NCR Filipino 9 Ikatlong Markahan-Modyul 1 (PDF)

Document Details

PleasingRomanesque4054

Uploaded by PleasingRomanesque4054

Marikina City

Linda A. Delgaco

Tags

Filipino reading comprehension Filipino language education

Summary

This document is a Filipino lesson plan for Grade 9, focusing on analyzing and interpreting parabula. It includes exercises and activities, demonstrating the practical application of these concepts.

Full Transcript

F. 9 FILIPINO Ikatlong Markahan-Modyul 1: Pagpapatunay na Maaaring Mangyari sa Tunay na Buhay ang Binasa May-akda: Linda A. Delgaco Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla City of Good Character DISCIPLIN...

F. 9 FILIPINO Ikatlong Markahan-Modyul 1: Pagpapatunay na Maaaring Mangyari sa Tunay na Buhay ang Binasa May-akda: Linda A. Delgaco Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Alamin Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.  Aralin -Pagpapatunay na Maaaring Mangyari sa Tunay na Buhay ang Binasa Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: A. nasasagot ang mga tanong sa binasang parabula; B. naiisa-isa ang mga pangyayari sa parabula na maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan; at C. napatutunayan na ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan Subukin Bago tayo magsimula, piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa isang malinis na papel ang iyong napiling sagot. 1. Saan kadalasang hinahango ang mga parabula? A. Batas B. Aklat C. Relihiyon D. Bibiliya 2. Isa itong akda ukol sa makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus. A. Pabula B. Mitolohiya C. Parabula D. Anekdota 3. Ano sa iyong palagay ang kaibahan ng parabula sa iba pang akda? A. nilalaman at istilo B. nilalaman at tauhan C. nilalaman at tagpuan D. nilalaman at anyo 4. Hindi lamang mabubuting asal ang nililinang sa atin ng mga parabula kundi maging _______________ na bahagi ng ating pagkatao. A. personal B. moral C. espirituwal D. moral at espirituwal 5. Ayon nga kay Hesus, ‘’Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli,” ano ang nais ipahiwatig ng pahayag? A. Mabuti ang nagpapahuli kaysa nauuna. B. Mabuti ang nauuna kaysa nagpapahuli C. Mabuti ang matiisin hanggang sa huli. D. Mabuti ang mauna at mahuli. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 2 Pagpapatunay na Maaaring Mangyari Aralin sa Tunay na Buhay ang Binasa Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapatunay na ang mga pangyayari sa binasang parabula na maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain. Balikan Kumusta ang iyong naging pagsagot? Kung iyong matatandaan, noong huling bahagi ng Ikalawang Markahan, napagtagumpayan mo ang mga gawain ukol sa kasanayang lingguwistiko. Nakasulat ka pa ng isang akdang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano. Maaari mo bang balikan ang iyong isinulat? Pumili ng limang pangungusap mula sa iyong naisulat at ilahad ang mga kasanayang linggwistiko na ini-aplay mo dito. Punan ang grapikong pantulong sa ibaba. PANGUNGUSAP MULA SA ISINULAT KASANAYANG LINGGWISTIKO 1. 2. 3. 4. 5. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 3 Tuklasin A. Panimula Oras na ngayon upang mabigyan ka ng panibagong kaalaman. Tingnan ang larawan sa ibaba, pagkatapos ay isulat sa katapat nito ang iyong mga ideya tungkol sa larawan. B. Pagbasa Ang larawan sa itaas at ang iyong mga ideya tungkol rito ay may malaking kaugnayan sa paksang aralin. Handa ka na ba? Umpisahan natin sa pamamagitan ng pagbasa at pagsagot sa mga gabay na tanong. Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?” “Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.” Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.” Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 4 sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?” “Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?” Ayon nga kay Hesus, “May nahuhuli na nauuna, at may nauuna na mahuhuli.” B. Pag-unawa sa Binasa 1. Ano ang katangian ng mga manggagawang nauna sa ubasan? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________. 2. Ilarawan naman ang katangian ng mga mangagagawang nahuli sa pagpunta sa ubasan? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________. 3. Sa iyong palagay, sa dami ng maaaring pagpiliang lugar, bakit ubasan ang naging tagpuan ng binasang parabula? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. 4. Kung ikaw ang manggagawang nagtrabaho nang buong araw ngunit katulad ang upa sa nahuling dumating na manggagawa, ano ang magiging reaksyon mo? __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. 5. Kung ikaw naman ang manggagawang nagtrabaho ng maikling oras lamang subalit nakakuha ng buong upang katulad ng mga nagtrabaho nang buong araw, tatanggapin mo ba ito? Pangatuwiranan. __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. 6. Anong pag-uugali ang masasalamin sa pahayag ng mga manggagawang “isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare- pareho ninyo ang aming upa?” __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. 7.Ilahad ang nangibabaw na katangian ng may-ari ng ubasan. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________. 8. Ipagpalagay na ikaw ang may-ari ng ubasan sa binasang parabula, gagawin mo rin kaya ang paraan nito ng pagbibigay ng upa? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________. 9. Sa inyong lugar o barangay, may kakilala ka bang maaaring katulad ng may-ari ng ubasan? Paghambingin sila. __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 5 10. Batay sa konsepto ng binasa, ano ang ibig ipakahulugan ng “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________. Suriin Alam mo ba na… ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na “parabole” na nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin? Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Bibliya o banal na aklat ng mga Kristiyano. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao. Pagyamanin Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kakayahan sa pag-iisa-isa ng sampung (10 )pangyayari mula sa binasang parabula na maaaring maganap sa tunay na buhay. Sipiin sa isang papel ang ilustrasyon sa ibaba at isulat sa nakalaang lobo ang iyong mga sagot. 3 4 2 5 7 9 1 8 10 6 Mga Pangyayari sa Parabula na Maaaring mangyari sa Tunay na Buhay City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 6 Isaisip Tandaan:  ang parabula ay pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Bibliya o banal na aklat ng mga Kristiyano.  ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.  maaaring mangyari sa tunay na buhay o maaaring maiaplay sa ating pang-araw-araw kung kinakailangan ang mga pangyayari rito. Isagawa Ilapat sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa aralin. Balikan ang sampung (10) pangyayaring iyong naitala sa bahaging PAGYAMANIN. Pumili ng limang (5) pangyayari na maiuugnay mo sa iyong sariling karanasan. Pangyayari sa Pabula Kahalintulad na Pangyayari Ayon sa Karanasan 1. 2. 3. 4. 5. Tayahin Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, oras na para sukatin ang iyong natutuhan. Gawin ang sumusunod: Ipagpalagay na isa kang vlogger. Bilang vlogger, layunin mong maipakita ang kahalagahan ng parabula at makapagbahagi ng mga patunay na nangyayari sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa binasang parabula. Sa paggawa ng vlog, isaisip ang sumusunod na panuntunan: 1. Tatagal lamang ng 3-4 na minuto. 2. Umpisahan ang blog sa pagpapaliwanag ng parabula at pagbanggit ng binasang halimbawa. 3. Ilahad ang 10 pangyayaring naitala mo sa bahaging PAGYAMANIN. Mag- interbyu ng mga tao o kasama sa bahay na magpapatunay na totoong nakaranas ng partikular na pangyayaring kahalintulad sa iyong mga inilahad(ang interbyu ay maaaring gawin nang personal o kaya’y gumamit ng social media platform (opsyunal). City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 7 4. Huwag ipakita ang mukha ng ininterbyu o kaya’y takpan ang mga personal na impormasyon katulad ng pangalan at numero ng telepono. 5. Huwag i-upload sa social media platform kaagad, ipasuri muna sa guro ang nabuong vlog. PAMANTAYAN: Kategorya Kaukulang Marka ng Guro Puntos 1. Nilalaman 10 puntos 2. Kaayusan ng buong Vlog 10 puntos 3. Kalinawan ng Pagsasalita 10 puntos 4. Pagpapakita ng Pagiging 10 puntos Malikhain sa Vlog KABUOAN 40 puntos 1. Gumuhit sa isang bond paper ng collage na nagpapakita ng patunay na nangyayari sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa mga parabula. PAMANTAYAN: Kategorya Kaukulang Marka ng Guro Puntos 1. Nilalaman 10 puntos 2. Kaayusan ng Kabuuan 10 puntos 3. Pagiging malikhain 10 puntos KABUOAN 30 puntos 2. Batay sa mga pangyayari sa parabula at sa kasalukuyan, bumuo ng isang HUGOT. Isulat sa nakalaang kahon sa ibaba ang iyong nagawa at disenyuhan upang higit na maging kaaya-aya. PAMANTAYAN: Kategorya Kaukulang Marka ng Guro Puntos 1. Nilalaman 10 puntos 2. Kawastuhan ng mga salita 10 puntos 3. Pagiging malikhain 10 puntos KABUOAN 30 puntos Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating aralin. Binabati kita! Hanggang sa muli nating talakayan! City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 8 Susi sa Pagwawasto Sanggunian Panitikang Asyano 9 (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino) City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 9 Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Linda A. Delgaco (Guro, KNHS) Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL) Lawrence Dimailig (Guro, MSHS) Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino) Tagasuri Panlabas: Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS) Tagalapat: Tagapamahala: Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala Elisa O. Cerveza Hepe – Curriculum Implementation Division Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala Galcoso C. Alburo Superbisor sa Filipino Ivy Coney A. Gamatero Superbisor sa Learning Resource Management Section City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE

Use Quizgecko on...
Browser
Browser