ARALING PANLIPUNAN 9 - IKALAWANG MARKAHAN - AP 9 Q2 Week 5 PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Summary

This document is a sample from a Tagalog social studies textbook or test. It covers the topic of supply and demand, specifically the interaction between demand and supply in determining market prices and quantities. Includes questions and possible answers.

Full Transcript

1 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: __________________________ Pangkat: ____________ Guro: ____________ Aralin INTERAKSIYON NG DEMAND AT 5 SUPPLY Most Essential Learning Competency: Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand a...

1 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: __________________________ Pangkat: ____________ Guro: ____________ Aralin INTERAKSIYON NG DEMAND AT 5 SUPPLY Most Essential Learning Competency: Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at supply sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan. Ang modyul na ito ay ginawa upang makita ang interaksiyon ng demand at supply bilang isang mahalagang salik sa pagtugon ng pangangailangan tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Pagkatapos basahin ang modyul na ito, inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang interaksiyon ng demand at supply sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan; 2. Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng produkto at serbisyo sa pamilihan; at 3. Naibabahagi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo nagpantay ang dami ng quantity demanded sa quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan? a. parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ipagbili ng mga prodyuser. b. may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita. c. parehong nasiyahan ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer. d. hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quantity supplied. AP-9- Qrt.-2-Week 5 2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 2. Ang iyong paaralan ay may 20 guro dahil sa dami ng mag-aaral, nangangailangan pa sila ng mga karagdagang guro. Anong tawag sa pangangailangang ito? a. suplay b. demand c. kakapusan d. kakulangan 3. Ang Thor’s Marketing ay nangunguna sa paggawa ng mga dekalidad na itak at mga metal dahil sa sobra ang dami o suplay na ginawa nila, nagkaroon ng suliranin. Ano ang maaring mangyari? a. Wala ng bibili c. Magkakaroon ng shortage b. Malulugi ang kompanya d. Magkakaroon ng suliranin sa surplus 4.Tumutukoy ito sa punto na pinagsamang kurba ng demand at suplay na magkasalubong; o punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o magkapareho. a. Ekwilibriyo c. Surplus / kalabisan b. Disekwilibriyo d. Shortage / kakulangan 5.Ito ay nagpapakita ng ekwilibriyo sa pamilihan. a. Qd=Qs b. MC=MR c. ekwilibriyong dami d. ekwilibriyong presyo Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng salik na nakaaapekto sa supply na tinutukoy ng sumusunod: a. panahon/klima b. kagastusan c. subsidy d. ekspektasyon e. teknolohiya f. dami ng nagtitinda g. presyo ng ibang produkto _______ 1. Pinaplano na singilan ng buwis ang mga magsasaka at tindera. _______ 2. Ibinalita ng weather forecaster na may darating na super typhoon sa bansa. _______ 3. May inangkat na modernong makinarya para sa pagsasaka. _______ 4. May nagaganap na kaguluhang pampolitikal sa isang bansa. _______ 5. Inaprobahan ang dagdag na sahod ng mga manggagawa. _______ 6. Mahaba ang panahon ng tag-ulan ngayon bunga ng climate change. _______ 7. Maraming magsasaka at tindera ang tumanggap ng tulong pampinansiyal mula sa Pamahalaan. _______ 8. Napapanahon ang pakwan kapag panahon ng tag-init. _______ 9. Mataas ang presyo ng sampalok na ginagamit sa pagluluto ng sinigang. _______ 10. Biglang sumiklab ang kaguluhan sa isa sa mga bansa sa Middle East. AP-9- Qrt.-2-Week 5 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN SURIIN NATIN! Suriin ang ilustrasyon at sagutan ang mga pamprosesong tanong: Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig ng ilustrasyon? 2. Ano ang kaugnayan ng demand, supply at pamilihan sa isa’t isa? Paano ka makakatulong upang maging balanse ang pamilihan? ANG EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na Essentials of Economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser. Nabibili ng konsyumer ang kanilang nais at ang mga prodyuser naman ay nakakapagbili ng kanilang mga produkto. Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo. Ipagpalagay natin ang halimbawang ito. Si Corazon ay nagmamay-ari ng isang maliit na tindahang malapit sa paaralan. Kamakailan lamang ay napag-isipan niyang magtinda ng isang bagong produkto - ang home-made niyang kendi. Sa unang araw, gumawa siya ng 50 kendi at ibinenta sa halagang limang piso kada piraso. Nalungkot siya dahil maraming natira sa kaniyang mga paninda. Si Maria, ang kaniyang suki, ay bumili lamang ng 10 piraso. Nagkaroon ng labis na 40 piraso. Dahil sa kalabisan, binabaan niya ang presyo ng mga ito sa halagang dalawang piso. Sa pagbaba ng presyo, naging maganda ang pagtugon ni Maria. Sa mababang halaga, 40 piraso ang nais at handang bilhin ni Maria ngunit 20 pirasong kendi lamang ang handa at kayang ipagbili AP-9- Qrt.-2-Week 5 4 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN ni Corazon. Dahil sa labis na demand, nahikayat siyang dagdagan ang ipagbibiling kendi ngunit sa mas mataaas na presyo. Mula sa dating Php2, tumaas ang presyo sa Php3. Nabawasan ang quantity demanded mula 40 piraso papuntang 30. Sa kabilang banda, ang quantity supplied mula 20 piraso ay naging 30. Mapapansin sa halimbawa na pantay o balanse ang quantity demanded at quantity supplied sa presyong Php3. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng ekwilibriyo. Ang ekwilibriyo sa pamilihan ay ang punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse. Upang lubos na maunawaan ang konseptong ito, gamiting gabay ang graphic organizer. Tandaan na nagkakaroon lamang ng ekwilibriyo sa pamilihan kung balanse ang parehong dami ng supply at dami ng demand at nagaganap ito sa isang takdang presyo. Kapag alinman sa dalawang panig ang naging mas malaki o mas maliit ang bilang, hindi na ito magiging balanse. Ipinapakita lamang ng karanasan ni Corazon at ni Maria kung paanong ang batas ng demand at batas ng supply ay nagkakaroon ng interaksiyon sa pamilihan. Gusto niyang mag-alok ng mas maraming kendi kapag tumataas ang presyo. Sa kabilang banda, mas maraming kendi ang nais at handang bilhin ni Maria sa mababang presyo ngunit hindi naman siya nakahandang bumili ng mga ito sa mataas na presyong nais ni Corazon. Upang lubos na maunawaan ang interaksiyon ng demand at supply, ating suriin ang graph. Ang vertical axis ay nagpapakita ng presyo ng kendi. Ang horizontal axis naman ay nagpapakita ng dami ng kendi. Ang demand curve (D) ay nai-plot gamit ang presyo at ang quantity demanded (hanay 2 at 3). Ang supply curve (S) ay nai-plot gamit ang presyo at quantity supplied (hanay 1 at 3). AP-9- Qrt.-2-Week 5 5 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Maaari ring makuha ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng paggamit ng demand at supply function. Ipinaliwanag sa nakaraang aralin na may inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo at quantity demand. Ibig sabihin, sa bawat pagtaas ng presyo (P) ay siya namang pagbaba ng dami ng demand o quantity demanded (Qd). Ang bawat pagbaba ng presyo nito ay nangangahulugan naman ng pagtaas ng quantity demanded. Gamit ang konseptong ito, masasabing ang Qd ay isang dependent variable samantalang ang P naman ay isang independent variable. Ipagpalagay natin ang equation na Qd = 60 - 10P. Sa kabilang banda, magugunitang may positibong ugnayan ang presyo at supply. Ang pagbabago sa presyo (P) ay nakaaapekto sa dami ng supply o quantity supplied (Qs). Samakatwid, ang anumang pagtataas ng presyo ay nangangahulugan din ng pagtaas ng quantity supplied. Ang pagbaba naman ng presyo ay nangangahulugan din ng pagbaba ng dami ng supply nito. Ipagpalagay natin ang mathematical equation na Qs = 0 + 10P. Sa pamamagitan ng mathematical equation na ito ay maaari na nating makuha ang ekwilibriyo. Una munang alamin ang halaga o presyo (P) gamit ang demand at supply function. Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa demand at supply function. Ang mga makukuhang sagot ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong dami nito. Ang kompyutasyon na nasa talahanayan sa ibaba ay nagpapakita kung papaano makukuha ang ekwilibriyong presyo at quantity. Gawain A- SUBUKIN NATIN! Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang demand at supply functions. AP-9- Qrt.-2-Week 5 6 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Gawain B Gamitin ang nagawang iskedyul (talahanayan) sa Gawain A upang makalikha ng graph na nagpapakita ng interaksiyon ng demand at supply. Ilagay ang grapikong paglalarawan sa kwaderno Ang Interaksiyon ng demand at supply ay naglalarawan ng pagkakasundo ng mamimili at at nagbibili ukol sa presyo at dami na mga produkto o serbisyo. Ang pamilihan ay sumisigla dahil sa pagkakasundo ng dalawang aktor na ito ng pamilihan. Panuto: Ilahad ang pagpapaliwanag sa mga tanong batay sa iyong kaalamang natamo. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno 1. Bakit kailangan ang pagkakasundo ng mamimili at tindera? 2. Dapat bang pansariling interes ang pairalin ng mga negosyante sa pagtaas ng presyo ng mga produkto lalo na sa kasalukuyang panahon na marami ang nawalan ng trabaho dulot ng COVID19? 3. Paano nagkakaroon ng surplus at shortage sa pamilihan lalo na ngayon sa panahon ng pandemya? Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik na tamang sagot. 1. Alin ang tamang graph para sa talahanayang ito? A. graph na nagpapakita ng supply curve B. graph na nagpapakita ng demand curve C. graph na nagpapakita ng pababang supply curve (dalawang linya na ang arrow ay pababa) D. graph na nagpapakita ng pataas na supply curve (dalawang linya na ang arrow ay pataas) AP-9- Qrt.-2-Week 5 7 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 2. Sa panahon ng ECQ bawal lumabas dahil dito walang gaanong mamimili. Ano ang maaaring maging epekto nito sa panindang di-gaanong mahalaga ? a. surplus b. ekwilibriyo c. shortage d. scarcity 3. Ang alcohol at disinfectant ay mga pangunahing gamit upang maiwasan ang COVID19 kaya maraming tao ang nag panic buying. Ang sumusunod ay maaring mangyari MALIBAN sa? a. Maraming mag ho-hoarding c. Magkakaroon ng shortage o kakulangan b. Tataas ang presyo d. Magkakaroon ng suliranin sa kalabisan o surplus 4. Tumutukoy ito sa punto sa pinagsamang kurba ng demand at suplay na magkasalubong o punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o magkapareho. a. Ekwilibriyo b. Disekwilibriyo c.Surplus / kalabisan d. Shortage / kakulangan 5.May patahian si Aling Noemi ng mga kumot at punda ng unan sa Cagayan De Oro. Noon ay nakagagawa lamang siya ng 5 pirasong kumot at 10 pirasong punda ng unan sa isang araw. Ngunit nang gumamit siya ng hi-speed sewing machine ay halos magtriple ang kaniyang produksiyon kaya bumaba ang presyo. Piliin ang grapikong paglalarawan sa pagbabagong ito? Sa kasalukuyang panahon na maraming walang trabaho dulot ng pagsasara ng mga kumpanya at pagawaan dulot ng COVID19, kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, ano ang mas gugustuhin mong gawin sa buhay, maging isang prodyuser ng produkto, supplier ng iba’t ibang produkto, o maging isang tindera, at bakit? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ________________________________________________ AP-9- Qrt.-2-Week 5 8 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL - Week 5 Pangalan:_____________________________________________________________ Pangkat:________Guro:______________________________________________ PAUNANG PAGSUSULIT BALIK-TANAW 1. 1. 6. 2. 2. 7. 3. 3. 8. 4. 4. 9. 5. 5. 10. MGA GAWAIN GAWAIN 1- SUBUKIN NATIN! Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang demand at supply functions. GAWAIN 2- Gamitin ang nagawang iskedyul (talahanayan) sa Gawain A upang makalikha ng graph na nagpapakita ng interaksiyon ng demand at supply. PAG ALAM SA NATUTUHAN: Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. PAGNINILAY Sa kasalukuyang panahon na maraming walang trabaho dulot ng pagsasara ng mga kumpanya at pagawaan dulot ng COVID19, kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, ano ang mas gugustuhin mong gawin sa buhay, maging isang prodyuser ng produkto, supplier ng iba’t ibang produkto, o maging isang tindera, at bakit? AP-9- Qrt.-2-Week 5

Use Quizgecko on...
Browser
Browser