Pagbasa at Pagsusuri PDF

Summary

This document provides an overview of different types of texts, including descriptive, expository, persuasive, and argumentative texts, in Filipino. It also discusses the key points of effective Filipino writing and the usage of linking expressions in Filipino. It could be useful for language students or educators.

Full Transcript

Pagbasa at Pagsusuri Tekstong Deskriptibo - tekstong naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong naglalarawan sa katangian ng tao, bagay, lugar at pangyayari ng madalas nasaksihan ng tao sa kanyang paligid Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo 1.​ Reperensiya - ito...

Pagbasa at Pagsusuri Tekstong Deskriptibo - tekstong naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong naglalarawan sa katangian ng tao, bagay, lugar at pangyayari ng madalas nasaksihan ng tao sa kanyang paligid Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo 1.​ Reperensiya - ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumutukoy sa paksang pinag-uusapan 1.1Anapora - nauuna ang pangngalan at sinusundan ito ng panghalip Halimbawa: Aso and gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan 1.2 Katapora - nauuna ang panghalip at sinusundan ito ng pangngalan Halimbawa: Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Si Bella, ang panganay kong anak 2.​ Substitusyon - paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili malang kita ng bagong libro. 3.​ Ellipsis - may binabawas na bahagi ng salita sa pangungusap Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo 4.​ Pang-ugnay - nagagamit ang pang-ugnay tulad ng at, sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala at pangungusap sa pangungusap Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang 5.​ Kohesyong Leksikal - ito ang mabibisang salitang ginagamit sa teksto 5.1 Reiterasyon - kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses 5.1.1 Paguulit o Repetisyon (Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang) 5.1.2 Pagiisa-isa (Halimbawa: Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya) 5.1.3 Pagbibigay kahulugan (Halimbawa Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa pamilya ng mga dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisantabi kapalit ng ilang baryang iaakyat nila para sa hapag-kainan) 5.2 Kolokasyon - mga salitang nagagamit nang magkapareha o magkasalungat na may kaugnay sa isa;t isa Halimbawa nanay - tatay, doktor - pasyente, puti - itim, guro - magaaral, maliit - malaki Tekstong Prosidyural - sa kasalukuyang panahon kung saan D.I.Y. na ang uso sa atin, pagsulat at pagsunod sa tekstong prosidyural, nararapat nating linangin -​ Tekstong Expository -​ Naglalahad ng mga serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan -​ Nagpapaliwanag kung paano ginagawa ang isang bagay -​ Maipabatid ang wastong hakbang na dapat isagawa upang maging maayos ang anumang gawain Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsusulat ng Tekstong Prosidyural -​ Gumamit ng mga payat o simpleng salitang madaling maunawaan -​ Maging tiyak sa paglalahad ng mga panuto o hakbang na dapat sundin -​ Bigyan ng diin ang mga detalyeng kinakailangan upang masunod ang mga gawain -​ Pagtuonan ng pansin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang nang hindi malito ang magsasagawa nito Tekston Persuweysib - May mga pagkakataong kailangang manghikayat ng iba, kaya pagbuo ng mahusay na tekstong persuweysib ay mahalaga -​ Manghikayat at mangumbinsi -​ Mabago ang takbo ng isip ng mambabasa o tagapakinig -​ Ginagamit ito sa iskrip ng patalastas, propaganda sa eleksyon, pagrerekrut para sa isang samahan o networking Propaganda Devices 1.​ Name Calling - ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi ito tangkilikin 2.​ Glittering Generalities - ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produkto 3.​ Transfer - paggamit ng isang sikat na personalidad upang MAILIPAT sa isang produkto o tao ang kasikatan 4.​ Testimonial - kapag ang isang sikat na personalidad ay TUWIRANG nagendorso ng isang tao o produkto 5.​ Plain Folks - karaniwan itong ginagamit sa kampanya kung saan ang kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo 6.​ Card Stacking - ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian 7.​ Bandwagon - panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na o tumatangkilik na Ethos (Etika) - tumutukoy sa KREDIBILIDAD ng isang manunulat o tagapagsalita Pathos (Emosyon) - tumutukoy ito sa gamit ng EMOSYON o damdamin upang mahikayat ang mga mambabasa o tagapakinig Logos (Lohika) - tumutuko sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa o tagapakinig Tekstong Argumentatibo - “kung nais patunayan ang isang punto, ilahad ito ng malinaw sa isang tekstong argumentatibo” Teddy Benigno - batikang manunulat ng isang sikat na peryodiko, nagsimula siya bilang manunulat ng sports at naging boksingero rin Randy David - isa siyang respetadong kolumnista, sociologist, professor, television host, at nakapagsulat na rin ng maraming aklat Solita Monsod - kilala sa taguring MARENG WINNIE, isa siyang broadcaster, host, ekonomista, at manunulat na naging director-heneral ng NEDA NEDA - National Economics and Development Authorities Jarius Bondoc - isang matapang na kolumista at komentarista sa radyo. Pinarangalan bilang JOURNALIST OF THE YEAR noong 2013 Tekstong Argumentatibo - ito ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katwiran -​ Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinaguusapan -​ Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagkalap ng mga datos o ebidensya Ang Tekstong Argumentatibo ay… -​ Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon -​ Nakahihikayat dahil sa morito ng ebidensya -​ Obhetibo Ang Tekstong Persuweysib ay… -​ Nangungumbinsi batay sa opinion -​ Nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng may akda -​ Subhetibo Ang Tekstong Argumentatibo at Persuewsib ay parehong… -​ Layunin nitong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig -​ Layunin nitong kunin ang panig ng mga mambabasa Mga Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatiboi -​ Mahalaga at napapanahon na paksa -​ Maikli ngunit malaman at malinaw -​ Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumentatibo -​ Matibay na ebidensya para sa argumentatibo Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo 1.​ Pumili ng paksang isusulat sa tekstong argumentatibo 2.​ Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito 3.​ Mangalap ng Ebidensiya -​ Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon -​ Ito ay maaaring makuha sa artikulo, mga isinagawang pagaaral o pananaliksik sa isang paksa, editoryal, libro, internet 4.​ Gumawa ng borador (Draft) -​ Unang talata: Panimula -​ Ikalawang talata: kaligiran o kondisyon o sitwasyong nagbibigay daan sa paksa -​ Ikatlong talata: Ebidensyang susuporta sa posisyon -​ Ikaapat na talata: Counterargument -​ Ikalimang talata: unang konklusyon na lalagom sa iyong pagsulat 5.​ Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo -​ Matapos maitala ang mga datos na kailangan, pagtagpi-tagpiin ang mga ito 6.​ Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks -​ Alamin ang mga pagkakamali sa pagkakabaybay ng mga salita at estruktura ng wika 7.​ Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto -​ Ito ang magiging pinal na kopya

Use Quizgecko on...
Browser
Browser