Filipino 2nd Quarter Notes PDF

Summary

These notes cover various aspects of reading, including definitions, theories, and strategies. They discuss different perspectives on reading, from authors like De Leon, Badayos, Johnson, and Baltazar. Focuses on the Filipino language. Useful for students.

Full Transcript

Filipino Second Quarter Notes ★ Pagbasa ○ Pagpapakilala sa Pagbasa ➝ Sipi mula kay Gustave Flaubert: “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog na pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”...

Filipino Second Quarter Notes ★ Pagbasa ○ Pagpapakilala sa Pagbasa ➝ Sipi mula kay Gustave Flaubert: “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog na pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.” ➝ Ang pagbasa ay isa sa limang makrong kasanayang natututuhan ng isang tao at ito ay mahalaga sa pag-angat ng kakayahang intelektuwal at sa pagpapabuti sa katauhan ng isang indibidwal ➝ Si William S. Gray ang “Ama ng Pagbasa” ○ Mga Kahulugan ng Pagbasa ➝ De Leon (2018): Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwikang tulay ng mga mag-aaral upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pang-unawa sa teksto Mahalaga ang pagbasa sa iba pang makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood Nagbibigay ito ng kakayahang makabuo ng kaisipan, makapagpahayag ng damdamin, at maayos na komunikasyon sa lahat ng disiplina o larang Another definition by De Leon (2018): Ang pagbasa ay isang proseso ng interaksyon ng mambabasa at may-akda sa pamamagitan ng teksto Sa tulong ng dating kaalaman (prior knowledge) at ng mga ideya o konsepto (schema) ng mambabasa tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid at sa paksang binabasa, nauunawaan ng mga mag-aaral ang binabasa nila English: Basically, according to De Leon, reading is a language skill (kasanayang pangwika) and an interaction between the reader and the author ➝ Badayos (1999): Ang tagumpay o kabiguan ng mga mag-aaral sa pagbasa ay repleksyon ng kanilang estratehiya at ganap na pag-unawa kung ano ang pagbasa Ang estratehiya sa pagbasa ay mahalaga para sa maayos na pag-unawa English: What Badayos meant was that students’ strategies in reading determine their success or failure in understanding what they read ➝ Johnson (1990): Ang pagbasa ay isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan Sumang-ayon sa depinisyon ni Badayos (1999) Binibigyang-diin ang mahalagang gampanin ng isang mambabasa sa pagkilala ng mga kasanayan sa pagbasa na makakatulong sa kaniya sa lalong ikauunawa ng binabasa English: According to Johnson, reading is a complex activity that requires both conscious and unconscious use of strategies or skills ➝ Baltazar (1986): Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larang ng pamumuhay 90% ng kaalaman ng tao ay nagmumula sa karanasan sa pagbasa Makikita rito ang aplikasyon kung ang isang tao ay alam niyang isabuhay o gamitin sa makabuluhang gawain sa pang-araw-araw ang mga natutuhan mula sa mga binabasa English: Baltazar claims that reading is a tool for learning knowledge about various aspects of life ➝ Goodman (1967): Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa Ang gawaing ito ng pagbibigay-kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, at ibayo pang pagpapakahulugan English: Goodman claims that reading is a psycholinguistic guessing game where the reader reconstructs a message or idea from the text ➝ Coady (1979): Para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto o kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto Nagbigay ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman (1967) Ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang intelektuwal ng isang tagabasa English: For a complete understanding of a text, the reader's prior knowledge must be connected to their ability to form concepts and skills in processing the information reflected in the text ➝ Borres-Alburo (2017): Ang pagbasa ay isang interaktibong gawain dahil hindi lamang tumatanggap ng mga bagong pilosopiya, konsepto at pananaw ang mambabasa ngunit nagbibigay at naglalahad din siya ng kanyang kaalaman at saloobin bilang tugon sa kanyang binabasa Mayroong interaksyon ang mambabasa sa nabasa dahil naiaaplay niya at natutugunan ang nais ipabatid ng awtor sa kanya mula sa mga naunawaang kaalaman English: Basically, reading is a give (knowledge, opinions, and feelings) and take (new philosophy, concepts, and perspectives) interactive process ➝ Mabilin et al. (2012): Ang pagbasa ay susi sa tagumpay ng isang tao lalong-lalo na sa larangang pang-akademiko Ito ay pangunahing kailangan ng tao upang marating ang kanyang mga pangarap o mga minimithi sa buhay English: Reading is the key to success ➝ Arrogante et al. (2007): Ang pagbasa ay natutugunan kung alam ng isang mambabasa na iproseso, tanggapin, at iinterpret ang mga impormasyong nakakoda sa tulong ng anyo ng wika at limbag na midyum Tunay na nakapagpatalas sa isipan ang pagbasa Ang tagumpay ng tao sa akademikong larangan ay hindi lamang para sa sarili, kundi para na rin pamilya, bayan, at lipunan English: A reader must be able to process, comprehend, and interpret coded information through language and printed media ➝ Sicat-De Laza (2016): Ang pagbasa bilang isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan Binibigyang linaw dito na ang proseso ng pagbasa ay nangangailangan ng patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad, at pagpipino sa kasanayan Kailangan ang pagiging malikhain at pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip sa pagbabasa English: Basically, reading is a complex cognitive process that requires continuous practice, critical thinking, and creativity to derive meaning from symbols, going beyond mere translation of text into speech ➝ Anderson et. al (1985) in the book Becoming a Nation of Readers: Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto Ito ay isang kompleks na kasanayang nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon English: Anderson et. al state that reading is a process of constructing meaning from written texts ➝ Wixson et. al (1987) in the article New Directions in Statewide Reading Assessment: Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo sa kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon ng imbak na kaalaman ng mambabasa, impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa at konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa English: This definition basically describes reading as a process of constructing meaning through the interaction of the reader's background knowledge, the information provided by the text, and the reading context ➝ Bond and Tinker (1967): Upang maisakatuparan ang interaksyon ng imbak na kaalaman sa impormasyong binabasa, kailangan ang rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na simbolo na nagiging stimuli upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kahulugan o karunungan mula sa karanasan ng mga mambabasa English: Recognizing written symbols is crucial for the interaction between a reader's background knowledge and the information in the text ➝ Bernales et. al (2001): Ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyong nagiging daan sa kabatiran at karunungan Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin, at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay Ang mga karanasang ito ay nagiging gabay ng bawat isa tungo sa pagharap ng mga hamon sa buhay English: Bernales et. al state that reading provides information that leads to knowledge and wisdom and serves as a source of entertainment, enjoyment, adventure, and problem-solving, offering various life experiences that guide individuals in facing life's challenges ○ Kahalagahan ng Pagbasa ➝ Mula kina Romero (2004) at De Leon (2018) Nakapagbibigay ng impormasyon - Ang pagbasa ay susi ng pintuan tungo sa iba’t ibang sangay ng karunungan Ang pagbasa ay isang kaaya-ayang anyo ng paglilibang - Ayon kay Bennet Cerf, ang pinakamiserableng tao sa mundo ay yaong hindi nasubukan o natutuhang magbasa sa kanilang buhay dahil ang magbasa ay kaligayahan Ang mga babasahing pinagtutuunan ng mambabasa ay nagdudulot ng inspirasyon - May mga babasahing nagbibigay inspirasyon sa mga bumabasa lalong lalo na kung kinapapalooban ito ng mga taong may di-kaaya-aya o di-pinalad na nakaraan, mga suliranin, pighati, at kabiguang masusi nilang napagtagumpayan Ang pagbabasa ay maaaring maging isang anyong panlunas - Maituturing na panlunas ang pagbabasa, lalo na ang mga akdang nagpapalubag-loob sa pagdadalamhati, nagbibigay ng payo sa panahon ng suliranin, at nagbibigay-sigla sa kalungkutan ➝ Mula kina Leyson et al. (2007) as cited by Borres-Alburo (2017) Pangkaalaman - Ito ay nakapagpapalawak ng kaalaman at nakapagpapatalas sa isip ng tao Pampaglalakbay-diwa - Malawak ang imahinasyon ng tao, sa pamamagitan ng pagbabasa para lang din siyang nakarating sa ibang mundo Pangmoral - Ang pagbabasa ay nakapag-impluwensya ng tamang pag-uugali at kilos tulad ng mga aral sa buhay na nararapat pamarisan Pangkasaysayan - Naiintindihan ng tao ang nangyayari noon at ang patuloy na nangyayari ngayon para sa paghahanda sa maaari pang mangyari Pampalipas-oras - Nakaaalis ng pagkabagot ang pagbabasa ng komiks, magasin, isports, at iba pa Pangkapakinabangan - Nakatutulong ito sa pagtuklas ng mga matatayog na mga kaalaman na maaaring sandata ng tao para guminhawa ang buhay ➝ Mula kina Bernales et. al (2001), ang pagbasa ay: Gintong susi - Nagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan Tiket sa paglalakbay - Nagdadala sa mga lugar na nais marating at pagkilala sa bantog na tao Nakakaantig ng damdamin - Nagbabago ng saloobin at layunin sa buhay; nagsisilbing lunas sa suliranin at kahinaan Nagsasalamin sa buhay ng iba - Nauugnay ang karanasan ng ibang tao sa sariling buhay ○ Mga Katangian ng Pagbasa ayon kay Villamin (1998) ➝ Proseso - Ang pagbasa ay isang malamlam ngunit komplikadong proseso Nasasangkot ang pandama, pangunawa, kakayahang magsagawa, at katotohanan ang pagbabasa ay para sa mga mambabasa Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip ➝ Ginintuang Susi - Ang pagbasa ay nakakatulong sa pagkakaroon ng kaalaman at kasiyahan Maaaring maging pinakaubod ng kaligayahan ng isang tao ➝ Aktibong Usapan - Ang pagbasa ay isang interaksyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa ➝ Daan ng Pagmumuni-muni - Ang pagbasa ay nagsisilbing daan ng tao sa kanyang mundo, at sa mundong hindi pa nababatid ➝ Titik at Salitang Nakalimbag - Ang pagbasa ay nagsasangkot ng pagkilala at kakayahang mabasa ang mga simbolo ➝ Mensahe - Ang tunay na pagbabasa ay ang pag-unawa sa mensahe ng teksto ➝ Wika - Ang pag-unawa sa teksto ay matatamo kung nauunawaan ang wikang ginamit sa teksto ➝ Balangkas - Ang magaling na mambabasa ay may kakayahang makaramdam at umunawa sa estruktura at organisasyon ng tekstong binabasa ○ Mga Layunin ng Pagbasa ayon kina Arrogante et. al (2003) Dalawang Pangunahing Layunin ng Pagbasa Makakuha ng Maraming Impormasyon Mapalawak at Magpalalim ang Pag-unawa Nagagawa ito sa Karaniwang hindi kinasisiyahan dahil pang-araw-araw gaya ng mabigat ang mga materyal na pagbabasa kailangang basahin Matataas na ang antas ng nilalalaman Magaan o madali lamang nito at kailangan ang kakayahang unawain at hindi gaanong umunawa ng bumabasa pinag-iisipan Hinahamon ang mga mambabasa na Pareho lamang ito sa sa mag-isip para tuklasin ang mga ordinaryong pag-unawa nakapaloob na impormasyon Maituturing na isang paraan Ginagamit ang malarong imahinasyon, ng pampalipas-oras matalas na pagmamasid, matalinong panunuri at pagiging masigasig ○ Mga Uri ng Pagbasa ayon kay Magracia (2017) ➝ Iskiming (Skimming) - Ginagawa upang madaling makalap ang pinakamahalagang impormasyon Layunin: Makakuha ng pinakabuod o pinakaideya ng teksto Halimbawa: Mabilisang pagtingin sa pahayagan upang malaman ang mga bagong pangyayari, mabilisang paghahanap ng artikulo sa magasin at mabilisang pagbasa ng pamagat at paksang pangungusap Mga Hakbang sa Iskiming: ➝ Iskaning (Scanning) - Ginagamit upang hanapin ang isang partikular na impormasyong kinakailangan Layunin: Hanapin ang tiyak na impormasyon tulad ng iskedyul ng klase, seminar, o destinasyon ng biyahe Halimbawa: Paghahanap ng teoryang gagamitin sa isang pag-aaral sa pamamagitan ng mga kaugnay na salita Kagamitan sa Speed Reading: Malaking bahagi ng babasahing materyal ang mabilisang dinadaanan ng mata upang hanapin ang tiyak na impormasyong kailangan gaya ng tiyak na pangalan, petsa, estadistika, o patunay/katotohanan nang hindi na binabasa ang kabuuang artikulo Mga Hakbang sa Iskaning: ➝ Ekstensibo o Masaklaw na Pagbasa - Pagbasa para sa kasiyahan at aliw Layunin: Magpalipas ng oras sa pamamagitan ng pagbabasa Halimbawa: Paboritong nobela, komiks, magasin, at mga librong may kinalaman sa negosyo, pagtatanim, pagpapaganda, atbp. Katangian: Hindi nangangailangan ng malalim na pag-unawa; isang magaan na gawain ➝ Intensibo o Masinsinang Pagbasa - Pagbasa para sa masusi at malalim na pag-unawa Layunin: Mahalaga ang pag-unawa sa bawat salita, numero, at katunayan Halimbawa: Kabilang ang pagbasa ng mga tekstong tulad ng kontrata, report sa gastusin, affidavit, batas, at insurance Katangian: Kailangan ng mas mahabang oras kaysa iskiming, iskaning, o ekstensibong pagbasa Benepisyo: Tumutulong sa pag-unawa sa bokabularyo at retensyon ng impormasyon ○ Proseso ng Pagbasa Apat na Hakbang sa Pagbasa para kay William S. Gray Persepyon Komprehensyon Aplikasyon Integrasyon/Asimilasyon Pagkilala at Pag-unawa sa Paglalapat ng Pag-uugnay ng bagong pag-unawa sa mga binabasa kaalaman sa tunay kaalaman sa nakaraan salitang nakalimbag na sitwasyon ○ Mga Teorya ng Pagbasa ayon kay Cedre (2016) ➝ Bottom-Up (Baba-Pataas) Theory - Pag-unawa mula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up) Tawag: Outside-in o data-driven Punto: Ang kahulugan ay batay lamang sa nakasulat sa teksto ➝ Top-Down (Taas-Pababa) Theory - Ang mambabasa (top) ay nakabubuo ng ideya hango sa binasang akda (bottom) Tawag: Inside-out o conceptually-driven Punto: Ang pagbasa ay holistic dahil nagagamit ang damdamin sa pag-unawa ➝ Interaktibo - Pinagsanib na bottom-up at top-down Mga Punto: ○ Pagbibigay diin sa pag-unawa bilang proseso, hindi produkto ○ Interaksyon ng mambabasa at manunulat ○ Pag-uugnay ng sariling karanasan at kuru-kuro sa tekstong binabasa ➝ Iskema (pl. Iskemata) - Kolektibong kaalaman o karanasan na nakaimbak sa isipan Mga Punto: ○ Bagong impormasyon ay nauugnay sa umiiral na iskema ○ Ang bagong natutunan ay iniimbak at ginagamit sa pagbibigay-kahulugan sa binabasa ★ Pagtukoy at Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye ○ Mga Kahulugan ➝ Paksa - Ang ideyang pinagtutuunan ng pansin ng isang teksto Mahalaga para sa pag-unawa ng kabuuan ng teksto ➝ Pangunahing Ideya - Ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng teksto Nagbibigay ng central na mensahe na nais iparating ng may-akda ➝ Pansuportang Detalye - Mga pangungusap na nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon kabilang ang petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos, estadistika atbp. ★ Pagtukoy sa Layunin ng Teksto ○ Mga Layunin Manghikayat Magbigay ng Mang-impluwensiya impormasyon Mangaral Magbahagi ng isang Magtanggol paniniwala o prinsipyo Mang-aliw Magturo ng kabutihang Manlibang asal at iba pa ○ Ang Tekstong Impormatibo Ayon Kina Dulatre at Atanacio (2016) ➝ Kahulugan: Ito uri ng babasahing di-piksyon at may katangiang makatotohanan dahil pinagbabatayan nito ang kaalaman (pag-aaral, pananaliksik, eksperimento, o karanasan) ➝ Layunin ng Tekstong Impormatibo: Maghatid ng kaalaman, magpaliwanag ng mga ideya, magbigay-kahulugan sa mga ideya, maglatag ng mga panuto o direksyon, ilarawan ang anumang bagay na ipinaliliwanag, at/o magturo ➝ Paraan ng Pagkasulat: Maaaring nasa wikang daling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang teknikal at maaari ring magkaroon ng biswal na representasyon gaya ng mapa, tsart, grap, at talahanayan ➝ Mga Halimbawang Akda na Mayroong Tekstong Impormatibo: Mga sangguniang aklat tulad ng Komentaryo mga ensayklopedya, almanak, Polyeto o brochure batayang aklat, at dyornal Suring-papel Ulat Sanaysay Pananaliksik Mungkahing proyekto Artikulo Balita ➝ Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo: Kadalasang gumagamit ng hulwarang organisasyon Kahulugan Pagsusuri Sanhi at Bunga Pag-iisa-isa Paghahambing Suliranin at Solusyon ➝ Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo: Tingnan ang sumusunod Layunin ng may-akda Mga pangunahin at pansuportang ideya Hulwarang organisasyon Talasalitaan Kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto ★ Pagtiyak sa Damdamin, Tono, at Pananaw ng Teksto ○ Mga Kahulugan ➝ Damdamin - tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto tulad ng tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot at iba pang emosyon o damdamin ➝ Tono - tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat at maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiriko, paghanga, at iba pa ➝ Pananaw (Point of View) - tinatawag din na punto de vista, ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda Ito ang sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?” Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga panghalip na ginamit sa teksto gaya ng sumusunod na halimbawa: ○ Unang panauhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami ○ Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka, iyo, kita, kayo, inyo, ninyo ○ Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kaniya, sila, nila, kanila ★ Katotohanan vs. Opinyon ayon kina Alejo et. al (2015) ○ Mga Kahulugan ➝ Katotohanan - isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapasusubalian kahit sa ibang lugar Mga Palatandaan: ayon sa/ kay, batay sa resulta, pinatutunayan ni, sinabi ni, mula sa/ kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa, atbp. ➝ Opinyon - isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba Mga Palatandaan: aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin, atbp. ★ Pagsusuri sa Kawastuhan ng Ideya at Pananaw ○ Pagtukoy kung Valid o Hindi Valid ayon kay Rufino Alejandro (n.d.) ➝ Paliwanag - isang paglalahad ng kaugnayan ng mga bagay sa kabuuan o paglilinaw sa kahulugan ng isang pananalita o ng isang bagay ➝ Paghahambing o Pagtutulad - ipinakilala ang mga pagkakahawig ng isang bagay na kilala na o mauunawaan at pinaniniwalaan ➝ Paghahalimbawa - higit na mabisa o valid ang halimbawang hango sa tunay na pangyayari kaysa sa halimbawang palagay lamang ➝ Pagbanggit sa mga Tunay na Pangyayari - ang mga ito ay hindi na ikinukuwento, sapat na ang banggitin na lamang ➝ Estadistika - sa paggamit ng estadistika, tiyakin ang mga numero o bilang na gagamitin ay may mahalagang kaugnayan sa kaisipang pinatitibayan o may tiyak na kahulugang ipinakikilala ★ Paghihinuha (Inferring) at Paghuhula (Predicting) ○ Tekstong Naratibo ➝ Ito uri ng tekstong nagsasalaysay ng mga pangyayari Maaaring totoong naganap ang mga pangyayari, kaya’t kapani-paniwala, o likhang-isip lamang ang kuwento Nagpapakita ng mga kaalaman tungkol sa tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa mga tiyak na panahon Pinadadaloy ang mga pangyayari ayon sa nais ng manunulat Sa pagsasalaysay, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng imahen sa kanyang isip Binibigyang diin ang takbo ng mga pangyayari, lalo na ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito ○ Katangian at Sangkap sa Pagsasalaysay ➝ Magandang Pamagat Gumigising ng kawilihan at pananabik, maikli at hindi nagbubunyag ng wakas ➝ Mahalagang Paksa Dapat magkaroon ng kahalagahan at mag-iwan ng kakintalan, at may lalim ang paksang isinasalaysay ➝ Kawili-wiling simula Dapat ay simulan agad sa kilos o galaw at iwasan ang maligoy na pasimula ➝ Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari May magandang pagkakatagni-tagni at maayos na kabuuan ang salaysay, nakapaloob ito sa isang balangkas ★ Pagbuo ng Lagom at Konklusyon ○ Pagbubuod ➝ Ito ay isang paraan ng papapaikli ng anumang teksto o babasahin at paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa ➝ Mga Katangian ng Buod: Hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda Walang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa Pinapanatili ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda ➝ Pamantayan sa Pagsulat ng Buod Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata Isulat ang buod sa paraang madaling unawain Gumamit ng sariling pananalita Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda ○ Pagbuo ng Konklusyon ➝ Ito ay isang paraan ng pangangatwirang ibinatay sa resulta ng pagmamasid ng mga tiyak na pangyayari o kaisipan ➝ Mga Katangian ng Konklusyon: Nasa huling seksyon ng pananaliksik Layunin ay pagtibayin ang mga dahilan bakit mo isinulat ang iyong papel Makikita ang mga mahahalagang puntos na tinalakay sa akda ○ Editoryal (o Pangulong-Tudling) ➝ Tinatawag na kaluluwa sa publikasyon, ito ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan at kumakatawan sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan Layunin ng Editoryal: ○ Magpabatid ○ Magpakahulugan ○ Magbigay-puna ○ Magbigay-puri ○ Manlibang ○ Magpahalaga sa natatanging araw Mga Bahagi ng Editoryal: ○ Pamagat - Ito ay nagbibigay ng pahiwatig sa nilalaman ng editoryal ○ Panimula - Ito ay naglalaman ng batayang balita at reaksyon, at ang kawalan ng reaksyon dito ay nangangahulugang ang akda ay hindi editoryal kundi isang sanaysay lamang ○ Katawan - Inilalahad dito ang mga detalye ng mga opinyon ng pahayagan at ang mga katotohanang patibay nito tungkol sa isyu ○ Konklusyon - Naglalaman ito ng pinakamahalagang kaisipan o direksyon na maaaring konkretong solusyon, payo, pakiusap, utos, mapaghamong tanong, hula ng naging bunga o simpleng pagbubuod

Use Quizgecko on...
Browser
Browser