ARALIN 1 - BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA PDF
Document Details
Uploaded by SpellboundMossAgate4289
Gardner College
G. Julio T. Avenido Jr.
Tags
Summary
The document provides an overview of reading comprehension, specifically focusing on fundamental knowledge. It details various theories, methods, and strategies for improving reading skills. The document is likely part of a Filipino language curriculum.
Full Transcript
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ARALIN 1: BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA G. JULIO T. AVENIDO JR. Guro sa Filipino LAYUNIN Natatalakay ang katuturan, kalikasan at ilang batayang kaalaman sa pagbasa...
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ARALIN 1: BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA G. JULIO T. AVENIDO JR. Guro sa Filipino LAYUNIN Natatalakay ang katuturan, kalikasan at ilang batayang kaalaman sa pagbasa bilang isang kasanayang pangkomunikasyon; Naiuugnay ang konsepto ng metakognisyon sa kaniyang pagbasa; at Nakapagsasagawa ng mga pagsasanay sa pagbasa batay sa tinatalakay na mga proseso, teorya at dimensyon. DEPARTAMENTO NG FILIPINO Isinayaw nang isinayaw ng Mayamaya’y mamamanhikan mananayaw ang sayaw na si Aman sa mayamang si Maya isinasayaw ng mga malamang sa harap ng mananayaw. maraming mamamayan. Pinaputi ni Tepiterio ang Kakakanan lang sa kangkungan pitong puting putong sa may kakahuyan si Ken Ken patong patong. habang kumakain ng kakaibang kakanin kahapon. DEPARTAMENTO NG FILIPINO PAGBASA? DEPARTAMENTO NG FILIPINO KATUTURAN AT KALIKASAN NG PAGBASA Ang Pagbasa ay… Pagkilala at pagkuha ng mga kaisipan mula sa mga nakalimbag na sagisag o simbolo. Pag-unawaa sa wika ng awtor. Paraan ng pagkilala, pagpapahalaga at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag (Austero et.al. 2001) Bahagi ng pakikipagtalastasan kaugnay sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat (Bernales et.al. 2001) DEPARTAMENTO NG FILIPINO KATUTURAN AT KALIKASAN NG PAGBASA Ayon kay William Gray, ang pagbasa ay interaksiyon ng mambabasa at ng nakalimbag na wika kung saan ang mambabasa ay nagtatangkang bumuong muli sa kaniyang pagkakaunawa sa mensahe ng manunulat. Goodman (Badayos 1999), ang pagbasa ay isang “psychplinguistic guessing game”. DEPARTAMENTO NG FILIPINO KATUTURAN AT KALIKASAN NG PAGBASA Kakayahang Pangkaisipan Dating Kaalaman Mga Estratehiya sa Pagproseso ng Impormasyon Modelo ng Isang Tagabasa (Coady, 1979) DEPARTAMENTO NG FILIPINO KATUTURAN AT KALIKASAN NG PAGBASA Ayon kay William Gray, ang pagbasa ay interaksiyon ng mambabasa at ng nakalimbag na wika kung saan ang mambabasa ay nagtatangkang bumuong muli sa kaniyang pagkakaunawa sa mensahe ng manunulat. Goodman (Badayos 1999), ang pagbasa ay isang “psychplinguistic guessing game”. DEPARTAMENTO NG FILIPINO PROSESO NG PAGBASA Ang Proseso ng Pagbasa ay mailalarawan sa pamamagitan ng Reading Dynamics. Ito ay maaaring talakayin sa pamamagitan ng layunin, estratehiya at bunga (Milrood 1999). DEPARTAMENTO NG FILIPINO PROSESO NG PAGBASA Mga Katingaan sa Proseso ng Pagbasa (Romero, 1985) a. isang kompleks na Gawain. b. prosesong two-way. c. prosesong Biswal. d. isang aktibong proseso. e. ginagamit ng sistemang pangwika na tumutulong sa mambabasa na maging epektibo sa paggagamitan ng wika sa pagsulat. f. Nakasalalay sa dating kaalaman at karanasan ng mambabasa DEPARTAMENTO NG FILIPINO PROSESO NG PAGBASA Mga Hakbang sa Proseso ng Pagbasa (William Gray) 1. Persepsyon o pagkilala ng mga salita o simbolismong nakalimbag. 2. Komprehensyon o pag-unawa sa mensahe ng tekstong binasa. 3. Reaksyon sa mga argumentong inihain ng teksto. 4. Integrasyon o ang aplikasyon ng mga kaalamang natutuhan. DEPARTAMENTO NG FILIPINO MGA URI NG PAGBASA Sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa, makatutulong sa mga mag-aaral ang kaalaman sa iba’t ibang pattern ng pagbasa ayon sa pag-aaral nina Bandiel, Austero at De Castro (1999); 1. Mabisang Pagbasa (skimming) 2. Pahapyaw na Pagbasa (scanning) 3. Pagsusuring Pagbasa (analytical reading) 4. Pamumunang Pagbasa (critical reading) 5. Tahimik na Pagbasa (silent reading) 6. Pasalitang Pagbasa (oral reading) 7. Kaswal na Pagbasa (casual reading) DEPARTAMENTO NG FILIPINO MGA TEORYA NG PAGBASA Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay at malinaw na pag- unawa sa proseso ng pagbasa. 1. Teoryang Bottom-up Ang pagbasa ay pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat sa simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (response). DEPARTAMENTO NG FILIPINO MGA TEORYA NG PAGBASA Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay at malinaw na pag- unawa sa proseso ng pagbasa. 2. Teoryang Top-down Ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang nagpapasimula ng pagkilala niya teksto at kung wala ito, hindi mabibigyang- kahulugan ang anumang babasahin. DEPARTAMENTO NG FILIPINO MGA TEORYA NG PAGBASA Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay at malinaw na pag- unawa sa proseso ng pagbasa. 3. Teoryang Interaktib Ito ay nagsasaad na ang dalawang teoryang nauna ay hindi puwedeng paghiwalayin sapagkat mas nakatutulong sa mambabasa kung gagamitin o pagsasamahin ang dalawang teorya na top-down at bottom-up. DEPARTAMENTO NG FILIPINO MGA TEORYA NG PAGBASA Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay at malinaw na pag- unawa sa proseso ng pagbasa. 4. Teoryang Eksema Paglilinaw sa organisasyon at pag-iimbak ng ating dating kaalaman at mga karanasan. Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng ating natutuhan at nararanasan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad ayon sa kategorya. DEPARTAMENTO NG FILIPINO MGA KASANAYAN SA PAGBASA 1. Pagkuha ng pangunahing ideya 2. Pagkilala sa mahalagang impormasyon o detalye 3. Pagsusuri ng pagkakabuo o organisasyon ng binasa 4. Pagtukoy sa sanhi at bunga LIMANG DIMENSYON NG PAGBASA 1. Pag-unawang Literal 2. Pagbibigay ng Interpretasyon 3. Mapanuring Pagbasa 4. Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbasa 5. Pagpapahalaga (Appreciation) DEPARTAMENTO NG FILIPINO MGA ASPEKTO NG PAGBASA 1. Kognitibong Aspekto ng Pagbasa 2. Komunikatibong Aspekto ng Pagbasa Ginagamit na kasangkapan o instrumento ang wika sa pakikipagtalastasan. 3. Panlipunang Aspketo ng Pagbasa Impluwensiya ng lipunan sa pagbasa. DEPARTAMENTO NG FILIPINO METAKOGNITIV NA PAGBASA Paglinang ng kahusayan sa pagbasa at pag-unawa sa binabasa sa pamamagitan ng paglikha ng mga tanong. “Ang metakognitiv na pagbasa ay tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatutuo” – Baker at Brown (1980) “… maaaring gumawa ng kategorya sa pagbuo ng mga tanong na saklaw sa kognitibong kaalaman.” - Benjamin Bloom DEPARTAMENTO NG FILIPINO METAKOGNITIV NA PAGBASA Ang batayan ng metakognitiv na estratehiya ay: 1. Pag-uugnay ng bagong impormasyon sa dating kaalaman 2. Sadyang pagpili ng estratehiyang pangkaisipan 3. Pagpaplano, pagmomonitor at pagtataya sa prosesong pangkaisipan sa napiling estratehiya “pinatnubayang pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampanan ang pagmamahala sa pinakamataas na kaisipan” - Ciardiello (1998) DEPARTAMENTO NG FILIPINO ANTAS NG PAGBASA Tinukoy ni Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang aklat na How To Read a Book ang apat na antas ng pagbasa; 1. Primarya 2. Mapagsiyasat (inspectional) 3. Analitikal (analytical) 4. Sintopikal (syntopical) DEPARTAMENTO NG FILIPINO PAGLINANG NG TALASALITAAN 1. Bigkasin ang salita 2. Suriin ang estruktura ng salita 3. Pag-aralan ang konteksto 4. Komunsulta sa diksyonaryo APAT NA KAHULUGANG NAKAPALOOB SA TEKSTO 1. Konseptuwal 2. Proposisyunal 3. Konsteksuwal 4. Pragmatiko DEPARTAMENTO NG FILIPINO APAT NA KAHULUGANG NAKAPALOOB SA TEKSTO 1. Konseptuwal Ito ang pansariling kahulugan ng isang salita. 2. Proposisyunal Ito au ang pansariling kahulugan ng isang pangungusap 3. Konsteksuwal Ito ay ang kahulugang taglay ng pangungusap kung nasa isang kalagayan o konteksto. 4. Pragmatiko Ito ang kahulugan ng pangungusap batay sa interaksyon ng awtor at ng mga mambabasa. DEPARTAMENTO NG FILIPINO PAGLINANG NG TALASALITAAN ▪ A. Sanchez, R., LL. B. ,. Ed. D. (2023). Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. ▪ M. Dayag, A., & G. Del Rosario, M. G. (2017). PINAGYAMANG PLUMA 11 (K to 12): Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. DEPARTAMENTO NG FILIPINO