Kabanata 3: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay bahagi ng isang kurso sa Komunikasyon sa Don Honorio Ventura State University. Tinalakay dito ang konsepto ng komunikasyon at pananaliksik. Nagbibigay ito ng pagsusuri sa mga batis at hanguan ng impormasyon.

Full Transcript

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph C...

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Language Department Kabanata 3: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Aralin 1 PANIMULA Bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay ang makisalamuha sa kapwa at ito ay nagaganap sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon. Hindi tayo maaaring mabuhay na mag-isa kailangan natin ang isa’t isa upang tayo ay umiral. Ang komunikasyon ay galling sa salitang Latin na “communis” nangunguhulugang para sa lahat, berbal man o di-berbal. Tayong mga Pilipino ay namumuhay sa lipunan na aktibo ang komunikasyon kaya’t tayo ay kinikilala sa buong mundo sa katangiang ito. Maraming beses nang napatunayan na madali tayong magkaroon ng kaibigan kahit minsan pa lamang tayong pumunta sa isang lugar at ito ay natalakay na sa mga naunang kabanata. Sa ating pakikipagkomunikasyon, napakahalagang makuha at maunawaan natin ang mensaheng nais ipaabot ng ating kausap nang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Maraming tao ang hindi nagkakasundo dahil sa maling pagpoproseso ng impormasyon na ibinahagi o tinanggap kaya’t mahalaga na malawak an gating kaalaman sa paglalahad at ang tamang pag-unawa nang maiwasan ang pagtatalo. Napakalaki ng maitutulong ng kabanatang ito sa ating paglinang sa kasanayang makakuha ng angkop ng impormasyong maaari nating ibahagi at ang tamang paraan ng pagpoproseso nito, A. Ang Panaliksik at Komunikasyon Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Di-lamang itinutumbas sa tesis, disertasyon, papel pantermino o artikulo sa journal. Isang batayang gawain hindi lamang sa loob ng akademya at laboratoryo, kundi pati sa labas nito, maging sa pang-araw-araw na pamumuhay (Salazar, 2016) Pagsasaliksik - minimithi ang ”pagtatamo ng karunungan” na batay sa masusing “pagsusuri ng ebidensya” at tungo sa “higit na matatag na direksyon sa pananaw at pamumuhay ng tao”.(Almario, 2016a. p.2) Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon. Idinagdag nina Atienza (1996) at Lartec (2011), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan. Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat. Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman. Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya. Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag- alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang isang pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain, ito ay ang pagiging: Sistematiko Empirical Mapanuri Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda Akyureyt na imbestigasyon Matiyaga at hindi minamadali Nangangailangan ng tapang Maingat napagtata at pag-uulat Ito ay nagagamit sa pakikipag-komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang bawat tao ay magkaintindihan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito upang matukoy at malaman ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon. B. Pagpili ng Batis o Hanguan ng Impormasyon PRIMARYANG BATIS Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito rin ay naglalaman ng nang imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o saglit lamang pagkatapos nito. Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining (ginagawa sa panahon ng pagkaganap ng pangyayari). SEKONDARYANG BATIS Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na madla at isasama ang mga kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pagaaral o mga kaganapan na may kaugnayan sa paksa. Halimbawa: Dyaryo, mga libro, dyornal, pananaliksik at iba pa. IBA’T IBANG PARAAN SA PAGHANGO NG BATIS NG IMPORMASYON 1. Pagtatala -Ang ibig sabihin ng pagtatala ay ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong kinalap o kinuha sa iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, diyaryo, magasin at iba pa. Maaari din na ang impormasyon ay kinalap sa pamamagitan ng panayam o pagtatanong sa mga taong may sapat na kaalaman sa paksa. 2. Paggamit ng internet -Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. 3. Debrief -Matapos ang pagkuha ng mga impormasyon ay maaaring umpisahan na ang pagkakaroon ng diskusyon hinggil sa mga impormasyon na nakalap. Maaaring makatulong sa pag-uusap na ito ang paggamit ng mg graphic organizer upang Makita ang mga impormasyon na magkakaugnay at mga impormasyon na dapat nang hindi isama. 4.Mga Koneksiyon -Magiging malinaw ang pananaliksik kung malalaman ang koneksiyon nito sa buhay. Sa ganitong paraan ay maaaring makatulong ito upang mas maunawaan ang mga impormasyon at aral na makukuha habang nagsasaliksik sa particular na paksa. May ilan lamang katanungan sa kawastuhan ng paggamit nito, gaya lamang ng mga sumusunod: Gaano kahalaga ang informasyong manggagaling sa internet? Ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito? Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito: 1. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan? a.Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa.edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko. Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu b. Ang.org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang.com ay mula sa komersyo o bisnes. Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org www.yahoo.com c. Ang.gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan. Halimbawa: www.makaticity.gov www.tourism.gov 2. Sino ang may akda? - Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalifikasyon. Kung gayon, maaaring iverifay ang mga impormasyon hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito, mahirap paniwalaan ang kanilang akda. 3. Ano ang layunin? Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang magbahagi ng informasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng pagpasok ng mga informasyon sa internet. Samaktwid, maaari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes. 4. Paano inilahad ang impormasyon? Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at prejudice ang teksto. 5. Makatotohanan ba ang teksto? Alamin kung ofisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa ibang nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi. 6. Ang informasyon ba ay napapanahon? Mainam kung ang informasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling revisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi. Gamitin ang mga payo o tips na nailahad sa pag-eevalweyt ng mga informasyon o datos. Mahalaga ito upang maging akyureyt ang pagsulat ng pananaliksik

Use Quizgecko on...
Browser
Browser