunikasyon – isang prosesong naglalayong magkaunawaan ang mga tao. Likas sa atin ang pagpapahalaga sa mga impormasyong natatanggap, ito man ay mula sa aklat o sa internet. Kaugnay nito, nararapat na tayo’y maging mapanuri. Ayon nga sa isang kasabihan, “Ang taong naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.” Sa ibang salita, hindi lahat ng naririnig at nababasa nating mga impormasyon ay dapat tanggapin agad. Kailangan nating maging mapanuri upang makaiwas sa kapahamakan. Sa hangarin nating makakuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon, nagiging mapili tayo sa mga batis o daluyan ng karunungan na gagamitin. Lalo na sa kasalukuyan, halos lahat ng mga impormasyong kinakailangan ay makukuha agad sa simpleng pagpindot lamang sa keyboard ng kompyuter, laptap, cellphone, at iba pang gadyet. Sa panahong digital, lalong higit na kailangan ang pagpili at pagklasipika ng mga impromasyong totoo at huwad. Sa hangaring magabayan ang mga mag-aaral sa tamang pagpoproseso ng mga impormasyon ay inihanda ang kapaki-pakinabang na mga aralin sa kabanatang ito. Matutunghayan dito ang mga butil ng karunungan na makatutulong sa mga mag-aaral para maging mapili at mapanuri sa pangangalap ng mga impormasyon. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Pangkalahatang Layunin: 1. Mapalalim ang kaalaman sa katuturan, elemento, uri at antas ng komunikasyon. 2. Mailapat ang mga kasanayan sa pangangalap ng impormasyon sa sariling konteksto. ARALin 1 - KOMuNIKASYON Nakikipagtalastasan tayo araw-araw. Isa ito sa ating Gawain upang patuloy tayong mabuhay, matuto, at matamo ang ating mga pangangailangan. May mga taong sadyang magaling makipag-usap subalit may iba namang hindi nakukuha ang tugon na inaasahan sa kausap. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang katangian, elemento, uri at mga antas ng komunikasyon upang mapabisa pa ang pakikipagtalastasan natin. Mga Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1. Naipaliliwanag ang proseso, katangian at elemento ng komunikasyon, 2. Naaanalisa ang mga pahayag hinggil sa proseso, elemento at mga uri ng komunikasyon, at 3. Nakabubuo ng isang makabuluhang proyekto gamit ang pakikipagtalastasan. Pagtalakay sa Paksa Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao. Dalawang daan ang proseso nito upang maipakita ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taong nakikipagtalastasan. Ang komunikasyon ay binubuo ng mga elemento. Ang bawat elemento ng komunikasyon ay may kani-kaniyang gampanin upang mapahusay ang daloy ng pakikipagtalastasan. Makikita sa talahanayan ang mga ito. Tunghayan. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Mga Elemento Gampanin sa Komunikasyon 1. Tagahatid Tungkulin ng tagahatid na maging tagapag-encode ng mensahe. Kung kaya, responsibilidad niyang mag-isip ng mensahe na angkop sa konteksto ng pag-uusap, bakgrawnd ng tagatanggap, maging ang angkop na daluyan ng mensahe. 2. Tagatanggap Tungkulin ng tagatanggap na maging tagapag-decode ng mensaheng ipinadala ng tagatanggap. Gampanin niyang unawain nang mabuti ang lahat ng mensahe at magbigay ng angkop na tugon. 3. Konteksto Dito nagaganap ang komunikasyon. Kasangkot dito ang pisikal, sosyal at kultural na konteksto. 4. Mensahe Ito ang ipinadadala ng tagapaghatid. Maaaring berbal o di-beral o pinagsamang berbal at di-berbal. Kinangailangang napakalinaw ng pagkakahatid upang makuha ang wastong tugon. 5. Tsanel/Daluyan/Midyum Ito ang instrumento upang maipadala nang maayos ang mensahe. Sensori at institusyonal ang dalawang uri nito. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 6. Tugon Pinag-iisipang mabuti ng tagatanggap batay sa ipinadalang mensahe ng tapaghatid. Tuwiran, di-tuwiran at naantala ang tatlong uri ng tugon. Tuwiran tugon kapag gumamit ng berbal. Di-berbal naman ang di-tuwirang tugon samantala, gumagamit naman ng elektroniko ang naantalang tugon. Berbal at di-berbal ang dalawang uri ng komunikasyon. Ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng mga titik. Upang mas maging malinaw at epektibo ang pagpapahayag, kailangang may kabatiran ang nakikipagtalastasan sa gramatika ng wika, mga uri ng pagpapahayag maging estilo ng pagpapahayag. Ang di-berbal naman ay may layuning ulitin ang berbal na pahayag, komplemento sa isang mensahe, panghalili sa isang berbal na mensahe, nagbibigay ng diin sa bigat ng tiyak na salita o pahayag at hudyat kung magsasalita na o hindi pa ang kausap (Austero, C. et al, 2013). Narito ang mga pag-aaral sa di-berbal na komunikasyon. Mga Pag-aaral Pokus ng Pag-aaral Mga Halimbawa a. Proxemics Pag-aaral ito sa Masyadong Malapit = kahulugan ng magkaibigan distansiya o pagitan sa May sapat na distansiya mga nag-uusap. = magkatrabaho b. Chronemics Pag-aaral ito sa oras at Pagtawag ng madaling panahon. araw sa cellphone = importante Pagdating ng huli sa klase = iresponsable, Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 hindi interesado c. Haptics Pag-aaral ito sa Pagtapik sa balikat = kahulugan ng kumpas pakikiramay o ng kamay. pakikisimpatya Panduduro = may utang o pangmamaliit d. Kinesics Pag-aaral naman ito sa Pagtango = sang-ayon galaw ng katawan at Pagtayo nang matuwid = ekspresyon ng mukha. may tiwala sa sarili e. Objectivs Pag-aaral ito sa Singsing sa kahulugan ng mga palasinsingan sa kanang bagay. kamay = kasal na Pagsuot ng makabagong damit = sunod sa uso f. Vocalics Pag-aaral ito sa Pasigaw = galit kahulugan pagtaas at pagbaba ng boses o tinig sa pagsasalita. g. Oculesics Nakatuon ang pag- Tinging Pailalim = pang- aaral na ito sa iinsulto kahulugan ng mata. Panlalaki ng mata = galit h. Colorics Pinag-aaralan dito ang Itim na damit = kahulugan ng kulay. nagluluksa i. Olfactorics Pag-aaral ito sa Paglagay ng pabango = kahulugan ng amoy. binata/dalaga/presentable j. Iconics Nakatuon ito sa watawat= kalayaan kahulugan ng mga simbolo. k. Pictics Nakapokus ito sa Pagsimangot = galaw ng mukha. nagrereklamo Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Ang pagsasama ng dalawang uri ng komunikasyon ay napakabisa upang maging malinaw, simple, tiyak at buo ang pakikipagtalastasan. Mayroon namang tatlong antas ng komunikasyon – komunikasyong intrapersonal, komunikasyong interpersonal at komunikasyong pampubliko. Nakatuon ang intrapersonal sa pansariling pakikipagtalastasan. Nagaganap naman ang komunikasyong interpersonal sa pagitan ng dalawang tao o di kaya’y sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Ang komunikasyong pampubliko naman ay nangyayari sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao (Bernales, R., et al, 2018). Buod ng Aralin Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao. Binubuo ng mga element tulad ng tagahatid, tagatanggap, konteksto, mensahe, tsanel/daluyan/midyum at tugon. May dalawang uri ng komunikasyon, ang berbal at di-berbal. Ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng mga titik. Upang mas maging malinaw at epektibo ang pagpapahayag, kailangang may kabatiran ang nakikipagtalastasan sa gramatika ng wika, mga uri ng pagpapahayag maging estilo ng pagpapahayag. Ang di-berbal naman ay may layuning ulitin ang berbal na pahayag, komplemento sa isang mensahe, panghalili sa isang berbal na mensahe, nagbibigay ng diin sa bigat ng tiyak na salita o pahayag at hudyat kung magsasalita na o hindi pa ang kausap. Ang pagsasama ng dalawang uri ng komunikasyon ay napakabisa upang maging malinaw, simple, tiyak at buo ang pakikipagtalastasan. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Pagtataya Ipaliwanag Mo…. Ipaliwanag nang maikli ngunit malinaw ang kasagutan sa mga tanong sa ibaba. (5 na puntos bawat bilang) 1. Paano nagaganap ang proseso ng komunikasyon? 2. Paano nagiging hudyat kung magsasalita na o hindi pa ang kausap gamit ang di-berbal? 3. Ano ang maibibigay mong halimbawa sa intrapersonal na antas ng komunikasyon? Analisahin Mo…. Analisahin ang sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Isulat ang sang-ayon kung wasto ang pahayag samantala, isulat naman ang hindi sang- ayon kung hindi wasto ang pahayag. Alinman sa dalawa ang sagot, magbigay ng isang tiyak na patunay. (5 puntos bawat bilang) 1. Matatawag pa rin na komunikasyon kung nagbigay ng hindi angkop na tugon ang tagatanggap ng mensahe. 2. Hindi naiimpuwensiyahan ng emosyonal na salik ang pormal na pakikipagtalastasan. 3. Mas nauunawaan ang di-berbal na uri ng komunikasyon kaysa sa berbal. Bumuo Ka…. Magsagawa ng isang impormal na pakikipanayam sa isang karaniwang manggagawa tungkol sa nararanasang suliranin dulot ng pandemya. Batay sa kaniyang sagot, bumuo ka ng isang simpleng proyekto para matugunan ang kaniyang suliranin. Makikita sa ibaba ang mga detalye sa bubuoing proyekto. (50 puntos) 1. Buod ng Pakikipanayam at Larawan 2. Pangalan ng Proyekto 3. Mga Inaasahang Awtput 4. Panahon ng Pagsasagawa 5. Paraan ng Pagsasagawa Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 ARALin 2 - PAGPILi NG BATis NG IMPORMASYON Nagpapakita ng kredebilidad ang pagsulat na may pinagkunan ng datos. Ito ang nagsasaad na ang isang panulat ay sinaliksik at hindi gawa-gawa lamang kaya higit na mapagkakatiwalaan. Batid mo ba ang mga uri ng batis ng impormasyon at mga pamantayan sa pagpili nito? Sa araling ito, pag-aralan natin ang kahulugan, uri at pamantayan sa pagpili ng batis ng impormasyon. Mga Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nakikilala ang mga primarya at sekundaryang batis ng impormasyon, at 2. Nakabubuo ng sulatin gamit ang mga nakalap na impormasyong primarya at sekundarya. Pagtalakay Tumutukoy ang batis ng impormasyon sa pinagmulan ng mga katunayan upang makabuo ng mga pahayag ng kaalaman tungkol sa isang isyu, penomenon o panlipunang realidad (San Juan, D.M., et al., 2018). Nakatutulong ang batis ng impormasyon upang maipakitang mapagkakatiwalaan at makatotohanan ang inilatag na ideya pasalita man o pasulat. Primarya at sekundaryang batis ang dalawang uri ng batis ng impormasyon. Nakatuon sa orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomenon ang primaryang batis ng impormasyon. Samantala, batay naman sa primaryang batis ang sekundaryang batis. Makikita sa talahayanan ang mga halimbawa ng dalawang uri ng batis na kinuha mula kina San Juan, D.M., et al., (2018). Primaryang Batis Sekundaryang Batis Harapang ugnayan sa kapuwa-tao Teksbuk *pagtatanong-tanong Encyclopedia Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 *pakikipagkuwentuhan Diksyonaryo *panayam Manwal at gabay na aklat *pormal o impormal na talakayan *umpukan *pagbabahay-bahay Mula sa mga materyal na Komentaryo nakaimprenta sa papel na Sanaysay may kopyang elektroniko Sipi mula sa orihinal na pahayag *awtobiyograpiya Abstrak *talaarawan *sulat sa koreo at email *tesis at disertasyon *sarbey *artikulo sa journal *balita sa radio, diyaryo at telebisyon *mga record sa tanggapan ng pamahalaan *orihinal na dokumento *talumpati at pananalita *larawan at iba pang biswal na grapika May mga nararapat ding tandaan sa pagpili ng batis ng impormasyon. Makikita sa talahanayan ang mga pamantayan sa pagtataya ng mga impormasyong nakalap mula sa www.scribd.com/presentation. Pamantayan sa Pagtataya ng mga Impormasyong Nakalap Mga Pamantayan Mga Nararapat Tayahin 1. Kabaguhan Kailan sinulat ang impormasyon o inilathala? Nirebisa ba o ina-update ang impormasyon? Nangangailangan ba ng kasalukuyang impormasyon o Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 maaari din bang gumamit ng matagal ng impormasyon ang paksa? Maa-access pa rin ba ang link na ginamit? 2. Kahalagahan May kaugnayan ba sa iyong paksa o sumasagot sa iyong tanong ang impormasyon? Sino ang inaaasahang tagapakinig o tagapagbasa ng iyong sulatin? Angkop ba sa antas ng awdyens ang impormasyong nakalap? Naghanap ka ba ng iba’t ibang sanggunian bago mo pinili o ginamit ang nasabing sanggunian? Komportable ka bang banggitin ang sanggunian sa iyong sulatin? 3. Awtoriti Sino ang awtor o pinagmulan? Ano-ano ang mga kwalipikasyon o kinasasapiang organisasyon ng awtor? Kwalipikadong bang magsulat ng paksa ang awtor? Mayroon bang impormasyon kung saan maaaring makontak ang awtor? Nagbibigay ba ng impormasyon ukol sa awtor o sanggunian ang Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 pinagkuhanang impormasyon? 4. Kawastuhan Saan nanggaling ang impormasyon? Gumagamit ba ng sapat na ebidensya ang impormasyong nakalap? Nirebyu ba o tinaya ang impormasyon? Mabeberipika mo ba ang impormasyon sa iba pang sanggunian? Buod ng Aralin Ang pagpili ng batis ng impormasyon ay nagpapakita ng kredibilidad ng pagsulat na may pinagkunan ng datos. Ito ang nagsasaad na ang isang panulat ay sinaliksik at hindi gawa-gawa lamang kaya higit na mapagkakatiwalaan. Tumutukoy ang batis ng impormasyon sa pinagmulan ng mga katunayan upang makabuo ng mga pahayag ng kaalaman tungkol sa isang isyu, penomenon o panlipunang reyalidad. Nakatutulong ang batis ng impormasyon upang maipakitang mapagkakatiwalaan at makatotohanan ang inilatag na ideya pasalita man o pasulat. Primarya at sekundaryang batis ang dalawang uri ng batis ng impormasyon. Nakatuon sa orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserbal, o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomenon ang primaryang batis ng impormasyon. Samantala, batay naman sa primaryang batis ang sekundaryang batis. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Pagtataya Kilalanin Mo…. Isulat ang malaking titik na PB kung ang halimbawang ibinigay ay Primaryang Batis, at malaking titik na SB naman kung ito ay Sekundaryang Batis. _ 1. Panayam _ 6. Teksbuk _ 2. Tesis _ 7. Talaarawan _ 3. Disertasyon _ 8. Diksyonaryo _ 4. Pagmamasid _ 9. Sarbey _ 5. Pananaliksik _ 10. Abstrak Bumuo Ka…. Pumili sa kahon ng isang paksa at talakayin ito sa loob ng dalawang talata. Salungguhitan nang isang beses ang lahat ng primaryang impormasyon samantala, salungguhitan naman nang dalawang beses ang lahat ng sekundaryang impormasyon. Makikita sa ibaba ang pamantayan sa pagwawasto ayon sa pamantayan sa pagtataya ng impormasyong nakalap. a. Epekto ng Pandemyang Covid -19 sa Pagsasama-sama ng Pamilya b. Epekto ng Online Class c. Karanasan ng mga Frontliner sa Pagpigil sa Pandemya d. Kasiyahan sa Online Marketing Pamantayan sa Pagtataya Kabaguhan 10 Kahalagahan 10 Awtoriti 10 Kawastuhan 10 Primaryang Impormasyon 10 Sekundaryang Impormasyon 10 KABUUAN 60 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 ARALin 3 - PAMAMARAAn NG PAGBABASA/PANAnalIKSIK NG IMPORMASYON Kinakailangang mapananaligan ang tekstong binabasa kaya naman nararapat na nagtataglay ito ng katotohanan. May mga paraan ng pangangalap ng impormasyon para maipakita ang katotohanan sa iyong mga datos. Alam mo ba ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin ang mga paraan ng pagpili ng impormasyon at mga intrumentong gagamitin. Mga Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Natutukoy ang iba’t ibang mga pamamaraan sa pananaliksik ng impormasyon, at 2. Nagagamit sa pagsulat ang kaalaman sa pamamaraan sa pananaliksik ng impormasyon. Pagtalakay sa Paksa Maraming disenyo ang pananaliksik. Kaakibat nito, nagkakaroon ng angkop na pamamaraan upang maisagawa ito. Ang pamamaraan na pinili ang magiging landas ng pananaliksik. Ito ang magbibigay ng ideya kung paano katatawanin ang pag-aaral sa paksa, alin ang dapat tingnan at tanungin at paano dapat tumingin at magtanong (Salazar, J. & Lim, M.B., 2017). Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pangangalap ng datos upang makakalap ng impormasyon. 1. Interbyu o Pakikipanayam. Paraan ng pangangalap ng datos na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatanong. Maaaring pormal ito o di- pormal. Binibigyan ng mga tala ng tanong ang taong kapananayamin sa pormal na interbyu upang makapaghanda nang lubusan ang kapananayamin. Samantala, ang tagapanayam lang ang may alam sa mga itatanong sapagkat katulad lamang sa nagkukuwento o nagtatalakayan ang daloy ng interbyu. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Makikita sa talahanayan ang mga nararapat gawin at isaalang-alang sa pagsasagawa ng pakikipanayam. Bago ang Habang Pagkatapos ng Pakikipanayam Nakikipanayam Panayam Pumili ng Dumating nang Kung naka- kakapanayamin. maaga sa lugar video o na recorder ay pagdarausan. itala ang mga ideya ng napag- usapan. Makipagkasundo Maging Ipaliwanag sa oras. magalang at at suriin ang sensitibo sa resulta. kinakapanayam Pag-isipang Gawing kasiya- Bigyan ng mabuti ang mga siya at kapana- kopya ng katanungan na panabik ang output ang naaayon sa usapan. kinapanaya paksa. Itala ito m. ayon sa pagkakasunod- sunod. Ihanda ang mga Huwag kagamitan tulad magpaligoy- ng panulat, papel, ligoy sa tape recorder, katanungan. camera at video. Tumbukin agad ang nais malaman. Ihanda ang Ipakita ang kasuotan na kawilihan sa babagay sa pakikinig. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 sitwasyon. Huwag pigilan ang pagsasalita ng kausap. Itala ang mga napag-usapan. I-video at kuhanan ang pag-uusap. Magpasalamat sa kinakapanayam 2. Focus Group Discussion o FGD. Ginagamit ito kung nais makakalap ng malalimang impormasyon sa maikling panahon tungkol sa ideya at opinyon ng komunidad sa isang paksa. Ito ay planado sapagkat may balangkas ng mga tanong na inihanda na nagsisilbing giya sa daloy ng pangangalap ng datos (www.odi.org ). Binubuo ng 8-12 katao ang pangkat subalit mayroon ding binubuo lamang ng 6 katao. Mayroong tagapagdaloy (moderator) na siyang namamahala sa takbo ng pangangalap ng datos. Ang mga kalahok ay may magkatulad na backgronnd. Kailangang piliing mabuti ang mga kalahok upang makapagsalita, makapagbahagi at makatugon sila sa tanong ng tagapagdaloy maging sa sagot ng kanilang kasamahan nang hindi naaasiwa. Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng FGD (www.herd.org.np) Tukuyin ang uri ng Bumuo ng pangkat Bumuo ng mga kalahok ayon na mamamahala balangkas ng mga sa kinakailangan sa sa FGD na tanong at pormat pag-aaral. binubuo ng ng pagrekord ng tagapagdaloy. mga sagot. Magsagawa ng Isagawa ang Sanayin ang pangkat pagtranskriba, GFD. na mamamahala sa pag-analisa at FGD at subukin din interpretasyon sa ang binuong mga tugon ng balangkas mga kalahok. 36 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 May mga nararapat at hindi rin nararapat gawin sa FGD (www.herd.org.np). Tunghayan ang nasa talahanayan. Dapat Hindi Dapat Gumawa ng balangkas ng Huwag magtanong ng mga tanong. mga tanong na nasasagot Magsuot ng kasuotang ng “oo” o “hindi” sapagkat angkop sa pangangalap ng hindi nagbibigay ng daan datos. sa pagpapaliwanag. Ipaliwanag sa pangkat ng Huwag magtanong nang mga kalahok na magiging sunod-sunod. kumpedensiyal ang mga Huwag sabihin o impormasyong makakalap at iparamdam na hindi wasto ipaliwanag din kung saan ang sagot ng kalahok. gagamitin ang makakalap na Huwag magbigay ng datos. sariling opinyon, ideya, Simulan sa mga bukas na pananaw o karanasan. tanong ang FGD. Huwag pigilang magsalita Pangkalahatan ang mga ang kalahok. uunahing tanong upang Kung may nahihiyang makapagbigay ang lahat ng magsalita sa mga kalahok, kanilang mga ideya/saloobin huwag siyang pilitin. Kung may narinig sa kalahok Bigyan siya ng sapat na na hindi pamilyar na ideya o oras. salita, tanungin ang kalahok Huwag ipagsabi upang mas maipaliwanag niya pagkatapos ng FGD ang ang ideya o salita. napag-usapan. Kung magbibigay ng pangkalahatang sagot ang kalahok, hikayatin silang mabigay ng halimbawa 37 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Kung may nagbibigay ng opinyon sa pangkat, obserbahan ang iba pang kalahok kung nakikinig ba sila Purihin at pasalamatan ang mga kalahok upang maiparamdam sa kanila na mahalaga at kapaki- pakinabang ang kanilang sinasabi. Magbigay ng simpatya sa mga isyu na kanilang sasabihin. Maaaring pag-iba-ibahin ang pagkakasunod ng mga tanong o hindi naman kaya ay magdagdag o magtanggal ng tanong ayon sa pangangailangan. 3. Pagtatanong-tanong. Ito ay isang etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng datos sa mga pananaliksik sa social science sa Pilipinas. Hikayatin na makilahok ang mga kalahok, pagkakapantay ng mananaliksik at impormante, naaangkop ang mga impormante sa mga kinagawian ng pangkat, at mga integrasyon iba pang mga etnograpikong pamamaraan sa pananaliksik (Pe-Pua, R., 1989). Mainam namang gamitin ang ganitong pamamaraan sa sumusunod ayon kina San Juan, D.M. (2018). a. Ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapaghatid. Nangangahulugan lamang na maraming kalahok ang mapagkunan ng datos. b. Ang mga taong may direktang karanasan sa paksang siniyasat ay hindi direktang matatanong. c. Ang may kaalaman hinggil sa paksa ay hindi pa tiyak. Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 d. Ang mga impormasyong nakuha ay nais beripikahin. 4. Sarbey. Ginagamit ito sa malawakang paraan ng pagkuha ng datos o impormasyon tungkol sa preperensiya, pananaw, opinyon, damdamin at paniniwala. Maaaring nasa anyo ng inihandang talatanungan o personal na pakikipag-usap. Ang talatanungan ay tala ng mga planado at pasulat na mga tanong tungkol sa isang tiyak na paksa. Mga set ng tanong at espasyong sasagutan ang mga bahagi nito. Kaya naman, itinuturing itong pinakamabisa at pinakamadali. Makikita sa talahanayan ang kalakasan at kahinaan nito. Kalakasan Kahinaan Madaling gawin Hindi maaaring sagutan ng Madali at hindi magastos hindi marunong bumasa at Madaling itabyuleyt sumulat. Malaya Maaaring makalimutang Makapagbibigay ng masagutan o sadyang hindi kompidensyal na sagot ang sagutan. mga respondente Maaaring magbigay ng Masasagutan sa oras na maling impormasyon, gusto sinasadya man o hindi. Higit na akyureyt Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem. Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang ilang katanungan. Napakalimitado ng pagpipiliang-sagot ng mga respondente Downloaded by Lovelle Correa ([email protected]) lOMoARcPSD|8753384 Upang mapadali at mapahusay ang pagbubuo ng talatanungan, may mga tagubilin na nararapat naunawaan ng mananaliksik. Narito ang mga sumusunod: a. Simulan sa talatang nagpapakilala sa mga pananaliksik, layunin ng pagsasarbey, kahalagahan ng tapat at akyurey